Sofia's POV
Many days past and still wala pa ring improvements na nangyayari sa katawan ko. Wala pa ring magandang balita na natatanggap sila Mommy mula sa doctor na tumitingin at nag aalaga sa akin.
Ganun pa din na walang kahit anong pag babago . Halos mag aapat na buwan na ako sa ospital.
Nakakalungkot dahil malapit na ang bithday ko. 2 weeks from now mag cecelebrate na sana kami ng debut ko. But everything was cancelled because of what happen to me.
All of my tita's and cousins were visiting me once a month. And I'm thankfull cause they're pray for my recovery.
Nandito ako ngayon sa tabi ng mismong katawan ko. Pinagmamasdan ko kung hihigupin ba ako non pabalik pero ilang araw na rin na ganito ang ginagawa ko pero wala akong makitang pagbabago at paraan para makabalik don.
Sinusubukan ko din na sumanib pero ayaw ako tanggapin ng sarili kong katawan.
Habang nakamasid ako ay bigla nalang mayroong nakakabinging tunog akong narinig.
Nanggagaling iyon sa makinang nasa tabi ng katawan ko .
Sa sobrang gulat ko sa pangyayari dahil alam ko na ang nangyayari ay natulala na lang ako habang dahang dahang mabilis na nangyayaria ang lahat. Nakita ko nalang na pumasok yung mga nurse at doktor at nilapitan yung katawan ko. Ang tunog na nanggagaling sa makinang iyon ay ang tunog ng diretsong linya na nag mumula duon.
Hindi ko namalayang tumulo nalang ang luha ko. Pilit nilang rire revive ang katawan ko. Napalingon nalang ako ng marinig ko ang iyak ni Mommy at ate Samantha mula sa pintuan ng wartong iyon. Pilit silang pumapasok pero pinipigilan sila ng isang nurse dahil bawal silang lumapit sa katawan ko.
Dahil sa sobrang bigat ng nararamdaman ko dahil wala manlang akong magawa para makabalik at gumaling na ay lumabas ako at umiyak nalang ng umiyak duon. Pumunta ako sa salamin para makita ang katawan ko pero noong mayroong silang nakitang tao ay isinarado nila iyon. Tinignan ko yung dumaan at tumingin din iyon sa akin. Well hindi ko sure dahil wala namang nakakakita sa akin pero hindi ko namalayang tinititigan ko na pala sya.
Maputi, kulot ang buhok , matangkad, at gwapo ang lalaki na iyon. At siguro atmy kasing tanda ko lamang iyon sa tancha ko.
Sabay ng pag iwas ko ng tingin ay mabilis na rin syang nawala sa paligid ng kwarto ko na iyon.
Ibinalik ko ang atension sa nangyayari sa akin at pumasok muli pero ganon pa din ang nangyayari. Hindi ko alam kung mamamatay na ba ako ngayon pero wala pa namang puting ilaw kaya siguro ay hindi pa .
Hindi ko na kinaya ang nangyayari duon. At ayoko ring makita kung mamamatay man ako o hindi.
Kaya umalis nalang ako at naglakad kung saan man ako dadalhin ng mga paa ko.
Habang umiiyak pa rin ako ay nalaman ko nalang na nasa laruan na ako sa labas ng ospital.
Umiyak lang ako ng umiyak kahit malakas yon dahil wala namanag makaka kita sa akin o makaka rinig man.
Napaupo ako at mag lalo pa akong umiyak ng malakas. Hindi pako pwedeng mamatay ! Ayoko pa masyado pa aoong bata.
Hindi ko pa kaya. Ayoko pang iwan sila Papa at Mommy. Sila ate pa ayoko pa silang iwan. Chaka hindi pa ako nag be birthday e chaka ayoko pa din kahit nakapag birthday man ako !
"Miss pwede ba wag ka naman masyadong maingay. Kasakit kaya sa tenga. Lakas lakas ng iyak mo parang wala namang nakaka rinig sayo "Napaangat ako ng tingin ng may lumapit sa akin. 'As in sa akin ba talaga diko sure?'
Sinisigurado ko kung sa akin ba talaga siya naka tingin bago ako mag salita.
" A... Ako ba?"nauutal na tanong ko dahil naguguluhan ako.
'Nakikita ba niya ako?'
" at sino pa nga?. Ikaw lang naman ang iyak ng iyak dyan. May nakikita ka pa bang ibang umiiyak "Sabi niya kaya napatingin din ako sa paligid at ako nga lang ang nag iisang umiiyak.
Napalunok ako at napatitig nalang sa kanya.
'Panong nangyaring nakikita niya ako?'
Marami pang tanong na sumasagi sa isipan ko kaya hindi ko namalayang napatitig ako sa kanya.
Chaka siya umalis dahil siguro na wiedan sakin dahil napa titig ako sa kanya.
Pero pano naman kasing hindi. Gosh nakikita niya ako. ' Kasi dapat hindi diba?' sa isip isip ko.
Gulat na gulat pa din ako pero tumayo na ako para sundan sana yung lalaki pero kahit saang linga ko ay diko na siya makita.
'San nag punta yun ? Bilis naman niyang mawala'
Pero hinanap ko pa din sya dahil nakikita niya ako at naririnig. Kailangan ko siyang makita kasi baka matulungan niya ako kasi nga nakikita niya ako.
Patiloy lang ako sa paglalakad at pag hahanap sa kanya pero diko na talaga siya makita.
Kaya pumunta na ako sa kwarto ko.
Pero kinakabahan ako kasi pano kung patay na ako?
Hayst!
Pero ng malapit na ako sa kwarto ko ay nakita ko si Mommy na nasa labas non.
Parang hindi naman ako namantay?'
Kaya tumuloy tuloy ako at sumilip sa salamin ng kwarto ko.
"Oh my god. Thank you god..... Buhay pa din ako hayst"
Sabi ko ng makita kong stable na yung katawan ko. Naka hinga na ako ng mabuti at tinignan ko naman sila Mommy.
Bakas pa din sa mga mata nila yung takot at pag aalala sa nangyari sa akin kanina.
" Hindi ko kayang mawala si Sofia ko Samantha" rinig kong sambit ni mommy kay ate.
" Mommy malakas si Sofia. Lalaban at lalaban yan . She will never leave us. " sabi naman ni ate at ikinangiti ko iyon.
" Yes i know. Pero nag aalala pa din ako " sabi naman ni Momny.
Namimiss ko na sila. Gusto kong bumalik na sa lahat yung mga nang yayari na ito. Gusto ko na maka balik na ako sa katawan ko para di na sila nahihirapan at nag aalala sa akin.
At sumagi nanamn sa isipan ko yung lalaki kanina.
Tama baka matutulungan niya ako. Kasi nakikita at naririnig niya ako e. Baka siya yung makaka tulong sa akin.
'Pero saang lumapalop naman ng pilipinas o mundo ko siya makikita ?'
Pero basta hahanapin kovyung lalaki na yon. Pero bukas na kasi gabi na rin e. Hindi man ako nakaka ramdam ng gutom at antok. Kailangan konv manatili dito kasi nakaka takot maglibot dito sa ospital pag gabi kasi may nakikita aoong mumu e.
...
Kinabukasan...
Dumating na ang umaga at dumating na si Papa na galing sa ibang bansa kaya hindi sya naka rating kagabi.
Pero ako ay napag desisyun ko na hanapin na yung lalaki. Iikutin ko muna yung ospital kasi baka may dinalaw lang yun kahapon kaya nandito.
Kaya mag babakasakali ako na abak nadito uli siya.
Inumpisahan ko muna sa 3rd floor ng ospital. Sa taas muna ako chaka ako pababa na mag hahanap.
Pero nililinga linga ko din yung paligid ko habang papataas ako sa 3rd floor pero hindi ko siya nakita.
Sinuyod ko yung 3rd florr pero diko siya nakita.
Napa buntong hininga ako chaka pumunta na sa 2nd floor kung saan nandun yung room ko baka sakali makita ko siya don kasi doon ko din siya nakita kahapon e.
Pero wala din siya doon kaya bumaba na ako. Umikot ulit ako chaka paminsan minsan ay pumapasok o sumisilip akk sa mga kwarto doon kasi baka nasa loob e .
Minsan kasi ay mayroong room na nasa loob yung mga bantay kapag maayos na maayos na yung pasyente.
Kaya pag wala akong nakitang bantay sa labas ay sumisilip akk sa loob.
Pero nung sinuyod ko yung 1st floor ay wala pa din siya .
Kaya lumabas na ako sa playground /park sa labas ng ospital kasi baka doon yun naka tambay pero puro bata at mga yaya o mga magulang lang nila yung nandoon.
Napalinga linga ako
'' san ko namang lupalop hahanapin ngayon yun? Goshhh mahihirapan ata ako ah"
Napatingin ako sa langit at sobrang tirik ang araw kaya mamayang maka pananghali nalang siguro ako mag hahanap.
Bumalik ako sa room ko at naabitan kong nag uusap doon sila Mommy at Papa na syang nag babantay sa akin ngayon .
" marami sa mga investors ng kompanya ang nagsi atrasan dahil sa pag baba ng supply ng wines at alcohol ngayong taon. " narinig kong sabi ni Papa.
"Masyado kasing naapektuhan ng nangyaring pagkaka roon ng peste ng mga ubas. Nasira lahat ang halis sa lahat ng mga tanim natin. Nag aalala ako dahil bumababa ng bumama ang nagagawang wine ngayon. Lahat halos ng sinusupplyan natin ay hindi na masupplyan dahil doon."
Malungkot na malungkot ang mukha ni Papa sa mga nangayayari.
" Hayaan mo na dahil makaka bawi din tayo. Nakaka lungkot lang dahil hindi lang ang mga susupplyan natin at mga investors ang apektado. Pati ang mga tauhan natin sa ubasan. " Sabi namn ni Mommy.
Nakaka lungkot man ang mga nangyayari ay wala na silang magagawa. Nagyari na e.
Ang mangyayari nalang don ay kailangan nilang ibangon muli yun at ayusin lahat ng mga problema doon.
At ako ay wala manlang akong magawa kahit ang mayakap lamang sila.
Kasi dati kapag nangyayari ito ay aakapin ko lang sila i momotivate na makaka bangon at makaka bawi din kami.
Tapos aayain ko lang silang mag bonding nalang para makalimutan nila saglit yung promplema nila.
Pero ngayon ay hindi ko na yun makakaya pa. Kasi pano ko naman sila mayayakap at makaka bonding kung kaluluwa nalang ako diba?
Hayst.
....
To be continue....
So that's the Chapter 7
Thank you for reading !
❤️ 자매 고유 ❤
(So dapat ay nung isanga raw pa talaga ako mag uupdate pero nawalan ng kuyente tapos kahapo sana ay mag uupdate na din sana ako kaso nawalan ng internet so hindi nanaman ako nakapag update so ngayon ay may kuryente na at may internet na din so yun makakapag update nako haha.)
Haha yun lang bye!