Chereads / My blood / Chapter 3 - SIMULA

Chapter 3 - SIMULA

"Kuya saan tayo pupunta? Alam mo ba?" sambit ko habang nasa loob kami ng kotse ng pamilya ko.

"Pupunta daw tayo sa dagat maliligo tayo dun!" sabi ni kuya Arthur ng may tuwa.

"Ah kaya pala excited ka." sambit ko.

"Mga anak malapit na tayo sa paroroonan natin! Excited na ba kayo?" sambit ni Papa.

"Opo papa" sambit namin ni Kuya Arthur. Excited ako dahil magkakasama kaming apat mag babakasyon.

Ako si Mia pitong taong gulang na ako

at masaya ako sa araw ngayon dahil kumpleto ang pamilya ko. Kumakanta at sumasayaw kami habang nag babyahe sobrang saya namin.

"Ano bang gusto ninyong gawin kapag nandoon na tayo sa dagat?" tanong samin ni mama.

"Syempre ma gusto namin maligo doon at magkaroon pa ng maraming kabigan na makikilala doon." sabi ni kuya arthur kay mama.

Tuwang tuwa kami dahil nakikita na namin ang dagat sa bintana namin. Pagliko ng kotse namin may nakasalubong kami.

"Ahhhhhhhhh" sigaw namin.

-

Minulat ko ang mata ko at nakikita ko ang mga magulang ko na duguan at ang kuya ko walang malay. Naka suot pa ako ng seatbelt kaya't hindi ako makagalaw.

At isa pa masakit ang braso ko pati leeg ko. Bago ko man isipin ang sakit ng katawan ko inalog ko si mama at papa.

"Mama, Papa gumising kayo." sigaw ko habang inaalog sila. Ganoon din ang ginawa ko kay kuya arthur.

Walang malay si kuya arthur kaya hindi parin siya nagigising. Umiyak na ako dahil hindi na humihinga si papa at mama.

Nang maging makalma na ako nakita ko mismo ang driver ng sasakyan na bumangga saamin mukhang may edad na siya at tumungo kung saan nandito kami sa loob ng sasakyan.

Nakataob ang posisyon ng kotse na sinasakyan namin kaya't nakataob din ako. Bigla akong nawalan ng malay at nakatulog.

-

"Bata ayos ka na ba? Tinurukan kita ng vitamins para makagising ka! Ayos ka na ba?" Sambit saaking ng babae na naririnig ko lang. Hindi ko alam kung saan ako pero naririnig ko ang ingay.

Naiisip ko baka may lumigtas saamin. Minulat ko ang mga mata ko at nakita ko ang isang babaeng nakaputi at nasilawan ako.

"Nasa langit na po ba ako?" sambit ko. Natawa lamang ito at nagsalitang muli.

"Hindi ka nasa langit bata nasa ospital ka naaksidente kayo at may tumulong sainyo kaya nandito ka ngayon. Bago pa man yun tatanungin muna kita. Anong pangalan mo?" tanong ng nurse saakin.

"A-ako p-po si mia, mia reyes po pitong taon na po ako at june 11 1993 naman po ang kaarawan ko." sambit ko sa nurse habang sinusulat nya yung mga sinabi ko.

"Nga pala po kamusta po ang mga magulang ko? Pwede ko po silang makita ngayon?" tanong ko sa nurse. Ngunit hindi maiponta ang mukha niya. Malungkot siya at parang wala siyang balak na sabihin saakin kung anong nangyayari.

"Mia ano kasi, patay na ang mga magulang mo, ikaw lang ang nailigtas naming buhay. Nasa kwarto sila kung saan doon pinupunta ang mga patay at kukunin ng kamag anak kapag kailangan nila ng katawan para ilibing." sambit saakin ng nurse at paakma ng aalis.

"Sandali po gusto ko po silang makita kahit sa huling pagkita ko lang po sakanila." sambit ko at lumuluha na ang mga mata ko. Tumango ang nurse at binuhat ako para umupo sa wheelchair.

Papunta na kami kung saan sa kawrtong iyon pinunta ang mga magulang ko. Nakita ng dalawang mata ko ang pagbalot ng kumot na puti sakanilang katawan. Agad ko niyakap ang dalawa at humagulgol sa iyak.

Nang kumalma ako sumagi sa isip ko ang kuya ko. Kutob ko na buhay pa siya kaya hindi ako nagdalawang isip na tanungin ito mismo sa nurse.

"Ate nurse kumusta po ang kuya ko buhay po ba siya?" . Tanong ko pero parang nagtataka ata itong nurse sa sinabi ko. May mali ba akong sinabi para magtaka siya ng ganyan?

"Mia, may kuya ka? Ikaw lang ang nakita naming bata na kasama ng mga magulang mo. Kung may kapatid ka man wala ang kuya mo doon sa aksidente." sambit ng nurse na nagpatulala saak ng limang segundo. Inalog ako ng nurse at bumalik ako sa totoo.

"Paanong nangyari iyon? Kasama namin siya pati sa aksidente? Impossible naman na mawala ang kuya ko doon." sambit ko at nagwala. Kutob ko kasi na buhay lang ang kuya ko.

Siya lang ang pag asa ko. Nang maisipan ko ang mukha ng lalaking nagbunggo saamin ay agad kong tinanong sa nurse kung pwede akong mag sampa ng kaso.

"Sa ganyang edad hindi ko alam mia pero may kakilala akong magaling na abogado para sa hustisya na nangyari saiyo at sa pamilya mo. At sana mahanap mo ang kuya mo." sambit saakin ng nurse at dinala ako sa kwarto ko.

-

"Mia ipapakilala ko si attorney Cesar Ramirez siya ang binabangit ko saiyo na magaling na abogado kaya mahahawakan niya ng maayus ang kaso naisasampa mo." sambit ng nurse at iniwan kami.

"So mia i've heard that your parents passed away and then nakita mo ang mukha ng killer right? So sabihin mo saakin ang itsura niya at mag drawing ako sa bawat banggit mo ng parte ng mukha niya. Ayus ba iyon?" sambit ni atty. Cesar.

"Ayos lang po iyon atty." sambit ko.

-

"Ganito ba ang itsura niya?" sabi ng pulis saakin na nagdrawing.

"Opo siya nga po iyon. Tumungo pa po siya sa direksyon namin at yun din po ang huli kong kita sa kanya ng mawalan po ako ulit ng malay at nakatulog." banggit ko sa pulis pati kay atty.

"Base sa sinabi mo mia kailangan pa nating hanapin ang taong iyan at baka siya rin ang kumuha sa kuya mo. Titignan din namin kung may iba pang nakakita sa insedente o 'di kaya CCTV para macheck ang lugar. Babalikan ka namin pagkatapos ng isang linggo." Sambit ni atty.

Isang linggo ang lumipas

"Mia maari ka nang makalabas ng ospital bukas. At kung maaari ipaalam mo sa mga kamag anak mo na ikaw ay makakauwi na." sabi saakin ng nurse.

Pero hindi ako makakauwi ng wala pa sina atty. Cesar at ang pulis officer na nakausap ko makalipas ang isang linggo. Kailangan ko munang malaman ang lahat at isa pa wala akong mga kamag anak.

"Wala po akong mga kamag anak na kilala. Pero ang gusto ko po na makauwi mismo ng bahay namin sa lalong madaling panahon." sambit ko sa nurse at tumango lang ito.

Biglang dumating si atty. Dala dala ang mabigat at madaming mga papel na nasa braso niya. Masaya ako ng makita siya pero hindi ko maipinta ang mukha niya. Kung masaya ba siya o malungkot. Pero kailangan kong marinig ang sasabihin niya.

"Mia ang balitang ibibigay ko saiyo ay isa pa lamang imbestigasyon. Hindi pa malinaw ang lahat kaya kailangan pa ng matagal na pag papasailalim na proseso sa kaso. Bago doon sasabihin ko lahat ng impormasyon na nakita namin sa insedente." paliwanag saakin ni atty. Cesar.

Sa una parang ayukong marinig pero kailangan para magawan ko man lang ng hustisya ang pag kamatay ng mga magulang ko. Pati na ang pagkawala ng kuya ko.

"Ayon sa nakita namin mia may mga gamit doon ng mga magulang mo pati ang saiyo, pero ang tinutukoy mo na kuya, wala roong gamit na panlalaki ni mga damit o maleta man lang ay wala. At isa pa walang nakakita sa insedente at wala ding CCTV sa lugar kaya mahihirapan kaming magsampa ng kaso sa kriminal na nadrawing ng pulis dahil walang ebidensya sakanya. Pero nakakuha kami ng patak na dugo malapit din sa pinangyarihan ng insedente, kinuhaan na ng DNA test pra masiguro kung sa kuya mo ba iyon o sa kriminal." paliwanag saaking ni atty. Cesar ng dahan dahan.

Una parang nawawalan ako ng pag asa baka hindi matuloy ang pag sampa ko ng kaso dahil kawalan sa ebidensiya.

Iniisip man nila na bata ako at bakit kailangan kongisipin angmga bagay na ito dahil namatay ang magulang ko at nawawala ang kuya ko.

Kailangan kong maging mature mag isip para mabigyan ko ng hustisya ang pamilya ko.

"Kung gayon po atty. Cesar gawan nyo po ng paraan para po makasampa tayo ng kaso sa taong iyan." sambit ko kay atty. Cesar pero bakit parang hindi man lang siya sumagot.

"May problema po ba sa sinabi ko?" tanong ko.

"Kailangan kasi ng malaking gastos at iniisip ko na wala kang pambayad saakin iha paano kita tutulungan? Kailangan ko ng pera iha hindi puro batas lang ang kailangan." sambit nito.

Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Tutulong siya pero may kapalit. Kailangan niya ng pera dahil hindi lahat ay batas lang ang iniisip? Anong klaseng abogado ka at ganyan ang iniisip mo.

"Ganiyan po ba ang mga abogado. Maluho? Hindi niyo pa ba naisipan na sa ganitong edad nararanasan ko na ang kapighatian at walay sa pamilya tapos ho sisingilin nyo ako? Bigyan nyo muna dapat ako ng mabuting balita. Alam ko ho na hindi madali pero ang pera atty. Nandiyan lang naman huwag ka pong mag alala babayaran kita kahit mag kano pa. Gawin ninyo lang ang pinapagawa ko sainyo." sambit ko.

Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng pera. Alam kong meron kaming kumpanya pero paano ko kukunin ang pera.

"Inaasahan ko yan mia. Hindi dahil maluho ang abogado dahil may mga pamilya din akong inaalagaan at pinapakain kaya kailangan ko ng pera. At lalo pa't pambayad din sa pag iibestiga sa insedente." paliwanag saakin ni atty.

"Atty. Maari po bang ihatid niyo po ako sa aming bahay bukas dahil discharge na daw ho ako. Doon ho ako titira dahil wala akong mga kamag anak na kilala at alam ko naman po kung saan ang daan patungo sa bahay ko." sambit ko at tumango ito.

-

Dumating ang araw na sumasama narin ako sa pag iimbestiga. Nandoon ang kotse na sinakyan namin hindi na ito nakataob kundi nakayos na binaliktad ito.

Tinignan ko rin ang maleta ng mga magulang ko pati ng saakin. Kinuha ko ang pera na nakaipit sa maleta ni papa pati na rin kay mama nakakuha ako ng 20 thousand inipit ko sa bulsa ng maleta ko at kinuha na ang maleta ko.

Nang ihatid akong mga pulis sa bahay ko agad akong pumunta sa kwarto ko at inayos ang mga gamit ko. Sabay namang dumating and dalawang pulis bitbit ang dalawang maleta kay mama at kay papa.

Pero tama nga si atty. ang maleta lamang ni kuya ang wala. Pumunta ako sa kwarto ni kuya at naalala ang mga ginawa namin sa kwarto niya kasama ako. Masaya kami ni kuya na naglalaro.

"Namimiss na kita kuya. Nasaan ka na ba?" bulong ko sasarili ko habang pinipigilang umiyak.

-

10 years from now

"Hello atty.? Kumusta na po ang imbestigasyon? Sampung taon na po atty pero bakit wala pa rin balita?" tanong ko kay atty. Cesar sa cellphone.

High school student na ako at graduated. Naalala ko pa ang nangyari. Fresh pa sa isipan ko lahat. Lalo na yung pagdalo ko sa first trial. Sinampahan ko ng kaso ung matandang yun at natuloy kami sa korte.

"Mahirap itong kasong ito mia masyadong kumplikado ang lahat lalo na't gusto mong mag retrial dahil not guilty ang taong yun." sagot nito sa kabilang linya.

"Atty. paniguradong nagsisinungaling lang siya sa pag kawala ng kuya ko." sigaw ko.

"Mia, and korte ay napupuno ng kasinungalingan. Hindi maituturing na totoo kapag walang sapat na ebidensya sa taong kumuha sa kuya mo at pumatay sa pamilya mo." paliwanag ni atty.

"Pero atty. sayang ang naumpisahan natin." sambit ko.

"Walang sayang doon mia. Wala naman tayong sapat na ebidensya. Palayain mo na yang galit mo sa puso mo at patawarin mo na lang ang taong iyon." sagot ni atty. Hindi sapat saaking ang paghingi niya ng tawad dahil buhay ang kinuha niya.

"Wala kang kwenta! Pag sisikapin kong mag retrial para makulong siya." sigaw ko sabay patay sa cellphone ko.

FLASHBACK

(Unang araw ng first trial dalawang buwan matapos ang imbestigasyon)

"Please all rise the judge is here." the prosecute said.

"Seatdown" the judge said.

"I have to settle down that the deffendant was murder the family reyes on the day he was on his work job. Nag dedeliver siya ng tubig ng araw na iyon at saktong nagbunggo ang dalawang sasakyan." sagot ni atty. na nakatayo sa harap.

"I had objection, wala kang sapat na ebidensiya kung siya mismo ang driver ng sasakyan na iyon" sambit ng prosecutor naikinagulat ko.

Kinalma ko ang sarili ko. Kasama ko ang nurse ko. Nakalimutan kong tanungin ang pangalan niya kaya ang tawag ko sa kanya ate joy.

"Please continue atty." sambit ng judge.

"These are the evidence i have, the sketch. Galing to mismo sa biktima ng nabunggo ng defendant. Kausapin natin ang isa sa biktima." sabi ni atty. at lumapit ako patungo kung saan uupo ako bilang witness.

" Siya ba ang bumunggo sa kotse niyo ms.mia?" tanong ni atty. Tumango ako bilang sagot.

" Anong ginawa niya nung nabunggo niya ang kotseng sinasakyan niyo?" pangalawang tanong ni atty.

"Ako ang unang nagkaroon ng malay, ang magulang ko at ang kuya ko ay wala pang malay, ang mga magulang ko hindi na humihinga pero ang kuya ko mukhang malubha pa siya. Nakita ko ang taong yan bumaba sa sasakyan niya. Nakita ko mismo ang mukha niya pagkatapos nun nawalan na ako ng malay." sambit ko habang tinuturo ko ang taong may kasalanan saamin.

"Kung gayon mia na saan na ang kuya mo?" tanong uli ni atty.

"Nagising na lamang ako sa ospital kasama ko ang nurse na iyon." tinuro ko si ate joy at tinaas niya ang kanyang kamay.

"Now lets proceed to our prosecute to question the witness." sabi ng judge.

Tinanong ako ng judge at lumapit saakin. May hawak siyang papel at inilapag saakin.

"Satingin mo mia siya ba ang taong tinutukoy mo?" tanong niya na ikinabwiset ko.

"Sinabi ko na mismo sa atty. na siya ang taong yun. At malamang siya din ang kumuha sa kuya." sambit ko ng pasigaw.

"Kumalma ka Ms. Mia Reyes." sambit saakin ng judge at umupo ako sa upuan at kumalma.

"Ayon sa imbestigasyon namin mia wala ang gamit ng kuya mo doon at walang nakakita kung ang taong yan mismo ang nakabunggo sainyo. Ito ang ilang mga schedule ng defendant ng mga araw na iyon. Hindi siya dumaan sa kalsada na iyon bago magka-aksidente dahil ang defendant ay nagdeliver ng tubig malayo pa sa insedente na pinangyarihan." sambit ng prosecutor at pagpapaliwanang saakin.

Tinignan ko ng maiigi ang papel na hawak ko. Nagkakamali sila ng pagtingin sa taong yan. Nagsisinungaling siya.

"Judge, meron akong witness na nagpapatunay na wala ang defendant na iyon sa aksidente." sambit pa ito ng prosecutor. Inalis ako sa upuan ng qitness ar ipinalit saakin ang isang babae na hindi naman gaanong katanda. Bata pa siya at mukhang may mga anak siya.

" Tatanungin ho kita witness kung ang defendant na ito ay nag deliver sainyo ng tubig bago pa mangyari ang aksidente?" tanong ng prosecutor sa babae.

"Opo, nung araw na rin yun narinig namin ang malakas na salpukan peri malayo pa saaming lugar iyon. Nagulat na lamang kami pero hindi namin nilapitan iyon dahil marami ng taong nakapaligid doon" sabi ng babae. Napatayo ako dahil nagsisinungaling din pati ang babae.

"Nagsisinungaling siya. Nang maaksidente kami walang mga tao doon ni walang mga bahay ang malapit doon. Kaya paano mo nasabi na may mga maraming tao na ang nakapaligod saamin. Nagsisinungaling ka. Sabihin mo ang totoo." sigaw ko pero pinapaupo ako ni ate joy at pinapakalma ako ni atty. Cesar.

"Tumahimik ka Ms. Mia Reyes." sambit saakin ng judge.

"Bago pa yun nagbayad ako sa kanya at umalis siya sa pakaliwang direksyon kaya imposibleng siya ang bumunggo sa kanila." sambit ng babae. Naiinis ako sa kasinungalingan nila.

"Wala na po akong matatanong." sambit ng prosecutor.

Tinignan ko si atty. Cesar na itanong niya ang tungkol sa dugo na nakuha nila sa pag iimbestiga.

"Judge, gusto ko pong tanungin ang defendant." tanong ni atty. at pinayagan ito.

Bago pa man umupo sa witness seat ang defendant na ito kinausap siya ng prosecutor at doon ako nagtaka. Ngumungiti ng may galak ang defendant na ito at tumatango. Mukhang malakas ang kutob ko na magsisinungaling na naman sila.

"Defendant, ayon sa aming pag iimbestiga sa insedente. May nakita kaming patak ng dugo. Saiyo ba iyon? May mga sugat ka ba?" tanong ni atty. Cesar.

"Wala ho akong kahit na anong sugat sa katawan ko. Mga peklat na ho ito kaya't wala ho akong mga bahid na dugo na maiiwan doon. At isa pa ho hindi ako ang nakabangga sa kanila." sambit ng lalaking to pero ngumiti siya ng patago.

"Pero defendant kumuha kami ng DNA test para masiguro kung kanino ang patak ng dugo na iyon. At sauyo iyong dugo na naiwan doo. Paano mo naman maipapaliwanag?" tanong ni atty. Cesar.

Huli ka! Isip ko.

"Type AB ho ang aking dugo pero ang nakalagay sa papel na ito ay A hindi po saakin iyan." sambit ng defendant.

"Saiyo itong nakuha namin! Ito ang ebidensiya na nagpapatunay na ikaw ang bumongo sa kanila! Nakikita mo ba ang batang iyan? Maawa ka sa kanya!" Sigaw ni atty. na ikinagulat ko.

Naiyak ako sa sinabi ni atty. hindi ko mapigilan dahil wala ng magmamahal pa saakin.

"Objection your honor, nag harass po ang atty. na ito para lamang makasagot ang defendant." pagtayo ng prosecutor sabay turi kay atty.

"I'm in the right place my honor. Kaya pwede ko siyang tanungin para sumagot siya ng totoo." sambit ni atty.

"Ayon sa nakikita ko kailangan na natin ng resulta kung abg defendant ay guilty or not guilty." sabi ng judge at babalik kami withing 10 minutes.

"Atty. Cesar makukulong po ba siya?" tanong ko ng makalabas na kami sa kwarto.

"Satingin ko oo dahil napaniwala natin ang judge dahil sa dugo ng defendant." sambit ni atty.

Natuwa ako sa narinig ko, hanggang sa naipatawag na ulit kami pagkatapos ng 10 minuto.

"I will announce that the defendant on this first trial and Atty. Cesar and Prosecutor. Bernard are rhe one who stay to their opponent. About to the accident with Ms. Mia Reyes will announce here in court. The result of this trial to Mr. Roderick Dela Cruz as a defendant will recognize as not guilty in this trial." banggit ng judge at tumuktok ng tatlo.

Nanhinig ang aking mga tuhod na para bang hindi ako matayo. Not guilty ang taong pumatay sa pamilya ko. Pag babayaran niya ito.

END OF FLASHBACK

"Darating ang araw na magiging abogado ako at magsasampa ng kaso saiyo at mag bibigay ng retrial. Hintayinmo ako Mr. Roderick Dela Cruz. Hintayin mo ang pagbabalik ng Mia Reyes na sisura sa buhay mo." sambit ko sa sarili ko.

-----------

======

Visit my social medias.

FB: JO AN NA Acojedo

Twitter: @parksoohyen

Wattpad: Park_Soohyen