5 years later
Mia's pov
"Mia, tara inom tayo." sambit ni clara.
"Tara saan ba? Congrats saatin nakagraduate na rin tayo sa wakas." Sambit ko ng may tuwa.
Pumunta na kami sa malapit na restaurant. Nag celebrate kaming mag kakaibigan. Pag katapos namin mag celebrate umuwi na ako.
-
"Clara, bukas kita ulit tayo hanap tayo ng kompanya!" sigaw ko sa malayo.
"Sige sabay tayo mia!" sigaw din niya pabalik saakin.
Bago pa man ako umuwi dadalawin ko muna sila papa at mama. Sumakay ako ng bus papunta sa sementeryo. Bumili rin ako ng dalawang kandila at dalawang boquet ng bulaklak para sa kanila.
"Hello mama at papa. Kumusta na kayo? Masaya ba kayo sa langit? Miss ko na kayo ng sobra!" sambit ko ng biglang tumulo ang luha ko ng hindi ko napapansin.
"Ma,Pa isa na po akong abogado ngayon. Gagawa po ako ng retrial para sa hustisya niyo. Hindi ko wawasakin ang pangako ko sainyo 15 years ago. Ipapakulong ko siya." sambit ko habang pinapunasan ang luha ko at hinahawakan ang pin na nakadikit sa uniform ko.
"Alam mo ba ang batas ay hindi pag hihiganti!" sambit ng lalaking hindi ko naman kilala.
"Anong ibig mong sabihin? Excuse me, ako ba kinakausap mo?" tanong ko sa kanya.
Hindi niya pa ako tinitignan dahil inaayos niya ang mga bulaklak at nagsindi siya ng kandila pagkatapos tumayo siya at humarap saakin.
"Mukha bang may kinakausap akong multo? Ikaw at ako lang ang naguusap dito!" papilosopong sambit niya.
Nga naman may punto naman siya. Isip ko.
"Isa ka palang lawyer, alam mo ang batas ay hindi ginagamit sa paghihiganti." sambit niya saakin.
"At sino ka naman para pagsabihan mo ko?" taas kilay kong sambit sa kanya.
"Ako si Ellie, Ellie Dela Cruz." sambit niya.
"Anong pake ko sa pangalan mo" sambit ko at inirapan ko siya.
"Dahil nagtanong ka kung sino ako? Isa rin ako lawyer pero huwag kang mayabang. Mukhang baguhan ka lang kaya magingat ka sa mga abogadong makakasama mo sa kumpanya." sambit niya at aakmang aalis na siya. Biglang nagsalita ang mga labi ko.
"For your information Mr. Ellie Dela Cruz, hindi ako maghihiganti. Ibibigay ko lang ang nararapat para sa kanya." sambit ko.
"Fine Ms. Sungit. Wala na akong pake pa doon." sambit niya at umalis.
Ang yabang niya! Sarap niyang sapakin. Sino ba siya para pagsabihan niya ako ng ganoon? Isip ko.
-
Ellie's pov
"Pa nandito na ho ako! Ayos na ho ba kayo? Kumusta pakiramdam niyo?" sambit ko habang papunta kay papa sa kwarto niya.
"Ayos lang ako anak, ikaw kumusta?" sambitbsaakin ni papa.
Alam kong pinipilit niya lang ngumiti para ipakita lang niya saakin na masaya siya at ayos lang siya.
"Ayos lang din ho ako pa. Kain na tayo!" sambit ko at naghanda ng makakain.
Pagkatapos ipinunta ko na siya sa kwarto niya para magpahinga. Kailangan na pala namin magbayad ng kuryente at tubig kung hindi mapuputulan kami ng wala s oras na ito.
"Masyado ng mahaba ang ginugol mong oras saakin pa. Sana makabawi ako sayo bilang isang abogado ngayon. Sana mabigyan kita ng magandang buhay." sambit ko sa sarili ko kahit alam kong hindi na ako maririnig ni papa dahil natutulog siya.
Matapos kong banggitin sa kanya iyo sumagi sa isip ko ang babaeng nakausap ko kanina.
Bakit parang gustong gusto niyang bigyang hustisya ang pagkamatay ng magulang niya?
Sa bagay kung ako naman ang nasa kalagayan niya gagawin ko din yun.
Sa tuwing binubuksan ko itong drawer na ito lumalakas ang kuryosidad ko, bakit may maleta ako? Ni si papa nga walang maleta at ako lang ang meron?
Dahil siguro gustong mabigyan ako ni papa ng kahit kaunting pride para maipakita niya saakin na meron din siyang maibigay saakin.
Meron din sumasagi sa isip ko paminsan minsan na sumasakit ang ulo ko at para bang may nakalimutan ako? Hindi ko alam kung ano pero gusto kong maalala, baka may mga importanteng tao akong nakalimutan.
-
Atty. Cesar's pov
"Atty. Cesar! Kumusta ka na, ayos lang ba lahat ng papeles natin diyan ha!" banggit ng Co-ceo ng kumpanya.
Hindi ko na nabibisita ang mga magulang ni mia dahil busy ako sa lintek na kumpanyang ito. Kung wala lang talagang utang na loob itong boss ko sana wala ako dito.
Ang hirap mag trabaho dito sa kumpanya na ito lalo na't napakayabang ng mga tao dito.
"Haha ayos lang po ako Mr. Ernel. Kayo po?" sambit ko ng may pekeng ngiti.
"Ah wala naman, kinakamusta ko lang kung anong ginagawa mo?" sambit niya at umupo sa guest seat sa harapan ng table ko.
"Mr. Ernel i have to apologize because im busy right now." sambit ko at nag bow para sa pag respeto sa kanya.
I don't have to do this pero kailangan dahil nandito ako sa kumpanya niyang puro kayabangan ang laman. Baka nga mismo ako din magaya sa kayabangan ng mga tao dito. Hindi ko hahayaang may mangyaring ganun sa sarili ko. Kailangan pa akong patawarin ni mia at ng mga magulang niya.
"Its okay atty. im here to see what you were doing in my company. And im watchng you atty. " he said at nanahimik lang siya na parang walang nangyari.
Im iritated dahil nandito siya. Sarap niyang sapakin at ilibing ng buhay.
- FLASHBACK -
After ng first trial ni mia, i saw her face buried her hair and exactly na umiiyak siya.
I feel pity sorry for her but im not the right situation para ma-comfort siya.
After ko din na marinig ang mga hikbi niya sa ladies room biglang nag ring ang phone ko.
"Cesar, our new boss need us." sambit ni boss at hinihingal.
"Ano na naman bang ginawa mo?" sambit ko ng may galit ng kaunti.
"Huwag mo nga akong pagalitan pumunta ka na sa kumpanya " sigaw nito sa kabilang linya.
"Sabihin mo muna saakin kung ano na naman ang ginawa mo boss?" paguulit ko ng tanong sakanya.
"Okay, si boss gusto niyang i-promote ka sa pagiging abogado mo sa kumpanya nila. At kami naman ang gagawin niyang bodyguard sa company at ako magiging PA ako ni boss" sabi nito.
"Pero ayaw ko sa kumpanya na iyon boss alam mo naman mga ugali ng mga abogado doon lalo na yung anak nun!" sambit ko ng may halong inis.
"Pasalamat ka nga na may tatanggap saiyong mataas at mayaman na kumpanya, hindi ka ba nag sasawa sa kumpanya natin na sobrang maliit?" sambit ni boss saakin.
"Boss mas mabuti na nga iyon atlist nagagawa natin yung mga gusto natin sa kumpanya natin, hindi katulad diyan sa kumpanya na iyan baka ikulong lang tayo sa mga office nila." paliwanag ko para malinawan si boss.
Mas ayos pa saakin na magkakasama kami. At gusto ko pang harapin si mia para maipaglaban ang pagkamatay ng mga magulang niya.
"Pumunta ka na lang kung ayaw mong patayin kita." sambit nito.
Hindi man lang sumagi sa isipan ko na ang boss ko at ang mga kasama ko ay isang mga gangster.
Ako lang ang matino dahil abogado ako. Pinalaki ako ng boss ko at ako naman itong siraulo sumama sa isang gangster at naging abogado.
Kaso hindi ko narin nakayanan pa ng mga paliwanag at biglang binaba ni boss ang telepono niya. Wala akong choice kundi pumunta doon at mag alay ng sarili.
- END OF FLASHBACK -