Chereads / KELSEY CUEVAS / Chapter 3 - Migs

Chapter 3 - Migs

"Gi! Sige na, pakilala lang naman eh." Hinahabol ko ang pinsan kong si Gianna habang kinukulit siya na ipakilala sa 'kin ang kaibigan niya kanina na kakauwi lang ngayon.

Hindi ako pinapansin ni Gianna, naglakad siya papuntang kitchen at dumiretso sa ref at kumuha ng tubig doon para inumin.

"Di ka ba naaawa sa 'kin? Papakilala mo lang naman ako eh, please!" I used my puppy eyes, baka sakaling bumigay 'to.

Humarap siya sa akin na may seryosong mukha. Umayos naman ako ng tayo at ngumiti ng malawak sa kanya.

"Huwag mo nga akong ngitihan ng ganyan Migs!" Singhal niya sa 'kin at nilagpasan ako, sinundan ko ulit siya plaabas ng kitchen.

Kilala ko si Gianna, masungit siya pero malambot 'yan pagdating sa mga bestfriends niya. Kaya ang hirap niyang mapa-oo sa hinihingi kong favor kasi sobrang protective niya pagdating sa mga 'to. I like that attitude of her though.

"Sige na Gi, titigilan na kita 'pag pinakilala mo 'ko sa kanya."

"I know you Migs, I won't risk her to you." Umirap siya.

"Grabe ka naman, makikipag-kilala lang naman ako." parang batang nakanguso pa ako, baka sakaling maawa. "Sige kung ayaw mo, ako nalang pupunta mismo sa restaurant niya tutal kilala ko naman pangalan niya."

Lumaki ang mata niya. I smirked in my mind.

Napabuntong hininga nalang siya na para bang napapagod na sa pangungulit ko. Konti nalang Migs bibigay na iyang pinsan mo.

"Sinasabi ko sayo Migs, mag-move on ka muna." Unalis siya sa harap ko at pumasok na siya sa kwarto niya.

Naglaho ng ngiting nakasilay sa aking labi sa sinabi ni Gigi.

Dahil sa sinabi niya, naalala ko ang babaeng sobra kong minahal ng apat na taon, at ang babaeng nanakit din sa 'kin ng sobra.

I moved on, I think...

But Am I really moved on?

Kasi hanggang ngayon 'di ko parin matanggap ang panlolokong ginawa niya sa 'kin, I still feel the pain, and everytime na naiisip ko siya nasasaktan pa rin ako.

That night, I can't sleep thinking about what Gianna said.

May mga bagay talaga na kahit anong pilit mong kinakalimutan, pero sa isang banggit lang bumabalik lahat, lahat ng mga masasayang ala-ala at lahat ng masasakit na ala-ala.

Bakit ba kailangan pang masaktan 'pag nagmamahal? Nagmahal ka lang naman diba? Hindi ba pwedeng puro saya nalang? Sabagay sabi nga nila, Hindi ka matututo sa pinanggalingan mong sakit, kung puro saya lang ang hangad mo wala kang matututunan sa buhay.

Pag-ibig nga naman, parang love...

But I want to know her friend, she got me preoccupied that night. She has a pretty face that everyone would love to see, her eye color that will hypnotized you kapag tinitigan mo, her pointed nose, and her thin bow shaped lips that I surely think that it taste good, I would love to claim that lips.

I know her because she's famous here in Tarlac, actually silang limang magkakaibigan ay kilala not only in our Province but also around the Philippines and I think they're starting their own businesses in Asia too. Imagine that? At the young age napaka successful na nila, kaya ang daming nagkakandarapa sa limang 'yon eh. Complete package ika ka nila.

That's why you need to know that beautiful morena girl Migs. She got you stuck.

"Ugh! Sleep Migs, maaga kapa mamaya." Gumulong-gulong ako sa kama dahil sa kaka-isip kay Kelsey, the girl who got my attention that night.

I understand Gigi naman, dahil saksi siya sa mga kalokohan ko nung mga panahong iniwan ako ng ex ko, but I already stopped, I'm starting to moved on and I know I am doing it great.

Kung ayaw ako tulungan ni Gigi, edi ako gagawa ng paraan. Ngumisi ako at napailing sa sariling naisip at napatawa nalang ako nang may naisip akong dahilan para puntahan si Kelsey sa restaurant niya bukas. Hanggang sa nakatulog ako.