"Nagising ako sa sunod-sunod na tunog ng phone kong nasa bedside table ko. Nakapikit kong inabot ito at hindi tinitignan ang caller na sinagot ang tawag.
Last night was fun. Galing ako sa bahay nila Gianna, my friend who owns a Event organizing service. Birthday kasi ng gaga kaya ayun sinulit namin ang mga alak, dami kasing sponsor nito kaya solve-solve kaming lima kagabi.
[Bangon na Kels may pasok ka pa.] Sigaw niya sa kabilang linya sabay patay ng tawag. Sa sobrang inis ko sa babaitang 'yon ay napasigaw nalang ako dahil sa pang-iistorbo niya sa mahimbing kong tulog. Kainis talaga! Ang sakit pa ng ulo ko, pero tama si Gigi, Kels, kailangan mong bumangon at kumayod ngayong araw para sa future namin ng asawa ko...wait wala pa palang jowa hehe.
Agad akong bumangon at naligo, kumain at pumunta na sa resto.
When I arrived in the resto I quickly put my Chef uniform from my locker on my office. I put my apron on me and tied the lace on my back as I entered the kitchen of the resto, the staff greeted me and I greeted them back.
Hours passed.
"Guys! Kaya pa ba?" Sigaw ko habang hinahalo ang sauce para sa isang best seller dish namin.
"Kayang-kaya Chef basta may libreng dinner tonight." Sigaw ni Bret na nakatoka naman sa iba pang dish ng restaurant at sa paghihiwa ng mga rekados para sa bawat pagkaing niluluto.
Nagkakagulo ang lahat dahil madami ang customer ngayon dahil peak season. Halos magsigawan kami habang masayang gumagalaw at ginagawa ang kanya-kanya naming gawain sa loob ng kitchen ng resto.
"Oo nga Chef, namiss ko luto mo, last time kasi na nagpakain ka absent ako kaya 'diko natikman 'yong luto mo." Si Nessa na kakapasok at may hawak pang tray at isang waitress ng The Sweets Restaurant.
Natawa naman ang lahat dahil sa segunda ni Nessa sa request ni Chef Bret.
"Okay, akong bahala sa inyo later." Natatawa kong sigaw at halos magsigawan ang lahat dahil makakakain sila ng libre ngayong gabi.
"Wooooh! Napakabait talaga ni Chef Kels, biruin mo 'yon, 'yong iba binabayaran 'yong luto ni Chef para matikman pero tayo libre nating natitikman." Si Krisha na isa pang waitress na kumukuha na ng sets ng pagkain para mai-serve na sa labas para sa mga customers.
"Naks! Bait mo naman babes. Pwede ba 'ko mag-take out later?" Bulong at palabiro akong binunggo sa braso ni Chef Bret habang naghihiwa ng meats.
I rolled my eyes at him. He knows that when he's calling me 'babes' it irritates me. Gustong-gusto niya akong inaasar at alam niya kung paano ako asarin.
Bret is my classmate and my only friend while I'm studying Culinary Arts in Switzerland because we're the only Filipino in our class I guess, pero nagkaroon naman kami ng iba pang mga kaibigan doon. For four years of studying Culinary together naging magkaibigan kami hanggang ngayon and we're working together for five years. I consider him as my bestfriend, aside from the girls of course.
"Kapal mo, sinasahuran na nga kita dito sa restaurant ko, ililibre pa kita ng dinner later tapos mag-uuwi ka pa?" Singhal ko sa kanya. Tinawanan lang ako ng loko.
"Sige na para naman kay mama eh." He pouted. Alam talaga ng lalaking 'to kung pano ako bibigay.
"Okay! Kung 'di lang malakas sa 'kin si Tita." Bumaling ako sa kanya at tinignan ng masama. He smiled widely as if he knows my deafeat.
"Thank you po Chef Kels ang bait mo po talaga." Sabi niya na may halong nang-aasar na ngiti.
I am greatful that I have these people na hindi inaalintana ang kanilang pagod at nagagawa paring ngumiti.
"Chef Kels, may naghahanap po sa 'yo sa labas." Sabi ni Nessa na kakapasok lang sa kitchen na may dala pang tray.
Habang naghahalo ay nagtataka akong bumaling sa kanya. "Sino daw?"
"Hindi po sinabi Chef, pero sabi niya po na gusto niyang maka-usap ang may-ari nitong Restaurant." Sabi niya at lumabas na ng kitchen dala-dala ang isa pang tray of foods.
Lumapit at siniko ko si Bret. "Uy! Bantayan mo tong soup, lalabasin ko lang 'yun."
"Sure." Sagot nman niya.
Pumunta ako sa sink para maghugas ng kamay saka sunod na tinanggal ang apron na suot. Para kahit papaano ay mag-mukha parin akong presentable sa naghahanap sa 'kin.
Sinabayan ko si Nessa sa paglabas ng kitchen para tanungin siya kung alin sa mga nakaupo ngayon sa loob ng resto ang naghahanap sa 'kin.
"Nessa? Saan siya diyan?" Tanong ko kay Nessa.
"Iyung nasa malapit sa entrance Chef, 'yung gwapo 'dun." May haling impit na tili na sabi ni Nessa. Sinamaan ko naman siya ng tingin at agad na nagounta sa table kung saan niya ihahatid ang hawak niyang mga pagkain.
Binaling ko ang tingin ko sa sinabi ni Nessa, and I found a gorgeous man, sitting hot on his chair and drinking a glass of water. Parang biglang nag-slow motion ang buong paligid nang makita ko ang kanyang adams apple na gumagalaw dahil sa ng pag-inom niya ng tubig.
Nagtama ang mga mata namin at ilang segundo pa 'yong nangyari. Bumalik lang ako sa reyalidad nang itinaas niya ang kanyang braso para kumaway. Ang laki naman ng braso, sarap siguro magpabuhat kay Mr. pero teka...
Ako ba ang kinakawayan niya? Lumingon ako sa magkanilang gilid at likod ko at binalik sa kanya ang tingin, naabutan ko siyang ngumisi.
Bakit pati pag-ngisi niya ang hot sarap naman jowain nito. Tinuro ko ang sarili ko para siguruhing ako nga ang tinatawag niya. Tumango siya, tumikhim muna ako para i-relax ang nanlalambot kong katawan at pinuntahan siya sa table niya.
"Good afternoon sir, kayo po ba 'yung naghahanap sa 'kin?" I asked.
"Have a seat first, Chef." Tinuro niya ang upuan sa harap niya at doon ako umupo.
"So, thank you Chef dahil lumabas ka kahit working hours mo pa."
"Nako! Sir, okay lang po may co-Chef naman ko ako sa loob." Nakangiting sagot ko. Iyung ngiting nang-aakit ba, malay mo bumigay si Mr. Pogi hehe. "So, what can I do for you?"
"Since my cousin recommended you to me," uminom ulit siya ng tubig sa baso niya bago nagpatuloy.
"...I want to hire you to cook for my grandparents Golden Wedding anniversary celebration."
Sa restaurant at bahay lang ako nagluluto, bakit may ganito? Sinong feiend niya ba ang nag-recommend sa 'kin?
"A-ahm sir, kasi po... Dito lang po sa restaurant at sa bahay lang po ako nagluluto eh." Naiilang akong ngumiti sa kanya sabay nahihiyang kumamot sa batok ko.
Umiwas siya ng tingin at napapikit dahil sa iritasyon niya. "Fuck Gianna! I'm rushing things tapos pagtri-tripan pa 'ko ng bwiset n 'yon." Bulong niya sa gilid.
Napanguso ako kasi tinanggihan ko agad ang offer niya, well diko man tinanggihan directly pero ang intindi niya 'don ay parang ganon na nga.
"Ahm sir pwede po bang malaman kung sinong friend niyo pala nag-recommend sa 'kin?" Bawi ko para naman mabawasan ang disappointment sa mukha ni Mr. Pogi.
Binalik niya sa 'kin ang tingin niya, shet ba't ba ganyan ka makatingin, hubaran kita diyan eh.
"Gianna delos Reyes, my cousin."
Lumaki ang mata ko sa sinabi niya at naghugis letter 'o' ang bibig ko, bigla naman akong nahiya ng tinitigan niya akong mabuti kaya agad kong tinakpan ang bunganga ko, jusko! Nakakahiya sa kaharap kong gwapo.
"O-oh! I'm sorry for that sir b-but, she's my bestfriend."
Bakit 'di sinabi nang babaeng 'yon na may pinsan pala siyang ganito ka-gwapo? Jusko Gigi sasabunutan talaga kita pag nakita kita!
Gulat din ang nakita kong reaksyon sa gwapo niyang mukha.
"Really? Small world." Hindi makapaniwalang sabi niya.
"So are you taking my offer Chef Kelsey? Or Maghahanap na 'ko ng iba para i-hire?" Nakangising sambit niya.
"Sure sir I'm taking it, malakas sakin si Gigi eh." I giggled and said happily.
"Gianna was right, basta sabihin ko ang pangalan niya papayag ka." He whispered and smirked. Naglabas siya ng kapirasong papel na galing sa bulsa ng kanyang suit at inilapag ito sa harap ko.
"Huh?" Naguguluhang tanong ko.
"Nothing, I'll just call you for the meeting Chef Kelsey, I have to go, I have so many errands to do today." Tumayo siya at tumayo na din ako. Inilahad ang kanyang kamay para makipag-kamay sa 'kin. Inabot ko din naman ito with my brightest smile. Siyempre naman baka may pag-asa ang ate niyo kay koyang pogi.
"Thank you sir." I said. Tumango siya bilang tugon.
Habang naglalakad siya malapit sa pinto, napatitig ako sa kanyang likod, ano ba 'yan! Kahit likod ang sarap pag-masdan! Sarap haplusin hanggang sa matatambok niyang puwet na lalong mas nagpaganda sa hulma ng katawan niya. Sa kahabaan ng iniisip kong kahalayan kay Mr. Pogi ay ngayon ko lang narealize...
Bakit alam niya ang pangalan ko? ...well siguro sinabi ni Gigi, pero I'll just call you? Sabi niya kanina? Eh hindi nga niya hiningi 'yung number ko eh, pero baka binigay din ni Gigi
Ako hindi ko alam ang pangalan niyaaa... Di ko pwedeng palagpasin ang araw na 'to na 'di ko nalalaman ang pangalan niya. Tumakbo ako palabas ng resto at naabutan ko siyang naglalakad papunta sa parking lot.
"Sir!" Hinihingal kong sabi nang maabutan ko siya. Napahawak ako sa tuhod ko habang hinahabol parin ang hininga dahil sa pag-takbo para maabutan siya.
Lumingon siya ng may nagtatakang tingin sa 'kin. He put his both hands in the pocket of his dark blue fitted slacks.
Umayos ako ng tayo. "Sabi niyo po, tatawagan niyo ako, pero di niyo naman po kinuha number ko." Nakangusong sabi ko.
"Your so adorable." Ngisi niya. "I already got it to Gianna, and if your curious if how I knew your name it's also because of her."
So, siya ang kumuha kay Gigi ng number ko? Oh my god! Ang ganda kooo!
"A-ah, okay po, sige po sir, nice to meet you po p-pero..." Nahihiya akong nag-iwas ng tingin sa kanya. "A-ano po pangalang niyo?"
He chuckled. Pati ba naman tunog ng tikhim niya ang hot parin. Jusko Lord, thank you at lumikha ka ng ganitong klase ng tao...charot.
"Miguel Rodriguez. Just Migs for you Chef."
I smiled at him as my answer, 'di ko na kasi alam isasagot hehe.
"So, I guess I'll just see you soon?"
"Yes sir."
"I said just Migs for you." He demanded.
"O-oh, okay po si-- M-migs pala."
Umiling lang siya ang tumalikod na pero bumulong siya dahilan ng pagsilay ng malapad na ngiti sa labi ko...
"Fuck! Bakit 'di nagku-kwento si Gianna na may kaibigan pala siyang ganon kaganda?"
And that's how made me more productive the whole afternoon hanggang sa kumain ang buong staff ko dahil libre ko nga at hanggang sa magsara ang restaurant.