1. HIS DARK SIDE
Welcome to my world.
I am Cosmo Yohan De Guzman, your Gobernador.
"Bilisan niyo na ang kilos. Mamaya dadarating na rin si boss! Malilintikan na naman kayo makikita niyo!"
Kanya-kanyang nagsikilos ang mga tauhan namin sa aming secret laboratory. Pamilya namin ang isa sa pinakamalaking supplier ng drugs sa buong Luzon. Hawak rin namin ang ilang gangs at iba't-ibang dirty business sa buong Pilipinas.
"Gobernador.."
Ibinaba ko ang hawak kong alak sabay lingon sa isang lalaki na nasa harapan ng pinto ng office ko.
"Wala pa rin ba si kuya? Darating na maya-maya yung mga puti na bumili ng party drugs."
"Yun nga po ang pinunta ko dito. Tumawag po si Superior Devon kanina para sabihin sa inyo na kayo na lang daw po ang makipagkita sa mga puti. May transaksyon daw po kasi sila ng papa ninyo sa bahay ng Presidente ngayon."
"Ok. Ipahanda mo na yung mga sasakyan. Mamaya pababa na ako."
Lumabas na si Alejo, isa sa katiwala ng aking papa. Bago ako lumabas ay inubos ko muna ang alak na laman ng baso ko at kinuha ang isang revolver sa lamesa ko.
Sa pagbaba ko, sinalubong ako ng mga 'di tatayang 25 na mga lalaki na lahat ay nakaitim. Oo nga pala, isa sa policy ng aming pamilya ay kailangan lahat itim. Kapag nagiba ka ng damit.. Patay ka!
"Gobernador dito po ang sasakyan niyo."
Binuksan ng isa sa lalaki ang pinto ng sasakyan at nakita ko doon ang isa sa pinakamalapit na tao sakin na isa sa leader ng gang namin na Dragonareconeksion.
"Steve!"
"Gobernador.." Yumuko sakin ito
Kinutusan ko ito pabalik. "Don't be so formal. Tayo lang dito. Para namang 'di kita bestfriend siraulo."
Tinawan lang ako nito.
"Oo nga pala Yo, bukas eh may basketball league tayo sa school. Papasok ka ba? Sa pagkakaalam ko eh kalaban natin ang mga alagad ng Cortez."
Cortez, isa sa pamilya na kaaway ng mga De Guzman noon pa mang panahon. Ang lolo ko at ama ni Roberto Devera-Cortez, isa sa pinakamayamang businessman sa bansa ay naging matalik na kaibigan ngunit ang nasabing tatay nito ay nagtaksil sa lolo ko kaya nagkaroon ng malaking hidwaan sa pagitan ng pamilya namin sa maraming larangan. Pinipilit pabagsakin ng mga Cortez ang pamilya namin ngunit hindi nila magagawa ito dahil halos lahat sa Pilipinas ay hawak namin dahil sa pera.
"Not sure. Lemme think about it after this transaction."
Umandar na ang sasakyan namin kasunod ang tatlo pang sasakyan.
MADILIM...
Masukal...
At talagang nakakapanindig balahibo ang sitwasyon namin ngayon. Kasalukuyan na kaming papunta sa gitna ng kakahuyan sa may bandang Laguna kung saan piniling makipagkita ng mga puti.
Hindi naman ako gaanong natatakot dahil pang-ilan na rin ito sa mga transaksyon na nahawakan pero bat nagpapawis yung kamay ko? Fvck! Siguro mainit lang talaga ngayon.
"Rico pwede bang palakasan nung aircon? Ang init dito sa likod eh." Utos ko sa driver namin ngayon.
"Gobernador, nakatodo na po."
Tiningnan ko si Steve at napakunot ang noo nito.
"Kabado!" pangaasar nito sakin.
Bilang tugon ko ay isang "fuckyou" sign lang ang ginanti ko sa kanya.
Maya-maya pa ay may kumatok sa bintana ng sasakyan at pinababa ko ito sa driver namin.
"Sir inaantay na po ng mga puti yung mga drugs."
Sabay kaming bumaba ni Steve mula sa sasakyan namin at sinundan naman kami ng anim na lalaki.
"Gobernador.."
"Mr. Newsworth! It's good to finally meet you!"
"Same," Nakipagkamay ito sa akin. "so what about the drugs?"
Isa sa mga tauhan namin ang may dala ng isa sa mga naka-case na drugs at ipinakita ito kay Mr. Newsworth. Inutusan din nito ang tauhan niya na ipakita ang mga dollars na kapalit ng drugs na hawak namin.
Agad namang nakipagpalitan ang mga puti sa panig namin at maya-maya ay may biglang umalingaw-ngaw na putukan.
"Fuck! What happened?"
Tumakbo ako papunta sa sasakyan namin at agad namang pinatakbo iyon ni Rico. Naka-handa lang sa may likod ko ang revolver ko kaya kung sino man magtangkang pumatay sakin, mauuna siyang pumunta sa impyerno.
"Tangina Steve! May mga pakialamero!"
Tiningnan ko ang nagaganap na putukan sa paligid. Kahit na masukal at medyo may kadilimin dahil tanging ilaw lang ng mga sasakyan namin ang nagiging source of light eh makikita ko ngang may ibang tao sa paligid.
"Hindi kaya kagagawan na naman ng mga Cortez ito?"
Biglang may nagpaputok sa sasakyan namin.
"Rico puta bilisan mo."
Biglang may sumabog sa bandang unahan namin.
"Gobernador, kailangan na nating bumaba dito. Wala ng ibang paraan. Hinarangan ng mga kalaban ang daanan natin palabas dito."
"Bullshit!"
Inilabas ko na mula sa likod ko ang baril at ready na akong pumatay.
Limang lalaki pa rin ang nakasunod samin kasama si Steve at yung driver namin. Dalawa sa likod ko at tatlo naman sa harapan. Salitang putukan pa rin ang maririnig mo mula sa kakahuyang iyon.
May mga nakikita akong natakbo sa nilalakaran namin at agad naman naming pinapaputukan ang mga iyon.
"Hello!"
"Sir?"
"We need backup here! Bilisan niyo bago pa kami maubos lahat!"
Tumawag na si Steve sa pinakamalapit na troops namin. Hindi na rin namin kakayanin 'tong mga ito dahil marami talaga sila.
Bawat lakad namin ay may mga dugong kumakalat at tumatalsik mula sa kalaban. Paubos na rin ang bala ko at medyo malayo-layo na rin ang nalalakad at takbo namin. I want this fucking thing end! Bwisit na mga Cortez na yan.
"Grenade!"
May biglang sumabog sa harapan namin.
Nakakabingi...
Nakakawala sa katinuan...
"Steve!"
Nakita kong nakahiga sa may bandang unahan ko si Steve. Nawalan ng malay ito.
Makalipas ang ilang saglit pa ay nandidilim na rin ang paningin ko. Kasabay niyon ay ang pagliwanag ng buong paligid ko.