2. FIRST DAY
Mandy's POV
Wooooh! Anong oras na naman akong nagising.
"Ate! Tinatawag ka na ni mama! Ang tagal mo daw kumilos. Bubuhusan ka daw niya diyan ng tubig kapag hindi ka pa daw tumayo!"
Badtrip talaga yung kapatid ko na yun! Hello? Kanina pa kaya ako gising.
"Ateeeeee!"
Binato ko siya ng unan kaso nakailag naman 'to.
"Nakakabwisit ka Joselito! Nananaginip pa kamo ako. Magki-kiss na sana kami eh pa-epal ka masyado."
Tinawanan lang ako nito. "Wag mo nga ako tawaging Joselito. Josefus pangalan ko bebang! At tsaka wag ka nga magassume na may ki-kiss sayo. Panget mo kaya!"
Tumayo ako at kinutusan ko siya. "Gwapo mo ah?" sabay irap sa kanya.
Sa totoo lang eh ganyan lang kami maglokohan ng kapatid ko pero mahal ko yan. Sa buong universe eh yan lang pinagkakatiwalaan ko sa lahat bukod kay mama kaya ang swerte ko sa kupal na yan. Pero minsan alam niyo na? Nakakainis rin kasi ate tawag niya sakin samantalang one year lang naman agwat naming dalawa. Nagmu-mukha tuloy akong matanda lalo.
"Good morning mama," ki-niss ko si mama sa cheeks niya. "amoy tuyo ka ma!"
"Eh yun almusal natin ngayon ate eh!" sumusulpot na lang talaga 'to kung saan-saan.
"Hindi naman ikaw kausap ko sabat ka ng sabat."
Tiningnan kaming dalawa ni mama ng masama.
"Ang aga-aga ang iingay niyo. Para kayong ewan! Magsikain na kayo at parehas kayong male-late."
Nag-make face lang ako sa kanya bago sinimulang kumain.
"Ma, may kape ba?"
Inabot sakin ni Josh yung kape na iniinom niya. Lumapit ako sa kanya tas hinug ko siya. "Thank you bunsooooo!" sabay pa-cute sa kanya. Nakakatuwa yung mukha niya hahahaha. Parang diring-diri.
"Kilabutan ka nga ate. Para kang tanga!"
Dinilaan ko lang ito. So after ko nga kumain eh dumiretso na rin ako sa cr para maligo. Binilisan ko na lang ng kaunti, mga 30 minutes para hindi ako ma-late sa school. I mean kaming dalawa pala ng kapatid ko. First day of school kaya ngayon.
"Ate bilisan mo naman! Para ka talagang pagong kung kumilos! Bahala ka diyan iiwanan talaga kita diyan kita mo!"
"Oo na pababa na. Magantay ka lang!". Inayos ko lang saglit yung lipstick ko bago bumaba.
Natawa ako sa reaction nila mama. "Saan ka pupunta nak? Pokpok ka na ba?". Natawa lang rin si Josef.
"Ano ka ba ma. Ang ganda-ganda ko kaya tapos sasabihan mo lang akong popokpok!". Niyakap ko si mama sabay kiss. Ganon din ginawa ng kapatid ko. "Alis na kami ma! Bye!"
Sumakay na nga ako sa passenger seat ng sasakyan at dumiretso na kami papuntang university.
"HEY you bullshit!"
Isang lalaki ang nabangga ko sa may corridor kakamadali ko. Bigla kasing nag-ring yung school bell kaya dali-dali akong tumakbo papunta sa room namin.
"I didn't mean that. I am so sorry!". Ngumiti lang ako sa kanya bago ako tumakbo ulit. Well in fairness eh gwapo siya.
"Again! Again Ms. Romero! Lagi ka na lang late since last school year!" It's my Mathematics teacher, Sir Ramirez.
"Sorry sir. Wala po kasi kaming mapag-parkingan kanina. Sorry po talaga. Hindi na po mauulit."
Pinapasok na rin ako ng teacher ko at nagsimula na siyang magsalita sa unahan. May mga ilan-ilan ring transferee kaya medyo hindi ko sila kilala.
"Huy frenny! Kapatid mo nasaan?" Nilingon ko yung nagsalita at si Jade yun, kaibigan ko na may gusto sa kapatid ko.
"Edi nasa room nila." Hindi ko na naintindihan yung sinabi niya pa dahil isa-isa na niyang tinatawag yung pangalan ng mga kaklase ko para sa walang katapusang "introduce yourselves" kada first day of class.
"Alejandrino, Sebastian?" tumingin sa direksyon namin si Sir.
"Alejandrino.."
"Present sir."
Napalingon kaming lahat sa lalaking nagsalita mula sa pintuan ng classroom namin. Shit! Yun yung lalaking nakabanggaan ko kanina sa corridor.
"Transferee ka diba? So why you're late?" tanong ng teacher namin.
"Sir I am so sorry. May nakalimutan lang po ako sa kotse kaya bumalik ako kaya na-late. Sorry 'di na mauulit."
"Okay walang kaso. Magpakilala ka muna sa mga kaklase mo."
Tinanggal nito yung isang earphone na nakasalpak sa tenga niya at nagsalita.
"Hi! I'm Sebastian Lincoln Alejandrino. I lived in Bloomhills Village malapit sa bayan. Well, you can call me Seb."
Matapos niya magsalita ay ngumiti lang ito.
"Okay palakpakan natin si Mr. Alejandrino." Yung iba kong mga classmate eh kinikilig. Sa totoo lang pogi talaga siya kaso he's not my type. "You may now take your seat." Napatingin siya sa upuan sa tabi ng upuan ko at ako naman ay todo takip ng panyo ko.
"Can I take that seat sir?" Tinuro niya yung upuan sa tabi ko.
"Go! Okay next.. Bermudez, Angela Mae."
Nakikita ko sa gilid ng mata ko na papalapit na siya kaya ako naman ay todo takip ng mukha ko para 'di niya ako mamukhaan.
"Hi! I'm Seb and you are?"
Hindi ko pinansin siya baka kasi kausap niya si Jade.
"Hi?" Napalingon ako sa kumalabit at siya yun. Hiyang-hiya ako ng mamukhaan niya ako. "Hey! Ikaw yung nakabangga sakin kanina sa corridor ah?"
Umiwas lang ako ng tingin kaso pilit niya akong tinatapik. Hindi ko lang siya pinapansin dahil titigil rin naman ito maya-maya.
Tama nga ako. Hindi niya na ako kinulit hanggang sa tawagin na pangalan ko.
"Romero, Mandy?"
"Present sir!" tumayo na ako sa upuan ko at pumunta ako sa harapan.
"Hi guys! My name is Mandy Romero! I'm from Brgy. Ginubatan. You can call me Mandy. Haha!"
"Okay thank you Ms. Romero!"
Pagkatapos non ay umupo na ulit ako sa upuan ko. Nakita kong napatingin sa gawi ko si Seb kaya napaiwas rin ako ng tingin.
"Mandy pala ah?". Nakita ko lang siya na ngumisi bago tuluyang nagpaalam yung teacher namin dahil nag-early dismissal ito kasi magkakaroon daw ng announcement sa buong section namin.
Tatlong babae at isang lalaki ang pumasok mula sa pinto ng room namin kung saan lumabas yung teacher namin.
"Hi guys! By the way my name is Joana Manubat. I am the 4th year represenrative of this campus,". Nakangiti siya habang patuloy na tutok na tutok sa kanya ang buong klase. "So nasabi na naman sa inyo ni Mr. Ramirez siguro na magkakaroon ng big announcement ngayon sa school natin diba at ito na nga iyon."
"Sa darating na foundation day natin, magkakaroon tayo ng representative per classroom para sa mga mangyayaring events.". Yung babae na katabi nung unang nagsalita ang nagsalita naman. "Magkakaroon kasi tayo ng mga bagong events na naka-line up this year. Ang campus natin ay sumali na kasi sa prestiryosong University King and Queen na ginaganap sa Manila. Kinakailangan natin ng mga representative na kukunin naman natin sa gaganaping pageant dito sa atin."
"Ang event na ito ay hindi lang magbe-benefit sa school kundi na rin sa sarili ninyo. Sa pagkakaalam ko ay magkakaroon kayo ng 1 year contract sa Horizon Modeling na kilala bilang isa sa pinakamahusay na modeling agency sa bansa kapag nakuha niyo ang title para sa University King and Queen" kanya-kanyang tilian yung mga kaklase ko. Yung iba ay tuwang-tuwa. Maski ako nakisali na rin kasi marami naman talaga ang nangangarap na makasama sa modeling agency na 'yon.
"We need two boys and two girls para maging representative ng section niyo. Next week ang Preliminary competition so kailangan namin silang makausap tomorrow. Need rin namin ang final list ng mga sasali this day okay? So yun lang. Maraming salamat sa pakikinig."
Kanya-kanyang palakpakan yung mga kaklase ko. Biglang ingay na sa loob ng classroom namin at pinaguusapan na nga kung sino ang magiging representative ng section namin. Ako naman ay walang pakialam sa mga ganyan dahil ayaw kong humaharap sa maraming tao. Hindi naman sa panget dahil may itsura naman ako kahit pa-paano pero kasi mahiyain talaga ako lalo na't maraming magaganda talaga sa university namin.
Tatayo na sana ako para pumunta sana sa canteen kaso bigla naman nagsalita yung katabi ko. "Saan ka pupunta?". Tiningnan ko lang siya na halatang nagtataka ako sa tanong niya. Feeling close ampotek!
"Bakit? Pakialam mo ba kung saan ako pupunta?" tuluyan na nga akong tumayo sa upuan na kinakaupuan ko at lumabas ng room kaso sumunod naman 'to.
"Grabe ka naman kasungit! Ganyan ka na ba sa bagong gwapong kaibigan mo? Hays. Sakit naman sa puso." tiningnan ko lang ito na umaarteng nasasaktan talaga yung puso.
"Weird! At tsaka hello hindi kita kaibigan no. We're strangers remember!"
"By the way I'm Seb!". Nilahad niya yung kamay niya sakin.
Makikipagkamay ba ako o hindi?
"Alam ko. Narinig ko kanina yung pangalan mo. Hindi ako bingi.". Narinig ko lang 'to na tumawa bago ako tuluyang umalis mula sa harapan niya.
"ALAM niyo ba guys na nakakainis yung katabi kong transferee sa upuan? Napaka-hangin akala mo naman ang gwapo-gwapo.". Kasalukuyan kaming nasa canteen ngayon kasama yung dalawa kong bestfriend na si Arielle at Hannah.
"Sus! Baka naman kasi talagang gwapo kaya ganyan ka mag-react?" tumawa lang yung dalawa.
"Oo nga! At tsaka first time ka namin narinig na nagkaroon ng hinanaing sa katabi mo sa upuan ah?". Tinawanan lang ulit ako nung dalawa.
"Bahala nga kayo diyan! Nagsasabi lang ako ng totoo ano. Basta mahangin talaga siya. Akala mo naman gwapo."
"Ako ba pinaguusapan ninyo?" Sabay-sabay kaming napalingon na tatlo sa lalaking nagsalita mula sa likuran namin. Takte talaga 'tong lalaki na 'to bakit nandito?
"Anong ginagawa mo dito?" nagtatakang tanong ko.
"Bakit pagmamay-ari mo ba 'tong canteen?" pilosopo ampotek! "Uhm.. Guys pwede bang makiupo sa inyo?"
"Pwede!"
"Pwede!"
"Bawal!"
Sabay-sabay silang tatlo na napalingon sa akin. Ako naman ay napayuko bigla. Napalakas ata pagkakasabi ko kaya marami ring napatingin sa side namin.
"Nako wag kang maniniwala diyan kay Mandy. Sige tabi ka na diyan sa upuan na katabi niya."
"Okay thanks! Oo nga pala ako si Sebastian." Nakipagkamay siya sa mga kaibigan ko.
"Ako naman si Arielle. Hindi yung sabon at hindi rin yung serena kundi ang magandang si Arielle Estopacio." Nakita kong ngumit si Seb sa sinabi ni Yel.
Ang gwapo!
Heh! Anong gwapo? Magtigil ka nga. Bwisit na utak na 'to. Erase! Erase!
"Ako naman si Hannah, Hannah Hemsworth."
"Oh nice to meet you guys," tumawa ito ng bahagya. "buti pa kayo mabait. Itong kaibigan niyo parang dragon kung magsungit."
Inirapan ko lang siya. "Masyado ka kasing feeling close. Epal masyado!"
Nagwalk-out ako at pumunta na lang sa pinagtatambayan ko sa may likod ng school. Meron kasing secret garden doon na bihira lang ang natambay.
Dire-diretso akong pumasok sa may fountaim area at naupo sa isang bench doon at nakinig ng music. Bahala na si batman kung makatulog ako basta gusto ko ng peace sa sandaling ito.
No negative vibes!
No epal na feeling close na classmate.