Chereads / Imprisoned Flower / Chapter 3 - Ikalawang Kabanata

Chapter 3 - Ikalawang Kabanata

MAYA

"Ayos ka lang ba, Anak?" muling pagtatanong sa akin ni Mama habang sinusuklay niya ang mahaba at tuwid kong buhok gamit ang mga daliri niya.

Napahilamos ako at kasunod niyon ay ang muli kong paghagulhol ng iyak. "Paano po ako magiging okay? Nawala sa akin 'yong baby ko."

"Anak, kailangan mong magpakatatag dahil mayroon ka pang anak, si Ella. Magpakatatag ka para sa kaniya."

Tama si Mama, kailangan kong magpakatatag para kay Ella. Dalawang taon pa lang siya kaya kailangan niya ng aruga ng isang magulang. Kung hindi ko siya maaaruga, parang tumulad na ako kay Landon na walang pakialam sa anak namin. Okay na sa kaniya na nabibilhan niya ang pangangailangan ng anak namin.

Pero hindi ko alam kung paano ko makakayanan na nawala ang baby ko. Kahit two months ko lang siyang dinala sa tiyan ko, masakit pa rin ang nangyari. Naaawa ako sa kaniya dahil hindi ko man lang siya nabigyan ng pagkakataong mabuhay rito sa mundong ibabaw. Sinisisi ko ang sarili ko dahil hindi ko man lang siya naprotektahan. Nangako pa naman ako sa kaniya na aalagaan ko siya habang nasa sinapupunan ko siya.

"Ano ba kasing nangyari, Anak?"

Pinilit kong kumalma dahil ayokong malaman ni Mama na dahil kay Landon kaya ako nakunan. Kahit ganoon ang nagawa ng asawa ko, gusto ko pa rin siyang pagtakpan dahil ayokong masira ang pamilya namin. Alam kong dapat kong bigyan ng katarungan ang anak ko pero alam ko naman na mauunawaan din niya ako kung bakit pipiliin kong pagtakpan ang ama niya.

Ibinaling ko ang tingin ko kay Marilou. Nakangisi siya habang kinakamot ang ulo. Alam kasi niya na hindi ko sasabihin ang totoo. Sa kaniya ko nga lang sinabi ang totoo dahil may tiwala ako sa kaniya na ililihim niya ang nangyari sa akin.

"Sabihin mo na, naghihintay 'yong mama mo," nakangisi habang umiiling na sabi ni Marilou.

Tiningnan ko si Mama. Kahit gusto kong umiyak ulit pero pinigilan ko. "Nadulas po kasi ako. Kasalanan ko kung bakit nakunan ako dahil hindi ako nag-ingat."

"Baka naman si Landon ang dahilan, Anak?" Tumigil si Mama sa pagsuklay sa buhok ko at umupo siya sa kinahihigaan ko. "Kilala kita kapag nagsisinungaling ka, kinukutkot mo 'yang kuko ng hintuturo mo."

Agad akong tumigil sa pagkutkot sa kuko ng hintuturo ko. "Mama, hindi po magagawa 'yon sa akin ni Landon."

"Gusto ko lang kasing malaman ang totoo." Malalim na bumuntong-hininga si Mama at hinawakan niya ang kamay ko. "Alam ko namang hindi ka magagawang saktan ni Landon dahil nangako siya sa akin bago ka niya yayaing magpakasal na aalagaan at hindi ka niya sasaktan."

Hindi ako nakapagsalita dahil nakokonsensya ako sa pagsisinungaling ko kay Mama. Iyon lang kasi ang alam kong gawin para maprotektahan ko ang anak kong si Ella, ang pagtakpan ang kalupitan sa akin ni Landon. Alam ko naman na mauunawaan ako ni Mama kapag nalaman niya ang totoo.

"Maiwan ko muna kayo ng kaibigan mo. Bibilhan kita ng pagkain para lumakas ka. Baka kasi mamaya pa dumating 'yong asawa mo."

Napatingin na lang ako kay Marilou nang makalabas na ng silid si Mama. Ngumiti ako sa kaniya bilang pasasalamat dahil hindi niya sinabi ang totoong nangyari. Bago nga dumating si Mama sa ospital, binalaan na ako ng kaibigan ko na sasabihin niya ang totoo sa magulang ko para matapos na raw ang ka-martyr-an ko sa asawa ko. Kahit na ganoon, alam ko naman na hanggang pananakot lang ang kayang gawin ng kaibigan ko dahil bukod tanging siya lang ang nakaaalam ng tunay na dahilan kung bakit hindi ko puwedeng hiwalayan si Landon. Hindi baleng ako ang magdusa, huwag lang ang anak kong si Ella.

"Alam mo, puwedeng-puwede na kitang patayuan ng rebulto dahil sa ka-martyr-an mo. Baka gusto mong ipalit ko 'yong rebulto mo sa rebulto ni Jose Rizal sa Luneta?"

"Alam mo namang ginagawa ko 'to para sa anak ko."

Sandali pang umiling si Marilou bago siya tumabi sa akin. "Hanggang pinaniniwalaan mo ang paniniwala mo, habang-buhay kang magdurusa, Maya."

"Alam mo, akala ko talaga mamamatay na ako kanina habang namimilipit ako sa sakit." Pinili kong baguhin ang pinag-uusapan namin dahil gusto ko nang kalimutan ang nakaraan. "Buti na lang talaga, nakita ako ni Ate Gema."

"Tingnan mo, 'yong kasambahay pa ninyo ang naghatid sa iyo rito sa ospital." Tumaas ang kilay ni Marilou habang nakatingin siya sa akin. "Ano kaya kung iuntog kita sa pader para magising ka sa katotohanang walang kwenta ang asawa mo."

Hindi na ako nagsalita dahil alam ko namang totoo ang sinabi ni Marilou. Galit nga ako sa kaniya dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin niya ako pinupuntahan dito sa ospital kahit alam niyang nakunan ako. Hindi ko nga alam kung nasaang lupalop si Landon. Iniisip ko na nga lang na baka nagagalit siya sa sarili niya kaya gusto niyang mapag-isa. Hindi kasi niya alam na buntis ako. Kahapon ko lang din nalaman at balak ko sanang sabihin iyon kanina kaya lang, hindi naging magandang ang pakikitungo niya sa akin nang dumating siya sa bahay.

"Nga pala, Maya, hindi rin ako nakapunta kay Ms. Cruz. Mas inuna kitang puntahan dito kaysa sa kaniya."

Hinawakan ko ang kamay ni Marilou at bahagya ko iyong pinisil. "Salamat, Marilou. Maiintindihan naman niya kung bakit hindi tayo nakarating. Sana lang talaga, hindi siya magalit."

VERON

"Buwisit! Bakit hindi pa dumarating 'yong mga pagkaing pinaluto ko? Saka bakit wala pa 'yong mga upuan at lamesa?" Kulang na lang ay makalbo ako sa tindi ng pagkamot ko sa ulo ko.

Naguguluhan ako kung ano na ang gagawin ko. Buwisit kasi 'yong kinuha kong mag-o-organize ng party na inihanda ko para sa boyfriend ko. Kasalanan ito ng walang hiyang babaeng 'yon kaya ako natataranta kung ano ang dapat kong gawin. Ilang oras na lang yata, didilim na pero wala pa rin akong nasisimulan.

"Ang sabi ko naman kasi sa iyo, roon ka na lang sana nagpa-party sa bahay ninyo. Malay ko ba sa iyo kung bakit mo naisip na rito sa beach magpa-party."

"Shut up! Hindi ka nakakatulong, Dela." Nilapitan ko ang friend ko. "Tulungan mo na lang ako kung ano ang gagawin ko kasi parating na si Reg at kasama niya 'yong mga barkada niya. Ayokong mapahiya sa kanila."

"Ano ang gusto mong gawin ko, maghimala?" Nakangising umiling si Dela at bahagya siyang kumamot sa ulo. "Tingnan mo nga 'tong kinaroroonan natin, plain na plain. Sa tingin mo, paano natin mapapaganda 'to? Ano, gagawin nating white 'yong buhangin?"

"Buwisit!" Napahilamos na lang ako. Sobra akong naiinis na parang sasabog na ako. Gigil na gigil ako sa babaeng mag-aayos sana ng party na ito. Gusto ko siyang sabunutan hanggang makalbo siya.

"Bakit kasi ikaw pa ang magpapa-party para sa boyfriend mo? Pinapakita mo lang talaga sa kaniya na baliw na baliw ka sa bf mo." Kinalabit ako ni Dela. "Magaling bang bumayo 'yong boyfriend mo kaya kahit ano ang ipagawa niya sa iyo, sinusunod mo?"

"Isa pang asar mo sa akin, ikaw ang gagawin kong pagkain," pagbabanta ko sa gaga kong friend. Kung ibang tao lang talaga siya, nilunod ko na siya sa dagat. Kapag ginawa ko 'yon, siguradong hindi ako mahihirapang patayin ang friend ko dahil medyo malakas ang alon.

Bahagyang lumayo sa akin si Dela. "Hindi kita inaasar, Veron. Pinamumukha ko lang sa iyo na baliw na baliw ka sa lalaking 'yon. Tingnan mo, ikaw 'tong laging gumagastos. Baka naman kaya ayaw mong pakawalan kasi malaki ang dala-dala."

Hindi na lang ako nagsalita dahil ayoko nang makipagtalunan sa isang gaga. Wala akong mapapala kung papatulan ko pa siya kasi alam ko namang hindi rin siya papatalo. Isa pa, wala namang kaso kung ginagastusan ko 'yong boyfriend ko. Pinapakita ko lang naman sa kaniya na mahal na mahal ko siya. Ginagawa ko iyon dahil ayokong mawala siya sa buhay ko kasi tama si Dela, magaling at malaki ang dala-dala ng bf ko.

'Yong mga previous boyfriend ko kasi, malaki lang pero hindi naman magaling. Minsan naman, magaling lang pero hindi naman malaki. Ayoko ng ganoon dahil ang gusto ko, nasasarapan at nag-e-enjoy ako. Kung pakakawalan ko pa si Reg, baka mahirapan na akong makahanap ng kagaya niya.

"Where's the party, Veron? Akala ko ba rito?"

Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang boses ni Reg sa likuran ko. Bumilis ang kabog sa dibdib ko na parang mahuhulog ang puso ko. Alam kong magagalit siya dahil ayaw pa naman niyang napapahiya sa iba.

Dahan-dahan kong nilingon si Reg at nang makaharap na ako sa kaniya ay hinawakan ko ang kamay niya. "Sorry, Reg. Hindi ko naman ginustong mangyari 'to."

"What do you mean?" Binitiwan ni Reg ang kamay ko at bahagya siyang ngumisi. "Walang party na mangyayari?"

Hahawakan ko sana 'yong kamay ni Reg pero inilayo niya iyon. "Hindi kasi dumating 'yong mag-o-organize ng party. Believe me, Reg. This is not my fault."

"Mukhang tubig-dagat 'yong wine natin," pagbibiro ng isang barkada ni Reg. "Tapos buhangin ang pulutan."

Nainis ako sa sinabi ng buwisit na barkada ni Reg pero pinili kong magtimpi. Gusto ko nga siyang sabuyan ng buhangin sa mata dahil lalo lang niyang iniinis ang boyfriend ko. Mga wala talagang kwenta ang apat na barkada ni Reg.

"Kung wala palang party na magaganap, sana pinaalam mo sa akin." Nilapit ni Reg ang bibig niya sa tainga ko. "Napahiya ako sa mga barkada ko, Veron."

"Kung gusto mo, sa restaurant na lang tayo. Ako na ang gagastos, Reg."

"Bullshit! Akala mo sa akin, walang pera?" Napailing si Reg.

"Niyaya mo pa kaming magpunta rito eh tubig-dagat lang pala ang ipaiinom mo sa amin, Reg," pagbibiro ng isa pa sa barkada ni Reg dahilan para tumawa ang mga kasama niya.

Nakita ko ang pagguhit ng inis sa mukha ni Reg. Unti-unting namula ang mukha niya at ang panga niya ay bahagyang gumagalaw. Ilang sandali pa ay nilingon ni Reg ang mga barkada niya. "Mga gago ba kayo? Alam ko ba na ganito ang mangyayari?"

"Pre, hinay lang. Nagbibiro lang naman kami."

"Gago!" Napailing pa si Reg bago siya lumakad palayo.

"Reg!" Hahabulin ko pa sana si Reg pero hinawakan ako sa braso ni Dela. "Kayong apat, umalis kayo sa harapan ko kung ayaw ninyong mapatay ko kayo."

Napatapik na lang ako sa noo ko nang mawala na sa paningin ko si Reg. Hindi ko na pinagkaabalahan pang sundan ng tingin ang papalayong mga barkada ng boyfriend ko dahil nabubuwisit ako sa kanila. Kasalanan din nila kung bakit kumulo ang dugo ni Reg. Kung hindi lang talaga masamang pumatay ng tao, papatayin ko talaga ang walang kwentang mga barkada ng bf ko.

"Kung ako sa iyo, sisimulan ko nang maghanap ng panibagong boyfriend."

Tiningnan ko si Dela habang nakataas ang kilay ko. "Hindi ako hihiwalayan ni Reg, tandaan mo 'yan!"

"Paano kung hiwalayan ka niya nang dahil dito?"

"Humanda sa akin 'yong Maya na 'yon kapag nakipag-break sa akin si Reg!"