LANDON
"Hindi ka pa ba uuwi sa inyo, Insan? Apat na araw ka nang nandito sa bahay," pahayag ng pinsan kong si Julius habang hawak niya ang tasang may lamang kape. Iyon kasi ang palagi niyang almusal.
"Hindi ako hahanapin ng babaeng 'yon. Tuwang-tuwa pa nga siguro 'yon kasi kasama niya ang lalaki niya," sagot ko habang nakakunot ang noo ko.
"Loko ka talaga. Sa tingin mo ba magagawang manlalaki ng asawa mo? Ikaw 'tong asawa pero hindi mo kilala si Maya." Nakangiting umiling ang pinsan ko at paulit-ulit niyang tinapik ang balikat ko. "Nakalimutan mo na bang ikaw ang first boyfriend niya? Eighteen siya nang maging girlfriend mo siya kaya nga hanga ako sa kaniya kasi 'yong ibang babae, onse pa lang yata may jowa na. Saka ikaw na rin ang nagsabi sa akin noon na napakabuting babae ni Maya."
Hindi ako nagsalita dahil baka mabusalan ko lang ang bibig ng mokong kong pinsan. Ganoon siya magsalita dahil hindi siya ang asawa. Ako ang asawa kaya alam kong may iba si Maya. Hindi ako tanga para hindi maramdaman iyon.
"Saka hindi ka ba naaawa sa asawa mo? Nakunan siya nang dahil sa iyo."
"Hindi ko kasalanan 'yon, Julius. Kung sinabi sana niya sa akin, hindi ko sana nagawa 'yon." Umupo ako sa upuan na nasa bandang pintuan papasok sa loob ng silid ng pinsan ko. Nasa balkonahe kasi kami. "Mabuti na nga ring nakunan 'yong babaeng 'yon. Hindi naman siguro ako ang ama ng dinadala niya."
"Naririnig mo ba ang sarili mo?" Tumayo si Julius sa harapan ko. "Insan, anak mo 'yon. Hindi ka ba nakararamdam ng konsensya? Baka multuhin ka ng anak mo."
"Gago, malabong mangyaring multuhin ako." Bigla ring nawala ang ngiti ko dahil kahit papaano ay nakokonsensya pa rin ako sa nagawa ko sa dinadala ni Maya.
"Umuwi ka na sa inyo at mag-sorry ka sa asawa mo. Oo pinsan kita pero hindi ko kukunsintihin ang kalokohan mo."
Napabuntong-hininga na lang ako at napailing. Hindi ko ba alam kung bakit bait na bait sila sa asawa ko. Lumalabas tuloy na ako ang masama. Mga gago lang ang mapapaniwala ni Maya dahil alam kong nagpapaawa lang naman ang babaeng iyon para magmukha akong masama.
"Baka naman kaya wagas kang magduda kasi ikaw ang may kinalolokohan?"
"Gago, wala akong babae." Tumayo ako at tinapik ko ang balikat ng pinsan ko. "Kung gusto mo, sa iyo na lang ang asawa ko. Wala naman kasing kwentang ka-sex 'yong babaeng 'yon. Puro na lang ako ang nagtatrabaho."
"Parang dati lang, baliw na baliw ka kay Maya. Araw-araw ka pa ngang nagdarasal na sagutin ka na niya." Muling napailing ang pinsan kong bait na bait sa nagpapaawa kong asawa. "Kahit simple na lang manamit ngayon si Maya, maganda at sexy pa rin siya. Insan, chicks na chicks ang dating ng asawa mo tapos pakakawalan mo lang? Ikaw ang nagsabi na parang mata ng anghel ang mata ni Maya kasi napakapungay. Ikaw na rin ang nagsabi na sa lahat ng naging girlfriend mo, siya lang ang matangos ang ilong at mapula ang labi. Baka nakalilimutan mo na ring sinabi mo sa akin na palagi mong gustong dilaan ang maputi at makinis na balat ni Maya?"
Natatawa na lang ako sa sinabi ng pinsan ko. Palibhasa, wala sa sitwasyon ko ang mokong kaya nakapagsasalita ng ganoon. Inaamin ko namang totoo ang sinabi niya pero dati iyon. Maganda at sexy nga ang asawa ko pero wala namang kwenta pagdating sa sex. Nagsisisi nga ako kung bakit pinakasalan ko ang babaeng walang alam kung paano magpaligaya ng isang lalaki.
"Masuwerte ka sa asawa mo kung tutuusin, Insan."
Lumakas ang tawa ko sa sinabi ni Julius dahil hindi ko maramdamang masuwerte ako. Muli kong tinapik-tapik ang balikat ng pinsan ko. "Masasabi ko lang na masuwerte ako kapag nasubo na niya 'tong batuta ko. Lalaki ka kaya alam kong gusto mong hindi lang ikaw ang nagtatrabaho para makaraos. Saka masuwerte yata ako kung niroromansa niya ako kapag nagse-sex kami kaya lang, hindi naman niya ginagawa 'yon, Julius, kaya sabihin mong masuwerte ba ako sa asawa ko?"
"Insan, nag-asawa ka hindi lang para mayroon kang nakaka-sex." Nakangiting napailing ang pinsan ko. "Kaya nag-aasawa ang isang tao ay para may makatuwang siya sa buhay at para may makasama siya hanggang pagtanda. Kung ipararamdam mo sa asawa mo na ang meaning sa iyo ng pag-aasawa ay para may maka-sex, siguradong hindi magiging habang-buhay ang pagsasama ninyo."
"Ewan ko sa iyo, Julius. Palibhasa, niroromansa ka ng gf mo." Sandali pa akong napakamot bago ko muling tapikin ang balikat ng pinsan ko. "Mauna na ako. Pahiram ako ng kotse mo. 'Yong kotse ko kasi, nasa bahay. Ibabalik ko na lang."
MAYA
"Parang hindi ko yata kayang gawin 'yong sinabi mo. Iniisip ko pa lang parang gusto ko na lang magpakain sa lupa," tugon ko kay Marilou habang hinahaplos ko ang ulo ng natutulog kong anak.
"Kung hindi mo gagawin 'yon, may tendency na hiwalayan ka talaga ni Landon. Gawin mo na 'yon kasi mag-asawa naman kayo. Huwag ka nang mahiya kasi normal namang ginagawa 'yon ng mag-asawa."
Hindi ako nagsalita dahil hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Kung tutuusin ay may punto naman talaga ang kaibigan ko kaya lang, parang hindi ko talaga kayang gawin. Pakiramdam ko kasi ay napakababa kong babae kapag ginawa ko talaga ang mga sinabi niya. Isa pa, wala akong alam sa bagay na iyon kaya sigurado akong hindi masa-satisfy si Landon.
"Sige na, Maya. Pag-isipan mo ang mga sinabi ko."
Napabuntong-hininga na lang ako nang ibaba ni Marilou ang tawag. Ilang sandali ring napako ang tingin ko sa kung saan bago ko tingnan ang magandang mukha ng anak kong si Ella. Matapos ang ilang sandaling pagtitig ko sa mukha niya ay kusa akong napaiyak. Naaawa kasi ako sa anak ko dahil hindi siya tulad ng ibang mga bata na mayroong responsableng ama. Bilang nga lang yata sa daliri ko na kinarga at nilambing ni Landon ang anak namin.
Tumindi ang iyak ko nang maalala ko ang baby ko na hindi nabigyan ng pagkakataong mabuhay rito sa mundong ibabaw. Dalawang araw na ang nakalilipas pero sariwa pa rin ang sakit sa puso ko. Kinakaya ko naman alang-alang sa ate niyang si Ella dahil kailangan kong magpakatatag. Minsan parang gusto ko nang sumuko pero sa tuwing maiisip kong baka maranasan ng anak ko ang nangyari sa akin, mas humihigpit ang pagkakahawak ko. Kahit parang nakakapit ako sa matalim na bagay, pinipili ko na lang masaktan kaysa bumitiw.
Hinagkan ko ang ulo ng anak ko habang umiiyak ako. "Anak, pangako ko sa iyo na poprotektahan kita. Kung kinakailangan kong maging panangga mo, gagawin ko."
May narinig akong busina ng sasakyan kaya agad akong sumilip sa bintana mula sa ikalawang palapag ng bahay. Ilang sandali lang ay lumabas si Landon sa sasakyan kaya bigla na lang bumilis ang kabog sa dibdib ko na parang mahuhulog ang puso ko. Natatakot kasi ako na baka saktan na naman niya ako. Sa kabila ng nararamdaman ko ay pinilit kong maging kalmado dahil gusto ko nang gawin ang mga sinabi ni Marilou. Baka tama siya na kapag ginawa ko iyon ay baka magbago ang pakikitungo sa akin ni Landon.
Ilang sandali rin akong nagpaulit-ulit na bumuntong-hininga bago ako lumabas sa silid ng anak namin ni Landon. Habang naglalakad ako papunta sa kuwarto naming mag-asawa ay mas lalong bumibilis ang kabog sa dibdib ko dahil alam kong nandoon na siya. Nag-iisip ako kung paano ko siya pakikitunguhan dahil apat na araw siyang hindi umuwi sa bahay. Panatag naman ako kahit hindi siya umuwi ng ganoon katagal dahil sinabi sa akin ng pinsan ni Landon na tumuloy ang asawa ko sa kanila. Hindi ko naman siya pinuntahan dahil gusto kong magkusa siyang umuwi at isa pa, mas okay nga sa akin 'yon dahil kahit paano ay nakapagpahinga rin ang katawan ko sa pananakit niya.
Malalim akong humugot ng hininga nang makita kong nakabukas ang pinto ng kuwarto namin ni Landon. Lahat na yata ng mga Santo ay tinawag ko na para lang lumakas ang loob ko sa gagawin ko dahil kahit nakapagdesisyon na ako, parang gusto kong umurong. Iniisip ko pa lang ang gagawin ko ay parang nahihiya na agad ako sa sarili ko lalo na sa asawa ko. Sa tagal kasi naming mag-asawa, ngayon ko lang iyon gagawin sa kaniya. Sana lang talaga, sa gagawin kong iyon ay magbago na ang pakikitungo sa akin ni Landon.
"N-Nag-almusal ka na ba?" tanong ko kay Landon nang maabutan ko siyang hinuhubad ang damit niya.
"Gusto ko munang matulog."
Tuluyan na akong pumasok sa loob at nakapikit kong sinarado ang pinto habang mabilis ang kabog sa dibdib ko. Nagsimula na ngang mangatog ang mga tuhod ko na parang matutumba ako. Dapat nga ay hindi ako kabahan dahil mag-asawa naman kami. Sana lang talaga ay sinanay ko ang sarili ko. Baka kung ganoon ang ginawa ko, naging maayos sana kami ni Landon.
Hinawakan ko sa balikat si Landon at sinimulan ko iyong hilutin dahilan para huminto siya sa pag-ayos ng damit niya. Kahit hindi siya nagsasalita ay alam kong nagtataka siya dahil ngayon ko lang ginawa iyon. Kahit din kinakabahan ako ay nilabanan ko iyon dahil siguro nga, panahon na para ako naman ang magpaligaya kay Landon.
"M-May gusto k-ka bang kainin?" Napapikit na lang ako matapos kong sabihin ang mga katagang pinakabisado sa akin ni Marilou. Sabi kasi niya, sabihin ko raw iyon habang hinihilot ko ang balikat ni Landon. Pakiramdam ko tuloy ay para akong malanding babae na nang-aakit ng lalaki.
"Ano'ng ginagawa mo?" tanong ni Landon. Ilang sandali pa ay humarap siya sa akin.
Ginawa ko ang sinabi ni Marilou, idinampi ko ang isa kong daliri sa bibig ni Landon para hindi na siya makapagsalita. "Alam kong matagal mo nang gustong mangyari 'to."
Ngumiti ako kahit labag sa kalooban ko. Inisip ko na lang ang anak kong si Ella. Gagawin ko ito para sa kaniya. Kahit alam kong hindi ko talaga kayang gawin, kakayanin ko na lang para sa anak ko. Alam ko naman na darating din ang araw na masasanay rin ako.
Unti-unti kong pinalakbay ang daliri ko papunta sa dibdib ni Landon. Ilang sandali ko ring pinalapat ang palad ko sa matigas niyang dibdib bago ko palakbayin iyon papunta sa kaniyang tiyan hanggang sa tuluyan ko nang pinalapat ang palad ko sa pagkalalaki niya. Kahit nakapantalon siya ay nararamdaman ko ang unti-unti niyong pagkabuhay.
Ngumiti si Landon sa akin at bahagya niyang kinagat ang kaniyang labi. Ilang sandali pa ay hinawakan niya ako sa ulo at sinubukan niya akong paluhurin sa harapan niya pero agad kong hinawakan ang kamay niya. Nakangiti akong umiling sa kaniya at alam kong naunawaan niya ang gusto kong iparating.
Lakas-loob kong tinulak pahiga sa kama si Landon. Nakangiti siyang nakatitig sa akin habang bahagya niyang hinihimas ang kaniyang harapan. Ilang sandali pa ay inunan niya ang kaniyang dalawang kamay na parang ipinaubaya na niya sa akin ang buo niyang katawan.
"Sarapan mo." Malalim na nagpakawala ng hininga si Landon bago ito pumikit na parang hinintay na lang niyang gawin ko sa kaniya ang matagal na niyang gustong mangyari.
Malalim akong humugot ng hininga para ikalma ang sarili ko bago ako yumuko para mailapit ko ang mukha ko sa harapan ni Landon. Nangangatog ang mga kamay ko habang tinatanggal ko ang sinturo niya. Matapos kong matanggal iyon ay dahan-dahan kong ibinaba ang pantalon niya.
"Patirikin mo ang mata ko, Maya."