Chereads / SOMEONE'S SPECIAL / Chapter 50 - CHAPTER 49

Chapter 50 - CHAPTER 49

AMIRA'S POV

Umayos ako ng pagkakahiga sa balikat ni mr.linc nang hawakan niya ang gilid ng ulo ko para hindi mahulog sa tuwing naiidlip ako ng tuluyan.

Ilang araw ng wala si papá dito dahil abala sa paghanap kay ate. We don't blame her. We just want her to see kuya before his funeral. I want to see and ask her too because I didn't believe to those who are blame her. I remember what kuya told me before I was discharged from the hospital.

"Amira?" dahan dahan akong dumilat nang tawagin ako ni bestfriend "Oras na para gamutin ang sugat mo"

"Ako na" pagpresenta ni mr.linc kung saan palagi niyang ginagawa sa tuwing inaabutan na ako nina nanay o bestfriend ng kit.

"Oh sige kuya. Isunod mo na din yung gamot niya para hindi magkasakit si amira. Doon na muna ako. Babalik na si mama mamaya para dalhan kayo ng pagkain" umalis na siya kaya sinimulan na akong gamutin ni mr.linc.

Tinignan ko lang siya ng maigi. Hindi ako umaalis dito sa lamay ni kuya. Alam kong naaagrabyado ko na sila nanay at bestfriend lalo na siya na hindi umalis sa tabi ko.

"Masakit pa ba?" umiling lang ako at tumingin sa picture ni kuya. Few days left. Counted days na lang para makita ko ang mukha niya. Ayaw kong mamiss ang mga nalalabing araw. 

Pahigpit na rin ang pinapadalang security ni papá dito dahil sa mga mediang gusto kaming makausap. Bakit hindi na lang nila kami lubayan?!!

"Let's go back to sleep" sabi niya nang matapos na siya. Niligpit niya muna ang mga gamit at bumalik na naman sa dating position namin kanina.

"Maraming salamat mr.linc" mahinang sabi ko habang nakapikit. I may keep on repeating it to him but he doesn't know how thankful I am for staying at my side. He mean so much to me.

"Just be strong" sabi niya at dahan dahan ng hinahaplos ang buhok ko "Your brother will not be happy if you keep on crying"

"Y-yeah, I-I just can't stop. Sorry" hinarap ko ng konti ang mukha sa kanya para itago ang mga mata kong basta basta na lang umiiyak "C-can somebody*hik* tell me how to move on and accept it? Sa*hik*tuwing makikita ko si kuya sa m-malapitan, lahat ng alaala namin bumabalik. A good memory that he built on, how I wish*hik* I was there to change and save him"

"You should show them that you can move on so that the person who left will feel assured that the people they love can live without them and become more stronger with the memories they built on together" sumandal siya sa tuktok ng ulo ko. Umayos na ako ng upo.

"If I will just close my eyes that would lessen the pain, right?"

"Everyone can suffer in pain but if you know how to deal with it, that pain? That will become your reminder that you should bring yourself up again" bumuntong hininga siya at kinuha ang kamay kong nakahawak sa tagiliran niya "May mga taong nawawala pero huwag mong kalimutang may dadating din"

"Just like you?" naramdaman ko ang pagtango niya kaya nakahinga ako ng maluwag.

"Hija?"

"P-po?" umayos ako ng upo at tumingin kay tita na inaayos pa ang kumot sa palibot niya.

"You should go home now. Your father said that take your rest at home"

"I-I'm fine here tita" hindi niya ako pinansin at tumingin lang kay mr.linc kaya tumayo siya habang tinatabi ang gamit namin.

"Take her home just bring her here tomorrow"

"I'll come again tonight" wala na akong nagawa nang alalayan ako ni mr.linc na maglakad palabas. He's tired too. I guess he can't rest because of me.

"Bumalik na lang tayo bukas. You should gain your strength and enough energy. It's for your own good" nakarating na kami sa parking area kaya nauna muna siya sa sasakyan para buksan yun.

Huminto lang ako sa gilid ng sasakyan at huminga ng malalim nang makalapit ulit siya sa akin. But I really don't want to miss every single hour with kuya.

Hinawakan niya ang kamay ko kaya tinignan ko yun na parang nagmamakaawa. Lumapit pa siya dahilan para mapasandal ako sa sasakyan.

"Please--tonight. I only have 4 days left to see him. I want to be with kuya until his funeral"

"Okay but make sure you'll take your sleep right after we arrive there" hinawakan niya ang pisngi ko kaya ganun din ang ginawa ko sa peklat niya sa may balikat.

"Samahan mo ako para makatulog agad ako"

"I really will" palapit na ang mukha niya pero may biglang tumunog kaya umayos siya ng tayo at kinuha sa bulsa ang cellphone.

*cring*

"Stay here I'll just answer this phone call"

"Okay just hurry up. I have something to tell you" nagtitigan muna kami hanggang sa tumunog na naman ang cellphone. Hinalikan niya muna ako sa noo at pumunta sa kung saan.

Nilibot ko ang tingin sa paligid habang nilalagay ang mga kamay sa bulsa ng jacket. Gigising ako bago maghating gabi? Dapat siguraduhin ko din na makakapagpahinga siya lalo na't siya pa ang mas pagod kesa sa akin. All I did was to cry, nap, cry, nap, eat. Mr.linc did everything to hold me until I finish my oh-so called 'crying session'

Tumingin ako saglit sa cellphone dahil limang minuto na hindi pa rin bumabalik. Napakahalaga ba ng pinaguusapan nila ngayon?

"Mr.l---HMMMMM!!!" napatigil ako nang biglang may nagtakip sa bibig ko. W-what the-w-wha--

"Gisingin mo na siya kapag naipasok ko na ang babaeng to sa kotse. This night we will fly to italy. Good job bro"

***

Unti unti akong napadilat dahil sumakit ang sugat ko. B-bakit ang sakit?!! M-magaling na yun ng konti p-pero sobrang sakit!!!

"Hmmm?!" nilibot ko ang paningin pero wala pa rin akong makita dahil sa sakong nakabalot sa ulo at sa telang nakatakip sa bibig ko "Hmm!!"

"Quiet!!" nagulat ako nang biglang may sumigaw sa tabi ko. Malakas ko siyang tinulak gamit ang balikat pero natamaan lang niya ang pisngi ko.

"HMMMMMM!!!!!" napadaing ako sa sakit habang umiiling. Napapadyak din ako sa harap dahil wala akong magawa kundi ang pakiramdaman ang bawat sakit at hapdi ng sugat.

"Agh--hey!!" napatigil ako nang may humawak pa sa akin sa kabilang side. Saan nila ako dadalhin?!! Si mr.linc?!!! Where is he?!!

"You better shut your mouth!" tumuwid ang likod ko at pinakiramdaman ang sinasakyan namin ngayon.

Palakas nang palakas ang iyak ko dahil naiisip kong palayo ako kina papá. I should stay with kuya right n-now. I s-shouldn't leave him there!!

"HMMMM!!!"

"Just do what he want cj!"

"I shouldn't doing this tsk" biglang kumalma ang boses ng katabi ko kaya ihahampas ko na sana sa kanya ang mga kamay kong nakatali pero may humawak nun at pinisil pa ng konti.

"Hmmm!!" mabilis kong binawi yun tsaka sumandal sa upuan at umiyak lang.

"Sh*t" umangat ang mukha ko nang may marinig akong bulong sa harap. Someone is driving a-and it's kinda f-familiar.

"Hmmm!!" mahigpit nilang hinawakan ang magkabilang braso ko at pwersahang hinila.

"Let's hurry up before they'll caught us!"

"Hmmm!!!" pilit akong umaatras pero nababangga lang ako sa taong nasa likod ko. T-they are blocking me! I should do something!!!

"Dapat umalis na tayo ng mas maaga pa cj!" sabi nung isang humahawak sa akin.

Pinakiramdaman ko ang sarili at ginalaw ang bibig dahil hindi gaanong nakatali ang tela. P-please untie! Hinihila lang nila ako kaya kinuha ko agad ang pagkakataon nang nasa baba ko na ang tali.

"HEELP!!!! SOMEBODY HELL--HMMM!!" napatigil ako nang takpan agad ng nasa likod and bibig ko habang hindi natatamaan ang sugat sa pisngi at mahigpit na kinulong sa mga braso niya.

"Hold her!! Jayson mauna ka sa loob at tignan mo kung may nagbabantay din sa private plane natin" parehong binitawan ang mga braso ko kaya napapaatras ako habang may lalake pa rin sa likod ko. P-private plane?!!!

"Okay sige, hintayin niyo ko dito"

"HMMMM!!!" sino ba tong nakahawak sa akin?!! I swear ipapaganti ko sila kay papá kapag nakatakas ako! Or mr.linc will do!! Sisiguraduhin kong makakaganti ako sa ginawa nila!

"Takbo!!!!" nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang mga kamay ko at pwersahang hinila palayo. Pati ako napatakbo din.

"TULOOONG!!! TULOOONGG!!!!!"

"Tumahimik ka!!!!" hindi ko sila pinansin at pilit na tumitigil sa pagtakbo pero may tumutulak na naman sa likod ko.

"TULOOONG!! PAPÁ!!!!!"

"STOOP!" nabuhayan ako ng loob nang makarinig ng ibang boses. It must be a help!!

"TULOONG!!! HULIHIN NIYO SILA!!!" mabilis akong yumuko para maabot ng mga kamay ko ang sako sa ulo at agad na tinanggal yun--

Nagulat ako nang may nagikot sa akin at niyakap na naman ako mula sa likod habang nakahawak ng maigi sa baba ko.

"Get the car!" napatingin ako sa dalawang lalake sa harap ko na natatarantang sumisilip sa likod ng pader. S-sila yung nagtatrabaho kay tita!!!

"HMMMM!! HMMMM!!" umalis na yung isa habang sinasamaan ako ng tingin nung nagpaiwan. Pilit din akong lumilingon sa likod ko pero sobrang higpit ng paghawak niya. T-there's something to him!!!

"Quiet or I'll TOTALLY SHUT YOUR LIFE?!" sumilip na naman siya sa likod ng pader. Natataranta ako dahil naririnig ko na ang boses ng mga lalake kanina.

"Nasaan na sila?!" mabilis kong siniko ang mukha nung nasa likod ko kaya napadaing siya kasabay nang pagluwag ng mga braso niya.

Tatakbo na sana ako nang mahawakan niya ulit ang kamay ko at malakas na tinulak sa pader.

"I-I'm s-sorry they shouldn't see me--and you" umikot ang paningin ko at bumagsak sa sahig habang nakatingin sa pader na may dugo pa. G-gusto kong tumayo at tumakbo ulit pero yung mga mata ko na ang pilit pumipikit "P-papá"