Chereads / SOMEONE'S SPECIAL / Chapter 21 - CHAPTER 20

Chapter 21 - CHAPTER 20

LINC'S POV

"Bakit ang tagal tagal mong kumilos dyan?!" nilock ko ang pinto ng kwarto at nagpalit agad ng damit. Galing ako sa hospital dahil tinawag ako ni z.

"I know, humahanap lang ako ng tamang pagkakataon"

"Tamang pagkakataon?! Ang tagal mo na dyan! Gawin mo na ngayon!"

"Oo na! As far as I know jayson we don't have deadline to rush everything"

"Kaya nga wala pero malaki ang posibilidad na habang patagal ka dyan mabubuking ka nila" napatigil ako sa pagtutupi ng sleeves dahil sa sinabi niya.

"They will really caught us if you'll continue entering this house" I heard his hem so I continue fixing myself.

"We don't planned to do that but what we can do? Things really good to us bro"

"What do you mean?" tumawa sila kaya umupo ako at sinuot na ang sapatos. I am under z's so I don't need to follow their damn rules.

"Siya na mismo lumapit sa amin, this is jackpot, ikaw na bahala sa babae at kami na sayo" binaba ko na ang tawag at lumapit sa drawer tsaka kinuha ang maliit na bote.

Tama nga ang hinala ko, hindi lang kami ni z ang nakikipag kumpitensya dito. Naglakad na ako palabas ng kwarto at napatingin sa harap kung saan ang pinto ng basement.

AMIRA'S POV

"Oh mr.linc? Kakarating mo lang?" tanong ko nang makita siyang nakaharap sa pinto ng basement. Matutulog pa sana ulit ako para hintayin siya pero nandito na pala kaya proceed na agad ako.

"Perfect timing mr.linc I need you to come with me" mahinang sabi ko at hinawakan ang kamay niya.

I searched the whole place and luckily didn't saw someone. I know he's still in confusion but I'll explain later. We still need to pass the hall.

"Miss a-amira" lumingon ako kay mr.linc pero hindi naman siya ulit nagsalita. Pumunta na agad kami sa likod para puntahan ang veranda ng opisina ni papá.

"Mr.linc kunin mo ang hagdan" utos ko at ginawa naman niya kahit naguguluhan pa "Thanks mr.linc"

"Miss amira may I know what we are doing here?" umakyat na ako kaya sumunod siya. Inalalayan ko siya para hindi makita sa bintana at hindi makagawa ng ingay.

"Shh mr.linc. You know what I heard earlier?" I pulled him behind the curtains to make sure no one can see us.

"W-what?" lumingon ako sa kanya na nasa likod ko.

"Remember the two men last time? Nakita ko silang lumabas sa kwarto ni papá at tita" tumigil siya at tuluyan akong pinaharap sa kanya.

"What did you heard?" nilapit ko ang mukha sa tenga niya para bumulong.

"Someone is a spy here" nagulat siya kaya tumango ako para sabihing totoo yun. Ganyan din ang reaksyon ko nung una! "Hindi nga din ako makapaniwala dahil dito ako lumaki at never pa akong nakaencounter ng ganun. I also think kung sino yun. That's why I can only trust you mr.linc"

"Ano pang narinig mo?"

"Matagal na siyang nagtatrabaho sa amin. Mr.linc it's so scary~ right?" kumapit ako sa braso niya dahil tumindig ang balahibo ko. Unti unti na talaga akong natatakot dito! "Tsaka bagong bantay pa! I wonder kung isa sa kanila ang spy?"

*click* mabilis akong sumilip sa likod ng kurtina nang makarinig ng pagbukas-sara ng pinto. Yes! Lumabas na sila kaya hinila ko si mr.linc papasok.

"Maglibot ka sa labas" napatingin ako sa pinto nang marinig ang boses nila sa labas.

Hindi pa masyadong nakasara ang pinto! Maingat akong tumakbo doon para isara tsaka bumalik ulit kay mr.linc na nasa harap na ng vault.

"Mr.linc hurry up" hinawakan ko ang kamay niya habang may pinipindot sa vault. Dinikit ko na sa scanner ang hintuturo niya para magkaaccess siya doon.

"Pinapatawag tayo"

"Ha? Ngayon na?"

"Oo"

"Sa loob na lang ako magbabantay"

"Sige ako na bahala sayo"

"Bilis" lumabas na ang kulay green sa scanner kaya hinila ko siya agad palabas at pilit na binaba sa ilalim ng bintana para hindi siya makita.

"Andiamo(let's go)" bumaba na kami at nagtungo agad sa likod ng kusina.

"Hay nakahinga ako ng maluwag dun mr.linc. That was easy but intense!" humarap ako sa kanya na clueless pa rin--tahimik lang na nakatingin sa akin. Ngumiti ako at hinawakan ang hintuturong ginamit kanina.

"Can you e-explain to me?"

"Mr.linc I gave you the access to papá's vault kaya tayong tatlo na ang makakabukas nun!! Mission accomplish!! Who's better now? Me or that spy?! HAHAHA he or she can't just go easy on us! Especially ME!" dahil sa tuwa hinalikan ko ang hintuturo niya.

"W-w--"

"Mr.linc, I need you to get all papá's file inside his vault kapag may oras ka" sumeryoso na kaya pati ako naramdaman na din ang pagiging uneasy niya "I'm nervous too, okay? Patas lang tayo"

"W-why?" tumikhim siya at umayos ng tayo.

"Mr.linc please please. Can you promise me? Get and hide it. Please mr.linc~"

"Do you--do you really trust me?" tumango ako at hinigpitan ang paghawak sa kamay niya.

"EVERY IMPORTANT FILE, from my deceased mother hanggang sa akin nandun mr.linc. Ganoon kalaki ang tiwala ko sayo--can you make me pasta again? It tastes so good, really" umupo na ako sa stool at ngumiti.

"Okay" kinamot niya na lang ang ulo at pumunta na sa harap ng ref.

"Nervous? I feel it too. You don't know what you are entering. I'm sorry, you need to encounter this situation. I will try to find out which among them is the spy, tulungan mo ako ah?" nakatuon lang ang atensyon niya doon kaya bumuntong hininga na lang ako dahil hindi ata ako naririnig. I think he is still processing what ju---

*eiikk*

"Miss amira! Bakit ganyan ang suot mo?!!" we both stopped when we heard the door opened. We look at nanay with confusion, she's trembling while checking my outfit. Nakaloose tshirt at pajama lang ako kung saan ayaw na ayaw ni TITA.

"She's here?" tumango siya kaya tumalikod muna ako "Mr.linc next time na lang yung pasta"

"Mga anak halina kayo! Malalaki ang mga bisita natin ngayon! Hay jusko!" tarantang sabi ni nanay tsaka hinila ako. Sumunod din naman agad si mr.linc.

Dinala kami ni nanay sa kwarto ko at tinanggal ang doorknob--that's why I can't open it even without blocking inside!!

I look at mr.linc with disbelief, so now I know what to do next time! Hindi ko na kailangang dumaan sa bintana para lang makapasok!

Pumasok na kami at tinignan lang si nanay na hinahalungkat ang wardrobe at kumukuha ng susuotin ko.

"Magbihis ka na anak, pinatawag ko ang magaayos sayo" mabilis na sabi ni nanay at pumunta sa cr.

Lumapit ako sa nilapag ni nanay sa kama at tinaas yun, remember the dress no.3 nung pinapili ko si mr.linc before the debut? Yun yung hinahawakan ko ngayon.

"Wait there mr.linc" pumunta na ako sa malalaking kurtina at doon na nagbihis. I used to it lalo na kapag binabantayan ako ni kuya ethan dati.

"Nasaan si miss amira?!" rinig kong tanong ni nanay kaya natatawa akong sumilip habang inaayos ang laces paikot sa leeg ko.

"Nay tawy nasa dining na po sina madam" mabilis akong hinila ni nanay sa harap ng salamin.

"Mag-ayos ka na anak! Bilis! May aasikasuhin pa ako" sigaw niya at tumakbo palabas ng kwarto.

"Nay--"

"Kayo na bahala kay miss amira!"

"Nay sorry po kailangan din kami ni madam sa baba" humarap ako sa kanila at ngumiti.

"Kaya ko na po ang sarili ko salamat" yumuko lang sila ng konti sa akin at umalis na.

"Sige po" humarap na ako sa salamin at pabun na tinali ang buhok.

"Mr.linc wala ka bang naririnig dyan sa eardbud mo? Baka kasi naririnig mo ang usapan sa baba"

"W-wala" tumingin ako sa kanya na siya namang ikinaiwas din niya. Sinuot ko na ang sandals na hinanda ni nanay.

Lumabas na kami pero saktong bumungad agad sa akin ang lalakeng ayos na ayos.

"D-dunkan?" tinignan niya ako mula ulo hanggang paa bago lumipat sa tabi ko. Nasa likod ko lang ang kamay niya habang pababa kami ng hagdan. He look so different eh.

Tahimik lang naming tinungo ang dining at nakita ang tatlong kasosyo ni papá sa casino. I knew them because they went here before 5 years ago but there's someone that I don't know. Only dunkan and ace<3 na super handsome ngayon ang kilala ko!!

I forcefully smiled at them and sat beside ate zaira. Hinanap ko si kuya ethan pero wala siya. Nandun na naman siya sa palalabs niya!

"Ito na ba ang bunsong anak ni andro?" I smiled at uncle john, as far as I know they are papá's colleagues.

"Second to the last to be exact" sagot ni tita tsaka tinuro si nathalie sa tabi niya. Walang nakaupo sa dulo ng mesa, that's in rule no. 7 only papá can sit there.

"Ahh she grew up well" tumingin ako kay ace na nakaupo sa harap ko. Our eyes met kaya parang gusto kong mahimatay sa kilig na may halong kaba!--segundo hanggang sa minuto na ang inabot nakatingin pa rin siya sa akin habang tinitignan ang kalahati ng katawan ko!! I'm about to die!! Cause of death his stares!!!

"Why not we ship her with our sons?" napatingin ako kay uncle dominic sa sinabi niya. Tumawa sila kaya pilit din akong tumawa. S-ship? WITH ACE PLEEEASE!!!!