Chereads / Fixing You (Sta. Fe Series 1) / Chapter 3 - Kabanata 1

Chapter 3 - Kabanata 1

Kid

"Tss...hambog yang anak ni Don Costodio. Spoiled kasi kaya ganyan. Kahit sa tahimik na Lugar na Ito naghahasik ng-" Hindi na tapos Ang dapat na idudugtong ni kuya Andruis dahil binatukan siya ni Ate Zandra.

"Wag ka ngang ano dyan Ruis. Baka may makapag Sabi Kay Don" pabulong ngunit Kay diin na Turan ni ate, Sabay baling sa driver.

Tama si ate, kapag may manglalait o kayay kakalabanin Ang gusto Ng pamilya Ng Don ay tiyak na mapapalayas sa Sta. Fe at sa buong isla Ng Bantayan.

Lahat Ng napatalsik Ng Don, kagaya ni Coal. Kasintahan Ng bunsong anak na babae, Ng dahil lang sa pinagseselosan nito Ang best friend ni Yohan ay pinatalsik Ng Don Ito at di na nakabalik. Kahit man lang na linisin Ang kanilang mga pangalan ay Hindi na bumalik pa Ang mga Ito.

Ilang taon na ang lumipas ni anino Ng pamilya nila Yohan ay Hindi na nahagilap pa.

Ito din Ang rason Kung bakit kahit na malupit Ang Don at minsan ay baluktot Ang paniniwala, sinusunod na lamang Ng mga mamayaman upang hindi na maghirap Ang kani-kaniyang buhay.

That's how powerful the Costodio's are...

Kaysa maparusahan Ng Don ay iniba na lang namin Ang usapan. Kaya Ang kuya na lang namin na si kuya Yohan dahil sa pagiging tahimik nito. Naghiwalay na siguro sila Ng girl friend nito. Sa sobrang  low key kasi Ng relasyon Ng dalawa, minsan ay nababaliwala ni kuya si ate Sofia. Kaya siguro ganyan. Hay, pag-ibig nga naman...

Pagkarating namin sa shop no Tito Rois ay pumasok na kami at pumila sa counter para narin mabayaran Ang lamesa.

Habang naka pila ay may bigla na lang sumingit sa harapan ko. Hindi ko Makita dahil matangkad at natabunan na rin nito Ang harapan ko, because of it's built.

"Excuse me Mister" tawag ko sa sumingit.

Nilingon naman ako, pero nag pang-abot Ang kanyang kilay.

"Yes Miss?"

Aba!

Englishero!

Mayaman!

At iba rin Ang accent nito... Aba't galing sa ibang bansa.

"Uh-uhmm..." Puta! Bat ako nagkakanda-utal?!

Hindi ko Alam Kong ngumisi ba siya dahil sa pagkaka-utap ko o ano?

Ano ba Mj! Bat mo pinoproblema yan... Shocks, at Ang tanda na niyan. Mga lampas limang taon na siguro Ang tanda niyan sa kin.

"What?!" Inis na tanong nito.

Aba't siya patong may ganang mainis... Kapal!

I cleared my throat before answering him. "Do I need to explain? You cut into to the line. Kanina pa kami dito nakapila, pero ikaw sisingit Lang?!" At dahil sa inis ko o dahil pa iyon sa kahihiyan o dahil kanina pa kami nakapila dito di ko na napigilan Ang pag-alburoto.

"Tss..." Ngumisi lang ito at tinalikuran na ako.

Di man lang lumipat. Ang tigas.

"Excuse me Mr.!" Nilakasan ko para madinig niya. " Di lang ikaw Ang nakapila uy, may mas nauna pa sayo dito. Di ka man lang ba tinuruan na maging gentleman Ng mga magulang mo-"

"Don't you fucking talk about my parents like that!" Galit na turan nito kaya di ko natapos ang sasabihin ko.

"Bakit? Siguro sobrang pangit Ng pag-uugali Ng mga magulang mo kaya ganyan ka Kung umasta..."

"Mj!" Kuya Yohan's voice thundered.

Napabaling ako sa kanya.

Nangunot Ang noo ko sa reaksyon ni kuya. "Pinagtatanggol mo Ang walang modong Ito kuya?"

Tinitigan Lang ako ni kuya Ng matalim at binalingan Ang lalaking nasa harapan ko. Napabaling din ako sa kanya at naabutang nakatitig Ito sa akin na may sumilay na ngiti sa mga labi nito. O baka naman guni-guni ko labg iyon, dahil pag baling nito Kay kuya ay Wala na itong ngiti...

"Pasensya na sa kapatid ko Angeleño. Matabil talaga Ang labi nito" I glared kuya Yohan.

"Ba't ka humihingi Ng paumanhin? Siya pa tong sumingit, siya pa tong hihingan Ng sorry?" Sabi ko Kay kuya at binalingan itong si Mr. "Ano ka sininuswerte? Aba't kapal mo rin. Dapat pa nga ikaw tong humingi Ng tawad."

Di naman nagsalita na Ito. Tinititigan lang ako. Akala siguro nito a-atras na ako! Hindi!

Maya para ipakita na Hindi ako natatakot sa kanya ay tinitigan ko na rin siya. Pinanlakihan ko pa Ng mata at matalim na tinitigan, habang siya ay sobrang itim Ng titig sa akin at Hindi man labg natitinag sa matinding galit na ipinapakita ko sa mga mata ko.

"Ah... Uhmm... Sir ikaw na Po" Sabi nung cashier. Kaysa naputol Ang titigan namin.

Bumaling siya sa harapan saglit at ibinalik rin ang tingin sa akin.

"Ikaw na Ang Mauna" Sabi niya Sabah lahad sa counter. "Ikaw naman talaga Ang nauna diba?"

"Syempre... Sumingit ka Lang" Sabi ko at nilagpasan na siya.

Kala mo ha?!

"Ah ma'am si Sir Po Yung nauna sa inyo" inis naturan nito. Binalingan na naman nito si Mr. Asungot, nag pa cute pa! Kapal!

"Siya na Muna miss" ngumiti pa Ito sa cashier, Ang harot!

"Okay Sir" Masa Akong binalingan nung cashier.

"Ano Po sa inyo ma'am?" May himig Ng galit sa tuno nito.

Napailing na lang ako sa inasta nito. Kung malaman to Ng Tito ko Patsy ka talaga sa kanya.

"Uhmm... Nandyan ba si Tito Rois?"

"Bakit? Among kailangan mo Kay Sir?" Tinaasan pa ako Ng kilay Ng maldita. Ngumisi na Lang ako.

"Ah, baka pwedeng makuha Yung i-n-order namin Kay Tito na mesa?"

"Ano bang name mo miss?" Tanong nito at humarap sa computer.

"Uhmm... Caldiviar..."

Mabilis na napabaling Ang cashier. Umawang Ang bibig nito At nanlaki Yung mga mata...

"M-miss, s-sorry... I-ikaw pala Yung p-pamangkin ni S-sir Rois... Pwede k-ka nang pumunta sa waiting area..." Sabi niya Sabay turo Kung saan naka upon Sina kuya Andruis at ate Zandra.

"Uhmm... Miss pwedeng tawagin mo si Tito?"

"S-sure Miss!" Sabi nito at nagkukumahog na pumunta sa office ni Tito.

Napailing na lang ako at tsaka bumaling Kay kuya Yohan.

"Kuya ikaw na lang Muna dito ha? Nakakagigil kasi Yung Asungot na-" nabitin sa ere Ang sasabihin ko ng Nakita na nasa harapan ko Yung Asungot na yun.

Takte! Nakakaloka ha?!

Nagkasalubong Ang kilay nito, he pursed his lips to hide a smile. What the?! Bat Ang hot niya tignan?

"Asungot ha..." Sabi nito at di na maitago Ang ngiti na nakaguhit sa mga labi nito. "As for you I would call you Ms. Sungit..." Bumaling sa cashier na naka ngiti!! Parang sira to!?

Para tuloy akong kinikilig... Shocks! Unti-unting lumaki Ang mga mata ko sa naisip. No... No, no... This can't be. I'm just imagining things! Malanding impokrita!

Oh fuck!

I look at him. At ngayon ay busy na siya sa pakikipag usap sa cashier na halatang nagpapacute. Tss... Parang tubol na man tong cashier nato.

At para Hindi na madag-dagan Ang nakaka-panindig balahibo na mga iniisip ko ay dumeritso na ako sa inupuan nila kuya.

"Oh, ano na Mj? Magkano ba?" Salubong sa akin ni ate Zandra.

Umiling na lang akong sa kanya. Nang dahil sa pagka-irita ko Hindi ko na natanong sa cashier Kung magkano Yung babayaran! Ang landi rin kasi! Dapat siya Yung magsabi sa akin nun!

Yawa naman siguro Yun! Nasaniban Ng kalandian, kahit kalagit-naan sa trabaho ay naglalandi!

"Hay nako pag gwapo talaga Ang hirap iwasan... Lalo na pag ganyan ka gwapo diba Mj?" Pasaring sa akin ni kuya Andruis.

Inismiran ko na lang. Kahit kailan talaga, Ang dumi Ng utak Ng isang Ito! Napaka malisyoso.

"Di naman siguro tutulad yang si Mj sa mga babae na Yan." Si kuya Yohan na Ang nagtanggol sa akin.

Nagkibit balikat na lang si kuya Andruis "Sabagay... Ang taas Ng standards rin nito eh." At tsaka na man bumaling sa akin si kuya. "Diba Mj?"

"Oo naman Noh! At tsaka Ang Bata ko pa, ba't ko iisipin Ang paglalandi?" Baling ko Kay kuya.

Oo nga naman! Bat ako mag-lalandi kung Ang taas Ng pangarap ko? Kailangan ko pang mag-aral sa syudad para makapagtapos ako. Kaysa unahin Ang pag-b-boyfriend, sagabal lang yan noh.

"Sabi mo ha! Pagmay nakita akong lalaking umaaligid sayo... Tingnan natin Kung kakayanin niya Ang batas ko"

Nagkakatuwaan kaming magkakapatid Ng bumukas Ang pintuan Ng opisina ni Tito Rois.

"Pasok Muna kayo..." Tumayo agad kami Ng Makita so Tito na lumabas sa opisina nito. "Mukhang kanina pa kayo nag-aantay dito." At tsaka iminuwesta Ang pintuan Ng opisina nito.

Tumalima kaming apat Kay Tito at  pumasok na sa opisina nito.

"Tamang-tama Tito, gutom na Po ako." Turan ni kuya Andruis. Hinihimas pa Ang tiyan nito, para lang ipakita na gutom na talaga Ito.

Tunawanan na lang siya ni Tito. "Well, nagpabili ako Ng pananghalian kanina dahil Alam ko naman na ka-kain na naman tong si Andruis dito. Kaya maupo na kayo."

Minuwesta no Tito Ang sofa na nasa harapan Ng table nito.

Umupo na kami Ng may kumatok. It's the cashier girl.

"Yes Amanda?" Tanong ni Tito Rois.

"Uhmm... Kasi Sir, nandito Po Yung driver na nirekomenda ni Don Costodio. Papapasukin ko Po ba?" Tanong nito at bumaling sa Banda namin.

Kita ko sa mata nito Ang takot at kaba. Ngumiti ako sa kanya. Nag-iwas na Lang Ito Ng tingin.

"Sige papasukin mo." Utos ni Tito.

Tumalima naman agad si Auntie Amanda. Oo, auntie! Kasi nasa twenties na Yun!

Bumaling naman sa amin si Tito. "Gutom na ba kayo?"

"Ako Tito, kanina pa gutom" sabad ni kuya Andruis. Kahit kailan talaga! Patay gutom!

Tito chuckled at my kuya's response. "Don't worry in no time, it will be here."

Nag-kakatuwa-an pa sila Ng kumatok you Yung cashier ni Tito. "Sir nandito na Po siya..."

Binuksan Ng Malaki ni Auntie Amanda Ang pintuan. At lumakad Doon Ang isang anghel... Wait!

Nanlaki Ang mga mata ko. There's no fucking effing way! Siya! Siya Yung driver?

Angeleño? Puta?!

Pinaglalaruan ba ako Ng tadhana?!

Dios Mio! Kailangan bang ganito?!

Please don't forget to like, comment and share! Thank you.😊😍