Chereads / Fixing You (Sta. Fe Series 1) / Chapter 4 - Kabanata 2

Chapter 4 - Kabanata 2

CD

We are still in Tito Rois office. Nandito din si Asungot.

Hindi parin ako makapaniwala na, dahil lang inirekomenda ni Don Costodio ay tanggap na Ito agad-agad. Di man lang tiningnan ni Tito Ang Bio data nito. Basta basta na Lang nag-stamp Doon Ng APPROVED!

Nakakainis! Napagsabihan pa ako na wag makialam sa mga desisyon Ng mga nakakatanda, kesyo Alam na nila lahat, kesyo mas madami na silang karanasan!

As if nababase sa karanasan Ang opinion! Hindi naman ah. At tsaka Hindi naman sa nagiging bias na ako dito, pero Ng dahil lang sa inrekomenda ay tanggap na agad. Di man pang tinitingnan Ang credentials. Kung papasa ba to sa standards ng pagiging driver. Basta Costodio Ang nagrekomenda tanggap agad. Napailing na lang ako sa naisip.

How much could power overcome loyalty in this town? Kahit sa gaano ka itim Ng budhi Basta tapat, kahit may madamay na inosente ay okay Lang Basta Hindi masira Ang tiwala ng mga Costodio. Tss. I wouldn't allow that.

Kailangan nating malaman Ang sariling limitasyon sa mga bagay-bagay. Hindi nakakabuti Ang sobra. At Hindi rin mabuti Ang magtiwala sa iba Ng lubos, baka pag Wala ka sinisiraan ka.

"Tito aalis na kami." Kapagkuwan Sabi ni kuya Yohan. Bumaling naman ako sa kanila na kanina pa nag-uusap tungkol sa kukuning kurso, dahil college na sila. Ako na lang Yung hindi.

Si ate Zandra ay fourth year college at tutor rin ni Vain Dela Torre. Para narin magkaroon Ito Ng allowance. Ayaw kasi ni ate na iasa pa kina papa. Sa akin na lang daw Yun, para sa college ko dahil Mahal Ang kukunin Kong kurso. At matagal bago ko Ito matatqapos.

Si kuya Yohan ay nag-s-self study para sa bar exam, para maging lawyer. Sa ngayon ay intern siya sa isang law firm sa Cebu. Umuwi Lang ngayon dahil on-leave siya Ng isang buwan. 

Si kuya Andruis ay first year sa college, taking up PMA. This June ay aalis papunta sa Manila para pumasok sa Acad. Nakakatakot Ang kurso ni kuya, pero gusto daw nitong maglingkod sa bayan katulad nila ate. At napili nito Ang Army.

Ako ay nasa  first year sa high school. Sabi nga daw Ng iba na Ng swerte mo raw dahil giginhawa Ang buhay ko dahil sa mga kapatid ko. Dahil pag mag-ku-kulehiyo na ako ay tapos na sila sa pag-aaral at kahit saw anong kursong kunin ko ay kayang-kaya nilang bayaran. Pero Hindi naman ako ganun na dahil lang sa sigurado na Ang future ko ay magpapariwara ako.

Hindi natin Alam Ang mangyayari sa susunod na mga taon. So we need to strive more and work harder, just to make sure that we achieve our goals. Don't rely your future to something that could be vanish in just a snap of a finger.

"Sige..." Tumango so Tito at tinaas Ang kamay para magpa-alam. "Yohan, Yung mga lamesa? Kailan i-d-deliver?" Pahabol na tanong ni Tito Rois.

"Bukas na Lang Tito. Tsaka pupunta pa kami sa palengke para mabili Ang mga kakailanganin nila sa pasukan at aalis na kami ni Andruis sa June para sa PMA nito. Sina mama nalang ang maiiwan sa bahay."

Tumatango pa si Tito Rois. "Ganun ba... Kailangan niyo rin yan, Lalo na at palaging Wala Ito si Mj sa bahay ninyo pag walang pasok."

"Oo nga Tito. Kung Wala pa kami ni kuya Yohan ngayong bakasyon, baka namomoblema si Mama dahil palaging Wala Ito. Kung saan-saan nagsusuot." Sabad pa ni kuya Andruis. Para bang nagsusumbong.

Pinagkrus ko Ang kamay ko sa dib-dib ko."Nasa atin lang naman ako ah!" Protesta ko.

"Hah! Kaya pala Hindi mo nagawa Yung gawain mo." Paratang nito sa akin.

"Ginawa ko naman ah! Nung umuwi ako sa bahay."

"At saan ka naman nagsusuot kasi Mj?" Tanong ni Tito Rois.

"Nasa batuhan lang naman ako ah. Di Yun malayo! At tsaka Tito Hindi naman po iyon Ang unang beses. At Alam narin naman nila Kung saan ako parati, kaya Hindi na sila maghahanap pa sa malayo." Defensive Kong sagot.

Oo, defensive! Sino bang Hindi magiging defensive pag ganyan Yung tuno Ng pananalita?

"Tito alis na kami. Bukas na lang Yung lamesa. Pupunta na lang kami ulit dito." Turan ni kuya Yohan.

"Sige. Ipapahatid ko na kayo sa labas ni Angeleño." Nanlaki Ang mga mata ko sa sinabi no Tito.

Mabilis na tumayo si Angeleño. "Wag na Po Tito. We're not that important, to be guided outside your shop." Mabilis kong tanggi sa utos ni Tito Rois Kay Angeleño. Huh! Kala mo siguro gusto kitang makasama, hmmp... Nakakasuka kaya.

Pagkarinig nito ay napabuntong hininga itong na-upong muli sa pang-isahang upuan, na kanina pa nitong inuukupa.

As far as I remember I didn't want him around. Iniiwasan ko nga Ang titig nito. Kanina pa ako na aasiwa-an sa kanyang mga titig. At ngayon makakasabay pa niya Ito sa paglabas, papunta sa sasakyan nila? There's no freaking way.

"Don't be silly Mj. Syempre importante kayo. Mga pamangkin ko kaya kayo. So it's normal..." Natatawa pang Sabi ni Tito. Tsaka bumaling Ito sa Asungot na nasa gilid Lang namin nakikinig. Hmmp! Tsismoso!

"Sige na, ihatid mo na sila sa labas. At tsaka bukas ka na Lang bumalik, at bukas ka na rin magsimulang mag trabaho."

Tumango Ito at tumayo na. His eyes then glanced on me and I then rolled it. I feel like I was being put up in this situation. Gusto siguro nilang asarin ako!

At bat naman ako maasar, abir?! Hay nako! Masyado na Kong nag-iisip nito.

We bid our good byes on Tito Rois. I kissed his cheek. Ganun din Ang ginawa ni ate Zandra. Kuya Yohan and kuya Andruis just wave their hands.

Pagkalabas namin sa opisina ni Tito Rois ay agad akong nagmar-tsa palabas sa shop.

Nakasalubong ko pa si Auntie Amanda. Wala ako sa mood ngayon para asarin Ang gurang na ito, Kung hindi pa Sana ako bad trip ngayon edi Sana na pahiya ko na to kanina pa.

Yumuko Ito Ng Makita ako. Nilagpasan ko na Lang siya.

Lumabas ako sa shop at naghintay sa mga kapatid Kong parang pagong Kong maglakad.

Nang makarating sila sa Kung nasaan ako ay nakita ko sa likod nila si Asungot na nakabuntot. His glare was very evident that there's some mocking on it. Itinirik ko na lang mata ko. As if I care!

"Salamat Angeleño. Pasensya na at pinahatid ka pa sa amin ni Tito Rois at pasensya na rin sa inasal ni Mj." Paghingi Ng tawad no Ate Zandra.

Nangunot Ang noo ko sa inakto ni ate. "Bat ka pa humihingi Ng tawad sa kanya para sa akin ate? At tsaka deserve niya yun..."

Ate just shrugged it off. And just give an apologizing look on Angeleño.

He then surpress a smile. "Sige, Mauna na ako ha?" He said. Tinanguan niya Sina kuya Yohan at kuya Andruis.

Nang bumaling siya sa akin ay nawala na Ang ngiti nito. It's just cold and stoic. "Goodbye Mj."

My breath hitched when he said those words to me. Oh my! I never heard someone bid good bye to me like that. Even though his face didn't change it makes it more hot.

When I heard him say my name it feels like it's given more imphasis. It's feels like I tasted a unique food that makes me wanted more for it.

I didn't respond to him. Like I wanted to, but I just couldn't. He just stares at me for a couple of minutes. When I didn't speak, he just wave his hand and started to his way going to the parking lot.

I was in spacing out. Kahit nga pinapagalitan ako ni ate dahil sa inakto ko sa harapan ni Angeleño ay Hindi ko parin mahila Ang sarili ko papunta sa reyalidad.

Napatalon ako Ng may narinig na nabasag sa harapan ko. Napatingin ako Kung nasaan Yun. Then I saw a a couple of eyes staring at me like I was a big puzzle.

"What?" I spat at them.

Kuya Yohan just give me a very concern look at me while kuya Andruis just plastered a grin in his lips. And it gives me chills. I feels like there's something bad going to happen. When I met the other pair of eyes, parang gusto ko na lang lamunin Ng lupa.

Buong magdamag ay napaka weird ng mga titig nila. Para bang nanunukso, pero Hindi naman nagsasalita.

Kaya maaga akong natulog kahit gusto ko pang manuod Ng palabas sa TV. Hindi ko na Lang ginawa dahil maa-asiwa lang ako sa kanila

Pagkagising ko ay pumunta agad ako pumunta sa kusina para mag toothbrush.

Pagkalabas ko sa kwarto nakita ko si kuya Andruis na prenting naka-upo sa sofa kaharap Ang TV. Nilingon niya ako may pang-uuyam na tingin. "Good morning bunso." Magiliw na turan ni kuya.

"Good morning" kahit nagtataka sa kinikilos nito ay Hindi ko na lang pinuna.

Nilampasan ko si kuya at pumunta sa kusina at naka-upo na sa hapag sila. May pagkain na sa mesa.

"Magandang umaga bunso." Bati ni kuya Yohan.

"Morning" tipid kong bati.

Pumunta ako sa cr at naghilamos at Doon na nag toothbrush. Pagkalabas ko ay nasa kabesira nasi kuya Yohan. Nasa bandang Kanan naman ni kuya si ate Zandra at mama naka upo. Katapat ni ate Zandra si kuya Andruis.

"Bunso tabi Tayo." Inilahad ni kuya Andruis Ang upuan sa gilid nito. Ayaw kong magsalita kaya sinunod ko na lang siya. Umupo ako sa tabi ni kuya at Ang una Kong napuna ay Ang katahimikan na bumabalot sa hapag.

I survey each of them. Kuya Yohan was a picture of a person that put out all his sanity just so he wouldn't be look wrecked, but if you know him you would knowm that there's something wrong.

I then gaze on Ate. She is busy with her phone. Nangunot ba Ang noo nito habang binabasa Ang Kung ano. Bumaling naman ako Kay mama at nang naabutang ko siyang nakatingin sa akin ay tipid Lang itong ngumiti, she then shifted her attention on her food. Parang okay Lang naman si Mama. Walang kakaibanb kinikilos.

Tinignan ko si kuya Andruis. And that answer my questions.  He and his so full of malice eyes looking at me. I roll my eyes at him.

Nagsimula akong kumain ng basagin ni ate Ang katahimikan sa hapag.

"Diba ngayon nakukuhanin Yung mga lamesa?" Tanong ni ate. Tumango naman ako.

"O? Bakit?" Tanong ni kuya Yohan.

"Hindi na ako sasama kasi may pupuntahan ako. Aalis agad ako ngayon. Baka matagalan ako. Kayo na lang." Sabi ni ate.

"Okay Lang ate... Nandito din naman Sina kuya Yohan at kuya Andruis. Sila na lang Ang sasama sa akin." I smile on ate to assure her that it's okay.

"Hindi ako sasama." Kapag kuwan. Nawala Ang ngiti ko.

"Saan ka naman pupunta Yohan?" Tanong ni mama Kay kuya.

"Pupunta lang ako sa syudad. Bibili na rin ako Doon sa mga kakailanganin ninyo doon may kulang kasi sa mga gamit nila Zandra at Mj. Naubusan kasi sa tyanggi. Tsaka bibilhan ko na rin sila Ng mga bagong sapatos at bag. Mukhang sira na kasi Ang mga Yun." Sabi ni kuya. Hindi man lang Ito nag-angat Ng tingin habang nagsasalita. May something!

"Ok pa naman Ang mga bag namin kuya. At kunting pandikit lang ay aayos na rin Yung mga sapatos. Hindi naman kailangan. Tsaka Kung bibili ka Ng sapatos ay Kay Mj na lang. Last year ko naman din sa college eh. Tsaka Hindi ko naman kailangan Ng bago. Kaya ko naman na bumili. May pera naman akong nakukuha sa pag tutor sa mga Dela Torre."

"Aww... Napaka thought full naman Ng ate ko." Puri ko Kay ate. Inismiran lang niya ako. Ay bad!

"Tse! Gusto mo rin eh." Turan ni ate. Tinawanan na lang namin si ate.

Nang matapos kaming kumain ay nagpa-alam na si ate na aalis. Kasi nagmamadali daw Yung Dela Torre. Hmmp! Demanding masyado ghorl!

Nagligpit ako Ng pinagkainan at nilinis na rin Ang mesa. Naghugas ako Ng mga pinggan pagkatapos. Pagkatapos Kong maghugas ay pumasok ako sa kwarto at kumuha Ng tuwalya at damit.

Pagkatapos Kong kumuha Ng damit ay pumasok na ako sa banyo. Binuksan ko Ang gripo at tinitigan Ito.

Naputol Ang walang kwenta Kong pagtitig sa tubig na lumalabas galing sa gripo, dahil may kumatok. "Bunso, aalis na tayo, maligo ka na. Wag kang tutunga-nga dyan. Baka pasukan Ng langaw yang bibig mo." Si kuya Andruis.

"Oo na! Malilogo na!" Nagmamaktol akong naghubad Ng damit.

"Ba't ba kasi kailangan na malamig Yung tubig? Di na pwedeng maligam-gam..." Bulong-bulong ko na siguradong madidinig sa labas.

Nagsimula na akong maligo. Magsisimula na Sana along mag-shampoo sa buhok ko Ng Makita Ng walang laman Ang sachet. Hay nako buhay!

"Kuya!" Sigaw ko. Gusto Kong ihambalos sa kanya Ang hawak Kong tabo dahil sa panggigigil. Di man Lang nagtira Ng shampoo! Ang damot talaga!

"Ano?!" Sagot nito. Halatang galing sa panunuod Ng basketball game dahil sa lakas ba naman Ng volume Ng TV rinig na rinig Ang boses nung commentators.

"Bili ka Ng shampoo. Inubos mo, kaya bumili ka kuya." Utos ko. At Alam kong lumabas Ito Ng bahay at bumili Ng shampoo kasi rinig Ang mga yapak ni kuya palabas Ng bahay.

Hah! Yan Ang bagay sayo.

Tapos na akong mag-toothbrush at nagsasabon na Ng katawan Ng may kumatok. " Shampoo mo!"  Kinuha ko kaagad Ang nakalahad na shampoo. Mabilis kong ipinahid sa buhok ko Ang laman at pinabula. Nagbanlaw na ako Ng matapos.

Lumabas na ako sa banyo na nakalukot sa buhok ko Ang tuwalya na ka bihis na ako sa loob Ng cr.

"May kukunin Lang ako saglit." Paalam ko Kay kuya dahil Kita sa mata nito Ang inis dahil sa tagal ko. Huh! Magdusa ka dre.

Kinuha ko Ang sling bag ko at mabilis na nag-spray Ng pabango, nagsukalay at lahat-lahat ay lumabas ako sa kwarto at nakitang nasa may hamba na Ng pintuan si kuya.

Pumunta ako sa kanya at mapang-uyam na ngumisi. "Hindi halatang nagmamadali ah!"

"Tss..." Ay may ganun? Aba! Masyadong ma attitude! Attitude ka 'ya?

Hinatid na Lang kami ni kuya Yohan sa shop no Tito Rois at tumulak na si kuya papuntang Pier. Mga 9 narin kami nakarating sa shop. Siguro mga 10 minutes na Lang bago aalis Ang barko. Mukhang napaka importante talaga nito para Kay kuya na kailangan Ng santong paspasan Ang byahe.

It must be a girl. Ang swerte!

Pumasok na Lang kami ni kuya sa opisina ni Tito dahil iginiya agad kami ni Auntie Amanda. Takot ghorl? Hahaha.

"Good morning Tit-" pagkabukas sa pintuan.

Naputol Ang dapat Kong sabihin dahil may nakita akong Hindi ko dapat nakita. Dapat talaga Hindi eh, pero nakita ko na eh, pano bayan?

May narinig akong singhap sa likuran namin. And I know who it is. And it's Auntie Amanda.

Mabilis na bumaling Ang babaeng kasama ni Tito sa opisina na nakakandung pa sa kanya ha! Dios ko! At mukhang Hindi pa sila iba nag patutunguhan Ng tagpong iyon Kung Hindi kami pumasok.

Nakakandung pa paharap sa Kay Tito Ang babae. Nasa harapan ni Tito Rois Ang dib-dib nito.

Mabilis na nakarecover si Tito at Ito Ang ibang nagsalita. "I'm sorry sa naabutang ninyo..." Tito cleared his throat. "Yung lamesa ba?" Tanong ni Tito.

"Opo Tito" sagot ni kuya Andruis. Pero Hindi Kay Tito nakatuon Ang atensyon, kundi sa kasama ni Tito, na nasa gilid nito na nakatayo.

"Uhm, miss upo ka dito." Offer ko sa kanya sa upuan na katabi ni kuya Andruis. Katapat Lang nito ang upuan ni kuya Andruis.

Kuya Andruis intently eyed this beautiful maiden. Kita sa mukha nito Ang pagkailang sa klase Ng titig na ipinukol ni kuya dito.

Umupo naman Ang babae. Hindi ko Alam saan ko siya nakita but she looks familiar. I was looking at her intently. And curiously looking at her.

I was on the edge of knowing her, but Tito cut my wandering thought. "You may check the furniture if it wasn't the design you send to us."

"Ah, hindi na Tito. Sigurado naman po ako na magugustuhan ko Po Yun kahit may naiba. Kayo Po Jaya Yung napakagling na nakilala ko."

"Oo na may discount Yan. Wag mo na akong bulahin. Ikaw talagang Bata ka, katulad ka talaga ng Papa mo" nai-iling na turan ni Tito Rois.

Tinawanan ko na Lang Ang kumento ni Tito.

"Aalis narin kami Tito kasi walang kasama so mama sa bahay. Umalis Po kasi si kuya Yohan papuntang syudad. At si ate naman ay pina-papunta sa bahay Ng mga Dela Torre."

"Ah sige. Ipapahatid ko na." Sumang-ayon naman kami. Pinatawag ni Tito Rois si Auntie Amanda para mapahanda na Ang ba-bayarin sa mesa.

Nang masettle ang payment ay inilagay na Ang mga mesa sa loob Ng truck. Naghihintay lang akong matapos sa pakikipag usap si kuya Andruis sa tumawag nito sa telepono.

Habang naghihintay ay bumili Muna ako ng bottled water sa nagtitinda sa gilid Ng shop.

Binuksan ko Ang bote at iinom na sa Sana Ng tawagin ako ni kuya. "Mj! Halika na!" Tawag kuya sa akin na nasa gilid na Ng pintuan Ng passenger seat.

Nagsimula na akong maglakad papunta sa Kay kuya Andruis.

"Mauna ka na munang umuwi, kausap ko kasi si Brix sa telepono at Sabi niya magkita daw kami sa may dalampasigan malapit sa school." Sabi ni kuya. Hay nako! Mang-iiwan!  "At tsaka Hindi ka mababagot, dahil Ang driver ay may mga music na Alam kong magugustuhan mo." Kuya winked at me.

I just rolled my eyes. "May magagawa ba ako?" He just chuckled and leave me.

Napabuntong hininga na lang ako. Pumasok na ako sa passenger seat at nag seat belt na. Narinig kong bumukas at sumirado Ang driver seat. Baka Yung driver.

"Manong sa may airport lang po yung-" naputol Ang sasabihin ko ng Makita Kung sino Ang nasa mag-d-drive. Nanlaki Ang mga mata ko.

Ngumiti Lang siya sa akin at may inabot na CD sa dashboard Ng sasakyan. "Here. Sabi ng kuya mo na mahilig ka sa mga music." Sabi niya sabay abit sa akin dun.

Nangunot ang noo ko at binalingan siya. "Para saan to?"

"Diba obvious? Magpatutog ka." Sabi nito. Hindi man Lang nagtunog paki-usap, tunog dimanding. Asungot talaga!

At dahil naiinis ako. Pinagdiskitahan ko ang ibinigay no yang mga CD. Plain Lang na CD Yun. Lahat pareho Ang itsura. Imbes na magtanong Kung ano-ano Ang laman Ng mga iyon ay basta-basta ko na Lang inilagay Ang isa doon sa stereo.

Nilakasan ko na rin Ang volume para hindi ko siya madinig at makapag focus ako sa music.

I hit play at Ang unang narinig ko ay mga boses. Mukhang music video siguro Ang nakaburn dito. Makalipas Ang ilang Sandali ay may umungol.

Puta. Tinignan ko siya na nanlalaki ang mga mata.  "P-pano... S-sayo y-yan?" Natataranta kong tanong.

"Fuck!" Mabilis niyang pinatay Ang stereo at hinugot doon Ang CD.

Hindi ko man Lang inuna Ang pagkuha sa CD! Diyos ko po! My innocent mind! Namumula ako sa kahihiyan. Putang-ina!

Sa susunod Hindi na ako magpapatug-tog Ng CD na walang label or print man Doon. Diyos ko, magkakasala ako nito.

Please don't forget to like, comment and share! Thank you.😊😍