Lyndon's POV
"Gising na!!!" hayst ang ingay.
"Kuya, wake up!" Tricia said. "Tricia, I'm sleeping so please, turn it down for a bit..." I murmured.
"Lyndon gising na!!" sigaw ni Megan habang may kung anong pinupukpok.
Ano nanaman bang naisipan ng babaeng to?
Parang pakiramdam ko mas malala pa siya sa mga saleslady at mga babae sa cashiere.
Ay mali. Mas nakakatakot pala sila.
"Di ka pa tatayo?" pasigaw na tanong sa akin ni Megan. Nakakairita na.
"Heto na! Lumabas ka dito." Inis na sabi ko. Naging maingay na rin si Tricia simula nung tumira siya dito. Nakakahawa ba ang kadaldalan at kaingayan?
If that's so, i better stay away from her.
When I woke up and saw her eyes swelling like strawberries, it reminds me of what happened yesterday.
Yeah, I'm wrong.
Nag-ayus muna ako para kaaya-aya naman akong tignan. Kaaya-aya naman akong tignan kahit na 'di masyadong maayos pero ayokong mahampas ni mama. I'm trying at this point.
Bumaba ako at sumabay sa kanilang kumain. At heto naman sila, umagang-umaga ay hindi na maganda sa tenga ang pinagku-kwentuhan nila.
"Sa tingin ko talaga magiging maganda ang magiging apo ko kapag ikinasal si Lyndon at si Megan!" Diretsong sabi ni Mama. Di ko nalang siya pinansin at nagpatuloy sa pagkain.
"Paano kaya kung mag-set na tayo ng kasal after 7 years? Para naman 23 years-old na silang dalawa pag ikinasal sila. Diba mama?" mukha talagang nagkakatuwaan sila ah.
"Tama! Tapos sasamahan ko si Megan na magpasukat ng wedding dress, di'ba Megan?"
Napatingin naman ako kay Megan na may bahid ng pagkagulat sa kanyang mukha.
"A-ano? Ako po?" naguguluhang tanong niya kasabay ng pag-awang ng mga labi niya.
"H-haha. Wag naman po kayong magbiro ng ganyan. K-kami po? ikakasal? Ayoko po!?" kaagad na sgot niya.
Tsk..
"Dear Mr.Bustamante..." panimula ko na ikinatingin ng lahat ng nasa hapag kainan.
"Hello po. Ako po si Megan Trono, class C. alam niyo po crush ko po kayo..." tumingin ako sa kanya.
Gulat na gulat ang ekspresyon niya na agad rin namang napalitan nang nagsalubong ang dalawang kilay nito.
Ipinikit ko ang mga mata ko hindi lang para malinaw kong maalala ang iba pang nakasulat doon kundi dahil naiinis ako.
Hindi ko mapigilan yung bibig ko…
"Ano ba!" sigaw niya bigla na ikinatigil naming lahat.
"Stop it!" sigaw niya uli kaya dumilat ako.
At there, she slapped me.
Nawala lahat ng iniisip ko at mabilis na nag-init ang ulo ko dahil sa isang sampal na yon.
"Bat kailangan mong sinampal!?" sigaw ko kasabay ng marahas na paghampas ko ng dalawa kong kamay sa dining table. Napatayo rin ako sa sobrang inis.
"Buti nga sayo! Nangingialam ka kase ng mga gamit na 'di mo dapat pinapakialaman!" tumayo na rin siya.
"Eh para sa akin naman yung sulat na yon ah!?" inis na sigaw ko sa kanya. Masakit din yung pagkakasampal niya sakin! Tsk!
"Bakit, tinanggap mo ba!? Di naman di'ba!? Kaya wala kang karapatan na basahin yon kase 'di mo naman tinanggap! Hindi na sayo 'yon!" sigaw niya saken iniurong niya ang plato na para bang nagpapahiwatig siya na..
"Nawalan na ako ng gana. Lalabas muna ako." Ani niya na para bang iniiwasan ang salitang 'Walk out' . Tsk. Parang akala mo grade schooler.
Napatingin ako kay mama at pinandilatan niya ako ng mata.
"Saan mo ba natutuhan yan hah!? Ikaw na bata ka!?" sermon sa akin ni mama. I just tsk-ed.
"Namumuro ka na hah! Puntahan mo si Megan at humingi ka ng tawad!"
Huh!? And why would I do that!? "Nawalan na rin ako ng gana." sabi ko.
"Pare, pagpasensyahan mo na yung ginawa ng anak ko. Ganyan lang talaga yan." hingi ng pasensya ni daddy kay tito.
"Ayos lang. Alam ko naman na mabait talaga si Lyndon eh. Hindi lang niya maipakita." rinig kong sabi ni tito.
Hindi ko nalang sila pinansin at sinundan ko si Megan.
Megan's POV
Nakakainis na talaga siya! Bakit niya binasa!? Hindi nga niya tinanggap eh!
Parang naiiyak tuloy ako...
Umiyak na pala ako? Kaya talaga dapat I a nalang nagustuhan ko eh. Hindi ko na tuloy maidilat ng maayos yung mga mata ko.
Hindi ko alam kung anong itsura ko ngayon pero lumuluha ako habang nakanguso. Kakaisip ko kung anong itsura ko, I gasped laughing pero natahimik ako nig tumalsik Yung laway ko.…
Kaya siguro ayaw niya sa akin…
"Nakakainis ka na hah!" sigaw ko. Bui nalang at hindi masyadong marami ang naninirahan dito kaya imposibleng may nakarinig saken. Kainis!! Bwisit talaga!
Di ko talaga tanggap! Ang unfair talaga! "Nakakainis na pero bakit ikaw paren!?" sigaw ko uli.
"Bwisit ka talaga Lyn--"
-This night is sparkling, don't you let it go. I'm wonder struck dancing around all alone-
Napatingin ako sa caller I.D. at si Leo yon.
I wiped down my tears before answering the call.
"Hi Meg! Free ka ba ngayon?" bungad niya sa akin.
Ano bang ginagawa ng lalaking to? Ang aga-aga ay nagyayaya na siyang maglakwatsa.
"Yeah. Why?" ngarag ang boses na tanong ko sa kanya.
Agad namang bumalot sa boses niya ang paga-alala. "Hey, your voice are cracking up. Were you crying?" ramdam ko yon kahit na sa phone lang kami naguusap.
Agad ko namang pinakalma ang sarili at pinasigla ang boses ko. "Ano ka ba! Hindi ah! May nainom pang akong malamig kaya medyo nahihrapan akong magsalita. Sobrang lamig kasi eh!" pagsisinungaling ko.
"Matigas kase ulo mo eh. Ang aga-aga umiinom ka ng malalamig!" sermon niya. "Geh na. I'll fetch you after 30 minutes. Magsasaya tayo mahal kong bestfriend at sana suklian mo pagmamahal ko. Haha!" sabi niya.
"Leo naman. Wag ka nga--" naputol ang sasabihin ko dahil bigla siyamg nagsalita. "See you later. I love you! Bye!" then he hung up. Tsk. Di man lang ako pinatapos magsalita!
Tinext ko siya at sinabi ko na puntahan niya nalang ako sa Starbucks. Buti nalang at dinala ko ang pera ko.
Tinignan ko ang sarili ko.
Ano ba naman tong damit ko. I am wearing an off-shoulder shirt paired with denim shorts. At naka-tsinelas lang ako. Sinuswerte nga naman.
Syempre sarcasm yan! Ang lamig-lamig ngayong umaga dahil October na tapos yung itsura ko akala mo summer pa ren at init na init sa sarili.
"Woah... mukha kang tanga, ate Megan.." huh?
Sandali, pamilyar saken yon ah? Lumingon ako at nakita ko si Lyndon junior--este Jake.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko. Tumingin muna siya sa malayo bago sinagot ang tanong ko.
"Sinamahan ko si Tricia na bumili ng ice cream." Sagot niya. Nakita ko naman si Tricia na papunta sa direksyon namen kung saan nakatingin kanina si Jake.
May dala siyang isang galon ng ice cream.
"Pinayagan ba kayo ni tita?" tanong ko kay Jake and he nodded.
"Ate Megan, saan ka pupunta?" hinihingal na tanong ni Tricia sa akin.
"May pupuntahan lang ako. Sandali lang naman ako," sagot ko sa tanong niya.
She smiled sweetly at me.
"Sige ate, hihintayin ka namin nila kuya Lyndon at kuya Jake para sabay-sabay nating kainin tong ice cream. Hah, ate Megan?" sabi niya na ikinangiti ko naman.
Then I nodded.
"May pupuntahan? Tsk. May date ka lang eh" sabi ni Jake habang nakataas ang isang kilay.
"A-ano ba yang pinagsasabi mo?? Di ah." sagot ko. Eh sa hindi naman talaga ah!
"Halah! Susumbong kita kay Kuya!" agad na sabi ni Tricia na ikinagulat ko.
"Wag na. Mabibwisit lang lalo saken yon." sagot ko. "Sige na. May puuntahan pa ako." sabi ko at akmang aalis na ako mag pigilan ako ni Jake.
"Sandali lang babaeng istupida," imbis na mawala ang pag kainis ko ay lalo pa akong nainis. 'Di naman ako ganoon ka stupid eh no?
I locked up all my irritations and turned out o look at Jake who kept on calling me 'stupid'.
Ngayon ko lang napansin ang suot niyang malaking varsity jacket nang hubarin niya iyon at ibinigay niya saken.
"Para saan 'to?" tanong ko habang nakatingin sa jacket na iniabot sa akin ni Jake.
"Tanga ka ba talaga o di ka lang talaga nag-iisip? Bulag ka ba? Nakita mo nang jacket yan tapos itatanong mo pa?" sabi niya na puno ng pagkairita ang boses niya.
Hindi ko na talaga gusto ang tabas ng dila ng batang itechiwa!
Ngayon, sari-saring pangiinsulto na nga ang natanggap ko sa dimunyu - nararamdaman ko kahit nasa labas na ako ng bahay - dumagdag pa si Jake.
Sobrang laki nun sa kanya. Nakatatak dito ang logo ng School namen.
"Kay Lyndon 'to di'ba?" tanong ko ngunit tango lang isinagot nila sa tanong ko. Ibabalik ko na sana 'yon ngunit pinigilan nila ako.
"Hindi naman yun magagalit eh." sabi ni Jake.
"Bye, madapa ka sana." pamamaalam saken ni Jake kasabay nang pagkaway ni Tricia.
Aba't nagbigay pa ng bad luck ang Bata.
Nginitian ko nalang sila at sinuot nalang ang jacket na umabot sa pwetan ko.
Sobrang laki naman nito.
Nagtuloy nalang ako ng pagpunta sa starbucks at nagumagahan. Di pa kasi ako nabusog kanina dahilan na rin ng pagkainis ko kay Lyndon.
Maya-maya, dumating na rin si Leo.
"Wahhh..Di ka pa ba kumain?Ang lakas lakas mong kumain pero 'di ka tumataba. Tao ka ba?" pabiro niyang tanong sa akin.
"Manahimik ka nga diyan Leo..Ang ingay mo. Ang sarap ng kain ko dito eh." reklamo ko.
"Libro ka ba?" tanong niya saken.
Nagbibiro ba to o nabuhol lang ang mga ugat sa utak at nawala ang katalinuhan hanggang sa ang itsura ng tao ay di niya na malaman?
"'Di mo ba nakikitang tao ako? O baka naman akala mo bagay ang ta--" pinutol niya ang sasabihin ko.
"Pinagaaralan kase kita kung paano mo ako sasagutin." sabi niya sabay kindat.
"Alam mo Leo..ang sama mo magbiro. Sa sobrang sama, tama nang mapagkamalan kang baliw. Ang corny mo. Kainin mo sarili mo." natatawang sabi ko sabay subo ng kanin.
"Ano ba naman tong babaeng toh. Pinagpraktisan ko kaya yan habang nagmamaneho ako." sabi niya kasabay ng paghaba ng nguso niya.
May pa-pout pa si mayor ah.
"Siya..siya..saan tayo pupunta?" pang-iiba ko ng usapan.
"Sa Star city." sagot niya.
"Ang aga-aga lakwatsa ka kaagad!" sabi kp sabay tayo at tumayo para maghanda nang umalis.
"Atsaka tignan mo nga itsura ko! Nakapambahay pa ako tapos hihilahin moko sa Star City?" 'di makapaniwalang tanong ko.
"Hayaan mo na... Mas nakakahiya naman kung mag-EK tayo. " sabi niya at inakbayan ako.
"Maganda ka pa rin naman."
Nagpakasaya kaming dalawa ni Leo. Sobrang hyper niya pa nga eh. Ahahah.
At nandito kame ngayon, nanunuod ng fireworks.
"Ang ganda..." puri ko dito. Napakaganda talaga.
"Oo nga...napakaganda..." napatinin ako kay Leo. Matiim siyang nakatiig sa akin.
I just smiled at him then look up to the sky..
Nakaka-guilty tuloy.
"Leo..salamat hah..." sabi ko habang nakatingala sa langit at pinapanuod ang fireworks display.
Nalibang talaga ako ngayong araw. Ngayon ko lang napansin na gabi na pala.
"Para saan?" tanong niya saken.
"Sa lahat. Thank you sa pagdala saken dito." sagot ko sa tanong niya.
"Ahahaha!! Ikaw pa! Basta para sayo! Ikaw pa, malakas ka sakin eh!" biglang sigla niya.
Tumahimik nalang ako.
"Pero seryoso.." napatingin ako sa kanya dahil sa mabilis na pagpapalit ng tono ng pananalita niya.
"Pangako, kung ako pipiliin mo, hindi kita paiiyakin." bigla niyang sabi na ikinagulat ko.
Nakipagtitigan lang ako sa kanya.
"Leo naman.." sabi ko sa kanya.
He smiled at me. "Sa tingin mo ba kapag sinabi ko yun sa kanya, sasagutin niya ako?" tanong niya saken. Napalitan ng lungkot ang boses niya.
"Pwedeng oo. Pero malay mo hinde. Malay mo may mahal siyang iba?" sagot ko nalang sa tanong niya.
"Tama na nga! Ang dami nating darama!" sabi niya sabay nagselfie kasama ako.
Hinaid niya ako sa bahay. Pagpasok ko sa loob, nakita ko si Tricia na nakapameywang pagkapasok ko sa loob.
"Ate, bat ang tagal mo??" panguusisa niya saken.
Medyo may pagkakatulad pala silang tatlo ng ugali no? Tumingin ako sa likod niya. Nanunuod yata silang tatlo ng gumball....
Sandali...
NANUNUOD NG GUMBALL SI LYNDON!?
"Ah kase, may nangyari kasi eh." sagot ko sa kanya.
Tumango-tango nalang si Tricia.
"Tsk. May nangyari o sadyang nag enjoy ka lang?" tanong ni Jake.
Hindi ko nalang siya pinansin at pumunta sa kusina para kunin yung ice cream. Inabot ko iyon kay Tricia para ihatid sa sala.
May isa pang galon ng Ice Cream ah?
Pinabayaan ko nalang yon at kumuha ng tatlong baso.
Pumunta ako sa sala para ibigay kay Tricia at Jake ang baso nila.
Baket 'di apat ang kinuha kong baso? Kase 'di ko alam kung kakain ba si Lyndon o hinde.
Nag indian sit ako sa sofa at naglagay ng maraming ice cream at kumain.
Ang sharap sharap talaga ng ice cream.
"Bat wala akong baso?" tanong ni Lyndon na palipat-lipat ang tingin niya sa aming tatlo.
"Eh malay ko bang kakain ka!? Kung gusto mong kumain, kumuha ka ng sarili mo!" 'di talaga yun yung dalat na sasabihin ko pero bahala na. Inis pa rin ako sa kanya! Hmp!
Hinablot yung baso ko na may gahamang serving at kutsara at sumubo ng ice cream.
"Ano ba naman yan Lyndon! Akin yan eh!" sigaw ko sa kanya.
"Kumuha ka nalang don ng bagomg baso! Nakita mo nang kinainan ko na eh. Pag kinainan ko na, aken na yon!" balik-sigaw niya saken.
"Eh ang dami sami ng nilagay ko eh! Tapos yung akin pa kinuha mo!" parang ang layo ng pwesto namin para magsigawan. Nakatakip naman sa mga tainga nila ang mga bata.
Binibwisit niya talaga ako lalo ah??
"Ang tamad mo! Tatayo ka na nga lang at kukuha ng baso, 'di mo pa magawa!" Pumunta ako sa kusina at kumuha ng bagong baso at bagong kutsara.
Bagsak akong umupo sa sofa at tinignan siya ng masama.
"Bakit?" tanong niya habang sarap na sarap sa ice cream na ako ang kumuha.
Naghirap din kaya ang muscles at buto ko sa kamay para kumuha niyan!
Hinablot ko yung baso niya pati yung kutsara tapos sinandok ko yung kutsara para gawing kalahati yung ice cream sa baso na pinaghirapan kong kunin na baso na ngayon ng demonyong nasa harap ko.
Wala ngang patawad eh. Pati ba naman kutsara ko!
"Hah." pabagsak na hinga niya habang nakatingin sa ginawa ko.
Buti nga sayo. Hmp!
Inabot ko sa kanya yung baso at kutsara KO na KANYA na ngayon.
Kumuha ako uli sa lalagyan ng ice cream para mapuno ang baso ko.
Ice cream is my stress reliever.
And so Lyndon too.
Nagulat ako ng biglang may humablot ng baso ko at nakita ko kung sino ang kriminal na gumawa non!
"Ano ba kase yan!" sigaw ko uli kay Lyndon.
Oo. Siya nanaman. Nangaasar talaga siya eh.
At heto siya ngayon, sumasandok sa baso ko ng ice cream. Bwiset talaga.
Hindi ko nalang siya pinansen at nagpatuloy sa pagkain at panunuod.
"Jake, Tricia, pahanap muna si kuya ng libro ko sa study room sa taas. Color blue yon. Science psychology yon." utos niya sa mga bata.
Agad naman silang tumaas. Sinunod talaga nila ang tamad nilang kuya.
"Sorry about what happenned kaninang umaga at kahapon." biglang aabi ni Lyndon na ikinagulat ko.
Tama ba yung na rinig ko? Nag-sorry siya?
"A-ano sabi mo?" gulat na tanong ko sa kanya.
Tinignan niya lang ako. "Huh?" inosenteng tanong niya.
"Anong ulit sabi mo kanina?" paguulit ko ng tanong ko.
"Ewan. Don't make me repeat myself." sabi niya at nagpatuloy sa pagkain ng ice cream.
Magso-sorry na nga lang siya, siya pa maarte.
Kinuha ko yung baso niya at kumuha ng isang kutsara at kinain. Tinignan niya lang ako at nginitian ko siya.
"Ang sarap ng ice cream. hehe." sabi ko sabay ngiti.
Inabot ko uli sa kanya yung baso para magpatuloy siyang kumain.
"Ikaw maghuhugas nito hah."
Tumango siya. "Yung jacket ko hah" ani niya sa gitna ng pagkain niya.
Oo nga pala!