Nasa kwarto lang naman palagi, Kuya," sagot niya, "kuya, may kailangan pala kaming bayaran sa school. Requirement lang." Iniabot sa akin ni Michelle ang papel, peke na lamang akong ngumiti bago siya tugunan.
"Sige na, ako nang bahala, maghain ka na lang, tapos tawagin mo na sina Lola, para makakain na tayo. Mamaya pang hatinggabi uwi ng Tita Cora."
Mahirap man ang buhay, masaya naman ako... may mga katapid akong masunurin, at maintindihin na rin sa aming sitwasyon. Minsan man ay may kakulitan ay ayos lang, alam ko rin namang mababait ang mga kapatid ko.
Umakyat ako sa aking kwarto para magbihis, at ilapag ang aking mga gamit. Habang nagbibihis ay ibinababa ko ang aking bag at nakita kong nahulog ang nakatiklop na papel na pagkakatanda ko ay, si Lance ang naglagay.
Binuksan ko ito at mahina akong napatawa tsaka napangiti nang makita ang laman nito. Isang libo. May nakasulat din sa papel na kaniyang ginamit.