Chereads / ANOTHER CHANCE / Chapter 12 - NEW DAY

Chapter 12 - NEW DAY

MIKKI's POV

Ilang taon na simula noong umalis si bryce inisiisip ko sa sarili ko na ako na ang dahilan kung baket nangyare lahat ng to,,,Wala na kaming komunikasyon ni bryce maski nga muka niya diko na makita tanging mga magagandang memories nalang ang nasa isip ko.

"Oh chester hindi ba talaga makakapunta si bryce?"Tanong ni Adrian.

"Alam mo naman strict yung tita niya kaya nga diba noong na ospital si bryce umuwi agad yung tita niya dito tapos dinala niya agad si bryce sa states para doon na magpagaling and hanggang ngayon ayaw paden siya pauwiin ng tita niya."Sagot ni chester.

Nalungkot nalamang ako sa sinabi ni chester kase kahit ako diko na siya makausap at hindi ko lubos isipin na wala siya sa pinaka importanteng araw sa buhay ko.

"Wazzap mga beshiewap!!Ready naba kayo sa graduation bukas?"Sigaw ni cherry habang papalapit saamin.

"Mikki wag ka ng malungkot,,,Isipin mo nalang na kasama mo si bryce kahit san ka magpunta"Ani naman ni migo.

"Asus!Normal lang na mamiss mo siya mikki!Basta nandito kami pag gusto mo ng kausap"Ani ni cherry.

"Hayaan mo gagawa ako ng paraan para makausap mo si bryce"Banggit ni chester.

"Bait talaga ng baby ko!"Pabirong sabi ni adrian.

"Baby mo muka mo!"Sagot ni chester.

"Haynakoooo!Wag na kayo mag pakastress kailangan naten mag celebrate tonight kase tapos na ang college life naten!INUMAN NA!"Ani ni cherry.

Kinagabihan ay pumunta na kami sa bar para Icelebrate ang magaganap na graduation bukas.

Lumipas ang ilang oras ay lasing na silang lahat,Pero ako?Hindi ko nga alam bat di ako masyado nalasing sabagay di naman ako malakas uminom.

"Guyss uwi na tayo kailangan kopa mag beauty rest para bukas"Banggit ni cherry habang lasing na lasing.

"Rest lang wala ka namang beauty e"Pabirong sagot ni adrian.

Sa sobrang kalasingan ay nag taxi nalang kami pauwi....Nakarating na kami sa dorm at nagsi balikan naden sila sa mga dorm nila kaya kaming dalawa nalang ni migo ang naiwan kaya naman hiniga ko muna siya sa kama.

"Mikki!Mikki!Wag kang aalis"Banggit niya habang lasing na lasing.

"Baket ako aalis e dorm ko din 'to!Wait lang kukuha lang ako ng towel at pupunasan kita para mahimas masan ka"Sagot ko.

Kumuha na ako ng towel at maligamgam na tubig habang hinuhubaran ko siya ay bigla niya nalamng hinawakan ang aking kamay.

"Mahal mo paba si bryce?"Tanong niya.

"Hay nako migo!lasing kalang,Matulog kana!"Sagot ko.

"Mikki please ako nalang!Tingnan mo iniwan kana ni bryce oh!"Ani niya.

Natahimik nalamang ako sa sinabi niya nang biglang nilapit niya ang muka niya saakin at dumampi ang mga labi namen sa isat isa

Habang kami ay naghahalikan ay hinuhubaran niya na ako pero naitulak ko siya papalayo.

"Migo lasing ka lang"Ani ko.

"Mahal mo pa nga siya mikki!Nandito naman ako!Matagal na ako naghihintay sayo"Sagot niya.

"Migo lasing ka lang!Mahiga kana muna diyan at matulog nalang muna tayo,Okay?"Banggit ko.

Tinitigan ko nalamang siya at kita ko sakanyang mga mata ang lungkot at hanggang sa pumikit na ito at nakatulog na siya kaya naman sumabay na ako sa pagtulog niya.

Kinabukasan ay dumating na ang pinakahihintay naming graduation day ngunit pagkagising ko ay tulog paden si migo kaya naman nagluto na muna ako ng almusal at nagplantsa naden ng susuotin namen nang biglang May tumawag saakin.

"Anak hintayin ka nalang namin ng Lola mo doon sa venue,,Mag ayos ka anak ha!Hindi ka pede malate sa graduation mo"Ani ng aking ina.

"Opo ma!Sige po nagluluto pa po ako ng almusal"Sagot ko.

Ilang minuto pa ay nagising na si migo at sinabayan niya na ako sa pagkain.

"Sobrang sakit ng ulo ko mikki napasobra ata ako sa alak kagabi"Ani niya.

"Kaya nga e,,,Wala kana bang ibang naaalala kagabi?"Tanong ko.

"Ang huli ko lang naalala yung nasa taxi tayo,,Baket Ano paba nangyare kagabi?"Tanong niya saakin.

"Wala,Wala,Sige kumain kana muna diyan,,,Ikaw maghugas ng plato ah"Ani ko sakanya habang kumakain.

Pagkatapos kumain ay nauna na maligo si migo at habang naliligo siya ay tumawag saakin si cherry.

"Ano na te?Nagaayos na ako dito"Ani niya.

"Ang aga mo naman 11am palang 2pm pa ang event."Sagot ko.

"Malamang mas okay ng prepared kesa sa wala!Eh kayo diyan?Kamusta kayo?Hmm nadiligan naba si baby mikki?"Pabiro niyang tanong.

"Bastos mo talaga cherry!Sige na mag aayos na kami dito"Pagpapaalam ko.

Ilang sandali pa ay lumabas na si migo sa cr at ako naman ang agad na pumasok,,,Pagkatapos ko maligo ay nag prepare na kami dahil sasabay kami kila cherry papunta sa venue.

"Ano bayan mikki mali pa yung butones mo"Ani ni migo habang inaayos ang suot ko.

Pagkatapos namin mag ayos ay kumatok na si chester para sunduin kami papunta kila cherry.

"Tara na baka malate pa tayo at baka di tayo makagraduate"Pagmamadali na aya ni chester.

Dumiretso na kami sa event at pag dating namin ay naghintay na kami.

Ilang oras pa ay isa isa na tinatawag ang mga students.

"Okay now,,Lets hear a speech from our loving cum laude of this batch,,,Please welcome Mr.Mikki Reyes"Ani ng nagsasalita sa stage.

"Uhmm first of all po gusto ko lang magpasalamat sa mga guro at friends ko na sumusuporta saakin at syempre po kay mama at lola na palagi akong ginagabayan ang masasabi ko lang po ay sa mundong ito ay walang tao ang magsasabi sayo na loser ka dahil ang totoong loser ay yung mga natatakot na hindi magtagumpay kahit hindi pa nila sinusubukan,,,And I will dedicate this award to my long lost lover and sasabihin ko sainyo na we fall to fast at bumabagsak tayo ng sobrang sakit para lang po tayong shooting star in a galaxy of broken hearts...Ayun lang po maraming salamat!Magsumikap po tayo para sa pangarap naten!"

"Okay!What a very inspiring speech from Mr.Reyes"

Natapos na ang event pero bago pa umuwi ay nag kita kita muna kami sa gilid para mag picture.

"Galing talaga ng best friend ko"Ani ni adrian.

"Haynako mikki buti nalang tinaas mo ang bandera ng mga designers,,I'm so proud!"Ani naman ni cherry.

"Kayo talaga!Dahil diyan sagot kona ang pang beach naten next week"Ani ko sakanila.

Bigla namang lumapit saamin sina mama at lola.

"Apo napakagaling mo talaga!Manang mana ka talaga saken"Banggit ng Lola ko habang nakangiti.

"Nako anak buti naman at dimo pinabayaan ang pag aaral mo!Proud na proud kami sayo"Ani ni mama habang niyayakap ako.

"Ay teka!Sino ba sakanila yung bryce na kinekwento mo saakin"Tanong ni Lola.

"Ay wala po dito yon la nasa ibang lugar napo,,,Papakilala ko nalang po sainyo mga kaibigan ko,Eto po si cherry~"

"Ang pinaka maganda sa grupo"Pabirong dagdag ni cherry.

"Eto naman po si adrian at chester"Ani ko.

"Eh eto parang kilala ko 'to"Banggit ni Lola.

"Ahh opo lola eto po si,,,,Migo,,Dumalaw na po siya sa bahay niyo dati"Ani ko

"Alam mo migo bagay kayo ng Apo ko"Pabirong sabi ni Lola.

Tumawa lamang si migo,,,Pagkatapos noon ay kumain muna kami sa labas at tapos ay bumalik muna kami sa dorm ngunit nagstay muna hanggang gabi sina lola.

"oh anak nagluto na ako ng hapunan niyo ni migo,,,At ikaw migo wag mo papabayaan si mikki ha at kami ay aalis na Baka gabihin pakami"Ani ni mama.

"Opo tita ako po bahala kay mikki."Sagot ni migo.

Umalis na sina mama at kami naman ay naghapunan na ni migo pagkatapos non ay naghanap na kami ng trabaho online.

"Ano ba mga gusto mo migo?"Tanong ko sakanya.

"Ikaw"Sagot niya.

"Ano?ako?"Pagkagulat ko.

"I mean ikaw Ano ba gusto mo?"Pagpapaliwanag niya.

"Nag apply ako dito sa brand nato sana matanggap,,,Gagawan na kita ng portfolio mo migo at ikaw na maghanap ng trabaho mo"Ani ko saknaya

Inabot na kami ng gabi sa paghahanap at hanggang sa nakatulog na kami sa pagod.