'Ako si Buwa-luna ang dyosa ng buwan, at umibig ako kay Apo Kosito dyos ng kadiliman, kami ay nagmahalan pero sa maling katauhan'
'Isang araw sa puno ng kamatayan, ang lagusan mula mundong ibabaw papunta sa hukuman, ay nagsimula ang aming pagiibigan, ang isang madilim na kagubatan at misteryo ng puno ay aming pinaltan, ng galak at pagmamahalan. Binago namin ni kosito ang bawat katagang ibinagay sa patay na puno, doon kami bumuo ng masasayang alaala at kwento'
'Ngunit dumating ang araw ng kanyang kasal, kami ay nagtanan. Alam namin kapwa na kami ay parehong makagagawa ng kasalanan pero di mawari ng aming isipan ang hindi kami magkatuluyan'
'Nagtungo kami sa kagubatan ng miselenya, kung saan taklob ito ng mga puno ng narra at hindi mapasukan kahit aninag ng kapatid kong si Apo Surawa, doon kami nagsimulang bumuo ng pamilya, masaya tahimik at payapa.
'Nang isang araw isang babaylan ang syang napadaan saming tahanan, babaylan ng aming kaharian. Tagapagturo at kaliwang kamay ng pinuno ng kalangitaan, sugo ng aking ama. Nagtama ang aming mga mata, nakita ko na tila sya ay nagbabadya ng isang giyera, na sanhi ng pagsasama naming dalawa'
'Lumipas ang walongraan pitumpu at tatlong araw, mapayapa parin sa miselenya.
"Paminsan-minsan ay sumusuway ako sa iyong lolo, madalas akong pumunta sa punong ito, kung saan tayo nakatira ngayon. Ang Puno ng Kamatayan, para dumungaw sa mundo ng mga tao at para narin makita ang magagandang tanawin na mayroon dito. At sa 'di inaasahang pangyayari ay nakita ko ang iyong ama. Sa isang biglaang pagkakataon makikita ko ang magpapatibok ng puso ko. Si Apo Kosito diyos ng kadiliman." wika ko sabay sulyap sa aking kabiyak.
Makikita ang isang ngiti at ang ningning nga mga mata ng aming anak na para bang naiintindihan na niya ang aking ibinibida.
"Totoo iyon Tala, patay na patay kasi sa aking kagwapuhan ang iyong ina." udyo pa ni Kosito kay tala. Isinalaysay rin niya kung paano nila binuo si Tala.
'Ito ay sa tagong ilog sa dulo ng kagubatan malapit sa kaharian nina Kosito.
Sa ilalim ng ilog, saksi ang mga lamang dagat at si Ariela, bantay ng ilog na nagbinyag kay tala at sya rin namang malapit na kaibigan ni Kosito'
Habang ito ay isinasalaysay niya, batid sa aking mukha ang pamumula. Mararamdaman parin ang kilig kahit na ilang taon narin ang lumipas.
"Itigil mo na iyan Kosito, masyado nang hindi kapani-paniwala ang mga kwento mo" saad ko
"Bakit tunay naman na ikaw ang nanligaw sakin a? Ikaw parin mismo ang syang nag udyok sakin na makipagkita sa iyo araw-araw. Naki't ginayuma mo pa nga ako ay."biro p nito
"Naku, huwag kang maniwala Tala, matulog kana at huwag kang gagawa sa ama mo, mayabang masyado." sambit ko sabay alalay sa amjng supling upang makahiga na ito.
Isang dampi rin ng halik ang ibinigay ni Kosito sa aming mag-ina bago siya lumabas ng bahay para magpahanhin.
Hindi ko sukat akalain na ito na pala ang huling gabi ng aming pamilya. Huling sandali na kami ay buo, masaya at payapa.
Kinabukasan ay sumiklab na ang tunog ng mga yabag ng paa, kita ang liwanag at ramdam ang lamig at bigat ng mga paparating, simula na nga yata ng giyera'
'Habang natutulog ang aming anak ay dinala namin sila sa ilalim ng lupa, isang daan o lugar sa ilalim ng lupa na maaaring taguan, ligtas at tagong lugar'
'Dumating ang kaibigan kong si Cometo at Asteroda, sinabihan namin sila na bantayan muna ang aming anak, at kami na ang bahala sa labas. Binilinan ko na sila dahil sa maaaring mangyari, masakit pero kailangan namin itong tanggapin.'
'Handa na akong mamatay, sa loob ng dalawang libo siyam na raan tatlumpu't walong taon na nakasama ko si Apo Kosito at ang ang aming yaman, ay kuntento na ako'
'Nakumpleto na ang bawat kawal ng dalawang grupo, nasa gitna kami ng aking kabiyak nang biglang, nagsalita na ako "pwede ba na hayaan nyo na kami, masaya na kaming dalawa at sana maintindihan nyo kami"
pero ni isang salita ay wala kaming nakuha sa magkabilang panig, ngunit isang malakas na pagsigaw ni Kosito nang tamaan sya ng palaso mula sa hanay ng kawal ng aking pamilya.'
'Sinugod ng mga kawal ng pamilya ni Kosito ang pwesti ng aking ama. Nagsimula ang giyera pero wala akong paki alam, dahil ang gusto ko lang ay makatakas at mabuhay ang aking pamilya.'
'Hinila nya ako sa may ilalim ng puno ng narra at umaagos ang kanyang mga luha, akala ko ay handa na ako, sinabi ko na sa sarili kong sapat na ang mga araw na ipinamalagi ko sa mundo, na kontento na ako sa kung ano ang narating ko. Pero kapag nasa bingit ka na nang kamatayan, dun mo lang mararamdaman, doon mo malalaman na masarap pala talagang mabuhay.'
Ang bawat tunog ng espadang nagsasalpukan, kaluskos ng mga hayop sa kagubatan, sigaw dahil sa sakit na nararamdaman ay hindi ko na pinagtunan, tanging ang paghihinagpis lamang ng aking iniirog ang aking nararamdaman. Habang may oras pa'y agad ko syang kinarga, dugo nya ay lumalagaslas sa mala perlas kong kasuotan at porselana kong balat.
Tumakbo ako habang bitbit sya papunta sa ilalim ng lupa kung nasaan ang aming mga anak. Ibinaba ko sya sa higaanng gawa sa kawayan, habang isinasara ko ang ang panakip sa lagusan ay biglang, isang ligaw na palaso ang tumama sa aking kaliwang mata. Ni isang sakit ay di ko ininda, mas pinagtuunan ko nang pansin si kosito kong sinisinta.
Nakita ko ang aking anak, si Tala na tanging buhok lamang ang nakuha sa akin. Tunaw na kawangis nya ang aking kabiyak, natatangi rin nito ang mga masiya at kabighabighaning ngiti. "mahal na mahal kita anak" wika ko
Nang mabigyang lunas ang sugat namin ni Kosito ay muli kaming lumabas para sumugal sa katiting na pagasang maayos ang lahat ng problema. Bulag na ang aking isang mata.
Ngunit hindi pa man kami muling nagsasalita o pumapatay ni isa. Narinig ko agad ang hiyaw ni tala na kalong kalong na ni Yunibersa.
Saglit na natigil ang kaguluhan dahil sa hiyaw na iyon.
"bumalik ka na sa langit anak" banggit ni amang bathala
"at kung hindi ako sasama? anong gagawin mo ama? papatayin mo ako, handa akong mamatay wag mo lang gagalawin ang mga anak ko" palaban kong sagot kay ama
Nalingat ako dahil sa muling pagsigaw ng aking anak. Nakita ko na sinaksak ni Yunibersa si Tala at ito ay sinundan nina Asteroda at Cometo. Nilabanan nila si Yunibersa kahit pa alam nila na higit itong malakas kaysa sa kanila lalo pa at ito ang kanang kamay ni ama. Naluluha ako, ansakit sakit dahil wala akong nagawa para iligtas si tala. Nakita ko ang liwanag na naidulot nya sa mga bato na syang sanhi ng liwanag sa gabi.
Masaya ako dahil hanggang sa huli, tinupad parin ng aming mga kaibigan ang kanilang mga pangako, na babantayan aalagaan at palaging sasamahan ang aming mga anak.
Galit na galit kong sinugod si ama nang agaran nya akong sasaksakin. Tatanggapin ko na sana ang aking katapuan nang makita ko ang mapait ngunit busilak na nguti ng aking kapatid.
"Surawa" naluluha kong sambit
Sinalo nya ang saksak na para sa akin
"Masaya akong paglingkuran ka kapatid. Hindi man kita napoptotektahan noon, hayaan mong gawin ki ngayon" sabi nito bago tuluyang pumikit.
"Mamamatay ka" dinig ko bago ko pa maramdaman ang isang palaso na tumusok mula sa akung likod na tumagos uanghang sa aking puso.
Hindi ko na ito alintana pagkat ako ay nagdurusa pa sa pagkawala ng aking kapatid. Narinig ko rin ang pagbasbas ni ama sa amin, ipinamana nya sa aming dalwa ang pagbantay sa sanlibutan.
"Uuwi kana sa langit anak" sabi ng aking ama bago sya tuluyang umalis at tumugo pabalik sa kanyang kaharian.
"Tapos na ang digmaan" masaya kong bulong sa aking kapatid
Tumatakbo si Kositi palapit sa akin habang karga si tala. Inalapat nita ito sa tabi ko.
Nabigla ako ng saksakin nya ang kanyang sarili. "Sasamahan kita, kayo ni tala" saad nito.
Inilapat nya ang kanyang labi sa akin at akoy hinalikan para bawasan ang sakit na aking nararamdaman.
Iginugol ko ang aking huling lakas para gantihan ang halik ni Kosito.
"magkasama tayong mamamatay mahal, hindi kita iiwanan" iyan ang mga salita ang narinig ko sa aking iniibig.
Nakita ko ang pagsasama-sama ng aming pamilya kahit na kami'y wala na. Ang kadiliman, mga tala na syang tanglaw sa kalangitan at ang buwan.
"hanggang sa muli" sabi ko kay Kosito
"hanggang sa muli" sagot nya sa akin bago kami tuluyang pumikit.
-WAKAS-
- - -
Pinaniniwalaan ko na tuwing darating ang eklipse ay iyon ang araw nng muling pagsasama nina Buwa-Luna at ang kanyang kapatid na si Apo Surawa.
Mapapansin rin minsan ang ulap sa kadiliman, nangangahulugan ito na nakikupaglaro ang anak ni Surawa na si Ulap kay Tala na syang anak ng kapatid nito.
Walang buwan paminsan dahil ito ang pagkakataon para masolo ni Kosito si Buwa-Luna.
- - -
Ang mga iyon ay base lamang rin sa aking pangunawa, iti ay aking opinyon lamang mula sa tunay na buhay at sa kwenting aking ginawa.