Chereads / Maikling Kwento: Mitolohiyang Pilipino / Chapter 3 - Tanglaw at Hangin

Chapter 3 - Tanglaw at Hangin

"Luna" masiya kong bati sa aking kapatid na si Buwa-Luna. Masaya ako na makita syang muli, halos isang buwan na rin ang nakalipas ng ako ay lumisan patungo sa mundo ng mga tao.

"Apo Surawa" kita ko ang ningning sa kanyang mga mata. "Kumusta ang paglalakbay mo? Anong mga bagong karanasan ang ikukwento ko sa akin?" dagdag pa nito.

"Naku, marami akong kwento para sayo. Mula ng maglakbay kami nitong nakaraan ay marami akong nakilala at napuntahan"

Isinalaysay ko sa kanya ang mga bulubundukin at kapatagan na aking nakita. Namangha rin siya sa pagkwento ko kung paano kami tumulay sa Gubat ng Buhay patungo sa mundo ng mga tao.

"Nakakainggit naman iyan, sana ay marating ko rin iyon" wika niya.

"Anu kaba, pag ikaw ay naging handa  na makakasama na kita sa paglalakbay" pagtugon ko upang pagaanin ang kanyang loob.

"Maidagdag ko lamang kapatid, mukhang nakita ko na ang magpapatibok ng puso ko." mapait kong sambit.

"Oh bakit parang malungkot ka? Batid ko na seryoso ka naman ngunit bakit parang lugmok ka?" tanong niya. Mas matanda ako sa kanya, ngunit hindi maipagkakaila ang kanyang katalinuhan.

"Wari ko'y isang mortal ang iyong natitipuhan Surawa" isa pa ito sa katangian nya. Magaling siyang bumuo ng hinhuha mula sa isang maliit na bagay.

"Tumpak ka, alam ko na magagalit si ama kapag umibig ako sa mortal. Ngunit tunay na sya ang mahal ko, tinulungan nya ako at binigyan ng pagkain, maganda sya at busilak ang puso" paliwanag ko.

"Hay, buhay nga naman. Pareho pa tayo na umiibig sa mali, kapati..." naputol ang kanyang sinasabi nang mapataas ako ng kilay sa kanya

"Umiibig kana? Labing apat na taon ka pa lamang Luna! At sino naman iyang lalaki na kinahuhumalingan mo?" tanong ko sa kanya. Bakas ang takot at kaba sa kanyang mukha.

"Huwag mong sasabihin kay Ama Surawa, binabalaan kita! Pag ako ay isinumbong mo, ilalaglag rin kita. Tandaan mo iyan!" madiin nitong sambit. Tumango ako.

"Sa tingin ko ay may gusto ako kay Kosito" mahina nyang sambit

"Kosito? Ang diyos ng kadiliman?" gulat kong sambit.

"Tumatakas ka parin pala papunta sa puno ng kamatayan? Haha, makasisiguro ka na ligtas ang iyong mga sikreto sa akin" nakangiti kong wika.

"Tama na nga Surawa, magkwento ka pa sa akin tungkol sa mundo ng mga normal. Hindi na talaga ako makapagantay na maglakbay patungo doon" sabi niya.

Nakahanda na ako sa pagbuka ng aking bibig para sabihin lahat ng aking mga ibinaong kwento nang may biglang lumapit sa amin para magbigay ng isang mensahe.

"Pasensya na po sa abala mga maharlika ngunit ipinatatawag po kayo ni Bathala, Apo Surawa" pagtawag sa akin ng isa sa mga kawal ni Ama.

"Mauna na ako Luna, mamaya na lamang ulit" agad rin naman syang tumango, saka ako tumayo sa pagkakaupo namin sa harap ng Lawa ng Lawig at tuluyang lumakad paalis.

Pagkalapit ko kay ama ay wala ni anong kumusta akong natanggap.

"Aalis ka ngayong gabi Surawa, kailangan mong bantayan ang mga halaman sa timog sapagkat palakas na ng palakas ang ulan na bumabagsak doon"

"Ngunit ama kauuwi ko lamang, hindi pa kami gaano nakapaguusap ng aking kapatid" depensa ko.

"Hindi mo susuwayin. Aalis ka ngayon kasama ng grupo ni Melukamud" madiin nitong sambit.

Tumakbo ako palabas ng silid na iyon at tumumgo ako sa lugar kung saan ko makikita si Buwa-Luna. Sa Puno ng Kamatayan, agad akong nagpaalam sa kanya at isang mapait ba ngiti at mahigpit na yakap ang ipinabaon nya sa akin.

"Mag-iingat ka" sambit nito.

"Nawa'y makita mong muli ang iyong sinisinta, huwag kang mahihiya na umain sa kanya ha, bigyan mo rin siya ng Puting Rosas tanda ng malinis mong intensyon sa kanya" bilin pa nito.

Tumango ako bilang ganti at saka tumakbo patungo sa kabilang direksyon. Sa Lawa ng Buhay, ang daan ng mga dyos sa kalangitan patungo sa mundo ng mga mortal.

-

Mula nang bumalik ako sa mundong ito ay simula narin ng paglayo ko sa aking kapatid na si Luna. Nawalan ako ng oras sa kanya at bibihra na lamang rin kaming magkita. Ang tungkulin ko bilang nakatatandang kapatid ay di ko na natuunan ng pansin, ang dapat na pagprotekto ko sa kanya ay pinunan ni Kosito, ang lalaking kanyang iniibig. Kahit pa na tutol ako rito ay wala na akong nagawa, maaring naging pabaya ako pero alam ko na busilak ang loob niya kahit na anak siya ng dyos ng kamatayan. Alam kong mahal nyang tunay ang kapatid ko.

Sa kabilang banda, patuloy ako sa pagtulong sa mga magsasaka ng timog habang nanunuluyan ako sa bahay ni Hawi ang babaeng aking sinisinta. Ilang bwan na rin kaming nagsasama. Nawala na rin ang nga malalakas na ulan matapos kong makausap si Ralah, diyosa ng ulan.

Kahit pa nagsasama na kami ni Hawi ay hindi parin nya alam ang tunay kong pagkatao, paminsan rin akong bumabalik sa kalangitan para magbigay ng balita. At gaya ni Hawi, hindi rin alam ng mga nasa itaas ang relasyon ko sa isang mortal maliban kay Buwa-Luma at kay Melukamud na syang aking pinaka malapit na kaibigan.

-

Lumipas ang ilang bwan ay muling bumalik ang malalakas na ulan na mas matindi pa sa nga nagdaang pagbuhos ng tubig. Kaya't kahit ayokong iwan ang aking asawa na sya namang nagdadalan-tao sa mga panahong ito, ay kailangan ko paring umalis para makausap muli si Ralah.

Nagtungo kami sa kweba na kanyang tinutuluyan at nakita ko sya na nakatalikod, babati pa lamang ako nang bigla syang magsalita.

"Alam kong nandito ka para ipatigil sa akin ang malalakas na ulan"

"Nais ko sanang malaman kung ano ang dahulan nang muling pagbuhos mo ng luha" saad ko

"Ikaw" walang preno nyang sambit.

"Gusto kita Surawa" dagdag pa ni Ralah.

Tila ako'y naestatwa sa aking pwesto pagka't di ako makakilos.

"Alam kong hindi maaari dahil buntis na ang aking kapatid, pero mahal kita at handa akong makipag patayan para sa iyo" paliwanag nito

"Anong ibig mong sabihin?" naguguluhan kong tanong.

"Kapatid ko si Hawi, malamang ay hindi nya ito sinabi sa iyo pagkat ngayon ay naguguluhan ka" nakangisi nyang saad.

"Patawad, pero malapit na kaming bumuo ng pamilya." sagot ko

"Iyon na ang problema mahal ko, kung ngayon pa lamang ay nagsinungaling na sya, paano pa kaya sa hinaharap?" paliwanag nito.

"Alam kong may mabuti syang dahilan—

"Mabuti ang magsinungaling? Kailan pa? Iyan ba ang linyahan ng prinsipe ng kalangitan?" pagputol nya sa sinasabi ko

"Hindi, pero mabuti syang tao alam kong hindi sya gagawa ng isang bagay na hindi nya pinagisipan at alam ko na hindi sya kikilos nang alam nya may ibang masasaktan. Hindi tulad mo na handang makasakit para sa sarili at nang dahil lang sa mababaw na dahilan. At saka nagsikreto rin ako sa kanya, hindi rin naman nya alam na isa akkng diyos." mahaba kong paliwanag.

"At saka nasa kauutusan na bawal ipagsabi ang ating tunay na anyo at katayuan sa buhay, bawal malaman ng marami na tayo ay mga dyos" sabat ni Melukamud. Sabay ngiti nito sakin at bulong na "Ayos ba Surawa?"

Napailing nalang akk dahil sa kakulitan nya.

Bigla nalamang may palakpak kaming narinig mula sa likod ni Ralah.

Isang babaeng may mahabang kulay kapeng buhok at morenang balat ang naglakad palapit sa akin.

"Mahusay, ngayon ay nakasisigurado na ako sayo mahal ko" saad pa nito

Si Hawi. Ang babaeng mahal ko.

"Salamat Ralah, magaling ang iyong pag arte" nakangiti nitong saad  sa kanyang kapatid sabay sulyap muli sa akin.

Lumabas rin ang iba pang nga diyos kabilang ang magulang ni Ralah at Hawi ang dyos ng dagat na si Reyna Kara at ang ama nila na si Adad, dyos ng kidlad.

Andito rin ngayon si ama at si Luna. Tumakbo siya palapit sa akin at yumakap. "Ikakasal kana" nangingiyak nitong sabi.

Natulala ako sa narinig ko, ikakasal ako?

-

Sinimulan na ng Babaylan na syang kaliwang kamay ni Ama ang seremonya. Agaran rin kaming kinasal ni Hawi dahil na rin sa kanyang dinadala. Masaya ako sa araw na ito. Natapos ang misyon ko at ang pagtulong sa mga magsasaka,muli kong nakita si Luna at higit sa lahat ay panghabang buhay na kaming magmamahalan ni Hawi kasama ang aming magiging mga anak.