Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Elemental Guardians BOOK 1

🇵🇭_Knight_Mare_
--
chs / week
--
NOT RATINGS
3.8k
Views
VIEW MORE

Chapter 1 - Prologue

Third Person's POV

Hingal na hingal si Mia habang tumatakbo siya papunta sa portal patungo sa mundo ng mga tao habang bibit ang kanyang anak na anim na taong gulang sa mga braso niya.

Tiningnan niya ang kaniyang anak at tinakpan ang mukha nito gamit ang pulang kumot nito. "Anak! K-Kumapit kang mabuti sa akin! Malapit na tayo! W-Wag kang mag-alala! Ma-Malapit na tayo sa portal!" Sabi ni Mia sa kanyang anak habang nakatulog ito sa kanyang braso ng mahimbing. Tumutulo ang mga pawis ni Mia habang tumatakbo kaya hinayaan niya nalang itong tumulo sa kanyang mukha at leeg.

"BILISAN NIYO! HULIHIN NIYO ANG BABAENG IYAN!" Sigaw ng isang goblin na ang sobrang payat at ang iba ay parang beast na walang balahibo na kulay gray ang kanilang katawan na parang mga patay.

Biglang may isang maliit na goblin na sobrang bilis makapag-gapang sa lupa kaya naabutan niya si Mia at na hinila ang buhok niya kaya napasigaw siya sa sakit at napatigil siya sa pagtakbo kaya hinawakan niya ang buhok niya para mabawi ito!

"Bitiwan mo ako!" Sigaw niya habang hila ang buhok niya para maibawi ito! Gusto niyang patayin ang goblin na 'yun gamit ang kaniyang mahika pero hindi niya maggawa dahil may bitbit siyang bata!

Bigla siyang tinutukan ng curved sword sa leeg ng goblin galing sa likod niya kaya napasinghap siya. "AKIN NA IYANG BATANG 'YAN!" Sigaw ng goblin na parang isa ng patay na ang boses sa sobrang paos sa kaniya kaya hinigpitan niya ang pagkayakap sa kaniyang anak.

May lumabas na butil ng luha sa mga mata ni Mia dahil hinila na ang kaniyang buhok nito para mailapit siya at maaabot ng goblin ang bata! "W-Wag! 'Wag ninyong kunin ang anak ko!" Sigaw niya at tumulo ng tuluyan ang mga luha niya sa takot na makuha nila ang kaniyang anak!

Malapit ng maabutan ng goblin ang anak niya ay bigla nalang nagmala-slow motion ang lahat nang may biglang isang malaking circle blade na dumaan sa likod niya kaya naputol ang kanyang mataas na buhok at naputol rin ang kamay ng goblin kaya napaluhod si Mia.

"Tita Mia!" Napalingon si Mia sa sigaw ng isang gwapong batang lalake na kulay puti at mataas ang buhok at bumalik sa kanya ang circle blade saka isinalo ito.

Nagmamadaling tumakbo ang batang lalake sa ina at pinatayo para magsimula uling tumakbo.

Napakunot nalang ang noo ni Mia habang tumatakbo dahil sa batang ito. "S-Sino ka?" Tanong ni Mia sa batang lalake habang tumatakbo.

Halos yumunog ang lupa dahil sa dalawang higanteng goblins na humahabol sa kanila galing sa likod! "IBIGAY MO 'YANG BATA SA AMIN!" Sigaw ulit ng mga goblins habang hinahabol sila!

Hinagis ulit ng batang lalake ang kanyang circle blade sa likod at tumama ito sa mga goblins na humahabol sa kanila kaya nahati ang mga katawan nito. Marami parin ang hindi natamaan sa blade niya kaya nagpatuloy nalang sila sa pagtakbo at bumalik ang blade ng bata sa kaniya kaya sinalo niya ito.

Hindi na mapakali si Mia dahil sa nakita niyang weapon ng batang ito. "Sino ka ba bata?! Ba't nasa iyo ang circle blade ni Ember?!" Tanong ni Mia sa batang lalake habang tumatakbo parin. Lumingon siya sa likod niya at nakita niyang hinahabol parin sila ng mga goblins kaya bumaling siya ng tingin sa bata. Biglang tumunog ang tower sa isang kaharian kaya mas binilisan niya ang pagtakbo dahil sasara na ang portal sa pagkasapit ng alas tres!

"Ako po ito Tita Mia! Si Ember! Ito po ang totoong hitsura ko!" Sabi ng batang lalake habang tumatakbo sa tabi ni Mia.

Napatingin nalang si Mia sa batang lalake na hindi makapaniwala sa sinasabi nito. "Isa ka palang lalake?!" Sigaw nito sa batang lalake. Lumapit ang batang lalake kay Mia at hinawakan ang kamay ng batang babae na mahimbing ang tulog sa mga braso ng kaniyang ina.

Nagkasalubong ang mga kilay ng batang lalake dahil sa pag-alala sa anak ni Mia. "Ano po bang nangyari kay Amaya?!" Tanong niya at hindi naman ito pinansin ni Mia habang tumatakbo saka yumuko.

Nakarating na sila sa loob ng barrier ng portal kaya biglang sumabog ang malakas na Chela energy galing sa barrier sa buong paligid at natilapon ang mga goblins na humahabol sa kanila saka dahan dahang naglaho ang mga katawan nito at nagiging abo.

Napaupo si Mia sa malamig na batong sahig habang hingal ng hingal sa pagod sa kakatakbo. Lumapit ang batang lalake sa mag-ina at hinawakan ang malamig na pisngi ng kawawang batang babae na mahimbing parin ang pagtulog sa braso ng ina.

Ngumiti ang lalake pero sobrang alala parin nito. "Masaya ako na ayos lang si Amaya." Sabi ng bata na nakangiti.

Tumingin siya kay Mia habang hinawakan parin ang pisngi ng babae. "Tita Mia, ba't ba gusto ng mga Geothemian na 'yun na kunin 'tong anak mong si Amaya?" Yumuko si Mia at dahan dahang tumutulo ang kaniyang mga luha kaya tumulo ito sa pisngi ng kanyang anak.

Nag-alala ang batang lalake sa ina. "Tita-" Bago pa makapagpatuloy sa pagsasalita ang batang lalake ay biglang tinutok ni Mia ang kanyang dalawang daliri sa noo nito at sumigaw.

Tumutulo parin ang mga luha nito dahil wala siyang ibang paraan para gawin ang dapat niyang gawin. "Dapat mong kalimutan ang lahat lahat ng alaala mo kay Amaya! Hindi mo na siya maalala pa!" Sigaw niya at may biglang nakasulat sa noo ng batang lalake na mga letra at biglang umilaw ito ng napakalakas kaya halos nawalan ng lakas ang bata at ipinikit ang kaniyang mga mata saka napatumba sa sahig.

Tumayo si Mia at lumapit sa batang lalake na nakahiga sa sahig. "Patawad Eros... pero hindi ko hahayaang magkalapit kayo ni Amaya ulit." Sabi ni Mia at lumuhod tapos hinalikan ang noo nito. Pumasok na sa portal si Mia pero lumingon muna siyang muli sa batang lalake na ang himbing ng tulog sa malamig na sahig.

Tumulo ang luha nito sa kaliwang mata nito. "Patawad..." Huling sabi nito at tuluyan nang pumasok sa loob ng portal at naglaho ito.

Ilang oras nang nakatulog ang batang lalake sa loob ng barrier kaya tumama na ang araw sa kaniyang katawan ay umilaw ito ng napakalakas at nagiging isang babae ang katawan niya. Dahan dahan niyang inimulat ang kaniyang mata at nagtaka sa kaniyang paligid kaya bumangon ito.

"Bakit... nandito ako?"