Amaya
Masaya akong nakaupo dito sa upuan sa tapat ng bintana ko habang inayos ang bangs ko na halos nakatakip na sa mga mata ko para hindi makikita ang kulay asul kong mga mata. Bumuntong hininga ako at ibinaba ang kamay ko sa frame ng bintana tapos ngumuso. Saan na kaya 'yung Prinsepe ko? Hayst ang taas pala ng kastilyo namin noh? Oo, nasa loob ako ng kastilyo namin ngayon, isa na akong Prinsesa for 15 years kong hinihiling na magiging isang Prinsesa ay natupad na!
Kaya ang hinihintay ko ngayon ay ang aking Prinsepe. Tiningnan ko ang mga malalaking punongkahoy dito sa itaas ng Kastilyo at ang mga ibong kumakanta sa kalangitan.
Ang ganda...
"Amaya!" Napalaki ang mga mata ko at nagmamadali akong tumayo saka tumingin sa ibaba.
N-Nandito na siya! Ang Prinsepe ko! Tsaka puti ang buhok niya?
Masaya akong tiningnan siya sa ibaba, sa labas ng kastilyo at akmang tinawag siya. "Mahal kong Prinse-!" Biglang naputol ang pagsasalita ko nang marinig ko ang boses ni Ma'am Corazon.
"MS. AMAYA LUNA!" Napaupo nalang ako ng maayos at tumingin sa harapan ko.
Teka... Nasaan na ang kastilyo ko? Ang Prinsepe ko?! Ba't nasa classroom ako ngayon?!
Biglang tumama ang mga mata ko sa nakakatakot at galit na galit na mukha ni Ma'am Corazon kaya napatulo nalang ang pawis ko sa kaba. "MS. LUNA! GET OUT OF MY CLASS! NOW!" I flinched because of her voice! Bakit?! A-anong naggawa ko?!
Nilagay ko ang kanang kamay ko sa desk ko. "Teka Ma'am, ano po bang naggawa kong masama?" Tanong ko kaya bigla namang nagtawanan ang mga kaklase ko.
Napatigil nalang ako saglit...
Teka... Nakatulog ba ako sa klase?
Mas nagalit si Ma'am na halos sasabog na ang mukha nito. "HUWAG KANG TANONG NG TANONG! GET OUT OF MY CLASS! NOW!" Sigaw nito kaya napasandal ako ng maayos sa upuan ko habang nanlaki ang mga mata ko sa bigla.
Easy lang po sa leeg niyo Ma'am, baka puputok na iyang ugat sa leeg mong ang lakas makapagsigaw ng pangalan ko. Hayst... kasalanan ko naman 'to kung bakit ako nakatulog sa klase.
Dali dali naman akong tumayo at inilagay ang mga gamit ko sa loob ng bag ko tapos isinabit ito sa balikat ko saka nagsimulang tumakbo papalabas ng room dahil sa kahihiyan at narinig ko namang nagtawanan silang lahat sa loob ng room. Nasa labas na ako ng pinto ngayon kaya sumandal ako nito at niyakap ang bag ko ng mahigpit tapos napabuntong hininga sa hiya.
Yumuko ako at kinagat ang pang-ibabang labi ko saka lumakad nalang sa hallway para dederetso nalang ako sa labas at pumunta sa likod ng school since maglalunch na rin naman pagkatapos ng period na 'to tsaka masarap dun sa likod, may ilog kasi doon.
I felt dissapointed... akala ko totoo na 'yun lahat... 'Yun pala... Panaginip lang pala.... At ang masaklap! Hindi ko nakita '"yung face ni 'Mr. Prince" basta ang nakita ko lang ay ang mataas at puti niyang buhok.
Kaya napaisip ako na matanda na ba 'yung Prinsepe ko... Baka nagpahair color lang 'yun! Alam niyo na naman sa panahon ngayon. Sabay sa uso.
Nakarating na ako sa likod ng school at lumapit ako sa isang ugat ng puno saka umupo dito kaya kaharap ko na ang ilog, binaba ko na rin ang bag ko saka niyakap ang mga binti ko.
Bumuntong hininga ako habang tinitingnan ang ilog. Naalala ko na naman 'yung nangyari kanina...
Bigla kong sinabunot ang sarili kong buhok at tumingin sa langit! "Grr!!! Nakakahiyaaa!!!" Gigil sa sarili kong sabi at dahang dahan ng ibinaba ang mga kamay ko nang makita ang mga ulap.
"Mama... Kung nandito pa sana kayo mama..." Namimiss ko na sila mama't papa... I shook my head.
Tumayo ako at huminga ng malalim. Nagexhale ako at nabigla nalang ako na may isang palakang tumalon papunta sa balikat ko kaya halos napatalon ako sa bigla at naapakan ang madulas na lupa kaya paderetcho na ako sa ilog!
Nanlaki ang mga mata ko at parang naninigas ang buong katawan ko dahil sa kaba! Parang bumagal ang oras ko dahil sa kaba ko na mababasa ako! "Aaahh!!" Sigaw ko at pinikit ko ang mga mata ko! Wala na akong masusuot bukas! Iginalaw-galaw ko ang mga binti at kamay ko para umasang may makakapitan ako ng ugat ng puno ba diyan o ano!
Biglang sumakit ang pwet ko kaya iginalaw ko ang mga binti at braso ko para makapaglangoy!
Teka nga...
Huh? Ang tagal ata ng pagkahulog ko ah?
Ba't wala akong nararamdamang tubig? Tumigil na ako sa paggalaw at inimulat ko ang mga mata ko kaya nagulat ako na nakahiga na pala ako sa lupa at ang tubig ng ilog ay nasa gilid ko na! Para bang tumunga ito at sa pwesto ko lang ngayon ang walang tubig!
Ano bang nangya-
Bigla nalang bumalik sa dati ang ilog kaya nalunod ako! "Gah! Glah! Tulong- gah!" Sigaw ko dahil biglang bumalik ang tubig sa pwestong hinihigaan ko! Kaya ako... parang baliw na hindi marunong lumangoy. Well, to be honest, hindi nga talaga ako marunong lumangoy!
Ginawa ko ang makakaya kong umangat paitaas sa tubig gamit ang mga kamay at binti ko pero hindi! Hindi parin ako makaangat! Wala akong maapakan sa ibaba! "Tulong! Ack! Tul.... long...." Hinayaan ko nalang ang sarili kong lumubog sa ilalim ng ilog na ito saka ipinikit ang mga mata ko. Ito na ba ang katapusan ko? Kukunin niyo na ba ako mama? Papa?
Hindi ko alam na ang lalim pala ng ilog na 'to.
Ang lamig... ansakit ng binti ko... nasugatan ba ako? Ito na ba talaga? Ang katapusan ko...
May narinig akong parang may nahulog rin dito sa ilog kaya inimulat ko ang mga mata ko pero hindi ko masyadong makita ang bagay na iyon dahil sa blurry, pero may isa lang akong nakikita.
Mataas at puting buhok...
Third Person's POV
Pumasok sa loob ng CR ang isang lalakeng may dilaw na mga mata at pinaluwagan ang kaniyang necktie ng uniform na gaya sa paaralan ni Amaya saka lumapit sa salamin. "Tsk! Palpak na naman! Bwesit talaga 'tong mga taga-Cladonia Academy!" Bulong niya sa sarili niya habang pinunasan ang dugo sa kaniyang labi at tiningnan ang itsura niya sa salamin sa loob ng Comfort room ng eskwelahan ng mga tao.
Lumapit ito pabalik sa pinto ng CR at nilock ang pinto. Natatakot siya, takot na takot siya sa mangyayari sa kaniyang kapatid. Nanginginig na ang mga kamay niya dahil sa takot.
He cleared his throat at lumapit muli sa salamin. Inayos niya muna ang sarili niya at may sinabing isang spell para makausap ang gusto niyang kausapin, kahit saan siya man gamit ang ano mang bagay na makikita ang repleksyon niya.
Kinagat niya isa-isa ang mga daliri niya kaya dumugo ito and he pressed his fingers to the mirror saka may binulong kaya umilaw ang mga dilaw na mga mata nito. "Tanĥei ĵulyar ķŏmdeqar." Binaba na niya ang kaniyang kamay dahil dahan dahan nang umiba ang salamin at dahan dahan na niya ring nakikita ang kaniyang Heneral.
He clenched his fists dahil sa nginig nito. Takot siya at inaamin niya iyon.
Binukas niya ang kaniyang bibig para magsalita. "He-henera-" Naputol ang pagsasalita niya dahil pinutol siya ng kaniyang Heneral. "Mission failed? Well, alam mo naman kung anong mangyayari sa-" Sumigaw siya kaya hindi siya nakapagpatuloy sa pagsasalita ang lalake na nasa salamin.
"Pero Heneral! Ang lakas niya! Hindi ko kinaya ang lakas niya!" Sigaw niya sa salamin habang may luhang lumabas sa mga mata nito.
"ISANG BABAE?! MALAKAS?! HA! NADUDUWAG KA NA BA?! ISA KANG GEOTHEMIAN! ISA LANG 'YUNG KINAKALABAN MONG ESTUDYANTE NG CLADONIA! AT ISA PANG BABAE?!" Malakas na sigaw ng Heneral sa kaniya kaya napalaki ang mga mata niya at napaatras ng isang hakbang.
Lakas na loob na lumapit ulit ang takot na lalake sa salamin. "Iba siya Heneral! Heneral! Nagmamakaawa ako! Pakawalan mo na ang kapatid ko!"
Tinitigan lang ng Heneral ang lalake ng masama at dahan dahang ngumiti ng nakakatakot na parang may masamang balak saka tumango habang nakatingin ang Heneral sa likod ng lalake kaya biglang nababalotan ng takot ang buong katawan niya.
"M-May naramdamang akong presensiya sa likod ko." Sabi niya sa kaniyang isipan kaya dahan dahan siyang lumingon at parang halos binuhusan siya ng sobrang malamig na tubig at parang sasabog na ang puso niya dahil sa sobrang kaba at takot na nakita itong isang malaking higante na nakatayo sa likod niya na nakatakip ang mukha ng isang balat nang bigla nalang siyang hinampas nito kaya natilapon siya paderetso sa dingding kaya nabasak ang kaniyang bungo at dumudugo ang dingding.
Nahihirapan siyang umubo na may halong dugo at nagiging blurry ang paningin niya hangga't nawalan na siya ng buhay.
Amaya
Dahan dahan kong inimulat ang mga mata ko dahil sa naramdaman kong sakit galing sa binti ko at nakita ko ang langit na may nakatakip na mga dahon galing sa puno. Parang nasa gitna ata ako ng kakahuyan ngayon...
Bigla na lang sumakit ang likod at binti ko kaya dahan dahan akong bumangon at hinawakan ang ulo ko. Ang basa na ng uniform ko... Tiningnan ko ang binti ko at nakitang dumudugo ito kahit nababalotan ito ng tela.
Hinawakan ko ang binti ko. "Aray... Aray ko po..."
Biglang may nahulog na butiki sa binti ko kaya huminga ako ng malalim para sumigaw! "Aa-!" Sisigaw sana ako ng malakas pero may bigla akong narinig na isang matulis na bagay kaya ikinuyom ko nalang bigla ang bunganga ko! Gusto kong maipatuloy ang sigaw ko kaya may lumabas na mahinhin na sigaw sa bunganga ko! "Ah- ah..."
M-May tao sa likod ko! Kaya parang nagkastiff neck ako dahil sa takot! Parang may pinatulis kasi siyang kutsilyo! Hindi! Hindi 'yun kutsilyo! Sword 'yun!
Rinig kong nagcrunch ang mga tuyong dahon galing sa likod ko kaya ramdam ko parang tumayo ito sa likod. "'Wag kang maingay." B-Babae?! Killer?! Kidnapper?! Anong balak niya sa akin?! Tiningnan ko ang sarili ko ngayon. Itong katawang ito babalakin?!
Tumapak ulit ito kaya narinig ko ulit ang tunog sa mga tuyong dahon galing sa likoran ko. "Wag kang mag-alala. 'Di kita sasaktan." Sabi niya. Kaya napadikit ang mga kilay ko sa pag-aalerto. Kailangan kong maging matapang sa ganitong sitwasyon! Tahimik kong chineck ang bulsa ko kung nandito ba ang pepper spray nang wala akong mahawakang pepper spray!
"Saan na ba tayo? At bakit mo ako dinala dito?" Bigla kong tinakpan ang bunganga ko dahil sa tanong ko! Ang tanga mo talagang babae ka! Papatayin ka talaga niyan!
Narinig kong bumuntong hininga ito sa likoran ko kaya mas hinigpitan ko ang pagtakip ng bunganga ko at ramdam kong tumulo ang pawis ko sa mukha ko. "Mamaya na lang namin sasabihin sa iyo pagdating nila." Nanlaki naman ang mga mata ko at nanginginig na ang mga kamay ko 'nung sinabi niyang ''nila''. Ibebenta niya ba ako? Hindi naman ako ganito kaganda ah! Kaya bakit?! Binaba ko ang mga kamay ko at kinuyom ito saka yumuko dahil sa kaba.
Bahala na kung anong mangyayari sa akin basta lalaban ako para sa sarili ko! "Ibebenta niyo ba ako? At ang kapal ng mukha mo na sa school mo pa ako ikinidnap! Hindi ka ba takot na makikita ka ng mga cctv ng school namin?!" Payukong sigaw ko habang hinawakan kong mahigpit ang maliit na skirt ng uniform ko.
She sighed, "well, hindi naman ako makikita ng mga tao eh." Mga... Anong pinagsasabi niya?! Anong ibig niyang sabihin na hindi siya makikita ng mga tao?! Tao rin naman siya diba?!
Biglang tumama sa akin ang napakalas na hangin at sumunod ang patunog ng dried leaves galing sa likod ko. Wait, m-marami ang footsteps na narinig ko! "Yo! Ember! Nakuha mo na ba siya?" L-Lalake?! Sila ba 'yung sinabi niyang ''nila''?!
Tsaka Ember ang pangalan ng babae!
"Kayo na ang bahala kay Ms. Luna. May misyon pa akong gagawin galing sa Prinsepe." Sabi niya. Napahinto naman sa pagnginig ng mga kamay ko dahil alam niya ang pangalan ko at 'nung narinig ko din sa sinabi niyang "Prinsepe". P-Prinsepe?!
"Ano na naman ba ang inutos ng Prinsepe sa'yo? Para ka na niyang sunod sunuran o alipin sa kaniya ah, tsaka isa kang babae hindi lalake." Rinig kong sabi ng lalake. Prinsepe? Alipin? Ha? Taga UK ba sila? Hindi! Nagtatagalog nga eh!
Sumilip ako sa balikat ko para tingnan sila sa likod ko na nag-uusap. "You don't have any business from me and the Prince so please get the girl and scram. May nakakalaban akong tagageothem kanina kaya alis na." Marunong din pala silang mag-Eenglish.
[Geothem = Geyo + Them]
Hindi ko sila masyadong makikita dahil umiiwas ako na mahuhuli nila ako. "Kallen, alis na tayo, ako na ang kukuha sa babae. Baka kunin pa siya ng tagageothem na nakakalaban ni Ember kanina." Ibang boses na 'yun ng isang lalake ulit! Bumalik ako ng tingin sa mga kamay ko dahil nagpapanick na ako dahil sa takot, gusto kong tumakbo, eh kaso nagdudugo pa ang binti ko at ang sakit ng likod ko!
A-Anong gagawin ko?! Think! Think Amaya!
Rinig kong may lumapit sa akin galing sa likod ko hanggang nakita ko ang sapatos nitong suot sa harapan kong nakatayo. Inangat ko ang ulo ko at nakita ang lalakeng may dilaw na buhok at asul na mga mata kaya napatitig ako sa kaniya saglit.
Gwapo...
Bwesit! Kidnapper iyan tapos gwapo?! Pero sa totoo lang... Ang gwapo niya talaga, ang puti niya kasi, ang weird lang ng suot niya, parang mataas na puting coat na umabot na sa lupa ang haba nito. Isa ba talaga itong kidnapper? Para ngang engkanto... eh.... Dahil sa mataas nitong... mga tenga...
Teka... Engkanto?
Lumuhod itong nakatalikod sa akin sa harapan ko kaya palihim akong kumuha ng isang kamay ng alikabok galing sa lupa."Miss, sumakay ka na po sa likod ko-" Bigla kong tinaponan ng alikabok ang mukha niya saka dali daling tumayo at tumakbo ng mabilis papalayo sa kanila!
Tiisin mo Amaya! Tiisin mo ang sakit galing sa binti mo! Kung ayaw mo pang mamatay!
Bigla nalang sumakit ang tenga ko at nanlaki ang mga mata ko na marinig sila galing sa malayo. "Oi, okay ka lang ba?" Tanong ni Kallen. Alam kong si Kallen 'yun.
"May maliit lang na alikabok na nakapasok sa mga mata ko pero okay lang." Okay lang?! I swear! Mabilis 'yung paghagis ko! Mas mabilis pa ba ang mga mata niya sa pagpikit?! Ah it doesn't matter! Malayo na ako sa kanila kaya safe-
Bigla nalang akong may nabangga kaya napatumba ako sa lupa at dumeretso ang mukha ko sa mga tuyong dahon! Pu-Puno? Dahan dahan akong bumangon gamit ang mga braso ko pero ang sakit ng pagkabangga ng mukha ko sa punong iyon.
"Where do you think you're going?" Biglang tumibok ang puso ko dahil narinig ko ang boses na iyon! S-Si Ember ang nabangga ko! P-Paano?!
Bumangon ako at umupo sa mga tuyong dahon. "You're too fast, kahit hindi ka pa nakapagtake ng trainings." Sabi ng engkanto sa akin. T-Trainings? Nakita ko na si Ember, she is wearing a gray coat na may hood, at sa tingin ko ng damit na ito ay ang bigat atang tingnan para sa babae. Teka... Babae ba talaga ito? Mukhang lalake eh.
Biglang lumitaw ang isang lalakeng may pulang buhok at nakakibit balikat sa harapan ko katabi sila Ember at ang engkanto.
Jawdropped...
Kulay pula ang buhok niya tapos 'yung jawline, mga matang kulay berde, at ang mukha... Cosplayer ba 'to?! "What do you expect. Isang Guardian eh." Sabi niya kaya napadikit ang mga kilay ko sa sinabi nila. Bigla akong may naramdamang presisya galing sa likod ko kaya dali dali akong lumingon sa likod ko galing sa itaas ng puno at tiningnan ang engkanto.
Tumingin rin sa likod si Kallen kaya hindi ako nagdadalawang isip na talonan ang engkanto bago pa makapagsigaw si Kallen! "ZIKON! DAPA!"
Napalaki ang mga mata ko nang nakita ko ang itim na pana! Iyan 'yung hawak ng isang itim na anino! Buti tinalonan ko! Biglang sumakit ang binti ko kaya nanginginig ang panga ko. Ang sakit! Ang sakit sakit!
Wala na akong pakealam ngayon, bumangi ako sa ibabaw ng katawan ng engkantong ito at gumulong sandali dahil hindi ko na kinaya ang binti ko sa sakit! "Zikon! Bilisan mo! Kargahin mo ang babae!" Sigaw ni Kallen at kinarga naman ako ni Zikon saka tumalon ng malakas papunta sa isang sanga ng puno kaya napalaki ang mga mata ko! Paano?! Bigla na namang sumakit ang binti ko at ramdam kong tumulo ang dugo nito kaya napapikit ako sa mga mata ko.
"Miss, huwag ka munang gumalaw ng husto, kami na ang bahala nito saka salamat sa pagtulong sa akin." Sabi ni Zikon sa akin sabay ngiti. His voice is gentle, kaya napatango nalang ako at inilagay ang mga braso ko sa leeg niya para kumapit ng mabuti.
Marami ng dugo ang nawawala sa akin dahil sa kanina pang dumudugo kong binti kaya hinang hina na ang buong katawan ko and I also feel numb.
Nakita ko si Ember at nagtaka talaga ko kung babae ba talaga ito o lalake dahil mukha kasi siyang lalake eh. At sa damit niya pang ang bigat tingnan. "Mga kaluluwa... tch, ako na bahala nito Embe-" Sabi ni Kallen pero pinutulan ito ni Ember nang bigla niyang inilabas ang kanyang sandata at bigla nalang nawala!
Hindi ko siya makikita! Ang tanging rinig ko lang ay ang tunog ng kaniyang sandata! Ang bilis... Ang bilis niya! Parang hangin lang siya... Hindi makikita dahil sa bilis niya!
Puti at mataas ang kaniyang buhok at ang weird ng suot niya... Color gray na cloak. Kapag ako ang susuot niyan, siguradong hindi talaga ako makapaggalaw ng maayos niyan, ang bigat kasing tingnan! Pero bakit parang ang gaan lang sa kaniya?
Bigla nalang siyang lumitaw sa harapan ni Kallen na nakatalikod habang nakaposisyon na hawak ang kaniyang sandata kaya napaamaze ako. "Alis na kayo, medyo madami sila kaya alis na." Utos nito.
Lumapit si Kallen kay Ember. "Pero hindi ko kayang-" Biglang dinuraan ni Ember ang lupa kaya napatigil sa pagsasalita si Kallen at biglang lumitaw ang mga itim na anino kahit saan kaya natakot ako. Ramdam ko na takot na takot rin sila Zikon sa nakikita niya dito sa itaas ng puno.
Hindi ko naiintindihan ang pakiramdam na ito, it makes me feel uneasy and scared. Ngayon lang ako nakakaramdam ng ganito. Paano niya ba 'yun naggawa? I know... common sense... dinuraan, pero ano bang nasa saliva niya at biglang makikita namin itong mga itim na anino?
Tumulo ang pawis ni Kallen habang nakatingin kay Ember. "Ma-mag-ingat ka!" Sigaw ni Kallen kay Ember at lumapit sa isang puno, kaya bumaba naman si Zikon para sumunod habang karga ako sa mga bisig niya.
Hinawakan ni Kallen ang puno at may sinabi dito. "Ğoreţÿan fitĥel aļå Cladonia!" Sabi niya at biglang gumalaw ang puno saka may pumurmang butas ito sa gitna kaya may nakita akong isang lugar sa loob nito. Tumakbo si Kallen sa loob at sumunod naman si Zikon sa loob ng puno at ako naman na karga karga ni Zikon na namumutla na dahil nauubusan na ako ng dugo.
Pagpasok namin sa puno ay halos nakapikit ako dahil sa silaw ng liwanag dito sa loob. Dahan dahan ng nawala ang liwanag kaya inimulat ko ulit ang mga mata ko at tumingin sa harapan kaya nakita ko ang napakagandang tanawin at ang nakakakuha sa akin ng atensyon ay ang napakalaking kastilyo, at ng dahil sa lito ko ay pinikit ko ulit ang mga mata ko at dumilim na naman ang paligid.
This is the most beautiful nightmare that I've ever dreamed....