Chereads / You are the Reason.. / Chapter 14 - Chapter 14

Chapter 14 - Chapter 14

Kinabukasan, nagtungo si Scarlet sa Restaurant ni James bago siya pumasok sa Company.

"Hola señorita" ani ng isang Crew

"Hola" tugon ni Scarlet

Pagtingin ni James sa dumating nakita niyang si Scarlet ito. Kaya dali dali siyang nagpunta at siya na ang nag asikaso dito.

"You're so early.. did you got some breakfast?" Ani ni James

"Not yet.. that's why im here.."ani ni Scarlet

"What do you want to eat?" Tugon ni James

"Your specialty.. i want to try your home made cook" sambit ni Scarlet na may ngiti..

"Ok wait me here within 3o mins.."ani ni James

Nagtungo sa kusina si James upang magluto ng kanyang specialty. Iisa lamang ang naisip niyang lutuin... samantala kinuha ni Scarlet ang kanyang laptop at nagtrabho habang naghihintay.

Makalipas ang trenta minuto, dumating na si James kasama ang kanyang niluto. Inilapag niya ito sa mesa at saka binuksan..

"My specialty sinangag with tocino with a broad coffee" ani ni James

"Wooow my favorite..." ani ni Scarlet

Napatingin si James sa reaksyong ito ni Scarlet. Napangiti siya dahil tila iisang tao lamang ang kanyan kaharap, walang iba kung hindi si Jake. Parehas sila ng reaksyon, kumpas ng kamay noong natuwa sa sinangag. Umupo siya na may ngiti..

"Why? Is there's anything wrong?" Ani ni Scarlet

"Nothing.. i just remembered someone." Tugon ni James

"Uhmmm... ok.. i will taste this." Ani ni Scarlet.

Kinuha ang kubyertos at kaagad siyang kumuha, hinipan ng bahagya, at maya maya ay sinubo na niya... napapikit siya.. ninamnam niya ang sarap ng pagkakaluto ni James.

"Humm it's so good James.." ani ni Scarlet

"Really?? thank you..." tugon ni James

"Yes.. come here try it..." ani ni Scarlet

"No im ok..." tugon ni James

Pinilit siya ni Scarlet at walang nagawa si James kundi ang pumayag.

"Say ah..." ani ni Scarlet

"Aaahh." Ani ni James

Sinubuan ni Scarlet si James. Masaya ang dalawa hanggang sa....

"Wow how sweet!" Ani ni Nathalie

Isusurpresa sana ni Nathalie si James sapagkat monthsary nila. Subalit kabaliktaran ang nangyari, si Nathalie ang nasurpresa sa kanyang nasaksihan sa restaurant.

"Babe let me explain." Ani ni James

"Explain what? Ha James? Na hindi mo sinasadya, na pinilit ka lang ng babaeng yan para subuan? Ano James!" Ani ni Nathalie

"Mali yung iniisip mo.. kaya please let me explain..." tugon ni James

"Ikaw na babae ka! Tantanan mo ang boyfriend ko! May anak na kami!" Ani ni Nathalie kay Scarlet

Tumayo si Scarlet at tumingin ng nakangiti kay Nathalie...

"Alam ko!" Sambit na may ngiti ni Scarlet

"Punyeta ka may pa english english ka pa! Marunong ka naman pala magtagalog!"tugon ni Nathalie

Kahit si James ay nagulat ng marinig si Scarlet. Tumindi pa at uminit ang sagutan sa restaurant .

"At ano naman pakialam mo kung mag english ako? Dila ba kita? Para ikaw ang masunod sa kung anong lengwahe ang gagamitin ko?" Ani Scarlet

"Hayop ka!" Ani ni Nathalie na galit na galit

Sasampalin ni Nathalie si Scarlet ng biglang.....

"Subukan mo! Subukan mong lumapat yang madumi mong kamay sa mukha ko makikita mo ang tunay na ako!" Sambit ni Scarlet

Nasalo ni Scarlet ang kamay ni Nathalie. At napigilan niyang lumapat ang mga palad nito sa kanyang mukha. Subalit isang kaliwang sampal naman ang ibinigay ni Scarlet para kay Nathalie.

Slaaaaapppp....

"Sa susunod! Alamin mo kung paano ginagamit ang kaliwa! Para hindi ka naiisahan!" Ani ni Scarlet habang nakataas ang kaliwang kilay

Galit na galit si Scarlet kay Nathalie. Inayos ang gamit niya at saka umalis. Nang makaalis si Scarlet isang malakas na sampal naman ang ibinigay ni Nathalie para kay James.

"Happy monthsary! Babe!" Sambit matapos niyang sampalin si James

"Bravo Scarlet! Bravo" ani ni Scarlet habang lumalabas sa restaurant

Sumakay na sa kotse si Scarlet at nagdrive patungo sa kompanya. Maya maya ay nakatanggap siya ng tawag mula kay Tom.

Riiiinnggggg...

"Hi Hon Magandang umaga!"

-Tom

Inihinto ni Scarlet ang sasakyan sa isang tabi at nakipag usap kay Tom

"Do i still look beautiful?"

-Scarlet

"Oo naman why not Hon?"

-Tom

"Wala naman Hon... i missed you..."

-Scarlet

" i missed you too hon.."

-Tom

Malungkot ang mukha ni Tom ng mga oras na iyon...

"Oh anong nangyari bakit ang lungkot mo ata?"

-Scarlet

"Hindi pa ako makakabalik by the end of the month..im sorry hon.."

-Tom

"Walang problema hon.. just take your time I love you!!"

-scarlet

" i love you too hon"

-Tom

🖤 END CALL 🖤

Pagdating ni Scarlet sa opisina.. isang masamang balita ang bumungad sa kanya. Sinalubong siya ng kanyang sekretarya.

"Good morning SS" ani ni Sandra

SS ang tawag kay Scarlet sa kanilang kompanya. Ayaw niyang magpatawag na Ms. kung kaya't nag desisyon ang kanyang mga empleyado na tawagin siyang SS " señorita scarlet"

"Good morning Sandra. So what's the news?" Ani ni Scarlet

"SS you have an emergency meeting with the board members." Ani ni Sandra

"Emergency meeting for what?" Tanong ni Scarlet.

Sinabi ni Sandra na ang meeting ay tungkol sa pagkamatay ni Mr. Villanueva at kinuha na ng pamilya niya ang lahat ng shares niya sa kompanya dahil nabaon sila sa utang

"Oh shit! May you rest in peac Mr. Villanueva" sambit ni Scarlet

Nang makarating sa conference room....

"Hola SS!"

"Good morning SS"

Mga bati ng mga board members. Tinalakay na agad ni Scarlet ang pagkawala ni Mr. Villanueva, naguan kailangan nilang maghanap ng bagong investor.

"SS we need to find a new investor ASAP" ani ni Mrs. Ignacia

"Just relax everyone" ani ni Scarlet

Nakaisipnkaagad ng solusyon si Scarlet.. kung kaya't.....

"Sandra.. could you please call Ms. De Villa, she's at my office right now." Ani ni Scarlet

Tinawagan kaagad ni Sandra si Ms. De Villa at ng ilang sandali ay dumating na siya..

"SS" ani ni Ms. De Villa

Ngumiti si Scarlet kay Ms. De Villa at kumindat.

"Everyone let me introduce to you our new investor Ms. Monica De Villa!" Ani ni Scarlet

"But how.." ani ni Mrs. Lorenzo

"she is willing to invest a total of 40 % as a share holder and another 20%  as a stock holder an equivalent of 60%" ani ni Scarlet

Namangha ang mga board members sa laki ng shares na ito na mangagaling kay Ms. De Villa kung kaya't wala na silang nagawa kung hindi ang pumayag sa kagustuhan ni Scarlet.

"Welcome here my Friend" bulong ni Scarlet sa kanyang kaibigan

"Thank you SS..." tugon ni Monica

Umupo na si Monica sa pwesto ni Mr. Villanueva. Kung susumahin ay pang apat siya sa labing dalawang investor na may mataas na share sa kompanya. Wagi na magmuli si Scarlet sa mata ng lahat.. kahanga hanga ang kanyang ipinamalas sapagkat sa kahit anong problema ay kaagad niyang nasusulusyunan ito..