Makalipas ang isang linggo, masamang balita naman kaagad ang sumalubong kay James patungkol sa plano nila ng isang event organizer. Nagkaanumalya di umano sa kanilang napag usapang venue. Kung kaya dali dali niyang pinuntahan ang event organizer.
"Hola señor. Mis disculpas"
( Hello Sir, My apologies) ani ni Lucia
"¡Qué! Dime lo que sucedio"
( what! Tell me what happened!) tugon ni James
"Hay un problema en el lugar, el último evento allí destruyó tantas cosas y necesita una semana para renovar."
(There's a problem on the venue, the last event destroyed many things and it takes a week to renovate) ani ni Lucia
"entonces dime ... ¿tienes alguna sugerencia?"
(Tell me.. Do you have any suggestions?" ) tugon ni James
Kaagad tumawag si Lucia sa isa niyang contact, maswerte siya dahil may bakante ang araw na iyon.
"Sí, tengo otro hotel, es J Dela Fuente Hotel"
(Yes, i have another hotel, its J Dela Fuente Hotel) ani ni Lucia
Nakahinga ng maluwag si James at si Lucia. Tuloy pa din ang plano nila sa kung anong napagusapan nila noong una..
Nakuha na ni Ace ang resulta ng DNA. Tiningnan niya ito kaagad at no match ang nakalagay sa resulta.
"Hindi magkamatch ang DNA ni Scarlet sa DNA na hawak ko ngayon... sino ka Scarlet??" Tanong niya sa kanyang sarili
Mayamaya naman ay tumawag sa kanya ang kanyang private investigator. Kumuha rin siya ng isa para mas mapadali ang kanyang pagtuklas. Nakipagkita ito sa isang coffee bar.
"Señor tengo algo"
(Sir i have something) ani ng P.I. ( private investigator)
"qué fue eso"
(What was that?) tanong ni Ace
Sabay abot ng P.I. ng isang sobre. Pagbukas ni Ace , bumulagta sa kanya ang larawan nina James at Scarlet habang naghahalikan.
"Anong meron sa inyong dalawa..." mga salitang tumatakbo sa isipan ni Ace
Matapos ay umalis na ang P.I., naiwan si Ace habang patuloy pa din sa pagmamasid sa larawan. Maya maya napatingin siya sa pumasok sa coffee bar, pagtingin niya si Scarlet ito.. Hindi muna niya pinansin ito, hinayaan na munang makakuha ng upua. Mayamaya ay pinuntahan na niya ito..
"Is this seat taken?" Ani ni Ace
Pagtunghay ni Scarlet mula sa kanyang laptop, nagulat ito ng makita niyang si Ace ang nakatayong lalaki sa harap niya. Wala siyang magawa kung hindi ang paupuin ito.
"Please sit down." Tugon ni Scarlet
Titig na titig si Ace sa ganda ni Scarlet, samantala pasulyap-sulyap naman si Scarlet sa mga mapaglarong mata ni Ace. Hindi siya nakapagpigil kaya....
"May problema ka ba?" Ani ni Scarlet
"Ako wala.... pero sa tingin ko ikaw ang meron... sigurado ka ba na hindi mo ako kilala?" Tugon ni Ace
"Hindi nga kita kilala.. mahirap bang unawain yun?!"ani ni Scarlet
"Gusto mo ba manood ng pictures?" Tugon ni Ace
Kinakabahan si Scarlet sa tinig na ito ni Ace, nilagay ang kamay sa ilalim ng lamesa at doon niya ito pinagkiskis upang maalis ang kanyang kaba...
"Anong pictures ba? Kung mambubwisit ka lang, pwede mo na akong iwan." Ani ni Scarlet
"Ayan!!"tugon ni Ace
Kaagad inilagay ni Ace ang mga pictures na ibinigay sa kanya ng kanyang P.I, tiningnan ito ni Scarlet at hindi man lang siya nabahala.
"Ano yan? Naghahalikan kami James? Tapos?" Ani ni Scarlet
"Gusto mo bang isend ko to sa Fiancé mo?" Tugon ni Ace
"Sige.. gusto mo ng direct email?" Ani ni Scarlet
Hindi kaagad nakasagot si Ace sa banat na ito ni Scarlet. Mas lalo siyang nayamot sa mga ginagawang ito ni Scarlet.
"Gusto mo masira ang imahe mo kay Tom?" Dagdag pa ni Ace
"Ano ba Ace ang problema mo? 2020 na, lahat pwede ng iedit, so kung sisirain mo ako siguraduhin mong wasak na wasak. Kaya sabi ko sayo wag ako!" Ani ni Scarlet
"'May isa pa akong ebidensya na pinanghahawakan. Alam kong hindi ikaw ang tunay na Scarlet." Ani ni Ace
Ngumiti lamang si Scarlet at tumayo, tumunghay dahan dahan, at itinaas ang kilay...
"Kung sa tingin mo Ace matatakot mo ako sa bantang iyan, pwes! Nagkakamali ka dahil mas may alas ako para mas masira ang kinabukasan mo." Ani ni Scarlet
Natulala si Ace sa narinig na ito mula kay Scarlet, napaisip siya sa kung ano ang hawak nito. Nabatid ni Scarlet na tila kinakabahan na si Ace.
"A—aano yun?" Ani ni Ace
Kinuha ang laptop niya at hinanap ang files na para kay Ace. Ibinigay ito sa kanya at ipinapanood.
"Ano ito?" Dagdag pa ni Ace
"Panoorin mo.." nakangiting sambit ni Scarlet
Pinanood nga ni Ace ang Video mula sa laptop ni Scarlet, nagulat siya dahil siya ang laman ng video na ito habang pinapasok ang bahay nina Scarlet at Tom. Pagkapanood ay ibinaba na ni Ace ang laptop. Hindi ito nakaimik matapos makita ang kanyang mukha mula sa angulo ng hidden camera.
"Ngayon Ace. May balak ka pa bang sirain ako?" Ani ni Scarlet
Wala ng nagawa at nasabi si Ace bukod sa...
"Please Scarlet don't do that to me.. alam ko iniisip mo" ani ni Ace
"Good! Mabuti na yung nagkakaliwanagan tayo." Tugon ni Scarlet
"Pangako titigil na ako.." tugon ni Ace
"Madali naman akong kausap, kaya kung may balak ka pang sirain ako,, mag isip-isip ka.. kasi sa akin walang mawawala.. eh sayo sa pagkakaalam ko lahat mawawala sayo.." ani ni Scarlet habang nakataas ang kilay at ngumingiti
"May isa lang akong paki-usap" ani ni Ace
"Sige ano iyon" tugon ni Scarlet
"Gusto kong malaman kung nasaan ang tunay na Scarlet so please tulungan mo ako.. marami pa akong dapat ipaliwanag sa kanya.." ani ni Ace
Hindi nakasagot si Scarlet. Kaya muling nakiusap sa kanya si Ace
"Scarlet please.. maawa ka na.. matagal ko na siyang hinahanap.." ani ni Ace
Walang nagawa si Scarlet kung hindi pagbigyan ang kahilingan ni Ace. Dinala ni Scarlet si Ace sa kanyang nais. Pagkarating doon ay nalaman na ni Ace kung ano ang nangyari kay Scarlet. Idinitalye na lahat sa kanya. At naunawaan naman Ni Ace ang lahat ng katotohanan kanyang nakita at narinig.
Matapos ang araw na iyon umalis na Ace sa Spain at nagpasyang bumalik na sa North Carolina. Tila nabunutan ng tinik si Scarlet, wala ng ibang sagabal para maisakatuparan ang kanyang mga plano.