Kinaumagahan tulala pa din si Nathalie, walang kibo tanging nakatingin lamang sa hangin. May time bigla na lamang siyang sisigaw n kung minsan ay iiyak.
Sinubukan pa din ni James na tulungan makabawi si Nathalie kahit sa simpleng paraan ito ay ang pakikinig, makaktulog ito sa isang taong narape magkakaroon siya ng lakas ng loob na harapin ang pagsubok na kanyang pinagdadaanan.
"Nathalie.. ako to si James.. kumusta ka na?" Ani ni James
Walang kibo si Nathalie, gaya pa din ng dati
"Basta kapag kailangan mo ng kausap nandito lang ako, hindi ako aalis, hindi kita iiwan." Dagdag pa ni James
Tumingin sa kanya si Nathalie, maya maya ay nagsalita na ito..
"Bakit... ako.... bakit sa akin?!" Ani ni Nathalie
"Malakas ka Nathalie, kaya siguro ikaw ang pinagdaanan ng problemang yan, alam siguro ng Diyos na kakayanin mo to at malalampasan mo yan" ani ni James
"Takot na takot ako ng gabing iyon..." ani ni Nathalie
Nagkaroon ng pagkakataon si James upang kausapin ay ng mailabas na ni Nathalie ang pangyayaring nag pa trauma sa kanya ng husto.
"Tapos ano pa ang nangyari ng gabing iyon" ani ni James
"Hinabol niya ako ng hinabol, hanggang sa nadapa ako.. hanggang sa... tinaas niya ang palda ko.....binaba yung pang ilalim ko....." ani ni Nathalie
Tumigil si Nathalie sa pagsasalita, mga luha ng pighati ang sumunod na pinakawalan niya. Maya maya ay sumigaw siya ng malakas
"Wag!!! Maawa ka ....wag!!!!!!!" Sigaw ni Nathalie
At sa pagkakasigaw na iyon nagising sa loob niya ang Dating Nathalie. Wala na ang Nathalie na takot sa bakas ng kahapon. Unti unti na niya itong natatandaan at itinuring na lamang na isang bangungot. Pinunas ni James ang luha ni Nathalie at saka niya ito inakap.
"Salamat James.... salamat...." ani ni Nathalie
"Walang problema.. andito lang ako sa tabi mo" tugon ni James
Pinag resign na muna ni James si Nathalie sa kanyang trabaho para makapag focus ito sa bata at para makalimot din ng bahagya sa nangyari. Batid niyang hindi madali ang pinagdadaanan ni Nathalie kahit pa unti unti na niya itong natatanggap.
Nakatanggap si James ng message mula sa kanyang kaibigan na si Julius.
"Hey pare yung usapan natin ngayon.."
-julius
"Oo Pare darating ako. Saglit lang"
-james
Nagpaalam muna saglit si James kay Nathalie na may kailangan lamang siyang puntahang appointment at hindi magtatagal. Pumayag naman si Nathalie at kaagad na umalis si James.
Nang makarating si James sa appartment ni Julius, kaagad niya itong tiningnan. Sakto napakaganda ng pagkakarenovate dito, naaayo ito sa kanyang ninanais na bahay.
"Ok to pare maganda, saka maaliwalas.."ani ni James
"Sabi ko na nga ba at magugustuhan mo ito. So ano ikaw na ba ang rerenta?" Tugon ni Julius
"Oo pare ako na. Pwede na ba kami kaagad lumipat!"?" Ani ni James
"Kami?" Tanong ni Julius
Nagtaka ang kaibigan, kung bakit nasabi niya ito gayong alam niy ay single naman ito.
"Kasi Pare, plano ko ng isama, sina Nathalie at yung anak ko" ani ni James
"Ha? Siya ba yung babae sa kasal niyo ni Jake?" Tugon ni Julius
"Oo pare siya nga" ani ni James
"Nahihibang ka na ba Pare? Sayo ba talaga ang bata? Sorry Pare sa tanong ko.. pero nakakapagtaka lang talaga" tugon ni Julius
Nang mga sandaling iyon hindi nakaimik si James, inisip niya kung bakit at paano nasabi ito ng kanyang kumpare. Nagbingibingihan na lamang siya sa sinabing ito at hindi na sumagot, kaagad na lamang niyang iniba ang usapan nila ni Julius.
"So Pare.. ok na tayo 1000 € a month ang ren at mag sisimula na kaming lumipat dito" ani ni James
"Oo pare, walang problema. Sige eto ang susi basta next time n punta ko dito dala ko na ang contrata." Tugon ni Julius
Pagkabigay ng susi ng appartment umalis na si Julius. Nag ikot ikot muli si James, napatingin siya sa bintana at napakaganda ng view dito. Ngumiti siya at maya maya ay biglang sumagi sa kanyang isipan ang mga ngiti ni Jake at mga tawa nito.
Hindi maiaalis sa kanya ang pangungulilala sa dati niyang kasintahan. Pumikit siya, makalipas ang ilang minuto nakita niya sa kanyang isipan ang mannerism ni Jake. Ito ay ang aakapin siya at ilalagay ang dalawang magkasagop n kamay sa likod ng kanyang batok at saka siya titigan sa mata.
Pagkamulat niya, hindi niya maiwasan ang maluha. Kaya nagsumamo siya mula sa kanyang puso...
"Sana kung nasaan ka man, maging masaya ka na... patawad baby...." sambit niya sa sarili niya
Napawi ang kanyang pag iisip ng makatanggap siya ng tawag mula kay River.
Riiiinggggg...
"Hey bro.. busy ka ba mamaya? Inum tayo ng tropa ko sa bar"
-River
"Hindi naman pero, susubukan ko pumunta kapag ok na si Nathalie"
-James
"Magkasama kayo ni Nathalie? Bakit ano ba ang nangyari sa kanya?
-River
"Basta long story hindi ko pwede sabihin eh may pinagdadaanan pa siya. Pero subukan ko pumunta mamaya pag kaya na niya alagaan si Jasmine."
-James
"Jasmine??"
-River
"Oo anak namin ni Nathalie.. sige na pabalik na ako sa bahay ni Nathalie try ko magpunta mamaya."
-James
Napaisip si River sa kung anong nangyari kay Nathalie. Samantala ng mabanggit ni James ang pangalan ni Jasmine tila nakaramdam siya ng saya. Hindi niya maipaliwanag kung bakit. Natanong niya sa sarili niya bigla kung
"Isang beses lang may nangyari sa amin... pero napakaimposible naman ata"
Mga salitang namuo sa isipan ni River. Naging agam agam niya ito hanggang sa makarating siya sa inuman kasama ang kanyang tropa. Dumating na si River sa bar kung saan sila magkikita kita.
Dama sa mukha niya na mayroong mga tumatakbo sa kanyang isipan. Kahit masayang nag uusap ang mga kaibigan niya minsan ay hindi maiwasan ang mapatulala.
"Hoy River ano iniisip mo" ani ni Ace
"Ah wala may pinagtatagni tagni lang akong mga pamgyayari sa buhay ko." Tugon ni River
"Ay sus ang lalim naman niyan. Lasing ka na ba agad at nag eemote ka na?" Pabiro ni Ace
Nagtawanan ang mga magkakaibigan at naging ugat ng kantyawan si River. Maya maya ay kinausap ng masinsinan ni Ace si River.
"Pare ano ang problema?" Ani ni Ace
"Ah, diba tanda mo nung birthday party ni Nathalie, nakwento ko sayo na nawala kami, ang totoo niyan pare nasa VIP room kami at alam mo na ang nangyari." Ani ni River
"Putang ina! Ang lupit mo dumiskarte. Oh tapos ano ng nangyari kay Nathalie?" Tanong ni Ace
"Nabuntis si Nathalie, pero pakiramdam ko ako ang ama. Fertile ako ng oras na iyon at pakiramdam ko ganun din siya" tugon ni River
"Jasmine ang pangalan ng bata ng marinig ko iyon iba talaga pakiramdam ko.." dagdag pa ni River
"Eh akala ko ba si James ang ama..?? Eh ano na ang plano mo ngayon?!" Ani ni Ace
"Hindi ko alam pero aalamin ko..." tugon ni River
Maya maya naman ay dumating na si James. Nagulat si River ng biglang nag salita si James.
"River!" Ani ni James
"Ka——-kanina ka pa ba jan?"tugon ni River"
"Hindi naman. Oh ano tara na" ani ni James
Nakahinga ng maluwag si River matapos malaman na wala pa pala si James habang nag uusap sila ni Ace. Tanging sila lamang ni Nathalie ang nakakaalam ng nangyari ng gabing iyon.