Makalipas ang dalawang linggo, nakalipat na sina James, kasama na niya sa bahay si Nathalie at si Jasmine. Malaki na rin ang ipinagbago ni Nathalie simula ng may mangyari sa kanya. Subalit, isang balita ang muling gugunaw sa kanyang pagkatao.
Nasa clinic sila para ipasuri si Nathalie, may napansin naman ang doctora niya sa kanyang sinapupunan.
"¿Cuándo fue la última vez que tuviste sexo? "
(When was the last time you had sex?) Ani ng doctora
Napatingin si Nathalie kay James, at hindi ito sumagot sa tanong ng doctora. Kaya minabuti na ni James na siya na ang sumagot
"¿Por qué doctora?"
(Why doctor?) Ani ni James
"Según el resultado, Miss Salavaria tiene 2 semanas de embarazo."
(According to the result, Miss Salavaria is 2 weeks pregnant.) tugon ng doctora
Nanlaki ang mata ni Nathalie sa narinig nito mula sa kanyang Doctor. Nanginginig sa balitang hindi niya alam kung paano tatanggapin. Napaupo naman si James at napahaplos sa kanyang mukha.
Pumatak ang mga luha ni Nathalie, akala niya ay tapos na ang naging kalbaryo niya mula ng siya ay magahasa subalit sa hindi inaasahang pagkakataon , nagbunga ang pagkakagahasa sa kanya ng gabing iyon.
"Lo siento, sé que es difícil de aceptar, pero debes saberlo lo antes posible."
(Sorry, I know it's hard to accept, but you should know as soon as possible.) dagdag pa ng Doctora
Kaagad na lumapit si James kay Nathalie. At ito ay kanyang inakap. Dinamayan sa kanyang pagdadalamhati. Maya maya ay sinubakan niya itong kumbinsihin.
"Ok lang yan Nathalie" ani ni James
"Hindi.... ayoko nito... ayoko..!!!!" Tugon ni Nathalie
"Wala tayong magagawa kung hindi ang tanggapin yan, wag mong idamay ang bata sa poot na nararamdaman mo" ani ni James
"James!!! Ano ba ang nangyayari sa akin... karma ko na ba to sa ginawa ko sa inyo ni Jake" tugon ni Nathalie
"Sssh... walang kinalaman dito si Jake... wag ka mag alala papalakihin natin ang bata at ituturing kong akin"ani ni James
"Hindi ko alam James.... hindi ko na alam... hirap na hirap na ako sa nararamdaman ko.." ani ni Nathalie
Inakap na ng mahigpit ni James si Nathalie. Ilang sandali na ay kumalma na ito. Hinawakan ang sinapupunan, at dinamdam.
Nang araw na iyon nagpunta din sina Tom at Scarlet sa ospital, para mag donate sila ng dugo, nakagawian na nila itong dalawa habang nasa lobby ng ospital nasagi siya ng isang babae.
"Im sorry.." ani ng babae
Pagtingin ni Scarlet nakita niyang isang doctor pala ito. Samantala pag kapulot ng stethoscope, tumingin siya at namukhaan siya nito.
"Monica??" Ani ni Scarlet
"Scarlet???" Tugon ni Monica
"Hi..Monica" ani ni Tom
"Hello Tom.. nice to meet you again" tugon ni Monica
THROWBACK
[ MONICA AT SCARLET ]
Alam ni Monica ang buong pangyayari kay Scarlet. Naikwento nito ang lahat ng siya ay nagkamalay matapos maisugod sa ospital. Si Monica ang naging private doctor niya. Naging close sila ng halos 8 buwan siya sa ospital.
"Ready ka na ba?" Ani ni monica
"Ready na ako.. bale wala lang ang lahat ng iyan sa mga sakit na pinagdaanan ko na haggang ngayon ay daladala ko pa din." Tugon nito
"Hayaan mo, pag natapos natin ang operasyon na ito wala ng makakapanakit sayo once ma makita ka nilang muli.." ani ni Monica
"Salamat Monica ha.. dito pa talaga ako nakakita ng magiging kaibigan at pwede kong masandalan." Tugon niya
"Wala iyon! Basta lagi mong tandaan, sa lahat ng hamon ng buhay kailangan mo ng maging malakas at matatag. Pagkatapos ng operasyon na ito ibang tao na dapat ang makikita ko sayo.." ani muli ni Monica
"Promise Monica.. hindi na ako muling luluha at masasaktan ng kahit sino.. salamat sa inyo ni Tom." Tugon niya.
"Ok! Umpishan na natin" ani ni Monica
Matapos maturukan ng pampamamhid, unti unti ng nawalan ng malay si Scarlet. At saka sinimulan ni Monica ang operasyon.
END OF THROWBACK
Marahil ay magtataka ka kung bakit nakakapagsalita ng Filipino si Scarlet. Ito ang kanyang first language. Subalit dahil sa mga pinagdaanan binago niya ang lahat sa kanya. Tanging si Tom at Monica lamang ang tunay na nakakaalam sa buong pagkatao ni Scarlet.
"Ano ang gingawa mo dito?" Tanong ni Scarlet
"Dito na ako na assign.. alam mo naman ang work ko" tugon ni Monica
"Oo mahirap.. alam ko yan" ani ni Scarlet
"Mag fifile na din ako ng resignation letter. Gusto ko na maghanap ng ibang trabaho ayoko na maging doctor, sobrang toxic ang work na ito" tugon ni Monica
"Sa akin ka na mag apply. pag naapprove na yan. Basta saka na tayo mag usap wag dito." Ani ni Scarlet
Hindi makapaniwala si Monica sa alok na ito ng kaibigan. Ilang sandali pa at naghiwahiwalay na silang tatlo.
Nang makabalik sa bahay sina James at Nathalie, dumeretso kaagad ito sa salas at naupo. Huminga ng malalim at nagpasalamat kay James
"James thank you..." ani ni Nathalie
"Salamat saan??" Tugon ni James
"Sa lahat ng mga bagay n ginagawa mo para sa akin. Hindi mo naman kailangan gawin subalit ginagawa mo pa din." Ani ni Nathalie
"Wala yun Nathalie.. nandito lang ako babe.." ani ni James
Natigilan si Nathalie ng Marinig niyang muli ito kay James. Napangiti siya ng bahagya at Nagkaroon ng bagong pag asa.
"Babe?" Ani ni Nathalie
"Oo ayaw mo ba? Maging tayo?" Ani ni James
"What?! Seryoso ka ba James? Or palabas lang natin ito ulit kagaya ng dati?" ani ni Nathalie
"Seryoso ako Nathalie... naisip ko kasi madami na din tayong pinagdaanan. Wala naman sigurong masama kung panindigan ko ang pagiging ama ko." Ani ni James
"Pero James.." tugon ni Nathalie
"Ayaw ko din lumaki sa broken family ang anak ko.. kaya hindi lang ako magpapakaama kundi magpapakaasawa din ako. Dahil hindi kumpleto ang isang pamilya kung walang tatay sa tabi ng isang ina." Ani pa ni James
Walang nagawa si Nathalie kundi ang mapaluha sa mga sinabi ni James. Hindi pa rin siya makapaniwala na magiging ganito ang buhay nila. Ng mga oras na ito, pansamantalang nakalimutan ni Nathalie ang kanyang lungkot na pinagdadaanan.
Minsan sa buhay natin napakaraming mga pagsubok na pwedeng dumating. Pagsubok na susukatin ang tatag ng ating pundasyon upang mapagtagumpayan ang hamon ng buhay. At sa bawat hamon ng buhay ay palaging may kapalit na kasiyahan.
Kasiyahan na minsan ay walang sino man ang makakapalit....