Chereads / A MAN FROM MY PAST (BOOK 1) / Chapter 8 - CHAPTER 7:KAMBAL ?

Chapter 8 - CHAPTER 7:KAMBAL ?

JAKE's POV :

Grabe lord ,ano pa ba ang dapat kung malaman bakit marami akong nalalaman na hindi ko alam ,sunod sunod na ata to ! sana last na tong kababalaghan na to ,di talaga ako makapaniwala na ex ni boss yung mama ko .

Bigla akong napatayo

Ako:boss ,totoo ba naging ex mo yung mama ko .

Cally: jake ,sinabi na nga ni tito diba ,grabe tito ,shock talaga ako what a small world .

Boss ko: jake ! (tumingin sa akin)oo totoo ,ex ko yung mama mo pumunta kasi ako nun sa ibang bansa kaya nagkahiwalay kami wala na akong communication sa kanya at pagbalik ko sa pilipinas ay may asawa na siya at yun ang papa mo ,nung nabalitaan ko na namatay yung papa mo ay agad ko siyang pinuntahan sa bahay nila at naawa ako sa mama mo kasi iyak siya ng iyak ,di niya alam kung anu ang gagawin niya sa inyong dalawa ng ka.

Sasabihin na sana ni boss mike yung word na kambal kaya kaagad akong nagsalita

Ako:boss wag niyo ng ituloy ang sasabihin mo ,maliwanag na po sa akin

Grabe muntikan na niyang masabi na may kambal ako ,patay ! masisira ang plano ko kay cally .

Boss ko: oh ! sige jake ,okey na ba sayo ang nalaman mo ,aalis ka pa ba ?

Cally: tito grabe ,shock talaga ako promise ,sayang di kayo nagkatuluyan ng mama ni jake pero buti nalang talaga di kayo nagkatuluyan kasi .hehehe ! basta

Ako: tumahimik kana nga diyan cally ,boss alis na po ako ,pag iisipan ko po kung aalis ako ,gusto ko lang maka usap si mama .

Boss ko: sige jake ,sana magbago isip mo ,may sakit pa naman ngayon yung mama mo .

Ako: sige po boss ,,sige alis na ako

Cally: hoy ! jeckoy ,wait for me ,sama na ako sayo ,tito alis na rin ako bye .

Nagpaalam na rin tong baliw na to kay boss at sumunod lang naman tong baliw na babaeng to sa akin

Ako: anu ba ,aso ka ba ,ba't sunod ng sunod ka sa akin,(galit kung sabi sa kanya)

Cally: may pag uusapan pa tayong lalaki ka ,tara na baka halikan kita ulit

Gabi na pala ,itong babae talaga parang walang may nangyari sa kanya ang lakas ng energy ,naka singhot ba to ng katol o inubos niya yung vulcaseal

Cally:jeckoy ,usap nga tayo !(sabay hawak sa braso ko)

Ako: pwede ba bukas nalang pagod na ako at di ka ba napapagod ,kanina ka pa daldal ng daldal parang walang nangyari sayo,bitawan mo nga yang madumi mong kamay(inalis ko yung kamay niya sa braso ko)

Cally: please ! kahit ngayon lang ,sagutin mo tanong ko at maging honest ka ,di kasi ako makatulog kasi magkamukha talaga kayo, nakikita ko ang sarili mo sa kanya

Ako: sino yung ex mo ?

Cally: oo jake ,yung ex ko nga ,anu magkamag anak ba kayo o hindi ,magkamukha kasi kayo

Pagkasabi nun ni cally ay nagulat na naman ako ,grabe kanina pa ako nagugulat ,kung may sakit lang ako sa puso ,tiyak kanina pa ako inatake,lord wala na bang katapusan tong mga nalalaman ko ngayong kababalaghan at wag niyang sabihin na si cally ang dahilan kung bakit mamatay yung kambal ko di ko siya mapapatawad

Ako:(hinawakan ko ng mahigpit braso niya) talaga ex mo yung kamukha ko !(galit kung sabi sa kanya)

Cally:aray ! anu ba jake masakit bitawan mo nga yang kamay mo ,(sabay tulak sa akin)

Ako:sumagot ka !(sinigawan ko siya)

Cally:bakit ka ba sumisigaw at bakit galit ka ! anu magkamag anak ba kayo ,kambal ba kayo ,sabihin mo !!

Ako:hindi ! bakit masama bang sumigaw ,di ka pa nasanay sa akin

Cally: jake ,wag kang magsinungaling .

Ako: bahala ka nga sa buhay mo ,alis na ako .

Cally:hoy ! jake ,anu ba

Ako: cally ,pwede ba marami ang magkakamukha talaga ngayon ,kung ayaw mong maniwala di wag ! bahala ka sa buhay mo .

Ayun umalis na ako ,buti nalang di ako sinundan ni cally ,humanda siya sa akin ,di ko siya mapapatawad sa ginawa niya sa kambal ko pati na rin kay paul .

---