JAKE's P.O.V:
Hayysss ! grabe ang mga nangyari ngayong araw ,day off ko nga di naman ako nakapag pahinga grabe ang babaeng yun di napapagod ,akala niya talaga magsasabi ako sa kanya na may kambal ako humanda sa akin yung babaeng yun ang daming kasalanan niya sa akin at ito na naka uwi na rin ako sa wakas ,natutulog na kaya sina mama at yung kapatid ko baka natutulog na ata alas 10 na kasi ng gabi sarado na yung ilaw at ayun pagbukas ko ng pinto ay natutulog na talaga sila ,kawawa naman kapatid ko dito na nakatulog sa sala ,ayun nilipat ko siya sa kwarto ni mama ,teka bakit hawak hawak ni mama yung picture ni jacob hanggang ngayon di pa rin niya nakakalimutan si jacob ,oo guys si jacob ang favorite ni mama ,hindi ako ! kasi mabait raw si jacob at matalino .Eh ! ako ! ang bobo ko kasi at palaging pasaway pero nagbago naman ako nung nawala yung kakambal ko .Bukas ko nalang kakausapin si mama about sa boss ko ,malamang tulog si mama ngayon .
Ayun hay salamat nakahiga na rin sa wakas at grabe di pa rin ma alis sa isip ko yung mga nalaman ko ,papasok ba ako bukas ,ewan ko ,si doreamon na ang bahala sa akin sana nga andito si doreamon kasi para ma solve niya problema ko at ayun unti unti ng pumikit mata ko at zzzzzzzzz !!
Kinabukasan.
Trisha: kuya ! gising na !(sigaw niya sa akin)
Ako: hhmmmm ! trisha ,anu ba natutulog pa ako .
Trisha: anu ba kuya ,gumising ka na ,bigyan mo na ako ng baon ,male late na ako kuya !
Ako:(tumingin ako sa orasan) anuu ! alas 8 na pala ,bakit ngayon mo lang ako ginising .
Trisha: si kuya naman ,isang oras na kaya akong nandito para gisingin ka ,ayaw mong magising.
Ako: grabe isang oras talaga,halika nga dito ,napaka sinungaling mo .
Trisha: sige na kuya ,bigyan muna ako ng baon .(naiinis niyang sabi sa akin)
Ako: kunin mu yung pitaka ko dun sa may bag ko .
Trisha:(kinuha niya agad yung pitaka ko at binuksan niya) oyy ! kuya ,ang dami mo namang pera 1,000 yung kukunin ko ha ! HAHAHA ! (agad niyang kinuha yung 1,000 at agad na binalik sa akin ang pitaka)
Ako: hoy ! trisha , grabe ka 1 week muna yang baon mo .
Trisha: thank you kuya (sabay yakap sa akin)kaya nga love na love kita eh ! bye
Ayun umalis na kapatid ko ,hayss ! akala niyo si trisha ay 6 years old pa lamang nagkakamali kayo ,17 na siya at grabe yung kapatid kung yun ang lakas maka hingi sa akin akala niya tumatae ako ng salapi ,ay oo nga pala kailangan kung maka usap si mama ,agad akong bumangon at pumunta sa sala ,nakita ko si mama nagluluto ng pagkain .
Ako: ma ,kamusta na po yung sakit niyo ?uminom na po ba kayo ng medisina ?
Mama ko: di ka ba papasok ngayon ,anung oras na baka hanapin ka ng boss mo .(busy sa pagluluto)
Ako: ma ,nagpaalam po ako kay boss na absent lang muna ako ngayon
Mama ko:bakit ka naman umabsent .
Ako: ma ! may sasabihin po ako sa inyo
Mama ko:( bigla siyang humarap sa akin) ano ba sasabihin mong bata ka.
Ako: kilala niyo po ba yung boss ko ? may nakaraan ba kayo ?(di na talaga ako nagpaligoy ligoy sa pagsabi)
Mama ko:(biglang nagulat at nagalit sa akin) jake ! ,saan mo yan napulot ha ! anong sinasabi mo na nakaraan ?
Ako: ma ! nagsabi na po ng totoo yung boss ko na naging kayo raw dati. Totoo ba ?
Mama ko:(bigla siyang umupo at tinabihan ako) bakit niya naman nasabi yun sayo ?
Ako:kasi gusto ko kasi na mag resign sa companya niya.
Mama ko:jake , please wag kang aalis dun sa companya niya kasi balang araw ay ikaw ang hahawak nun.
Nagulat at natulala ang tanging reaction ko nung sabihin yun ni mama at wala na ba talagang katapusan ang mga nagaganap sa akin ,tiyak may bago na naman akong malalaman na kababalaghan at ayun napatayo ako.
Ako: ma ! anu ba sinasabi mo ! anong ibig mong sabihin na ako ang hahawak ng companya niya ,di ko maintindihan.(pagtataka kung sabi kay mama)
Mama ko: jake ! sorry ngayon ko lang sasabihin to sayo .
Ako: na ano ma ,na si boss mike ang tatay ko yun ba ang sasabihin mo ?
Mama ko: sorry anak ! (biglang tumulo luha niya)ngayon na siguro ang oras na hinihintay ko para malaman mo ang totoo,siya nga ang tatay niyo ni jacob ,nung umalis siya nun sa abroad ay di niya alam na buntis na ako nun ,gusto ko sanang sabihin sa kanya yun anak kaso wala akong communication sa kanya at isa pa dun ay galit na galit ang mama niya sa akin ,yun ay ang lola mo anak kaya nung araw na yun ay gusto ko ng magpakamatay ,kaso biglang dumating sa buhay ko si juanito alam mo ba anak na magkaibigan sila ni mike ,siya ang nagsilbing maging tatay niyo ni jacob kaya tinanggap ko siya at natutunan ko na siyang mahalin at tinupad niya naman yung sinabi niya sa akin na bubuhayin niya tayo kaso anak ,nung pinanganak ko naman yung kapatid mo na si trisha ay biglang may nangyari sa tatay juanito mo , binaril siya di ko alam kung sino ang bumaril sa kanya ,hanggang ngayon ay di pa nahuhuli ang may gawa nun sa kanya kaya anak ,nagulat nalang ako ng biglang dumating si mike sa bahay natin at gusto niya na tulungan niya ako at ako naman gustuhin ko man na di tanggapin yung alok niya ay wala akong magagawa kundi tanggapin kasi wala naman akong maipapakain sa inyo at baby pa nun si trisha kaya anak si mike ang nagpa aral sa inyo ni jacob hanggang sa pag college niyo .Oo ! anak siya ang nagpa aral sa inyo di ko sinabi kasi baka kung ano isipin niyo .SORRY TALAGA JAKE sana mapatawad mo ako,huhuhu !(umiyak ng umiyak)
Matapos ipagtapat ni mama ang lahat ay blanko ang isipan ko ,di ako makapag salita at di ko akalain na tumutulo na pala luha ko .Shiiit bakit ako umiiyak kaya bigla akong napasabi na
Ako: ma ! tama na (niyakap ko siya at pinunasan ko luha niya)maliwanag na sa akin ang lahat ,so ibig sabihin yan siya ang totoo kung tatay at di pa niya alam na anak niya ako,di naman ako galit sa inyo bagkus galit ako sa kanya.
Mama ko: oo jake !.di pa niya alam ,naghahanap pa ako ng pagkakataon para sabihin sa kanya at di pa niya alam na wala na ang kakambal mo .
Ako:wag na ma ,wag niyo ng ipaalam pa sa kanya ,may asawa na siya eh ! at meron din siyang anak na lalaki ,kaya mas mabuti pang maging ganito nalang na walang may nangyari na boss ko siya at hindi niya ako anak ,wag kang mag alala ma ! di na ako aalis sa companya niya .Pangako yan(sabay ng sign ng promise hand)
Mama: anak ,sigurado ka ? at yung bang tinutukoy mong anak niyang lalaki ay si andrew ,tama ba ?
Ako: opo ma at bakit niyo po kilala si andrew ,tama po kayo siya nga po
Mama ko: salamat naman anak at di ka aalis ,oo kilala ko siya kasi di niya tunay na anak si andrew .
Ako: ano po ! sigurado po kayo ma .(gulat kung sabi kay mama)
Mama ko: oo anak kaya nga diba sabi ko sayo na ikaw ang hahawak sa companya niya ,ikaw ang nag iisang anak ni mike andrade ,ikaw ang munting heredero niya kaya mas mabuti pang sabihin ko na ang totoo sa kanya
Ako: ma ,please ! (pagmamakaawa ko kay mama)hayaan mong ako ang magsabi sa kanya ,pero wag muna ngayon may balak kasi akong gawin .Please ma !!
Mama ko: jake ,bakit ano ba ang binabalak mong gawin ,baka kung ano mangyari sayo ,matulad ka kay jacob di ako papayag
Pagkasabi nun ni mama ay natuwa ako kasi ayaw niya pala akong mawala sa buhay niya .
Ako:(yinakap ko si mama) ma ,magtiwala ka sa akin ,di mo ba alam na madami na ang pinagdaanan ko ,don't worry ma ! kaya ko ang sarili ko.
Mama ko:(binatukan ako) talaga lang jake ,sige kung yan sabi mo ,sige na tama na drama natin ,para tayong mga artista, kumain ka na ba ?
Ako:(napakamot ako sa ulo at inalis ang pagkakayakap ko sa kanya) ma, naman sa ulo pa talaga ako binatukan ,tara kain na tayo kamusta na pala sakit mo ?okey ka na ba ?
Mama ko: okey na ako anak ,kaso sumasakit kadalasan yung ulo ko pag hapon pero okey na ako anak.
Ako: talaga po ,basta ma ! uminom lang po kayo ng gamot ha !
At ayun nung matapos na kaming kumain ay nagpaalam ako kay mama ,pupuntahan ko kasi si paul ,tatanungin ko siya kung ano talaga ang nangyari sa kanila ni cally.
---