Chereads / A MAN FROM MY PAST (BOOK 1) / Chapter 2 - CHAPTER 1: First Met

Chapter 2 - CHAPTER 1: First Met

P.O.V ito ni Cally

Ako si Cally,isa akong babaeng mahiyain,shy at hindi palasalita in short isa akong pipi .hahaha .di joke lang .ang totoo niyan makulit ako at palabiro minsan di ko sineseryoso ang mga bagay na dapat seryosohin ko raw ..hahaha .anu daw ..eto na ilalahad ko na ang aking kwento .

Habang ako ay naglalakad papunta sa opisina ng tito mike ko ay biglang may bumangga sa akin na isang lalaking tatanga tanga,ewan ko ba apat na nga yung mata nabangga pa ako ,

Ako:aray ,anu ba .isa ka bang dakilang bulag .apat na nga yang mata mo ,nabanga mo pa ako .how dare you to hit me like this .tell me why ,so that i know ..(galit kung sabi sa kanya)

Jake: .ha .miss una sa lahat ayusin mu muna yang grammar mo bago ka magtatalak diyan at oo apat nga ang mata ko di kasi kita makita dahil diyan sa kili kili mo .hahaha,sobrang kulimlim (tawang tawa pa siya)

Ako:aba aba ,ang talas ng bibig mo ,gusto mo hasain ko pa yan ,dinamay mo pa tong nanahimik kung kili kili ,close ba tayo ha .

Jake:hindi open tayo , ewan ko sayo ,baliw .maka alis na nga at malelate pa ako sa trabaho

Ayun tinalikuran niya ako at nag walk out kaya sinigawan ko siya

Ako:hoy ,di mo ba babayaran ang mga damage mo sa akin .halika dito .

Gago yun ha ,di man lang ako nilingon,bwesit !!,.teka anu tong nahulog,Kaagad kung pinulot yung ID

Ako:OMG ! .dun pala siya nagtratrabaho sa companya ng tito ko .pwes .humanda ka sa akin gago ka .hahaha .Jake pala pangalan mo ha .

Ang liit talaga ng mundo at humanda ka ngayon lalaki ka ,pumunta na ako sa companya ng tito ko at tama nga ako dito nga siya nagtratrabaho at teka bakit wala siyang salamin na suot .ay ewan .lalapitan ko na lang siya

Nilapitan ko na siya habang busy siya sa mga papel na hawak niya

Ako:hai .you look familiar .(sweet kung sabi sa kanya)

Grabe makatingin tong lalaking to ,parang kakainin ako,haha,gulat na gulat

Jake:grabe, stalker ka pala ,bat mo alam na dito ako nagtratrabaho .hahaha .pa simple ka lang .type mo pala ako pero sorry ha di kasi ako pumapatol sa mga indangered species (ayun as usual tumawa na naman)

Ako:hoy !(inis kung sabi) bunganga mo gago, wag kang assuming diyan, di ka kagwapuhan, nahulog kasi ang ID mo kanina at pinulot ko , .oh! eto na yang ID mong gago katulad mo .(tinapon ko sa kanya yung ID niya buti nasalo niya)

Jake:aray .ang sakit naman .galit ka ba kanina mo pa ako tinatawag na gago eh ,ang gwapo ko pa naman ,teka baka nilawayan mo ito ha ,type mo pa naman ako .

Ako:hindi ako galit !! galit na galit !!..grabe ka imbes na magpasalamat ka ..at pwede ba hindi kita type,kung ikaw man lang, yuck !!

Dumating yung tito ko

Tito mike:cally anung ginagawa mo dito at bakit nagtatalo kayo diyan

Nakita ko yung mukha ng gagong to ,gulat na gulat ,grabe sobrang nagulat si jake

Ako:ah .tito kasi ,anu ba to, anu ba ang sasabihin ko ,ahm! kasi tito magkaibigan kasi kami nitong si jake at di niya sinabi na dito pala siya nagtratrabaho .diba jake .(kinindatan ko tong gagong to)

Jake: .ah .eh .opo sir .tama po yun .(napakamot sa ulo)

Tito mike:ganun ba .sige ayusin niyo na yan .sige alis muna ako .

Umalis na si tito mike at tiningnan ko ulit tong gagong to

Ako:anu masasabi mo diyan, tulala lang ang peg ni gago ha ! magsalita ka at may utang na loob ka pa sa akin

Jake:totoo ba tito mo yung boss ko

Ako:aba di pa naniniwala tong gago na to .

Jake:sorry cally di ko sinasadya ,sorry talaga(mukhang sincere naman siya)

Ako:wow .clap.clap.clap (sabay akong nagpalakpak ng malakas)porket tito ko yung boss mo .eh! nag sorry ka kaagad pano kung di ko siya tito magsosorry ka pa rin ba at kilala muna pangalan ko akalain mu yun,how amazing !!

Jake:.ganun ba ang tingin mo sa akin at alam mo ba wala akong utang na loob sayo ,

Ako:oo kasi simula pa lang ng pagtatagpo natin masama na ang ugali mo sige mabuti naman akong tao ,bukas di ba day off mo(nag eye to eye kami)

Jake:mabuti ka pa diyan sa lagay na yan at oo bakit

Ako:magkita tayo bukas dun sa andys restaurant mga 3 pm .

Jake:anu ka siniswerte baka kung anu gawin mu sa akin,virgin pa ako(tinalikuran na naman ako)

Ako:gago to ,hoy !!humarap ka nga sa akin, .basta kita tayo bukas may sasabihin ako sayo at dapat pumayag ka sa sasabhin ko bukas .maliwanag ..

Di niya ko sinagot ..

Kinabukasan..

Eto na nga ,ito na yung araw na magkikita kami ni jake dito sa andys restaurant ,dumating kaya ang gago na yun .excited pa naman ako sa sasabihin ko sa kanya .

Nandito na ako sa loob ng restaurant ,naghihintay sa kanya,

Ako: what !!(tumingin ako sa relo ko) almost isang oras na,wala pa siya .,gago talaga yun.pwes humanda siya sa akin .(tatayo na sana ako ng)

After a few minutes

Nakita ko si jake na palapit sa akin, oh my god ,si jake ba yun ,grabe ha .bagay pala sa kanya ang red naka polo shirt pa siya. Infairness ,may itsura ..hahaha .malamang yung TAE nga may itsura ,siya pa kaya ..

Nakalapit na si jake sa akin at grabe magsasalita pa lang sana ako inunahan niya na ako

Jake: anu ba ang sasabihin mo sa akin at bakit pinapunta mo pa ako dito ,at sige na aalis na ako sa companya ng tito mo para wala ka ng masabi na may utang na loob ako sayo(galit niyang sabi sa akin)

Wala natulala lang ang peg ko ,di ako na orient eh ..

Jake: hoy ..anu ba .para ka diyang temang

Kinurot niya lang naman yung tenga ko

Ako: aray. Anu ba .close ba tayo ha ,close ba tayo ,bakit mo yun ginawa mo yun sa akin

Jake:hindi ka kasi diyan nagsasalita

Ako:eh ! pwede naman hinalikan mo nalang sana ako nun mas maganda pa kesa sa pagkurot mo  ng tenga ko

Jake: anu ka hilo ,may tamang pag iisip pa ako ,anu na ,anu nga sasabihin mo

Ako: wow ,ang pogi mo brad ..hiyang hiya naman ako sa ngipin ko

Jake:ewan ko sayo .maka alis na nga ,wala kang kwentang kausap

Nag walk out na naman,bakit ba mahilig tong mag walk out ,naiinis na ako ..

Ako: hoy ,jake fredirick azarcon ,wag kang aalis (biglang akong tumayo at sumigaw)

Bigla siyang lumingon sa akin ng dahan dahan,wow ! ano to slow motion

Jake: bat mo alam buo kung pangalan

Ako:andyan ka na naman ,assuming ,malamang nakita ko sa ID mo .bumalik ka na nga dito ,ang OA mo naman ,

Lumapit siya sa akin

Jake:oh sige, sige na ,anu nga sasabihin mo

Ako:grabe ,atat naman nito ,okey ! before i start ,i would like to say to you that you are very much O.A ,

Jake:pwede ba magtagalog ka na lang ,pinapahirapan mo sarili mo,eh .wrong grammar ka na man

Ako:,pinaglihi ka ba sa sama ng loob .oo na ,sige maging masaya ka lang sa buhay mo ,

Jake:anu ba ,baka abutin tayo bukas ,hindi mo pa nasasabi yang sasabihin mo

Ako:teka lang muna ,bakit ba galit na galit ka sa akin ,maghintay ka ,gago ka .at alam mo ba sinasabi mo na aalis ka sa companya ng tito ko para lang yun ,grabe ang taas ng pride mo brad .

Jake: .bahala ka ,

Ayun magtatangka na naman siyang mag walk out ..pero

Ako:oh ! sige umalis ka ,hindi mo na malalaman ang sasabihin ko .

---------