Naniniwala ka ba sa mga Anghel?
Ano'ng itsura nila?
Umiibig din kaya sila kagaya natin?
May babae o lalaki bang Anghel?
Pwede ba tayong makaramdam ng pag ibig sa kagaya nila?
O... pwede ba silang umibig sa isang tao?
Ito'y mga katanungan lamang sa aking isipan...
Ngunit malinaw sa aking mga mata na sila ay matatagpuan lamang kahit saan.
Kasa kasama nating mga tao.
Nakabantay. . .
Nagtatrabaho. . .
Naglalakbay. . .
Naglilingkod. . .
Nagmamasid. . .
Nanghuhusga. . .
Namimigay ng pagpapala. . .
Nagpapataw ng karma. . .
Nagbibigay hustisya. . .
At alam kong kagaya lang natin sila. . .
May damdamin. . .
Nakakadama ng saya. . .
Lungkot. . .
at galit.
Noong una, buong akala ko na kahit araw araw ko silang nakikita, imposible silang makasalamuha o makausap man lang.
Ngunit nagbago ang aking pananaw at paniniwala at nasagot ang ilan sa aking mga katanungan ng isang araw. . .
Nakilala ko s'ya. . .
******
Malubha na naman ang kalagayan ng kapatid ko. Nitong mga nakaraang araw ay palagi nang sumasakit ang kanyang ulo at mataas ang lagnat.
Alam kong kagagawan ito ng itim na insektong nahig
Sana ay nakakatulong ang pahinga at ang basang bimpo'ng nilagay ko sa kanyang noo. Di na bumabalik sa normal ang kanyang kalagayan.
"Sandali ...alam ko'ng isa kang anghel at kanina pa kita nakikita " ang sabi niya sa isang anghel sa kanyang harapan.
Nanginginig man ang kanyang mga tuhod habang sinubukang lumapit at kausapin ang anghel, lumapit sya dito at nagsumamo na sana dinggin ang kanyang tinig sa pagkakataong ito.
"kahit ngayon lang... pwede mo ba akong kausapin? Please... nakikiusap ako..."
Lumingon lang ang Anghel at walang imik na nakinig sa kanyang pagsusumamo.
"kahit ngayon lang, nakikiusap ako, ilipat mo na sa akin ang itim na insekto na nasa leeg ng kapatid ko...
Isa lang syang bata... Kung ano man ang dahilan kung bakit sya may itim na insekto, malamang ay di n'ya sinasadya ang lahat ng pangyayari..."
"Please... nakikiusap ako... Ako nalang... Wag sya!" pagsusumo nya.
Alam nyang kailanman, di ugali ng kahit na sinong anghel na kumausap sa kahit na sinong tao, ngunit sa mga sandaling yon... sa unang pagkakataon... narinig nya ang boses at pagtugon ng isang anghel.
"Batid mo'ng isang malaking kamalasan na maaring magsanhi ng kamatayan ang maidudulot ng itim na insekto sa leeg ng kapatid mo. Gagaling man ang lagnat nya paminsan minsan ngunit limang araw nalang ay babawian na sya ng buhay."
"limang araw? hindi maaari ito, tulungan mo naman ako, nakikiusap ako! anong kailangan kong gawin?" pagsusumamo nya sa anghel.
Napayuko lang ang Anghel, labag sa kalooban nya ang kausapin ito sapagkat alam nyang ipinagbabawal ito. Ngunit nangibabaw sa kanya ang pagkahabag sa dalaga at sa kapatid nito.
"Ipinagtataka ko lang kung papaano mo nalaman ang mga bagay na ito ang kung papaano mo nakikita ang isang anghel na kagaya, at ang itim na insekto" ang sagot ng anghel.
"Oo matagal ko nang nakikita ang mga kagaya mong anghel at ang mga insekto sa leeg ng tao, nakikita ko sila at alam ko kung ano ang papel na ginagampanan nila" ang sagot niya sa anghel.
"Gustuhin ko man na pagbigyan ka... subalit, humihingi ako ng tawad... di ko maaring pagbigyan ang kahilingan mo. Di ko maaaring ilipat sa leeg mo ang itim na insekto. Sapagkat hindi ako ang nagpataw ng itim na karma sa kanya. Hindi ako anghel na nakatalaga sa kapatid mo"
"Ngunit sino? Sino ang anghel ng kapatid ko.. nais ko syang kausapin.. parang awa mo na, hayaan mo akong kausapin sya!"
Sa mga sandaling iyon, wala syang ibang nagawa kundi lumuhod sa harapan ng Anghel upang magsumamo.
"Alam kong imposible ang hinihiling ko... handa akong gawin kahit na ano, pagbigyan mo lang ang hinihiling ko"
"Ipagpaumanhin mo, ngunit ang tanging magagawa ko lang ay sabihin ang kinaroroonan ng anghel na may kakayanang tanggalin ang insekto sa leeg ng kapatid mo.
"SAAN? Saan ko sya matatagpuan?"
Tumahimik panandali ang anghel. May kung ano na bumabagabag sa kanya. Maya maya pay may iniabot syang papel sa dalaga.
"ano ito... isang.. mapa?"
"oo, isang mapa. Makikita mo sa mapa ang lugar na nagngangalang Harvevon, dyan namamalagi ang isa sa mga pinuno naming mga Anghel na nagngangalang Celestialla... Sya ay may mataas na katungkulan at may awtoridad sa kamatayan.
Ngunit, imposible para sa iyong na mapuntahan ang lugar na iyan. Dahil tanging mga anghel lang na kagaya ko ang may kakayanang makita at mapasok ang lugar na yan."
"at pano ko naman din mahahanap ang lugar na ito kung ang mapang ito ay di tumutugma sa lugar na ginagalawan ko"
"Ang kasagutan ay nasa iyo na rin. kung panong ang isang pangkaraniwang taong kagaya mo ay nakakakita ng espirituwal na nilalang, malamang iyan din ang susi upang matagpuan mo ang espiritual na lugar na nasa mapa...
...Gaya nga ng sinabi ko, imposible ang hinihiling mo sa akin na tanggalin ang itim na sumpa na dala ng itim na insekto, at yan lang ang tanging paraan na alam ko."
"Maraming salamat dito. Tatanawin ko itong utang na loob. Di ko alam kung paano ko matatagpuan ang inyong pinuno na si Celestialla, pero bahala na.
"Nga pala... Ang pangalan ko ay Melodia, ikaw... anong pangalan mo? Pwede ko bang malaman ang pangalan mo?"
Sa pagkakataong iyon, napipilitan man, nabuhayan sya ng loob nang nagpakilala ang anghel sa kanya.
"Lagaluz... Lagaluz ang pangalan ko"
"Lagaluz... maraming maraming salamat sayo. pero... kung iyong mamarmamarapatin, may kakayanan ka bang ilipat nalang sa akin ang sumpang dala ng insektong itim sa leeg ng kapatid ko"
"wala akong kakayanan para gawin yan. Pasensya na."
Ang sagot ng anghel.
ilang sandali lang ang nakalipas matapos ang kanilang pag uusap, dalawang anghel ang biglang nagsidatingan.
"Nagkasala ka. Lumabag ka sa isa sa pinakamahigpit na ipinagbabawal sa mga anghel." sabi ng isa sa kanila.
Walang pagdadalawang isip, pilit nilang pinosasan at dinakip si Lagaluz.
"SANDALI... WALA SYANG KASALANAN.. WAG NYONG HULIHIN SI LAGALUZ"
Pilit mang pinakiusapan ni Melodia ang mga Anghel ngunit di sila umimik sa kanya.
To be continued...