Chereads / Karmian Angel / Chapter 2 - Chapter 1: Meed Heaven

Chapter 2 - Chapter 1: Meed Heaven

"Matagal tagal na rin mula ng ako'y maging isang Karmian, at masasabi ko, Ito ang pinaka ayaw ko sa lahat ng naging posisyon dito sa MeedHeaven... Araw araw nalang, nakatali ako sa responsibilidad ko sa taong ito na walang nagagawang tama sa buhay niya, umaasa na sana ay magbago sya kahit papaano.

Sya ang pang apat na tao na na assign sa akin. At kahit anong mangyari, kailangam ko syang bantayan dahil ito ang Tungkulin bilang isang Karmian Anghel, ang bantayan lahat ng kilos niya at patawan sya ng Karma o parusa sa lahat ng maling ginagawa nya."

Napabuntong hininga si Ziondreh nang sumagi sa kanyang isipan ang kanyang responsibilidad habang masusing nakamasid sa makasalanang taong kanyang binabantayan.

Isa si Ziondreh sa mga matagal nang Karmian na Anghel na sa katunayay nalalapit na ring tumaas ang ranggo ng posisyon sa MeedHeaven.

Kilala sya ng mga Ka-Anghel nya bilang matalino, mahusay at bihasa sa mga Karma spells, kung ituring sya ng ibang mga anghel ay "well versed" sa mga Batas ng MeedHeaven at hudisyal na mga batas para sa kasalanan ng mga tao.

Para sa kanyang ka team mate na si Arth- Guardian, Tim-Blesser, Galax-Messenger, si Ziondreh ay maingay at masayahin. Pero para sa ibang Anghel na di nakakakilala ng lubos sa kanya, siya ay tahimik at madalas na seryoso.

Bawat isa sa kanila ay mayrong lumulutang na bilog na parang "ring" sa ibabaw ng kanilang mga ulo. Ang tawag sa bilog na ito ay Nimbuz. Ang kulay ng kani-kanilang mga Nimbuz ay sumisimbolo sa kanilang ginagampanang posisyon. Bilang Karmian, si Ziondreh ay may kulay pulang Nimbuz.

Bawat isa sa kanila ay magkakaiba ang ginagawang tungkulin sa iisang tao na tinatawag nilang "Guardee."

Patuloy nila itong babantayan at kamatayan lang ng taong ito ang makakaputol ng tungkulin nila.

Ang mga Anghel ay hindi nakikita ng mga tao. Pero lingid sa kaalaman nila, palagi itong nakabantay sa kanila.

Ngunit, may iilang tao daw na may kakayanang makita at makausap sila. Bihira lamang ay may kakayahang gawin ito. At dahil sa sobrang bihira lang ang mga taong ito, nabaon na sa limot ng ibang Anghel kung pano pakikitunguhan ang mga taong may kakayanang ganito.

********

Isang umaga, habang masusing nakabantay silang apat: (Ziondreh, Tim, Galax, Arth) sa kanilang guardee na naglalakad sa loob ng isang Mall...

May isang daang piso na papel na nahulog sa pitaka ng isang dalaga. Napansin ito ng kanilang guardee.

"Hay naku, parang alam ko na ang mangyayari. Ang taong to'y may gagawin na namang hindi nakakatuwa" inis na sabi ni Ziondreh na parang bang siyento pursyento syang naakatiyak sa mangyayari.

"Magdidiwang talaga ko pag may ginawa syang tama sa pagkakataong ito!" sabi ni Tim, ang Blesser Angel sa team.

Maya maya pa'y nilapitan ito ng kanilang guardee. Tinapakan ang pera at naghintay hanggang sa makalayo na ang may ari ng pera.

"Hay naku! sabi ko na nga ba. Gaya ng inaasahan ko, HHHHHHHHH (sigh)... kailan kaya magbabago ang taong 'to? Panibagong minor case na naman ito... DAHIL NANGUHA KA NA NAMAN NG PERA NA DI SAYO, MAWAWALAN KA NG DOBLE PA SA KINUHA MO!"

Lingid sa pandinig ng sinumang tao, Binigkas ni Ziondreh ang isang Karma spell na para sa isang minor case na kasalanan.

"KARMA-KA-DOBRA!!!"

May lumabas na kulay pulang insekto na lumipad patungo sa kanilang guardee at dumapo ito at kumapit sa leeg ng binata.

Tanda ito na isang karma ang nakatakdang matatamo ng binata. Ang insektong ito ay hindi nakikita ng pangkaraniwang tao.

(Ito ang Prinsipyo ng Karma: Ang kabayaran sa kahit anumang kasalanan, o kahit anong pandadaya na iyong ginawa sayong kapwa ay doble sa halaga ng nawala o sa perhuwisyong natamo ng iyong kapwa)

"Ang insekto ng karma na ang bahala sayo" inis na sabi ni Ziondreh.

Makalipas ang isang araw...

"BWISIT NASAN NA ANG AKING 200 Pesos? Shit malamang nahulog yun galing sa pitaka ko. Anong ipapamasahe ko?" Tarantang sabi ng guardee ni Ziondreh habang kinakapa nito ang mga bulsa ng kanyang bag.

"Yan ang dapat sayo! Karma sa pagnakaw mo sa isang daan piso ng babae sa Mall" inis na sabi ni Ziondreh.

"Hoy Ikaw!!! Bakit parang kahinahinala ka. Malamang ay ikaw ang kumuha ng pera ko no?" Sabi nito sa katabing babae.

"Naku sir wag kang naninisi nalang ng basta basta. Hindi po ako ang kumuha ng pera nyo"

"Hindi ako naniniwala sayo! Kanina lang nasa akin pa ang pera ko."

"NAKU SIR!!! Wala ho talaga akong alam sa pinagsasabi mo! Hindi ako magnanakaw! Hwag kang namimintang!"

Nung simula'y akala ni Ziondreh at ng kanyang mga ka-team na ito'y maliit na pag tatalo lamang, ngunit bigla silang naalarma nang...

"Tulungan nyo ang babae, inaagaw ang bag nya!!!" Ang sigaw ng isa sa mga pasahero.

"WALA NGA SABI AKONG KINUHANG KAHIT ANUMAN SAYO!!! BITIWAN MO KO." Tarantang sabi ng babae habang pilit na kinukuha sa kanya ang kanyang bag.

Hinablot ng guardee ni Ziondreh ang bag ng babae at pilit na inaagaw ito sa kanya.

Habang nangyayari ito, napansin ni Ziondreh na tila walang imik ang Guardian Angel ng babae na dapat sana pumuprotekta dito na sya ring napansin ni Arth. Dahil dito, dali daling pinuna ni Arth and Gwardyang Anghel ng babae.

"Sandali. Bakit ka nagpapatumpik tumpik. Nanganganib ang guardee mo! Bantayan mo at protektahan mo sya bilang Gwardiyang Anghel nya"

Ang Guwardiyang Anghel na nakasunod sa babae ay sumagot: "Huwag mo akong pangunahan! Alam ko ang ginagawa ko"

"Akin na ang bag ko! Hindi ako ang kumuha ng pera mo!" Sigaw nito habang hinahampas ang guardee ni Ziondreh. Dahil dito at dahil na din sa reaksyon ng ibang pasahero ay nawalan ng kontrol ang guardee ni Ziondreh kaya naitulak nya ng malakas ang babae at tumilapon ito sa pintuan ng bus. Sa lakas ng tulak ay nabuksan ang pinto ng bus.

"OH NO!!! ANG BABAE!!! IHINTO NYO ANG BUS!!!!" Sigaw ng isa sa mga pasahero.

Inihinto agad ng driver ang bus ng narinig nya ang sigaw ng pasahero. Ngunit huli na. Tumilapon palabas ang babae.

Biglang natahimik ang lahat panandali. Sinundan naman ito ng ingay mula sa mga pasaherong dali daling lumingon sa bintana ng bus upang tingnan kung ano ang nangyari sa babae. Kasabay nito ang ingay mula sa mga bumubusinang sasakyan sa paligid.

Huli na ang lahat. Nasagasaan ang babae ng nakasunod na sasakyan ng ito'y nahulog sa bus.

Nagkaron din ng saglit na katahimikan sa Team ni Ziondreh. At nang nakumpirma na ni Ziondreh ang pagkamatay ng babae, isang puting kwago mula sa kalangitan ang dumating.

May dala dala ito'ng kumikinang na puting papel. Ang pangalan ng kwagong ito ay Ivor.

"Hhhhhhh(sigh).. ang Sin Report Paper."

"Iku kunsidera ko bang "Sinadya" ang kaso ng lalake o "hindi sinasadya"?" Ang tanong ni Ziondreh sa mga ka team nya.

"Hindi ko trabaho ang humusga pero kung ako tatanungin mo, para sakin sinadya ng guardee natin ang ginawa nya" Sabi ni Galax, ang Mensaherong Anghel sa Team.

"SINADYA NYA YUN sa opinyon ko" sagot ni Tim.

"majority wins! Dapat lang sya patawan ng kasong pagpatay, halata namang sinadya nya!" sabi naman ni Arth, ang Guwardiyang Anghel sa Team.

"At yung Guwardiyang Anghel ng babaeng nasawi, dapat din sya maparusahan" dagdag nito.

"Ok! Nakapagdesisyon na ko, Murder case!" Ang mahigpit na desisyon ni Ziondreh

Kasunod nito ay ang bigla nyang pagtahimik ng mga ilang segundo.

...

.....

....

...

..

.

"Hhhhhhhhhhh(sigh). Ang mga tao talaga ay nakakalitong mga nilalang." Napabuntong hiningang sabi ni Ziondreh sa kanyang isipan.

Matapos isulat sa kumikinang na papel (Sin Report Paper) ang kaso ng kanilang guardee ay pinirmahan nya ito. Matapos nito ay iniabot nyang muli ang papel kay Ivor at lumipad ito papalayo at naglaho.

Matapos lang ang ilang minuto...

"Zion, YUNG NIMBUZ MO AY KUMIKINANG... Malamang alam mo na"

"Ah oo, malamang ito na nga. Babalik na muna ako sa MEEDHEAVEN, Tinatawag ako ng pinuno nating si Justiceo"

*******************************

Ang MeedHeaven ay isang lugar na nasa kalagitnaan ng Langit at Lupa. Ito ay napakalawak na Templong napapaligiran ng mga naka adornong kumikinang na Emerald, Ruby, Diamante. Makabuntong hininga ang kagandahan nito sa loob man o sa labas. Subalit, mga Anghel at mga espirtuwal na mga nilalang lamang ang nakakakita nito at maaring makapasok sa loob nito. Ito ay ang lugar kung saan ang mga Anghel ay nagtitipon, nag aaral, at nagsasanay upang magampanan ang posisyon kung saan sila naaatasan.

Ang MeedHeaven ay may APAT NA MALALAKING DIBISYON:

1. Templo ng Hustisya

2. Templo ng Kapangyarihan

3. Templo ng Kaalaman

4. Templo ng Pag-ibig

Ang isang Karmian na Anghel na kagaya ni Ziondreh ay nasa pangunahing Dibisyon-Ang Templo ng Hustisya na pinamumunuan ni Justiceo.

Gaya ng inaasahan ni Ziondreh, matapos nyang pirmahan ang Sin Report Paper ay tatawagin siya ng pinuno. Ang pagkinang ng Nimbuz ay ang signal ng pagtawag sa kanilang atensyon.

Samantala, nagtungo si Ziondreh papunta sa unang dibisyon, Ang Templo ng Hustisya, upang makaharap si Justiceo.

Narating ni Ziondreh ang Templo dama ang magkahalong sabik at kaba sa dibdib. Hindi nya mawari kung bakit may ibang kutob din syang nararamdaman. Ayaw nyang maulit ang dati. Ayaw nyang marinig ulit ang magkatulad na ulat tungkol sa kanyang posisyon.

Ayaw nyang manatiling isang Karmian.

Nag aatubiling buksan ang pintuan. Tumayo sya sa harapan nito ng mga ilang segundo. Ngunit ilang sandali pa'y... Narinig nya na ang boses na kanyang inaasahang sasalubong sa kanya...

"Ziondreh! Pumasok ka!

********

********

Samantala... sa isang matahimik at abandunadong syudad na tinatawag na Kemikal City, naninirahan ang mga kampon ng kadiliman, mga dating anghel na lumihis ng landas. Tinatawag silang mga Demon.

"Pinuno...Natagpuan ko na sya...

Natagpuan ko na ang dalawa sa mga natitirang Esfyr... Melodia ang kanyang pangalan at ang nakababata nyang kapatid na si Anggeluz."

Taglay nila ang malalakas na enerhiya ng Esfyr, subalit taglay ng mas nakababatang kapatid ang mas malakas na kapangyarihan ng espeyal na Esfyr. Subalit, hindi pa nagbubukas ang pangtalong mata ng bata"

"Magaling Magda, siguraduhin mong magtatagumpay tayo sa pagdakip sa mga taong ito para sa gaganaping "ritwal na pagtawag"

"Masusunod po Master"

(To be continued...)

*********************

"Maraming salamat po sa pagbabasa nitong kwento. Sana ay nagustuhan nyo po ang first Chapter. Please vote po kung sa palagay nyo ay nararapat... at sanay subaybayan nyo pa ang kasunod na chapter"

Wishing you more love and Magic...

-Author