"Kamusta bakasyon? Enjoy ba?" Tanong agad sa'kin ni Sarah nang magkita kami ngayon sa mall.
April pa lang ngayon, a week ago when we arrived here in Manila. Hindi ko rin naman masyadong na-enjoy sa Palawan dahil nga hindi ko naman close yung mga kamag-anak namin dun.
"Stop asking me if enjoy ba. Well, expectedly my answer is no. 2 weeks akong nagtiis ng pagkaboring dun 'no." Walang gana kong sagot.
Tumawa naman siya sabay binatukan ako.
"Aray naman punyeta ka! Bakit mo ako binatukan ha?" Tinitigan niya lang ako ng ilang segundo sabay tawa ulit.
Baliw na ata 'tong babaeng 'to eh.
"Hoy! Sarah! Umayos ka nga. Tawa ka nang tawa dyan eh." Buti naman at natahimik na siya sa kakatawa niya.
"Ang tanga mo naman kasi girl! Hoy! Palawan yun ano ka ba!? Malamang nyan sa malamang eh marami kayong napuntahan dun. Tama ako 'no?" Well, tama nga siya pero basta boring pa din dun.
Tsaka hinding hindi ako mag-eenjoy dun lalo na't kasama namin yung pinsan kong lalake na may gusto sa'kin. Yay!
Hell-O!??
Magpinsan kami, parang kadiri naman yung ganun. Eww!
"Bakit ba ayaw na ayaw mo sa mga kamag-anak mo dun? Mababait naman ata sila ah." Inirapan ko na lang siya at nagsalpak ng earphones sa tenga ko.
"Hoy Rica! Kinakausap kita." Inalis niya yung earphones sa tenga ko.
"Hindi naman sa ayaw ko sa kanila. Ayoko lang talaga sa lugar. Ang boring. Mas gusto ko dito sa Manila." Sagot ko at in-off ko na lang ang cellphone ko.
"Kung papipiliin ako, Manila or province, mas pipiliin ko pa rin yung province. Mas sariwa yung hangin tsaka mababait yung mga tao. Gusto mo palit na lang tayo? Paampon ako sa inyo, paampon ka sa'min."
Kung pwede lang Sarah. Kung pwede lang. Kung kaya ko lang umalis sa pamilya ko matagal ko nang ginawa. Pero hindi pwede. I still don't have a stable job. Nag-aaral pa lang ako. I can't even cook food for myself.
Hindi ko pa kaya sarili ko. Wala akong ibang choice but to stay.
"Change topic, Sarah. I don't want to talk about it." Tumayo ako at naglakad na.
Sumunod naman na sa'kin si Sarah. Nagugutom na ako kaya naghanap na ako ng fastfood na pwedeng pagkainan namin.
"Hoy! San ka pupunta?" Habol sa'kin ni Sarah. Masyado kasi akong mabilis maglakad kaya medyo naiwan siya.
"Let's eat. I'm hungry na eh." Hinarangan niya yung dadaanan ko para hindi ako makapasok sa sikat na fastfood na hinintuan ko.
"Wait! Hindi pa nagrereply sa message ko yung dalawa, let's wait for them, be patient naman Rica." Wala akong nagawa kundi tumayo na lang sa gilid ng fastfood chain.
Gutom na talaga ako.
Maya maya lang ay dumating na yung dalawa. Mabuti naman.
Kumain na kami at nagkwentuhan tungkol sa mga napaagang bakasyon naming magkakaibigan.
Pagtapos kumain ay nagpaalam na ako na uuwi na ako dahil kikitain pa nila mga boyfriends nila. Haynako! Boyfriend boyfriend pa eh maghihiwalay din naman.
"Rica!"
"Ayy jusko po!"
"Uuwi ka na?" Tanong ni Erica sa'kin, kambal ko.
"Oo eh, himala ata lumabas ka ngayon at nag mall ka pa." Hindi man lang siya nagbitaw ng kahit isang ngiti.
"Sinasanay ko na yung sarili ko lumabas labas ng bahay." Napaisip ako bigla.
Takot at kaba yung una kong naramdaman.
"Ah m-mahuti yun. Sige na Erica, una na ko umuwi ha." Hindi ko na siya hinintay magsalita, umalis na agad ako at dumiretso sa sakayan.
Ang malas naman oh. Ngayon pa umulan ng malakas. Sana naman pinasakay na muna ako bago umulan. Haynako! Wala naman akong balat sa pwet ah.
"Rica." Gulat na naman akong napatingin sa likod ko.
"Oh Erica? Bakit nandito ka?" Tanong ko na may halong kaba.
"Bakit? Ayaw mo ba kasama twin sister mo? Ayaw mo ba sa'kin Rica?" Napakaamo ng mukha ni Erica. Ang hinhin ng boses.
Hindi ko lang maintindihan kung bakit sa tuwing naririnig at nakikita ko siya, bigla bigla na lang akong dadapuan ng kaba at takot.
"Of course not. Gusto kita Erica. Gusto nga kitang kasama tuwing magmamall ako eh kaso alam ko namang tatanggi ka kaya hindi na kita inaaya." Paliwanag ko sa kanya.
Mukhang hindi nabenta yung pang uuto ko ah. Okay, Rica. Good luck!
"Alam mo ba twinny? Lagi lang ako sa loob ng bahay pero hindi ako tanga, hindi ako ignorante. Alam ko yung sinungaling sa hindi... Kaya alam kong nagsasabi ka ng totoo." Napahinga ako ng maluwag dun. The way she touch my hair, ramdam ko yung kaba ko, yung takot.
I can't even explain to myself why I always feel this way.
"Don't worry twinny, I can be your best friend. I can be your protector. I can be your everything. Safe ka sa'kin so wag ka nang matakot." Mas lalo akong kinabahan dahil sa sinabi niya.
Mabuti na lang at nakasakay na kami ng bus. Natulog na lang ako sa byahe dahil inaantok ako. And besides, ayokong kausapin si Erica.
Kinabukasan, nakareceived ako ng text from unknown number.
09*********
Hi! Hope you have a good sleep. See you soon, little angel :)
Bigla na naman akong kinabahan. Ang creepy. Oh baka iniisip ko lang na creepy dahil sa panaginip ko.
Ayokong magkatotoo yung panaginip ko.
Gosh! Baka mabaliw ako neto kakaisip.
Tumakbo agad ako sa kusina para icheck si Mommy. Laking tuwa ko naman nang makita ko si Mommy na nagluluto na ng breakfast at si Daddy naman ay nakaupo sa dining table at nagbabasa ng newspaper.
"Hi Rica." Nagsitayuan agad ang mga balahibo ko sa buong katawan.
Jusko naman oh!
"Erica, gising ka na pala." Ngumiti ako sa kanya at naglakad na ako papunta sa kusina para mag good morning kay Mommy at Daddy.
"Good morning Mom, Dad."
"Oh? How was your sleep our pretty angel?" Tanong ni Mommy sa'kin.
Tumingin ako kay Erica dahil naramdaman kong masama ang titig niya sa'kin.
Her look, nagsitayuan na naman ang mga balahibo ko.
"Ahm? Not that good Mom. Nanaginip lang po ako ng nakakatakot." Hindi pa rin niya inaalis yung titig niya sa'kin.
"Did you pray ba baby?" Dad asked me.
"Dad, stop calling me baby. Teenager na po ako. I'm not a baby anymore." Mom and Dad laughed. Lumapit agad sa'kin si Mommy para bigyan ng pancake and milk.
Tumingin ulit ako kay Erica. She looked at me too and then smiled. I gave her back a sincere smile.
Kumain na kami, hinayaan na ni Mommy na ligpitin ng katulong namin yung pinagkainan namin.
After mag breakfast, dumiretso agad ako sa kwarto ko.
Someone's calling...
[Hello?]
"Yes, Michelle?"
[Pwede ka ba ngayon? *Sobs* baka pwede niyo akong puntahan dito sa bahay ngayon?] Nagdadalawang isip ako.
Pero alam kong kailangan niya ng maiiyakan ngayon kaya pupunta na lang ako. Magpapaalam ako kay Mommy.
"Ngayon na ba? Maliligo na ako. Wait for me there okay? Ikwento mo agad kung anong nangyare ha? Don't cry na Michelle, I love you."
[Thanks Rica! I love you too.] I ended the call.
Mas gusto kong mag usap kami personally para mayakap ko siya.
Huhulaan ko, hiwalay na yung parents niya kaya siya umiyak.
"What happened Mich?" I asked.
"Wala na si Mama't Papa. Tuluyan nang jniwan ni Mama si Papa. Rica, I don't know where to go. Wala akong gustong samahan sa kanila. I want to live my own life pero di ko pa kaya. Rica, I don't know what to do right now." Naisip ko agad si Mommy.
For sure aampunin niya si Michelle. Parang anak na rin naman na ang turing ni Mommy sa mga kaibigan ko eh.
"Sa bahay, welcome ka." Tumigil sa pag iyak si Michelle at humarap sa'kin.
"Nahihiya ako Rics." Ngumiti lang ako sa kanya at niyakap siya.
I want to make her feel that she's always welcome to our house, to our family.
"Hindi ka na iba sa'kin. Tsaka safe ka naman sa bahay eh. Aampunin ka namin. Papayag naman yun sila Mommy eh. Go pack your things na." Sinamahan ko na siya sa loob. Maya maya lang ay dumating na si Sarah at Phoebe.
"Rica! Thanks for helping her. You're the best talaga!" Sabi sa'kin ni Phoebe sabay yakap.
Niyakap ko naman siya pabalik, sumali sa yakap si Sarah. Sinenyasan naman namin si Michelle na sumama sa group hug.
I love these three people. Para ko na silang kapatid, kaya handa akong tumulong sa kung sino man sa kanila yung nangangailangan ng tulong.
Nakauwi na kami sa bahay. Sobrang saya ko dahil ni-welcome nila Mommy't Daddy si Michelle.
"Kumain na ba kayo? Gusto niyo sa labas na lang tayo kumain?" Tanong ni Daddy. Umiling kami ni Michelle.
"Ahm? Gusto ko po sana ulit matikman yung luto ni Tita." Napangiti naman si Mommy dahil sa sinabi ni Michelle.
"Okay, I'll cook bicol express today." Pumunta na si Mommy sa kusina. Umakyat naman na kami ni Michelle sa kwarto ko.
"Okay lang ba kung tabi tayo matulog? Malaki naman kama ko eh."
"Michelle?" Wala si Michelle nung lumingon ako sa likod ko.
Hala? Nasan na yun?
Nakita ko yung bag niya sa gilid ng pinto ni Erica kaya agad agad akong pumunta dun.
Nakahinga naman ako ng maluwag nung makita ko silang nagtatawanan. Nagtataka man ako dahil sa bilis nila makapag usap eh hinayaan ko na lang. At least, hindi na mag iisa si Erica ngayon.
"Sorry Rica. Ang kulit din pala ng kapatid ko 'no? Ang sarap niya kausap tsaka kasama." Masayang sabi ni Michelle. Medyo nailang ako kay Erica dahil never kaming nagtawanan ng ganito.
"Si Rica lang naman kasi ilag sa'kin eh. Ayaw niya kasi ako kausap." Kinabahan ako sa tingin ni Erica.
"Ahm? Michelle ayusin ko na yung gamit mo sa kwarto ko ah. Dito ka na lang muna kay Erica." Umalis na lang ako agad dahil hindi ako pinansin ni Michelle.
Nakakaramdam na ako ng selos. Pakiramdam ko mas magiging close sila ni Erica.
Nang makalayo ako onte ay parang nag iba yung tawa na naririnig ko. Pero hindi ko na lang pinansin dahil baka nag iimagine lang ako.
"Rica? Kain na anak." Sakto, tapos ko na ayusin mga gamit ni Michelle nang kumatok si Mommy sa kwarto ko.
"Yes Mommy, susunod na po." Tumayo na ako, tatawagin ko na sana sila Michelle pero nakita kong nauna na silang bumaba.
Hindi ko alam pero bigla akong natakot para kay Michelle.
"Rica, dun na lang ako matutulog sa tabi ni Erica ah. Ang saya pala kausap ng twin sister mo eh. Ililipat ko na yung gamit ko mamaya ah." Tumango na lang ako bilang sagot.
Hindi ko pwedeng ipagdamot si Michelle kay Erica. Mas masaya ako pag nakikita kong laging tumatawa si Erica.
Natapos na kami kumain. Nauna akong umakyat ng kwarto ko dahil gusto ko nang magpahinga. Gusto ko nang matulog ng maaga.
"Hahahahahah!" Nagising ako nang may marinig na naman akong kakaibang tawanan. Ang creepy.
"Bukas na lang natin gawin kasi baka magising sila." Rinig kong sabi ni Michelle.
"Hindi na sila magigising, akong bahala. Tayong dalawa na lang matitira dito." Parang sobrang lapit ng boses nila. Maliwanag naman sa kwarto ko pero bakit hindi ko sila nakikita.
Tanging boses lang nila yung naririnig ko. I looked at my whole room but there's no Michelle and Erica here.
Pero yung boses nila sobrang lapit. Gosh!
"Hi twinny!"
Napabangon ako bigla sa higaan ko.
Panaginip lang pala. I looked at my cellphone to check the time.
3:10 am
Sobrang tahimik naman ng paligid. Panaginip nga lang. Hindi pa masyadong nawawala yung takot ko pero pinilit ko pa rin matulog.
Wala lang yun, it's just a nightmare. Mabait si Erica, alam kong wala siyang gagawing masama sa'kin pati na rin kila Mommy.
Pinipigilan kong wag nang mag isip tungkol sa panaginip ko.
Maya maya lang, di ko namalayan na nakatulog na pala ulit ako.