"Ricaaaa!! Wake up!!" Nagising ako sa lakas ng boses ni Phoebe
"Inaantok pa ako. Give me ten more minutes." Napabangon na lang ako nang hatakin niya ako patayo.
Inaantok pa nga kasi ako eh! Kainis naman.
"Ano ba yun Phoebe? Ang aga aga mo naman dumalaw." Napadilat ako sa ginawa niyang pagsabunot sa buhok ko.
"Aray naman! Oo na! Eto na babangon na." Napilitan akong bumangon sa higaan ko.
Chineck ko yung time sa phone ko, 9:35 am na pala.
"Bilisan mo magbihis may pupuntahan tayo." Siya na yung nakahiga sa kama ko ngayon.
Wow naman Phoebe!
"Saan tayo pupunta? Tinatamad ako eh!" Hinagisan niya ako ng unan. Kahit kailan talaga napaka mapanakit ng babaeng 'to.
Hinagis ko sa kanya pabalik yung unan. Kala niya ha! Di ako papatalo 'no hahaha.
"Bilisan mo na lang. Tapos aayusan kita, papagandahin kita lalo. Bilisan mo na."
Kahit hindi ko alam kung saan kami pupunta at kung sino ang kasama, sinunod ko na lang din siya.
Baka ilibre ako neto eh hehe.
Natapos na akong maligo. Dress ang suot ko ngayon. First time kong isusuot 'tong dress na regalo sa'kin ni Mommy last Christmas. Hindi talaga ako masyadong nagsusuot ng dress, more on pants and shirts ako.
It's very simple. Plain red dress siya na off shoulder.
Tumayo agad si Phoebe nang makita ako.
"Bilis Rica. I'm so exciteeeddd!!"
Dali dali niya akong pinaupo sa harap ng salamin ko sa kwarto.
She curled my hair and put on a light make up on me.
Hindi ako sanay dahil liptint at pulbo lang naman ang kadalasan kong ginagamit.
"Done! You look much prettier than before." Napangiti ako sa sinabi ni Phoebe.
"Ahm? Phoebe?" Naging seryoso na ang boses ko.
"Oh? Why?" she asked. Umiling na lang ako.
"Ahm wala wala." mukhang hindi siya kumbinsido pero hindi na lang siya nagtanong ulit.
Paglabas namin ng bahay, nakita kong may kotse sa tapat.
Agad na tumakbo si Phoebe sa kotse at nagbukas naman yung bintana non.
"Rics, this is my cousin Caleb. Caleb, this is my best friend, Rica." wt---
Wag niya sabihing irereto niya ako sa pinsan niya!?
Tiningnan ko siya ng masama.
"Easy, ipapakilala lang kita. Naghahanap kasi 'to ng jowa eh." umamba akong papasok na ulit sa bahay pero bigla niya akong hinatak.
"Ililibre kita sa McDo tsaka sa Jollibee, gusto mo pa shawarma tsaka milktea?" libre naman eh so papayag na ako.
Bumaba yung pinsan niya para pagbuksan ako ng pinto. Ohh! Gentleman, huh!
"Thanks" I faked my smile.
Naiilang ako, kainis naman! Dito pa talaga ako sa passenger's seat pinaupo.
"Hi!" naiilang niyang bati sa'kin.
"H-hello"
"You're so gorgeous."
"Thank you" I smiled.
He started to drive when Phoebe sighed.
Medyo naiilang talaga ako. May times pa na magkakatinginan kami nang hindi sinasadya.
My phone is ringing. Sinagot ko naman agad ito dahil si Erica yung tumatawag.
"Oh? Napatawag ka?"
[Pwede ka bang bumalik sa bahay? I have important things to tell you.]
"Pero kasi---"
She ended the call.
Caleb stopped driving.
"What happened?" I don't know if I'm going back or not.
"My sister called me, pinapabalik ako sa bahay. May importante daw siyang sasabihin sa'kin. Binabaan ako agad eh."
"Wag mo sabihing babalik ka?" mataray na sabi ni Phoebe. Kailangan kong bumalik.
"Kailangan ko bumalik. Bababa na ko. Maglalakad na lang ako. Sorry Phoebe, sorry Caleb. Maybe next time, tutuloy na tayo." bababa na sana ako pero pinigilan ako ni Caleb.
"You shouldn't walk alone. Hahatid ka na namin pabalik." he started to drive the car.
Phoebe let out a sigh.
"Di habang buhay kailangan mong sumunod kay Erica. You have your own life Rica. Learn to live without her. She's just your twin sister, not your world." eto na naman siya. Mahal ko si Erica eh. Wala akong magagawa dun.
"Phoebe? It's okay. I'm okay. She's my twin sister, yea, she's not my world. Pero kailangan pa rin niya ko. Kailangan pa rin naman ang isa't isa." she just rolled her eyes.
Di na ko magpapaliwanag pa pag nanahimik na si Phoebe.
Sa lahat ng kaibigan ko, siya yung palaging gumagabay sa'kin. She's like my older sister though our age we're the same.
"Ingat ka sa kapatid mo." ngiti na lang yung binalik kong sagot sa kanya. Di na ako nagsalita dahil alam ko namang may mali din ako dahil pinaasa ko sila.
Nginitian ko na lang din si Caleb tsaka ako bumaba ng sasakyan. Di ko na nagawang lumingon pa dahil nakokonsensya ako.
Sinalubong naman agad ako ni Erica pagpasok ko ng bahay.
"Ano yung sasabihin mo Erica?" tanong ko agad sa kanya.
"Huh? Anong sasabihin? Ano ba yang sinasabi mo Rica?" bigla naman akong nagtaka dahil tinawagan niya ako para pabalikin sa bahay pero ngayon magtatanong siya kung anong sinasabi ko.
"You called me. Ikaw yun eh, boses mo yun." paliwanag ko sa kanya. She just chuckled.
"Erica? Let's go?" si Michelle.
"Saan kayo pupunta?" nagtatakang tanong ko.
"Dyan lang papahangin." di na nila hinintay pang magsalita ulit ako. Umalis na agad sila kaya naiwan ako dito, di maintindihan ang nangyayari.
Kainis naman oh!
Kinabukasan, maaga akong nagising dahil sa ingay ng tawanan ni Michelle at ni Erica. Nagseselos ako. Bakit parang ayaw na sa'kin ni Michelle?
Bumaba na agad ako para kumain ng almusal.
"Good morning." Bati ko kay Michelle at Erica pero di nila ako pinansin at patuloy lang sila sa pag uusap na parang hindi nila ako nakita at narinig.
Is there something wrong with these two?
Hinayaan ko na lang muna sila. Baka nagtatampo lang sa'kin or what. Pero wala akong alam na bagay na nagawa ko para magtampo sila.
Are they pranking me? May surprise ba sila sa'kin? Pero sa tingin ko naman ay wala.
Hays!
Lumipas ang ilang araw at ilag pa rin sila sa'kin. Kung makailag ay kala mo naman mayroon akong ginawang hindi maganda sa kanila.
Iiyak na sana ako pero naudlot dahil nag rig yung phone ko.
Ngayon ko na lang makakausap si Phoebe after 3 days. 3 days ko na rin nakakausap si Caleb. He's really okay. Hindi malayong magkagusto ako sa kanya. He's that good enough to be loved. He's really worth it loving.
"Hello Phoebe? Sorry for what happened last time. Babawi ako promise. I'm really sorry Phoebe."
[That's okay. Ngayon na lang tayo tumuloy. Go on, mag ayos ka na then after 1 hour pupuntahan ka na namin dyan para sunduin.] She ended the call. Di na ko hinintay na magsalita pa.
Natuloy kami ngayon. Umalis din si Michelle at Erica.
I didn't expected that we will meet them. Grabe! Pati si Phoebe hindi na pinapansin ni Michelle. I don't have any idea kung bakit bigla na lang hindi namansin si Michelle.
"Walang utang na loob!" bulong ni Phoebe. She rolled her eyes and Michelle saw it.
Nandito kami sa iisang restaurant dito sa mall. Magkatabi yung table namin.
"Hayaan na lang muna natin siya. Baka nagtatampo lang." pero hindi ko talaga alam kung anong nangyari sa kanya.
"Hayaan? Hindi pwede yun. Wala siyang utang na loob. Hindi naman ganyan si Michelle eh. Wag kang magagalit sa'kin Rica ha. Pero sa tingin ko, dahil kay Erica kaya nagkakaganyan si Michelle." I sighed. Siguro nga dahil kay Erica.
Pero hindi ko pwede pagbintangan si Erica. Hays!
Tiningnan ko na lang muna sila saglit habang nasa counter pa si Caleb. Ang saya saya nilang nag uusap.
Maya maya lang ay dumating na si Caleb.
"Hayaan mo na lang muna sila Rica. Lalapit at lalapit pa rin naman yan si Michelle sa'yo. Sa ngayon, hayaan mo na lang muna siya kay Erica." ngumiti na lang ako ng peke.
"Kung ako sa'yo Rica, hindi ko na papansinin yan pag lumapit siya sa'kin. Wag ka masyadong mabait Rica. Hindi natin alam baka linlangin ka lang nyan."
Kinabukasan, maaga akong nagising dahil nandito sa bahay si Sarah, Phoebe at Caleb.
Nag ayos na ako agad dahil kanina pa pala sila nandito.
"Rica! I missed you!" di pa ako nakakababa ng huling baitang ng hagdan ay tumakbo na agad si Sarah para yakapin ako.
"Parang isang taon kayong di nagkita ah." pagbibiro ni Phoebe.
Masaya ako dahil makulit na ulit siya. Hindi na lang din muna namin pinansin si Michelle.
Nasa labas sila ni Erica ngayon at nakaupo sa bench.
"Hoy Rica! Balita ko jowa mo na yung poging pinsan ni Phoebe ah." bulong sa'kin ni Sarah. Hinampas ko naman siya agad ng mahina.
Bwiset talaga oh!
Pero ewan! Parang nahuhulog na din ako kay Caleb. Pero ayoko, hindi pwede! Baka iwan lang ako ni Caleb eh. Kahit sabihin ko pang pinsan siya ng kaibigan ko eh hindi pa din ako magtitiwala.
Everyone are such a fool!
They can tell you sweet words but little do you know, they're secretly, slowly stabbing you.
Be careful from those people who you meet.
You don't know if they can ruin your life or they can make it a better one.
Everyone has a demon inside.
You must be careful to those people who have angelic face. They're the real definition of evil.
Nandito na kami ngayon sa kusina para kumain ng almusal.
Papasok na sana sila Erica para kumain pero bigla silang lumabas ulit dahil nakaupo na kami sa dining table.
Napatingin ako kay Mommy.
"Hayaan mo na anak. I will cook for them later. Kayo na muna uunahin ko." nginitian ko na lang si Mommy at tumuloy na siya sa pagluluto.
After we ate breakfast, pumunta na kami sa kwarto ko.
"Laro tayo spin the bottle. Kung kanino naturo yung bibig ng bote tatanuningin siya kung truth or dare." request ni Phoebe.
OMG!! Bigla akong kinabahan dahil nandito si Caleb. Baka pagtripan kami ng dalawang baliw.
Sinimulan nang paikutin ni Phoebe yung bote.
Kay Caleb unang tumapat.
"Truth or dare?" excited na tanong ni Phoebe.
Sumagot agad si Caleb.
Nagsimulang lumakas yung tibok ng puso ko.
"Truth."
"Ako magtatanong Phoebe! Ako magtatanong!" singit ni Sarah.
"Ako na muna!" hinayaan na ni Sarah na si Phoebe magtanong.
Gosh! Eto naaa! Wag naman sana tungkol sa'kin huhu.
"Totoo bang gusto mo na si Rica?" gosh! Phoebe naman eh!
"Oo. Nahuhulog na ko." nakangiting sabi ni Caleb habang nakatingin sa'kin. Gosh! Heeellppp!!! Yung puso ko.
Pareho namang nagtititili yung dalawa dahil sa kilig.
Tumigil na sila sa kakatili at pinaikot na ulit ni Phoebe yung bote.
Sa kamalas malasan ko naman eh sa'kin natapat.
Hindi pa nagtatanong si Phoebe ay sumagot na agad ako.
"Truth." nanlalamig na yung mga kamay ko dahil sa kaba. Baka kung anong itanong neto sa'kin
"Same question." nakangiting sabi ni Sarah. Sheyt!
Di ko alam kung sasagot ba ako o papalitan ko ng dare.
"Dare na lang."
"Sige sabihan mo sa'min kung gusto mo ba si Caleb o hindi." agad na tanong ni Phoebe. Gosh!
Wala akong kawala huhu!
Sinagot ko na lang agad. Ayoko din naman maglihim sa kanila tsaka aamin lang naman ako eh. Wala naman masama dun.
"Oo." matapang na sagot ko kaya nagtilian na naman yung dalawa.
"Pwede bang wag kayong sumigaw ng sumigaw dyan?" napatingin kami lahat sa pinto ng kwarto ko nang biglang pumasok si Erica at nagsalita. Kasama niya si Michelle na ngayon ay nakatitig kay Caleb.
"Hi Caleb!" singit ni Michelle. Napakaharot ng boses niya.
Napahiya siya nang hindi siya pansinin ni Caleb. Balak niya pa sanang pumasok ng tuluyan sa kwarto ko pero bigla siyang hinatak ni Erica palabas.
"Napakalandi! Balak pa ata agawin sa'yo si Caleb, Rica." napatingin ako kay Phoebe dahil sa sinabi niya.
Bigla akong natakot. Maganda si Michelle, hindi rin malabong magustuhan siya ni Caleb.
Pero napangiti ako sa sinabi ni Caleb.
"Hindi naman ako papaagaw. Si Rica lang yung gusto ko, wala nang iba. I promise you, I won't look at anyone the way I look at you." he held my hand and kissed it.