Chapter 2 - Prologue

Leiro

Dahan-dahan kong binuksan ang telebisyon sa living room namin habang ako'y tumitingin sa cellphone ko. May hinihintay kasi ako ngayon kaya chill-chill muna tayo.

Habang meron akong pinipindot sa cellphone ko ay bigla akong napatingin sa T.V.- isa siyang balita at pinilit ko na lang na kumalma habang pinapakinggan ko iyon.

"Extreme Sister Complex Disorder... or ESCD... Isang panibagong pandemia na kumitil sa humigit-kumulang sandaang libong katao sa buong mundo at kalabanan sa mga ito ay mga lalaking may edad na labinglima hanggang labingwalong taong gulang."

Isang malalim na hininga ang inilabas ko nang marinig ko ang balitang 'yon. Seriously?! Pagkatapos talaga ng Covid-19 eh meron namang panibagong pamdemia ang tumama? At ang mas malala pa doon, kaming mga lalaking teenager lang ang maapektuhan...

"Bagama't wala pang lunas para sa sakit na ito, isang tanyag na propesor, Professor Seth Salvador, and nakatuklas ng pangunahing lunas para maibsan ang sakit na dulot ng nasabing sakit. Ayon sa kanyang pag-aaral, ang interaksyon ng taong natamaan ng sakit at sa kanyang nakababatang kapatid na babae ang makababa ng chance na tumaas ang lebel ng nasabing sakit."

Well, the name says it all...

"Kaya inaabisuhan ang lahat ng mga taong naapektuhan ng sakit na ito na bigyan ng oras ang inyong mga sarili sa iyong mga nakababatang kapatid sapagkat ito muna ang tanging lunas natin-"

Bigla kong pinatay ang T.V. sabay upo ulit sa aking sofa. Hinimas-himas ko muna ang gilid ng aking ulo ng nagdesisyon ako umakyat papunta sa aking kwarto at magbibihis ng damit para sa lakad ko ngayon.

Hayy... Buhay nga naman 'no? Kung kailan na nakaraos na tayo mula sa Covid-19 ay saka pa tumama itong sakit na'to. At sa mga lalaking katulad ko lang ha? Ang unfair naman...

Ay, oo nga pala- I'm Leiro Syndialie, or just call me Lei for short. Hindi tulad ng mga ibang mayayamang lalaki na nakilala niyo, isa akong tao na gusto na simpleng pamumuhay lamang. Born with a short black hair, light brown skin, a normal height of 5'4" for a sixteen years old guy and typically ay hindi biniyayaan ng taba.

Katulad rin ng ibang mga lalaking nahawaan ng virus, well... Kung minamalas ka nga naman, isa rin ako sa naapektuhan ng ESCD. At ang malala pa dyan, tinamaan ako after the death of my little sister, Liana... I'm sorry... Ayoko munang pag-usapan ang tungkol sa kanya so don't dare to question me just yet.

So... Back to what I've been saying- bago pa man lumala itong sakit na ito ay agad nang nagdesisyon ang mga magulang ko na umampon ng batang babae para sa'kin- para naman lumayo sa akin ang disgrasya. At 'yan ang dahilan kung bakit nagbibihis ako ngayon.

°•°•°

So here I am... Busy ako ngayon sa pagpili ng susuotin kong damit hanggang may nakita akong okay sa postura ko- kulay pula na polo shirt, asul na pantalon tsaka itim na rubber shoes. Sunod ay inayos ko ang buhok para maging kaaya-aya akong tignan- pero hindi ako magde-date ha? May pupuntahan lang ako ngayon. Medyo importante siya that's why I have to be dressed formally.

"O nak? Handa ka na ba?" Bumungad sa akin si Mama na kasalukuyang nakasuot ng damit-pang-opisina, isang kulay asul na office shirt na nasa loob ng itim na long sleeves tas berdeng tie at kulay asul na office skirt, at nakasuot din siya ngayon ng itim na sandal.

Ngumiti lang ako ng konti at inayos ang lace ng sapatos ko. Inayos ko din ang gusot sa polo ko sabay tingin kay Mama. "Ready na po ako Ma."

"O siya... Tara na. Malayo pa ang pupuntahan natin. Baka mamaya eh male-late kami ni papa mo sa trabaho kapag hindi tayo makaabot doon ng maaga." Sabi ni Mama sa akin, sa kadahilanang binilisan ko ang pag-ayos ng sarili ako at sabay na kami ni mama na lumabas ng bahay.

Pagkatapos sinara ng mga maids ang pinto ng mansion namin ay agad kaming sumakay sa sasakyan ni Papa- ay, oo nga pala. Kanina pa naghihintay si Papa sa amin dito sa labas. Hayy... May mga trabaho sila dapat ngayon eh, pero mas ginusto nilang lumiban muna para sa akin. Meron din naman kaming mga drivers pero parang gusto yata ni papa na siya muna ang magmamaneho ng sasakyan para sa amin.

Umupo akong mag-isa sa back seat habang si Mama habang ay nakaupo sa front seat katabi ni Papa. Both of us fasten out seatbelts as I heard my parents chatting about something, while I just open my smartphone, put on my headphones and started listening to music as I slowly wiped the car window malapit sa akin. Sinilip ko ang araw na sumisikat sa windshield malapit sa akin, at isang bagong ngiti ang gumuhit sa mga mukha ko.

At noong sinimulan na ni papa na paandarin ang sasakyan namin ay isang ilalim na hinga ang inilabas ko- wala naman akong sasalihang kompetisyon, pero medyo natatakot yata ako, sapagkat itong araw na ito ang magbabago sa buhay ko...

...Ang magkaroon ulit ng kapatid na babae.

°•°•°•°

Tapos na po tayo sa Prologue guys, and chapter one's on the next part now! Sana magustuhan niyo po ang story na ginawa ko para sa inyo! Thank you and stay safe po!

-Yhe