Chereads / Eternal Promises (Eternal Trilogy #1) / Chapter 3 - Chapter 1- Wait, Why Me?

Chapter 3 - Chapter 1- Wait, Why Me?

Lunely

Rrriiinnnggg!!!

"Uhm..." Minulat ko ang aking mga mata ng napansing kong alas-otso na pala ng umaga. Luh, medyo late ata ako nagising ngayon... I mean, kahit labindalawang taong gulang pa lang ako eh nagtatrabaho na ako. Well, ganito po yung buhay...

Oh yes, my name's Lou Nylei Silvestia, or Lou para madali. Isa akong assistant commander ng isang tanyag na institution na kung tawagin ay "Operation: ML"- hindi Mobile Legends ha? Kundi "Mini Lifesavers", kung saan ang tanging misyon namin ay puksain ang ESCD virus na patuloy na kumakalat sa mga kalalakihan ngayon, at ibalik na sa dating kulay ang mundo na ito.

And yes, about sa sarili ko- well... Wala lang. I'm just a cute girl na may mahabang brown na buhok na palaging naka-pigtails pero may dalawang maliit na tangkay na buhok sa unahan, maputi na kutis, berdeng mata, 4'9" yung height tsaka 39 kilos yung weight. O 'di ba, wala namang maganda?

Apparently, isa lang akong batang gusgusin noon- ni hindi ko nga nakita ang mga magulang ko. I spent my whole life on an orphanage hanggang sa kinuha ako ng isang tanyag na propesor, si Professor Seth Salvador. Siya ang gumawa ng institution na'to, at siya rin ang nakaalam ang paunang lunas para sa sakit ngayon na kung tawagin ay "Extreme Sister Complex Disorder".

Dali-dali kong kinuha ang telephone sa ibabaw ng desk ko. Kahit na medyo pumipikit pa ang mata ko ay agad kung sinagot ang tawag. "Hello! Good morning po. Si Lou Nylei Silvestia po ito. Maaari ko po bang malaman ang mga pangalan nila?" Mahinhin na tanong ko sabay hikab- well, kakagising ko lang eh.

"Hello, Miss Lou Nylei? Si Luna Syndialie po ito, ako po yung tumawag sa inyo kahapon-"

"Opo, opo... Naaalala ko po kayo Mrs. Syndialie. How can I help po?" Marahan kong nilagay ang telephone sa gitna ng balikat at ng pisngi ko habang inaayos ko ang kumot at ang unan ko sa aking kama.

"Nagdesisyon po kasi kami at ng anak namin na umampon kami ng isang batang babae para hindi lumala yung sakit niya. Kaya pupunta po kami ngayon diyan para humanap ng aampunin namin. Itatanong ko po sana kung may mga slots po ba-"

"Ay, opo ma'am. Lahat po ng mga batang babaeng nandito ay willing pong magpaampon. Buti na lang po at dito po kayo humingi ng tulong. Pangako po, hindi po kayo magsisisi. Um, kailan po pala ang dating nila?" Tanong ko kay Mrs. Syndialie habang ipinatong ko muna ang telephone sa mesa- naka-loudspeak din naman siya, and kasalukuyan akong sumusuot ng damit ko; isang white polong pambabae na may kulay berde na damit-pang-opisina tas may pulang tie, and kulay red na skirt na may netted white patterns na nakalagay dito.

"Mga nine o' clock po."

"Nine o' clock?!" Nagulat ako sa sinabi ni Mrs. Syndialie na muntik ko nang mabitawan ang pulbos ko. "Ah, o-okay, okay po. Sasabihan ko na po si Prof. Seth na dadating kayo ngayon ah? Babye po muna." Sabi ko sabay patay ng telepono at ibinalik sa tab niya. Pagkatapos kong nilagyan ng pulbo sa mukha ko at dali-daling tumakbo palabas ng dorm ko...

Ay! Nakalimutan ko pang suotin yung sandals ko! Hayy... Naku naman...

Dali-dali akong bumalik sa dorm ko sabay hablot ng pulang sandals sa ilalim ng kama ko. Dahan-dahan kong ipinasok ang kaliwang paa ko- mahirap na at baka masira pa ito.

After some finishing touches ay dali-dali akong lumabas ng dorm ko sabay takbo papuntang second floor. Nang nakarating ako sa isang malaking pinto ay agad ko itong itinulak ng malakas, creating a loud bang na para bang sisigaw ako ng "Itigil ang kasal!" o 'di kaya'y "Who cook the Ratatouille?! I demand to know!" Haha... Naimpluwensiyahan na yata ako ng mga pinapanood ko.

Nang mabuksan yung pinto ay bumungad sa akin ang mga kasamahan ko- tumingin lahat sila sa akin habang ako'y agad na tumayo ng matuwid, face up, stomach in, breast out kahit wala naman akong breast- ay bweset na bibig 'to... Hands on the side, sabay sigaw ng:

"Assistant Commander Silvestia reporting for duty sir!"

"Eh?" Bigla na lang akong nawala sa sarili ko nang napansin kong biglang nagsitawana ang lahat ng mga kasamahan ko. Hayy... Oo nga pala. Late na pala ako. I just let out a deep sigh sabay tamlay pose na para bang kakagising ko lang.

"Late ka na ata, sis Lou!" Biglang sabi ng isang babae sa akin habang tumatawa. She was holding some papers and a ballpen habang tumatakbo siya sa akin sabay ngiti. Medyo pareho kami ng postura, except lang sa appearance niya- blonde yung kanyang buhok, medyo mas maputi siya kesa sa akin and kulay hazel brown ang mga mata niya. And medyo sexy siya ng konti- ay mali. Ba't ko ba nasabi 'yun? She was Yusarine Delgado, or Yusarine, Yusa or Yus- kayo na ang bahala... and she was one of my closest friends here.

"S-Si Prof, Yusarine? Nasaan siya?" Medyo praning ako noon dahil akala ko papagalitan na ako ni Prof. Seth since late ako ngayon, pero para yatang wala siya dito.

I fixed my hair for a while as Yusarine stopped in front of me and spoke. "Wala ngayon si Prof, sis Lou. Meron siyang ginagawa ngayon sa isang kompanya malapit dito so tayo-tayo lang yung nandito. And don't worry, I'm sure hindi 'yon magagalit dahil na-late ka ngayon." Ngiting sabi sa'kin ni Yusarine habang nagsimula siya sa paglilista ng mga importanteng impormasyon ukol sa ESCD na'to.

"Tama rin naman si Yusarine, Lou." Biglang sabi ng isang babaeng medyo mas mataas sa akin ng konti. She had a long hair like me pero mas prefer niya na hindi ito nakatali, and itim nga lang... She has brown eyes, pale white skin- para siyang bangkay eh, but yeah... I admit mas maganda siya kesa sa akin. "Sino ba kasi ang papagalitan eh kahit alas-dos na ng umaga, nagtatrabaho ka pa rin?" Oh yes, she was Briella Garcia, or Briella, and she also my closest friend here aside Yusarine, and siya rin yung pinakamatanda dito in terms of age.

"Eh, palagi naman akong ganyan Briella eh. Pero ngayon lang yata ako nagising ng alas-otso... Hayy naku." Tumawa lang ako ng konti pero bakas sa mukha ko ang pagkapraning- sa buong buhay ko ngayon lang ako na-late eh.

"Ay oo nga pala..." I suddenly looked at Yusarine who was still busy jotting some notes. "Yusarine? Meron pa bang available na slots na pwedeng ampunin ngayon? Dadating kasi this nine o' clock sina Mr. and Mrs. Syndialie kasama ang anak niya." Sabi ko kay Yusarine sabay upo sa desk ko- oh yes, office life po ako since 9 years old. And gladly, three years na akong nandito.

"Unfortunately, wala po sis Lou. Naubos po kasi yung mga slots natin dahil mas grabe ang demand sa pag-aampon ng mga little sisters kahapon." Sabi ni Yusarine sa akin sabi kuha ng isang yellow folder na naglalaman ng datos ng isang pasyente. "Oo nga po pala... Andito na rin ang mga papeles ni Cuz Leiro. Dadating din mamaya si Prof so-"

"Huh? Wala na tayong slots- sandali, Cuz Leiro?" Biglang napakunot ang noo ko nang marinig ang salitang "Leiro" mula sa bibig ni Yusarine. I raised my left eyebrow as a sign of curiosity, while Yusarine just ended up giggling.

"Oo nga pala... It's your lucky day today, sis Lou. Dadating yung 'Man of your Wildest Dreams' mo..." Bigla na lang nagpalabas ng malaking tawa si Yusarine sa akin. Medyo nagulat ako sa sinabi, and I haven't noticed na pumupula na yung mukha ko.

I mean... All my life ay sa kanya lang umiikot ang mundo ako aside my office life... Oo, crush ko si Leiro- eh sa kanya ang lahat eh! Itsura, talino, postura, ugali tsaka ang talent niya sa pagkanta! And sino ba namang babae ang hindi huhulog sa ganyang lalaki, di ba?

"Uy, nagblu-blush ka yata sis Lou..." Tumawa pa ng malakas si Yusarine sa akin nang bigla ko siyang hinampas ng isang rim ng coupon bond sa ulo- hindi naman malakas ah...

"No, I'm not!" Malakas kong sigaw kay Yusarine nang biglang pumasok si Prof. Seth sa loob ng office- kasama sina Mr. and Mrs. Syndialie at si... Oh mayghad! Si Leiro nga!

Bigla kaming nagsitayuan at bumati sa kanila na may ngiti sa mukha. Everyone stopped from working as a sign of respect and formality, pero medyo tense nga lang ako...

"Good morning everyone... So today, meron tayong bagong pasyente. Nandito sila ngayon para humanap ng aampuning nakababatang kapatid para sa sakit ni Mr. Leiro Syndialie..."

Habang patuloy na nagsasalita si Prof. Seth ay hindi ko nabaling ang tingin ko kay Leiro- hayy... Hanggang tingin na lang tayo mga bes. Ang gwapo niya talaga sobra...

Yet, twelve years old pa lang ako, while Leiro's already sixteen. Hayst... Para yatang mahirap na maging akin siya. I mean, four years ang agwat namin eh! Baka yata sabihan pa ng pedophile si Leiro nang dahil sa akin- and I don't want that.

Pero biglang huminto ang oras ko nang... The heck! Biglang tumingin si Leiro sa akin! He suddenly smiled at me- my gosh... Sobrang gwapo niya talaga lalo na kapag nakangiti!

Hayst... Bes, kalma. Huwag kang ano, hanggang pangarap ka lang...

"So Mr. Leiro? Unfortunately, wala po kaming slots ng aampunin ngayon. But since this is urgent, I've decided to let you choose among this cute girls inside this office." Biglang sabi ni Prof. Seth sa kanya sabay turo sa amin.

"What?!" Sabay lahat kaming sumigaw as a sign of surprise- hala, ba't kami? 'Di ba nakasaad sa mga contract namin na exempted kami sa adoption? Well, that's strange... Ano kayang meron kay Prof. Seth ngayon?

"Now girls, calm down. Since wala pa tayong slots para sa adoption, nagdesisyon muna akong bigyan kayo ng one-month subscription bilang isang kapatid na babae." Sabi ni Prof. Seth sa amin habang inaayos ang salamin sa mukha niya.

"As soon as wala pang bagong slots for adoption, isa muna sa inyo ang magiging little sister ni Mr. Leiro for a month. When everything goes stable ay babalik din kayo dito."

Oh, one month subscription? Whoo... Muntik na ako doon ah. Well, di naman mahaba ang isang buwan, pero sana lang hindi ako yung mapili ni Leiro... It would be a disaster for me kapag ako yung mapipili... Please lang, please...

"Okay, Mr. Leiro, feel free to choose." Sabi ni Prof. Seth sa kanya, as Leiro slowly step closer to us. He always gave a smile on everyone, habang ako nama'y napapraning, with sweat and nervousness mixed through my body. Sana naman please huwag ako...

Tumahimik kaming lahat- "Hi, Cuz Lei!" Hayst... Well, except kay Yusarine na bigla-bigla na lang sisigaw kay Leiro. Ay wow... Sanaol close...

Leiro just smiled and waved at her- my... Napaka-cheerful niya talaga. Yung tipong kahit konting ngiti niya lang parang lumiliwanag na ang paligid ko- este and paligid dito. Hayy...

I kept on staring at him, as I slowly closed my eyes a bit and nagsimulang mag-daydreaming...

"Hey... Lunely?" Bigla akong napadpad sa isang beach- isang napakalawak ng beach pero kaming dalawa lang ni Leiro ang nandoon... We were watching the sunset together, while holding my hand, Leiro called out my name, and I was really bedazzled...

"Y-yes, Leiro?" Mahinhin kong sabi sa kanya. I slowly fixed my hair a bit, and placed it on my right shoulder, habang hinihintay ko na magsalita si Leiro.

"I... Love you."

I shrieked. I felt my heart was tingling, and parang yatang dinuduyan ako ng hangin bigla nang sinabi niya 'yon sa akin.

"It was... Love at first sight..."

Mas lalo pang naging praning ang isipan ko. I closed my left fist tightly, habang patuloy pa rin si Leiro sa paghawak ng kanang kamay ko. Hayy... I felt like I'm in heaven...

"But,"

Huh? Bakit may but? Okay na yung sinabi mo kanina Leiro... Bakit hindi mo 'yun pinatuloy? Ay, baka may conditions siya siguro... My, my... My heart was really gonna explode! C'mon Leiro, spit it out!

"I... Wanted to be your brother..."

"What?!" Bigla kong minulat ang mga mata ko at nagulat akong nasa harapan ko na si Leiro. Nyay! Kanina pa siya dyan?!

Mas lalo pa akong nakaramdam ng hiya nang tumawa ang mga kasamahan ko. Di ko yata lucky day 'to. Napahiya ako tuloy sa harapan ng crush ko.

"Hey~"

Pero biglang nagsitahimik ang lahat ng nagsalita si Leiro... And wait, sa harapan ko pa talaga! I mean thirty centimeters away from my face! I suddenly froze from my position. I can't move- nor speak, as Leiro continue speaking.

"Maaari ko bang malaman ang pangalan mo?" Tanong niya sa akin, with matching ngiti pa! Nyay... Hindi ako makapagsalita!

"L-L-Lou N-Nylei..."

Bes, kalma lang... Bes, kumalma ka... Kumalma ka!!!

"Lunely?" He asked me once again- di niya ata masyadong ma-pronounce ang pangalan ko. Aray...

"N-No, L-Lou Nylei. I'm the assistant commander of-"

"Hmm... I love your name Lunely." Biglang sabi ni Leiro sa akin sabay ngiti, sa kadahilanang bigla naging praning ng isipan ko. I suddenly felt I'm blushing but I tried to hide it. My, my! Did he mean that?! G-gusto niya ang pangalan ko? Eh, parang yatang mali ang pronunciation niya eh.

"Nice meeting you, Lunely. Ako nga pala si Leiro. Well, gusto ko sana si Yusarine yung piliin ko pero cousin ko siya eh." He looked back to Yusarine, who was still smiling at the two of us, nang biglang nagtanong ulit si Leiro sa akin.

"So, Lunely? Kung okay lang sa iyo, pwede ko bang maging kapatid kita?" He asked me, but this time, I felt no emotion...

"Wha-"

Everything... was... ended. Wait, it can't be! Ba't ako?! Ba't sa lahat-lahat pa ng kasama ko eh ako pa yung pinili niya?! No, no- I don't want to be his little sister! I want to be his girlfriend! His wife! His one and only!

"B-ba't ako?!" Bigla kong sigaw sa kanya. I quickly covered my mouth from shouting, pero imbes na magalit siya ay pinili pa niyang ngumiti.

"Ang cute mo eh. Sa sobrang cute mo eh I can conclude na ikaw ang pinaka-cute dito sa office na'to. Bakit, ayaw mo ba?" Biglang tanong niya sa akin, giving me a sad face! Whaa...

"N-no! Gusto ko rin eh... B-but..."

"Then it's settled. You, Lou Nylei Silvestia, will be Leiro Syndialie's little sister for a month." Biglang sabi ni Prof. Seth sa akin. Wait, what?! Di pa nga ako napakagsabi ng oo ah!

Biglang naghiyawan ng mga kasamahan ko sa loob ng office, and I just ended up smiling- but deep inside, I was enraged... Bakit sa lahat-lahat pang babae dito eh ako pa?!

I felt that my heart was aching... All of my dreams, my plans... Gone- wait, no, no, no. Tama si Prof. One month lang ito. I'll gonna be Leiro's little sister for a month.

Well, okay lang naman- I mean, can know my crush better by being with him on a single house. O di ba? This way, malalaman ko kung bagay nga talaga si Leiro para sa akin. Nice idea!

Pero, ganyan ba talaga ako ka-cute para maging isang kapatid na babae? Naku naman...

°•°•°•°

Hehe... Kawawang Lunely. For one month ay magiging kuya niya ang crush niya, which is really formidable in the eye of the law- wait, napasobra ata ako...

Well, kakayanin ba ni Lunely ang pagsubok na'to? Find out on the next chapter!

-Yhe