Masarap pala gumising
Sa pagkakatulog na mahimbing
Tulog ba talaga o nagtutulog tulugan na?
Sa kankungang kinabibilangan niya.
Masarap kumain ng almusal
May mainit na kape at pandesal
Kapeng kasingpait
Ng kapalarang sa atin ay nakakabit
Sabayan pa ng nagwawalis na kapitbahay
Sa tapat ng iyong bahay
Pagwawalisin na tila gusto ka ng paalisin
Sa kinabibilangan mong pinilit mo namang mahalin
Ngayon alam ko na ang kasagutan
Hindi pala ako dito nabibilang
Salamat, ako'y nagising na
Masarap pala mag almusal, tara