PATAWAD
Patawad
Kung ikaw ang inibig
Hindi ko napigilan
Pagkabog ng dibdib
Patawad
Kung sayo ako nahulog
Ikaw ang iniisip
Sa gabing bago matulog
Patawad
Kung ako sa iyo ay sagabal
Gusto ko lang naman
Ako rin ang iyong mahal
Patawad
Kung ganito lang ako
Sa tula lang idinadaan
Ang pagpapakatoto
Patawad mahal. Patawad. 💔