Hindi ko alam kung gaano na ako katagal sa lugar na ito ngunit bago pa man ako mapunta dito sa walang hanggang kadilimang mundo ko ngayon.
Dati ako isang Diyos. Diyos na Nilikha upang gampanan ang tungkuling pagprotekta at pangangalaga sa :Una Universe: na ipinaubaya sa akin ng aking taga likha na nagngangalang
"Origin" ang unang Diyos, ang Diyos ng mga diyos.
Ang siyang may kapangyarihang manglikha.
Niyakap ko ang responsibilidad nang buo at walang pagaalinlangan kaakibay ang pangakong gagawin at ibibigay ang lahat upang magampanan ng maayos ang tungkuling iyon. Kasabay ng iginawad na reponsibilidad ay nabigyan rin ako ng katulong upang maisakatuparan ang tungkulin.
Isang Guide na nagngangalang :Kuma, At higit sa lahat, ako ay nabiyayaan ng pangalang :Comet at titulong Zilus ang Unang Liwanag at ang kauna unahang Zodiac.
Sa loob ng libo-libong taon nagampanan namin ng maigue at maayos ang pagprotekta at pamamahala sa langit na ipinagkaloob sa akin.
Sa tulong na rin ng aking Guide na si :Kuma. nakapagpatayo kami ng isang kaharian at nakakuha rin kami ng mga piling kasapi na kabilang sa uri ng mababang diyos( Demi Gods) na nagmula sa ibat ibang mga planeta na nakapaloob sa :Una Universe at bumuo nang Legion na winawagayway ang iisang layunin.
Masasabi kong isang hakbang pagitan lang! sa pagiging perpekto ang aking pangangalakad sa loob ng napakaraming taon.
Ngunit hindi ito nagtagal ng magpakailan man. Ika nga nila, kahit na ang Pinaka maningning na butuin nauubusan rin ng liwanag.
Nagkaaberya ang pag gana ng isang bagong silang na blackhole sa kadahilanang naka higop ito ng isang bituin na may labis na tinataglay na mana, rason upang magloko ang blackhole at panandaliang nahinto ito sa paghigop sa paligid, Ang mga hinihigop ng blackhole ay napupunta sa isang peligrosong lugar na tinatawag na 'Void' ang lugar ng kawalan. Sa simpleng salita ang blackhole ay parang isang bukas na pinto tungo sa dimensiyong Void at may abilidad na manghigop ng anumang bagay na lumapit dito at ito ay nagsilbing restriksiyon upang hindi makalabas ang mga bagay o nilalang na nasa loob ng Void.
Ngunit dahil sa hindi kanaisnais na nangyari sa blackhole, nahinto ito sa paghigop, at iyon ay isang napaka delikadong sitwasyon, dahil ibig sabihin nito, ang lahat nang bagay at nilalang na nakakulong sa loob ng Void ay may pagkakataong makalabas!
Bagamat panandalian lamang ang pangyayaring iyon ngunit ang mabilis na sandaling iyon ay sapat na upang magawang makatakas ng pinakamalupit at walang awang nilalang na tinatawag na Thamuz. Ang Thamuz ay ang sinasabing kakambal ng Panginoong 'Origin' na may katawang itim na pinagkumpol kumpol na ulap at mala-kadilimang bilog na bukasan ng bibig at may laking katumbas ng tatlong pulang bituin.
Ngunit salungat sa taglay na kapangyarihan at layunin kumpara sa Bathalang si Origin.
Kung ang Origin ay ang ugat ng buhay, ang Thamuz naman ay ang ama ng kamatayan at pagkawasak.
Ang Thamuz ay walang sariling pagiisip, ang tanging hangarin lamang nito ay mangwasak at higupin ang lahat ng mana at buhay na mayroon sa langit.
Noong unang sagupaan ng unang diyos na si Thamuz at ng Bathalang si Origin, umabot ito ng napakaraming taon bago napagtagumpayang ikulong ni Bathalang Origin si Thamuz sa pinakailaliman ng Void rason upang hindi na ito makapaminsala pang muli.
Kaya ngayon, ang pagkatakas ng Thamuz sa Void ay ang pinakamalagim na sakunang nangyari sa Diyos na tagaprotekta ng Una Universe. Ilang sandali pa lamang ang lumipas at nagsimula nang maghasik ng lagim ang Thamuz.
Minadali kong pinahanda ang aking Legion upang sumabak sa digmaan laban sa Thamuz, masasabi kong bawat kasapi kong mga demigods ay may taglay na pambihirang angking lakas na angkop sa pakikidigma
Ngunit hindi naging sapat ang aming kakayahan para talunin ang kahindighindig na nilalang na ito, at dahil na rin sa kapangyarihan ng Thamuz na agawin ang lahat ng mana at buhay na mapalapit dito.
Naging sanhi ito ng labis na pagkahina dala ng pagkaubos ng mana na kalaunan ay naging dahilan ng pagkasawi ng aking mga tapat na mandirigma, kahit ako hindi ko na kayang sagipin sila sa tiyak nilang kamatayan noong mga sandaling iyon.
Nabigo kami sa pagpigil sa nagwawalang nilalang na ito.
Nagpatuloy ito sa pag abante papunta sa pulong ng mga planeta upang magpatuloy sa naudlot nitong plano. Hinabol ko parin ang Thamuz, nagbabakasakaling mapipigilan ko ito sa pagpupursige.
Binitawan ko ang lahat ng aking mga malalakas na atake at magic ngunit patuloy parin ito sa paglipad na para bang walang naging epekto ang aking mga atake, nang biglang may naramdaman akong malakas na enerhiya ng magic na siyang tumama sa aking braso na naging sanhi ng pagkaputol nito. Lumingon ako sa pinanggalingan nito at ako'y nabigla nang nasilayan ko ang mukha ng salarin na syang umatake saakin.
Si Kuma ang aking Guide! Ang umatake saakin. Naguluhan ako sa mga nangyari, kung bakit niya ako inatake, trinaydor ako ng sarili kong Guide?
Sa dami ng pupuwedeng tumaksil sa akin ni minsan hindi ko inisip na ito ay magiging si Kuma!
Labis ang pinsalang naidulot saakin ng atake ni kuma at sa kabilang banda naman ay hindi ko pupuwedeng hayaan nalang si Thamuz na wasakin ang buong mundo. walang naiwang pagpipiliang desisyon kung hindi gamitin ang aking huling baraha.
Isinakripisyo ko ang aking pagka-diyos at ang mismo kong lifeforce upang maisagawa ang huli kong atake.
"Vilda diel una Sobra" pagkatapos kong bigkasin ang
Spell na iyon.
Nagsimulang lumiwanag ang aking buong katawan hanggang sa naramdaman ko na labis na umiiinit ang bawat parte ng aking loob, kasabay ng aking kaluluwa at sa isang iglap sumabog ito at ang liwanag ay mabilis na kumalat sa buong paligid hanggang sa nabalutan na ng kulay puti ang lahat na syang naglamon sa lahat ng madampi nito, at iyon ang huling ala ala ko bago ako naglaho sa mundong pisikal.