And dami kong mga tanong na alam kong imposible nang mahanap ang sagot.
Namamatay lamang ang isang diyos kapag nawala na ng tuluyan ang layunin sa paglikha nito, nangangahulugan lamang na ang Una universe na dating prinoprotektahan ni Comet ay nawasak na ng tuluyan.
"ano ang mga sumunod na naganap pagkatapos kong ibato ang huli kong atake?"tanong nya sa sarili.
"bakit ako pinagtaksilan ng sarili kong guide?
Si Kuma ang pinakaunang kakampi ko! Dalawa kaming nagtulong upang maisakatuparan ang pangarap naming mapayapang lugar, kahit anong
Konekta ko sa mga nangyari, hindi ko parin
Makuha ang sagot na gusto ko."
"paano ako nakakapagiisip pa? Kahit na patay na ako?"
Habang nasa malalim na pagiisip si Comet, may bigla siyang narinig na mahinang boses na tila ba galing sa loob ng isang kuweba na mahirap intindihin.
"huh? Kaninong boses yun?"ani niya.
Pinakinggan niya nang maigue ang madilim nyang mundo upang matunton kung saan nga ba talaga nagmumula ang bosses na iyon.
Ibinaling niya ang isipan nya sa pinanggagalingan ng boses at may napansin siyang ilaw na unti unting lumalaki hanggang sa lumiwanag na ang buong paligid.
"Lalake, lalake ang inyong Anak" patuwang sigaw ng kumadrona na nasa loob ng isang munting silid nang may ngiti sa kanyang mga labi.
Pagkatapos maibalita ng kumadrona ang magatumpay at ligtas na pagpapanganak.Hindi napigilan ang hiyaw at galak na reaksiyon ng ama ng bata na nasa gilid lamang nakahintay na may konting luha pa sa mga mata nito "tatay na ako sa wakas" sambit nito sabay lapit sa babaeng nakahiga sa kamang may bakas pa ng dugo sa bawat sulok nito bunga ng panganganak, kita pa sa mukha ng babae ang bahid ng pawis at pagod dala ng pinagdaan nito. hinawakan niya ang dalawang kamay nito sabay sabing. "salamat mahal at kinaya mo ang lahat."
Sa kabilang banda, kung saan si Comet ay nakabalot pa sa mga braso ng kumadrona na patuloy parin sa paglinis sa katawan ng sangol. Lingon pa kanan at pa kaliwa pinagmamasdan ang buong paligid at pilit na iniintindi ni Comet ang mga nangyayari habang sinusuri ang kanyang kalagayan.
"Oi oi oi anong meron dito?" tanong niya sa isipĀ habang pilit na inaangat ang kanyang mga braso upang makumpirma nya ang kanyang hinala, at ayun nga bumungad sa kanyang mga mata ang dalawa niyang maliliit na kamay at daliri.
" ehh eto!? Na reincarnate ako! hindi ako makapaniwala, paanong nangyari ito!? At kung nabuhay ako muli bilang isang sanggol ibig sabihin ang dalawang iyon na nasa kama ay ang aking mga magulang? ."ani ni Comet sa isip na may surpresang emosyon at halong konting pagkadismaya.
" eh iyang lalaking iyakin na iyan, na may hindi ka nais nais na mukha at katawang napupuno na ng tatoo ay ang aking ama?"dagdag nito.
Biglang pumasok ang isang Matandang babae sa silid kasama ang isang lalaki na nasa edad 30 pataas na at dumerecho sa gilid ng kama sunod sa ama ng bata kung saan nakahimlay ang bagong panganak na babae.katulad rin ng kanyang ama ang mga bagong bisitang ito ay may mga tatoo rin na nakaguhit sa kanilang katawan.
" kung hindi ako nagkakamali, ang mga nilalang na ito ay tinatawag na tao, katulad ng mga tao na nakatira sa planetang Birus sa dati kongUniverse. Ngunit nakapagtataka kung bakit di sila gumamit ng kapangyarihan upang pagalingin agad ang pasyenteng bagong panganak? Ang alam ko nakakagamit ng kapangyarihan ang mga tao at may alam sila tungkol sa mana. "tanong nito sa isipan.
Ipinikit ni Comet ang kanyang mga mata at sinubukang pakiramdamin kung may presensya ba ng mana sa paligid at hindi naman sya nagkamali sa kanyang hinala dahil sagana naman sa mana ang kanilang lugar, ngunit di parin maalis sa isip nya ang tanong kung bakit di sila gumamit ng kapangyarihang manggamot. 'hindi ba sila marunong gumamit ng kapangyarihan?' tanong nya sa sarili.
Patuloy parin sa pagiisip si Comet hanggang sa tumahimik na ang buong silid. Nang matapos nang linisin ng kumadrona ang sangol, hinawakan nya ito ng marahan sabay bitaw ng tatlong mahinang palo sa puwitan ng sanggol para paiyakin ito.
Napaungol nalang ng mahina si Comet dala ng pagpalo at agad niyang sinuklian ng iritadong tingin ang kumadronang may sala.
"eh? Lapastangan! Ang lakas naman ng loob mong paluin ako! Ako na si Comet, kung ganitong madungis na laro pala ang gusto mong laruin. Puwes pagbibigyan kita."
Sinimulang ipunin ni Comet ang lakas nya papunta sa babang parte ng kanyang katawan dahilan upang
Makapagpalabas sya ng isang malakas na atake! Dilaw na tubig ang sumirit nang mabilis na direktang tumama sa mukha ng kumadrona na napaurong nalang ng bahagya.
Hindi man makapagsalita ngunit bakas sa mukha ng sanggol ang ngiti ng tagumpay sa nagawa nito "tanggapin mo ang higanti ng sanggol na api" patuwang sabi nito sa isip.
Dali daling ibinalot ng kumadrona sa puting tuwalya ang sanggol bago ibinigay sa ama nito upang makakuha na ng bimpong ipupunas sa mukha niyang basang basa sa ihi ng bata. Kita sa kunot na noo ng kumadrona ang konting inis sa nangyari na naglaho rin kinalaunan.
"Kita niyo naman kung gaano kalusog ang bata!" pabirong sabi ng kumadrona habang pinupunasan ang sarili na siyang nagpatawa sa lahat ng nasa loob ng silid.
Nang matapos linisan ang sanggol at ina ng bata
Nabaling ang lahat ng attention sa matandang babae na kanina pang nakatayo sa gilid ng kama."Lana ano ang magiging pangalan ng aking apo?"galak na tanong nito sa ina ng bata.
Nagtinginan ang magasawa sabay baling ng tingin sa sanggol." Napagdesisyonan naming dalawa na papangalanan namin siyang "Sol" na ibig sabihin ay araw na siyang nagpaliwanag sa buhay naming magasawa" sagot ng ina sabay halik sa noo ng sanggol.
" 'Sol' isang napakagandang pangalan, naway lumaki kang Matalino gaya ng iyong lola at singlusog gaya ng iyong ama at naway makuha mo rin ang kagwapuhan mo sa iyong mangandang ina". Basbas ng matanda sa sangol. Nanlisik ang mga mata ng ama ng bata sabay bitaw ng salita "di ba dapat sa akin makuha ang kagwapuhan? Pag sa akin lusog lang?" padabog nitong tanong sa matanda.
"iho, Anak kita pero apo ko na ang pinaguusapan natin kaya pinili ko ang higit na ikabubuti para sa kanya, shhhh wala nang tanong ha! "mabilis na sagot ng matanda sa ama na lalong nagpainis dito.
Muling sumabog sa tawa ang buong silid.