"Upper floor," malamig na sabi nung lalaki sa operator ng elevator. Diretso lang ang tingin nito sa pintuan ng elevator na para bang walang pakialam sa mundo. Ni hindi makitaan ng kahit na anong emosyon ang mukha ng lalaki kaya naman nakuha agad nito ang atensiyon ni Davina, na nakasabay niya sa pagpasok.
Davina was amused with his voice. Napaka-manly kung pakikinggan. Napakaseryoso rin ng itsura ng mga mata ng lalaki. As if on cue, biglang nakaramdam ng inis si Davina. She hates those kinds of eyes. It reminds her of someone else she knows--of what she had lost.
"Sir, Ma'am; magjowa po ba kayong dalawa? Iba na po talaga ngayon ang mga kabataan, ano? Couple jacket na leather na pala. Bagay na bagay ho sa inyo," parang kinikiliti pang sabi nung operator na malawak ang ngiting nakatingin kila Davina at sa lalaking kasama niya sa loob.
Alam ni Davina na silang dalawa ang tinutukoy ng operator dahil tatlo lang naman sila ang nasa loob ng elevator. Bago pa makapagsalita si Davina, naunahan na siya ng lalaki. Pinasadahan ni Davina ng tingin mula ulo hanggang paa ang lalaki at nakumpirmang parehas na parehas nga sila ng suot ng leather jacket.
"Shut. Up," he said, glaring, while emphasizing every word. Napalunok naman ang operator at saka lumingon na lamang sa pindutan ng elevator. Halata ang pagkailang at pagiging hindi nito komportable. Buti na lang talaga at walang pumapasok galing sa ibang palapag.
Biglang napa-tiim-bagang si Davina nang may maalala. Tumayo ito nang matuwid, at saka isinabit ang mga hintuturo at hinlalatok ng mga daliri sa belt hooks ng itim niyang pantalon. Bago pa man kasi siya magtungo sa mall ay ramdam na niyang sinusundan siya.
She looked down at her wristwatch. Exactly 2:30 P.M. Nandito siya sa mall para libangin ang sarili, isang bagay na minsan na lang niyang magawa. Ilang buwan na rin siyang hindi nakakatapak sa gusaling ito, o sa kahit na anong parke o mall pa man.
Mabilis na lumabas ang lalaki pagdating sa Upper Floor. Nanatili naman sa loob si Davina na para bang kutsilyo ang mga mata kung makatingin sa operator. Tinignan niya ito sa paraan na alam niyang kung hindi ito matatakot ay manliliit ito sa sarili niya.
"Ma'am, dito na po tayo. May naghihintay pa po sa ibang floor." Kita ni Davina ang panginginig ng labi nito sa likod ng malawak na ngiti ng operator.
"Let me tell you a secret, Miss. Manghuhula ako. Gusto mo bang hulaan kita?" ang sabi ni Davina na kinakunot ng noo nito. Dahil panigurado namang wala akong ibang mapagtitripan, ito na lang. Diretso ang tingin ni Davina sa mata nito kaya kitang-kita niya kung paano nito sapilitang iginuhit ang ngiti sa sariling mukha.
Bago pa man ito sumagot ay inunahan na ni Davina, "Kung hindi mo ititikom 'yang bibig mo, 'di ka makakalabas dito ng buhay. Mukhang isang babaeng naka-couple leather jacket ang papatay sa'yo. Mag-ingat ka."
Iniwan niyang tulala ang babae. Muntik pang magsara ng kusa ang elevator kaya hinarangan niya ito ng kamay niya habang lumalabas na may malawak na ngising suot-suot.
Pagkalabas na pagkalabas pa lang nito ng elevator ay ramdam niya nang may nagmamasid sa kanya. Nilingon niya ito, at tama ang hinala niya. Ito ang lalaking nakasabay niya sa elevator. Nakayuko ito habang nakasandal sa malaking posteng tatlong metro lang ang layo sa kanya. Nasa loob ng leather jacket nito ang magkabilang kamay.
Sinalubong ng lalaki ng ngisi si Davina. Ngayong magkaharap na sila, mas malinaw na ang mukha nito kay Davina. Ang kaharap ni Davina ang may pinakamaitim na pares ng mga mata na nakita niya, at nakaramdam siya ng saglit na pagkalunod dito. Lalo niya pa itong tinitigan sa mga mata na biglang nagpaalala sa kanya sa daang-daang memoryang pinilit niyang ibaon. Hindi niya kilala ang lalaking nasa harapan, ngunit pinapaalala ng mga mata nito ang mga taong minsan nang naging importante sa buhay niya.
Unang nag-iwas ng tingin si Davina, naiinis sa sarili.
I need to focus.
"Why are you stalking me?" Parang walang narinig si Davina na nilampasan lang ito. Maaaring panganib ang taong ito kaya't kailangan niyang mag-ingat. Kahit na matikas ang katawan at mas matangkad ito sa kanya nang ilang pulgada, sigurado siyang kaya niya pa rin itong tapatan.
"I'm talking to you, lady. Are you following me?" Ngayo'y nilingon na ito ni Davina. May bahid ng inis ang mukha nito na halatang-halata dahil sa makakapal nitong kilay. His strong jaw was also set which made him look more dangerous than he already is. His short blowout haircut with tapered sides made him look more manly as well.
His presumptuous questioning amuses her. Ang arogante naman ng lalaking 'to. Sino ba siya sa tingin niya?
She smirked at him, "Nilampasan nga kita e, pagsunod ba ang tawag dun? Utak naman."
She turned her back in a swift motion, knowing fully well that he's still looking at her.
Pagkatapos ay pumasok ito sa pangalawang store na nadaanan.
"Ano pong hanap niyo Ma'am?" Dineadma lang ito ni Davina, at dumiretso sa lugar ng mga stickers.
"Para sa inyo po ba? Mayroon po kami ritong Netflix series characters, inspirational quotes, Bible quotes. Meron din pong cartoons, Hello Kitty, Barbie---"
"Stop. Tingin mo 'yan ba talaga ang hanap ko rito? Hello Kitty? Inspirational quotes? Barbie?" Mas lalong umiinit ang dugo ni Davina, "At tinatanong mo pa kung ano ang hanap ko. Bentahan 'to ng stickers, hindi ba? Ano sa tingin mo hanap ko? Lipstick?"
Inikutan niya ito ng mga mata. Bago pa man ito humingi ng pasensiya ay dumiretso na si Davina sa pangalawang hilera ng mga stickers.
"Maganda nga, masungit naman," dinig niyang reklamo ng salesman sa katrabaho nito. Sasagot pa sana siya, kaso lang ay papalapit na ang mga ito sa mga kapapasok lang na customers.
Napaikot na lang ulit si Davina ng mga mata, saka muling binaling ang atensiyon sa mga stickers. Hindi niya sinasadyang maging masama rito. Nadala lang talaga ito ng pagka-bad trip. Kaya nga siya sumadya sa mall ay para magliwaliw. Mula umaga kasi ay puro kamalasan lang ang nagyayari sa kanya.
Two daggers with a black handle captured her attention. They are intersecting with each other, forming an X. May bungo sa dulo ng handle, at pinagbubuklod sila sa gitna ng dalawang ahas na parehong nakatutok ang mga dila sa isa't isa. Black and white ang lahat ng ito, maliban sa mga mata ng ahas na pawang kulay apoy.
If one's not keen to details, one won't even notice that she glanced sideways for a moment.
Napansin niya ang mabilisang pagtalikod ng lalaki sa bandang kaliwa niya. Naka-kulay itim itong jacket at may suot pang cap sa ulo. Bawal ang pagsusuot ng cap sa loob ng mall na ito, ngunit mukhang isinuot ito muli ng lalaki matapos makalampas sa mga guwardiya. Sigurado si Davina na ito ang nagmamasid sa kanya kanina, ngunit umakto siyang hindi niya ito nahalata.
Kinuha nito ang nagustuhang sticker, at pumunta malapit sa lalaking kahina-hinala. Pareho silang pasimpleng tumitingin ng mga stickers ng sasakyan, at pilit ding itinatago ng lalaki ang mukha mula kay Davina.
Nang yumuko ang lalaki't nagpakunwaring may kinukuhang sticker sa pinakaibaba ng istante'y nahulog mula sa mababaw na bulsa ng jacket niya ang isang maliit at kulay kayumangging botelya. Sinubukan niya itong abutin nang mabilis, ngunit mas mabilis ang mga paa't kamay ni Davina. Sinipa niya ito papalayo sa lalaki, at saka pinulot.
Napangisi ito nang makita ang label.
Chloroform
Warning: Toxic
Maingat niya itong isinilid sa sariling bulsa.
"Face me if you dare," mahina ngunit may diing bulong ni Davina rito. Umalis ang lalaki at saka pumunta sa ibang parte ng store na wari'y walang nadinig.
Hindi niya kailangang magpanggap na hindi niya minamanmanan si Davina. Pareho na nilang alam 'yon, at alam niyang walang makakapagbago ng iniisip ng babae.
Lumapit ulit dito si Davina, at pumwesto sa likod nito. Inilapit niya ang bibig niya sa tainga ng lalaki, "It's funny how a big man can be so coward."
Nakangisi pa si Davina, nawiwili sa pang-aasar sa lalaki.
Unti-unti namang lumingon ang lalaki kay Davina. Tinandaan ni Davina nang maigi ang mukha nito. Bilugan ang hugis ng mukha, singkit ang mga mata, may piercing sa ilong, at maitim ang kulay ng mga labi nito.
He must savor his remaining time; I won't end this day without killing him.
"Lumingon ako. Hindi dahil sa natakot ako sa banta mo pero para patunayan sa'yong hindi ako duwag," sabi nito. Wrong move.
Nginisihan lang ito ni Davina, at saka may dinutdol mula sa sariling bulsa. Isinilid ni Davina ang maliit na botilya sa bulsa ng lalaki, "Wear something with a deeper pocket next time… and watch out, darling."
Nanatiling nakatitig ang lalaki kay Davina, pinaparating sa babaeng hindi siya natatakot dito. Sinuklian naman ito ni Davina ng mapaglarong ngiti, bago dumiretso sa counter upang magbayad.
Habang naglalakad patungo sa pinaradahan niya ng big bike sa basement ay inilabas nito ang cellphone. Napangiti si Davina. Habang nakikipag-usap sa lalaki'y ipinasok niya sa loob ng botelya ang isang maliit, wireless, at waterproof na tracking device, gamit-gamit lamang ang isang kamay. Hindi niya ito maaaring idikit lamang sa pwetan ng botelya dahil paniguradong mapapansin ito kaagad ng lalaki.
Nakakonekta ang tracking device na iyon sa cellphone ni Davina. Pinindot nito ang kulay pulang icon na ininstall ni Calvin sa lahat ng devices niya. Maliban sa pagiging anak ng kanang kamay ng tatay ni Davina, si Calvin din ang tumatayong guardian parent niya mula nang mamatay ang kanyang ama. Limang taon lang ang agwat nilang dalawa.
Itinipa nito ang serial number ng tracking device na iyon, at saka lumabas ang lugar kung nasaan ang lalaki. Nasa Ynnor Mall pa rin ito. Pipindutin pa sana nito ang kulay pulang tuldok na nagrerepresenta sa tracking device nang biglang mamatay ang cellphone niya.
Just fucking great. Nagpakahirap pa man din akong ipasok ang device na iyon sa loob ng botelya.
Ilang metro na lang ito mula sa big bike niya nang mapansing may pinagtutulungang lalaki malapit sa kanya. Sunod-sunod nila itong sinikmuraan. Nakatalikod ito sa kanya kaya't 'di niya makita ang mukha nito, ngunit pamilyar ang hubog ng katawan nito. Saglit itong nag-atubili, bago magdesisyong lampasan na lamang ang mga ito.
Itinayo ng mga lalaki ang ginugulpi nila, bago itulak papunta sa big bike ni Davina. Agad niyang naikuyom ang mga kamao niya.
Inilibot ni Davina ang paningin at napansing walang nagbabantay o nag-iikot na guwardiya sa bandang iyon. Wala rin gaanong naka-park na mga sasakyan doon dahil bandang dulo na ito ng parking lot. Maski CCTV cameras ay wala rin.
Huminga ito nang malalim, at sinubukan ang sariling huminahon. Ngunit kahit siya sa sarili niya'y alam na sa mga oras kagaya nito'y hindi niya kayang magtimpi. Napatingin ito sa lalaking tinulak nila at mas lalong nainis nang makumpirmang tama nga ang hinala niya kanina.
Mahinahon ngunit kalkulado ang mga galaw ni Davina habang itinatayo ang big bike niya. Sira na ang salamin nito sa kanan. Sunod naman niyang nilingon si Grey na hindi man gaanong napuruhan ay nagtamo pa rin ng mga pasa.
Nilingon nito ang tatlong lalaking tawa pa nang tawa. Napa-tiim-bigang ito, inikot ang ulo na para bang nag-i-stretch, at saka inilapag ang plastic bag na pinaglagyan ng sticker na binili niya. May mga pasa rin sa mukha ang mga lalaki kaya't sigurado siyang nilabanan din ni Grey ang mga ito.
"Motherfucker son of a bitch!" galit nitong sigaw saka lumapit sa lalaking kalbo at sinikmuraan ito. Napa-"putang ina" naman ang huli dahil dito. Nang itulak ito ni Davina sa malapit na pader ay sumugod naman ang dalawa pa nitong kasamahan.
Hinila ni Davina ang lalaking may spikes ang buhok na siya ring pinakamalapit sa pwesto niya, at saka itinulak sa isa pa. Parehong napahiga sa lapag ang dalawa. Bago pa man makabawi ay pinaghiwalay na agad ni Davina ang mga ito, at saka tinadyan ang pinakainiingatan nilang parte ng katawan sa pagitan ng mga hita. Napasigaw naman ang mga ito, at napahawak sa kanilang mga ari, namimilit na sa sakit. Sunod-suod na mura ang ibinigay ng mga ito kay Davina.
Lumapit naman kay Davina ang lalaking kalbo na kanina'y nasa pader. Akmang susuntukin nito sa mukha si Davina na mabilis namang nailagan ng huli, at saka ito binigyan ng malakas na suntok sa tiyan. Pagkatapos ay itinulak ulit nito ang lalaki sa pader, saka hinila nang kakaunti ang ulo bago pwersahang itinulak ulit sa pader, dahilan para magdugo ang ulo nito. Kahit hindi aminin ni Davina'y alam niyang hindi niya ito gaanong nilakasan upang hindi matuluyan.
Halos guyugudin na lamang ng lalaking may asul na buhok ang sariling paa kaya't napakaingay ng kaluskos nito. Nang makalapit ito kay Davina'y agad namang umupo at gumulong papalayo ang huli, kaya't ang lalaking kalbo ang natamaan nito. Kahit mahina lamang ang suntok ay napasigaw pa rin nang walang boses ang lalaking kalbo.
Napansin ni Davina na nawala na ang lalaking may spikes ang buhok, kasabay ng mabilisang pag-andar ng isang motor papalabas. Iniwan na nito ang dalawa pa.
"Want more?" mapanuyang saad ni Davina sa mga ito. Sinamaan na lamang siya ng tingin ng dalawa, parehong pagod at hinihingal.
"Pagbabayaran mo 'to," sabi ng lalaking kulay asul ang buhok, habang akay-akay ang lalaking kalbo.
"Pasensiya na pero hindi ako umuutang." Parehong hirap sa pagtakbo ang mga ito kaya't napangisi na lamang si Davina.
Mabuti na lamang talaga't walang nakakita sa amin, sa kabila ng mga sigaw ng mga ito. Maliban sa nasa dulo na sila ng parking lot kung saan kakaunti lang ang tao, kung may nakakita ma'y ayaw na nilang madamay pa.
Lalapit na sana ito kay Grey nang mapansing may isang lalaking nakasandal sa pader, dalawang metro ang layo mula sa kanila. Nagulat si Davina dahil kung hindi ito nagsindi ng sigarilyo'y hindi niya ito mapapansin. Hindi 'yon madalas mangyari sa kanya dahil malakas ang pandama niya. Ito ang lalaki sa elevator kanina.
Nang taasan ito ni Davina ng kilay ay walang anu-ano na naglakad lamang ito paalis.
Nang ibaling nito ang atensiyon kay Grey ay agad-agad na lumambot ang ekspresyon nito. 'Di man niya ipahalata'y nag-aalala pa rin siya para dito. Nakahawak ito sa tiyan niya.
"Gi-gigi," pautal-utal na tawag nito kay Davina na bahagyang kinainis ng huli. Ito lang ang walang takot na tumatawag sa kanya ng "Gigi."
"Tsk. Ano ba kasing ginagawa mo rito?" sabi nito, ngunit binigyan niya rin ng tipid na ngiti ang lalaki.
"Salamat," bulong nito, at saka dumura ng dugo. Inilahad ni Davina ang kamay niya at alam niyang naiintindihan ni Grey ang ibig nitong sabihin.
"No. I can drive myself home," sagot naman nito. Magaan ang kamay na itinaas ni Davina ang mukha nito, at napansin ang mga pasa't sugat na natamo. Namamaga na ang ilalim ng mata nito. Malakas na napabuntong-hininga si Davina, at saka kinuha ang susi sa bulsa ng binata.
"How about your big bike?" mahina ang boses na tanong nito. Hindi na lamang ito sinagot ni Davina, at saka pinindot ang car remote para mabuksan ang sasakyan ni Grey na nakaparada malapit sa pwesto nila.
"Hop in," utos ni Davina rito.
Natawa si Grey, "Ako na naman nagmukhang babae sa'ting dalawa."
Tinaasan ito ni Davina ng kilay, "Sinasabi mo bang mas mahihina ang mga babae kaysa sa inyo?" Tawa lang ang isinagot nito.
Isinara ni Davina ang pinto nang makapasok si Grey bago dinaanan ang plastik ng stickers na inilapag niya kanina.
Pagkaupo nito sa driver's seat ay agad siyang sinalubong ng mapaklang tawa ni Grey.
"You're the one who saved me again," inis na sabi nito habang nakatingin sa akin.
You can't fool me, Grey. I know you. Hindi na lang muna ako magsasalita sa ngayon. I don't know what you're planning for, but for now, hahayaan kita.
She glanced at him one more time before starting the engine.
~
She swiped his condo unit card, still trying to help him get inside. Inalalayan ni Davina si Grey paupo sa sofa ng living room na bubungad pagkapasok na pagkapasok pa lamang.
Maayos at organized ang unit ni Grey. Bagaman pinasadya ni Grey na parehas lang ang disenyo ng unit nilang dalawa, mas marami at maayos pa rin ang pagkakalagay ng mga gamit niya.
Dumiretso si Davina sa kitchen nito at kumuha ng iilang ice cubes sa freezer ng ref at inilagay ang mga ito sa cold compress bag. Pagkatapos ay tinabihan nito si Grey na bahagyang inilayo ang mukha nang madampihan ng bag.
"Ako na. Balikan mo na 'yung big bike mo. Regalo ko pa naman sa'yo 'yun last year tapos babaliwalain mo lang," nakangising sabi nito kaya naman inilapag agad ni Davina ang bag sa center table.
That's what he wants, right?
"Damn," umiiling ngunit natatawang sabi nito, at saka idinampi ang bag sa mukha.
"Oh, bakit?" Davina asked with a playful smirk, trying to hide her smile.
"Wala."
Aarte pa kasing ayaw.
Kinuha ulit ito ni Davina at saka nagkusang idampi ito sa mukha niya. Napangiti naman nito si Grey na nakatingin lang kay Davina.
Kinuha nito ang cold compress saka inilapag sa center table kaya naman napakunot ng noo si Davina. Tinaasan niya ito nang kilay, at bigla naman siya nitong niyakap.
"Yacapsule. Yakap mo lang, magaling na ako," sabi nito kaya't pabirong napaikot ng mga mata si Davina. Inalis ni Davina ang mga braso nito sa kanya, inilapag ang car keys sa center table, at saka tumayo.
"Where are you going?" he asked.
"To hell. Wanna come with me?"
Ngumisi si Grey. Nang makarating sa pintuan si Davina'y tinanong ulit siya nito, "I'm serious. Saan ka pupunta?"
"Gonna get the big bike."
"Sama na ako."
"Sa lagay mong 'yan? Mas lalo lang akong mahihirapan," biro nito, ngunit napansin ni Davina sa mga mata ni Grey na bahagya niya itong sineryoso. Saglit na nagbago ang ekspresyon nito, bago muling ngumiti.
"If that's what you want. Ingat." She heard the concern in his voice but she pretended not to notice it.
Pumunta si Davina sa condo unit niya na katabi lang ng kay Grey. Nasa Room 2002 siya, habang nasa Room 2001 naman si Grey.
Kinuha ni Davina ang iPad sa isa sa mga drawer ng bedside table niya. Kinuha rin nito ang nakatagong maliit na baril sa ilalim ng mga damit na nakalagay sa pinakaitaas na istante ng kabinet. Inilabas nito ang magazine ng baril, naniniguradong puno ito ng mga bala "I may not dress like Satan, but does it make me less evil than him?"
Napangisi ito, at siniguradong dala rin ang dagger niya.