Chapter 3 - Z Organization

She swiped the iPad's screen and opened the application for her tracking devices. She then rolled her eyes. The device was last seen on San Augusto Street. Ngayon, unreachable na ang location nito.

Iniuwi muna ni Davina ang naiwang big bike kaya mag-a-alas-cinco na nang makarating siya sa San Augusto Street. Pinili niyang maglakad dahil makikipot ang mga eskinita't paniguradong makakaabala lang ang big bike niya.

San Augusto, Wardal, at Magdangal Street ang mga lugar na balak niyang puntahan. Magkakatabi ang mga village na ito, at kilala rin bilang iilan sa mga lugar na may pinakamaraming kaso ng patayan at mga adik. At syempre, katulad na lamang ng mantra niya sa buhay, handa naman siyang tumaya.

It took her twenty minutes to completely reach the exact location that the tracking device is showing. Ngunit halos nalibot niya na ang buong San Augusto at bigo pa rin siyang makalapit sa taong hinahanap niya. Sigurado naman siyang walang mali sa device na inilagay niya rito, maliban na lang kung wala na ito sa lalaki.

Sunod siyang pumunta sa Wardal, pero wala rin dito ang hinahanap niya. Ang tahimik ng lugar, at malamang ay dahil may katatapos lamang dito na insidente. Lumubog na ang araw nang makarating si Davina sa Magdangal Street. Nananakit na rin ang paa niya sa kalalakad.

Dahil malapit nang mag-alas otso at medyo malamig na rin, halos bilang na lang sa mga daliri ang nakikita niyang mga tao na nasa labas pa, lalo pa't sa tatlong village ay ito ang lugar na may pinakamaraming kriminal. Bahagyang nilamig si Davina kaya't ipinasok nito ang isang kamay sa bulsa.

Napatigil si Davina sa paglalakad nang biglang mag-vibrate ang iPad niya. Napangisi siya nang buksan niya ito't nakitang naka-konekta na ulit ang tracking device sa application niya. Nang pindutin niya ito'y itinuro siya sa isang eskinita, ilang metro na lang ang layo mula sa kanya.

Habang dahan-dahang naglalakad ay mas lalo ring lumalaki ang kulay pulang bilog na nasa iPad, nagsasabing malapit na ito sa kinalulugaran ng lalaki. Bumibilis rin nang bumibilis ang galaw ng pulang signal na ito.

Tumigil siya sa paglalakad nang bahagyang lumiit muli ang kulay pulang bilog na signal. Mukhang nalampasan niya ito. Bumalik siya sa nilakaran niya kanina, at tumigil sa gitna ng kalsada kung saan pinakamatingkad ang kulay pulang bilog na nasa screen.

Ibinaling ni Davina ang tingin sa isang madilim na eskinita. Sa kabila ng kadiliman ay kitang-kita niyang may tao roon. Isinilid siya sa loob ng leather jacket niya ang iPad. Pumasok siya sa eskinita, at mas lalong lumaki ang ngisi niya.

Bingo! Nahanap din kita.

"Hello, darlin'," she greeted him with her sweetest voice, showing a wide smirk on her lips. Umayos ang lalaki ng tayo mula sa pagkakasandal sa pader. He threw his cigarette off before puffing the smoke into the air.

"Bakit ka nandito?" halata ang pagkabalisa na tanong ng lalaki.

"Pinahirapan mo akong maghanap sa'yo. Alam mo ba 'yun?" pagbabalewala ni Davina sa tanong niya.

"Hindi mo ako natatakot sa'yo, kung 'yon ang intensyon mo."

Agad namang hinugot ni Davina ang baril at saka ikinasa ito, "Alam nating pareho na hindi iyon ang intensyon ko, Itinutok niya ang baril sa ulo ng lalaki. Dahan-dahan siyang lumapit dito at unti-unti namang lumalayo ang lalaki.

"Stay at your damn place," utos niya na sinunod din naman ng lalaki. Itinaas nito ang dalawang kamay niya habang hawak-hawak pa rin ang isang cellphone.

Mas lalong lumapit si Davina. Mariin niyang idinikit ang nguso ng baril sa ulo ng lalaki habang kinakapkapan ito. May nakuha itong isang baril sa tagiliran na agad niyang itinapon papalayo.

"'Di ba't sabi ko naman mag-ingat ka," nakangising sabi ni Davina, at saka tumawa nang mapakla. Inilagay ng lalaki ang dalawang kamay sa batok niya.

"Answer all my questions and I'll let you run."

"Anong pangalan mo?" una nitong tanong.

"Di-Dindo Manin."

"Anong organisasyon ka kabilang?"

Tumahimik ang lalaki. Ramdam ni Davina ang pagdadalawang-sip nito, kaya't mas lalo niyang idniin dito ang nguso ng baril, "Anong organisasyon?!"

"Z... Z Organization."

"Sino ang nag-utos sa'yong sundan ako?" Napa-tiim bagang ito, at tahimik lang na nakatingin sa kanya kahit halatang-halatang nininerbiyos na. Gustong matawa ni Davina. Nasaktan yata nito ang ego ng lalaki sa sinabi kanina sa mall, kaya't pinipilit nitong magmukhang matapang at hindi natatakot sa kanya. Too bad she doesn't bite into it.

"Sagot!" sigaw ni Davina rito na siyang ikinagulat nito.

"Si Boss Z--" Bago pa man makasagot ang lalaki, bumulagta na kaagad ito sa semento.

Sinong bumaril sa kanya? Hindi ako 'yun.

Mabilis na nilibot ni Davina ang tingin sa paligid ngunit wala siyang nahagilap na kahit sino. Hindi niya rin nasundan ang pinanggalingan ng ingay dahil masyado siyang nakatutok kay Dindo. Isa pa, sigurado siyang mayroon itong silencer.

Nagmamadaling lumabas si Davina ng eskinita at nakita ang mabilis na takbo ng kung anong papalayo sa direksyon niya. Hindi siya sigurado kung motorsiklo o big bike ito dahil mausok at mabilis ang pagpapatakbo rito. Pinaputukan niya ito, inaasahang maaasinta ang gulong. Ngunit dahil mausok, hindi niya ito naasinta. Ni hindi man lang siya nakakuha ni katiting na mahalagang impormasyong mula rito.

Bumaling siya sa lalaking nagngangalang Dindo at lumapit dito. Pinulsuhan niya ito at wala na nga itong buhay. Malakas siyang napa-buntong-hininga, bago isinilid ang baril sa gun pocket na nakatago sa loob ng leather jacket niya.

I wasn't even able to use my dagger. Nasayang lang ang oras ko.

Wala rin namang CCTV cameras dito, kaya't kampante at nakapamulsa siyang naglakad palayo. The only clue she has is that the boss who ordered him has a name that starts with Z. At least, she's got something to work with.

Hating-gabi na at madilim ang langit. Ramdam na ramdam ni Davina ang excitement na namamayani sa buong katawan niya. May car racing ngayon, at bilang undefeated winner, kasama siya sa laban.

"La Misteria," bati sa kanya ng isang lalaki habang nagsisigawan ang mga tao. Hindi niya ito kilala. Hindi niya gusto ang pangalan na ito ngunit hinahayaan na lamang niya ang mga tao.

Nakasandal lang si Davina sa big bike niya. Hindi alam ng mga taong kasama sa racing ang tunay na pangalan niya at hindi rin siya nag-aabalang magpakilala sa kanila kaya't sila na mismo ang nagpangalan sa kanya. The name suits her, lalo pa't palagi siyang nakasuot ng itim na maskara, katulad ngayon. May iilan ding kagaya niya'y nakamaskara, for the sake of privacy.

Nilingon niya ang lalaki.

She's not a fan of fame. Isa pa, illegal ang racing na ito.

Pinagmasdan niya ang disenyo ng big bike na gagamitin niya. Kulay itim ito at kulay gray naman ang lahat ng stickers na nakadikit. Iba ito sa ginamit niya kanina. Hindi niya ginagamit ang mga pang-racing sa pang-araw-araw. For her, only idiots would do that.

"It's about to start," nakangising sabi ng lalaki na tinanguan lang ni Davina.

"I only know two things about you. One, you're La Misteria. And two, you're a woman," sabi nito sa kanya, at saka tumawa.

"That's a lot." Hindi siya nagpakita ng kahit anong emosyon at nakatiling nakatingin lang sa lalaki.

"I'm glad. Sa ilang buwan kong pakikipag-usap sa'yo, umabot na rin sa tatlong salita ang sinabi mo," nakangiting sabi nito, at saka nagsindi ng sigarilyo.

Nang inanunsyong magsisimula na, tuwid na tumayo si Davina.

"Good luck," sabi ng lalaki, at saka naglakad palayo nang nakaharap sa kanya. Tinanguan ito ni Davina kaya't tuluyan na rin itong tumalikod. Nagsigawan ang mga tao.

Lumingon siya sa dalawang makakalaban niya. Parehong lalaki ang mga ito.

"Hold on tight, La Misteria. Ang laban na 'to ang makakapagbagsak sa'yo," nakangising sabi nung isa. Unang tingin pa lang dito ni Davina'y alam niyang puro hangin lang ang ibibuga nito.

Tig-a-apat na daang libo ang itinaya nila para sa racing na ito. Kakaunti lang dahil hindi pa naman gaanong kilala ang mga kalaban ni Davina.

"Let's see," maikling tugon ni Davina, at saka umayos na ng upo sa big bike. Isinuot niya na rin ang helmet niya.

Hinanda niya ang big bike niya, at saka umayos ng posisyon. Two laps lang ang labanan.

Nakakabingi ang sigawan ng mga tao. Ang iba'y ginamit pa ang sariling mga motor upang mag-ingay. It's the only kind of noise Davina likes. Mas lalong lumakas ang hiyawan nang may babaeng tumayo sa gitna, hawak-hawak ang racing flag at baril. Iwinagayway nito ang racing flag na checkered black and white, at itinaas din ang kabilang kamay na may hawak na baril.

"Uno... Dos... Tres....Vamos!" sigwa nito, kasabay ng pagputok ng baril.

Agad na nagpaunahang magmaneho ang dalawang kakompetensya ni Davina. Nanatiling handa at nakahawak sa throttle ng big bike si Davina kaya't mas lalong nagsigawan ang mga tao. Nagpalipas muna siya ng tatlong segundo bago magmaneho. Pagkaalis na pagkaalis niya'y 'di magkamayaw ang mga tao sa kasisipol at sigaw. Hindi lang premyo ang madalas na naiuuwi ni Davina, kun'di pati na rin ang paghanga ng mga tao.

Mabilis at walang kahirap-hirap niyang naunahan ang mayabang na nagsalita kanina. Naging halos kapantay naman niya ang isa pa ngunit pinairal niya ang kagustuhang mag-enjoy sa karera kaya't sinadya niyang paliko-liko ang direksyon ng big bike niya, dahilan para maunahan siya nito sa unang lap.

Sa pagkakarera, pakiramdam niya'y panandalian siyang sumasaya. Nagiging malaya ito sa kahit na anong gumagapos sa kanya.

Nang mapansin ni Davina na malapit na sila sa finish line ay nagsimula siyang magseryoso. Binilisan niya ang pagpapatakbo, at binigyang pokus lamang ang karerang nagaganap. Kahit wala siyang pakialam sa premyo'y ayaw niya namang matalo.

Nang nasa may bandang likuran niya na ito'y halos paliparin niya na ang big bike kaya naman narating niya ang finish line nang panalo at may ngisi sa labi. Bagaman malapit lang ang agwat nila'y mahahalata mong kakaiba ang galing na taglay ni Davina. Malayo naman ang naging agwat ng mga ito sa isa pa nilang kakompetensiya.

Pagkatanggal na pagkatanggal ni Davina ng helmet niya'y dumoble ang hiyawan ng mga tao.

"You're awesome," nakangiting sabi ng lalaking halos makasabayan niya nang lumapit ito sa kanya. Inilahad nito ang kamay sa kanya upang makipagkamayan. Tinanggap naman ito ni Davina.

Pareho silang napalingon sa isa pang kakompetensiya nilang kararating lang. Ginugulo nito ang sariling buhok, halatang inis na inis. Nilapitan naman ito ng lalaking halos kasabay lang ni Davina sa karera't tinawanan.

"Man, you're the last one," sabi nung pangalawa't inilahad ang kamay rito. Inis namang inabot ng lalaki ang car key nito. Mercedes-Benz. Sumipol ang lalaking naging pangalawa sa karera na mas kinainis naman ng isa pa.

"Nasa account mo na," sabi naman ng isa sa mga nag-organize ng event na ito. Ang 16.67% ng premyo'y napupunta sa organizers. Her one million, on the other hand, is already wired into an account that she solely uses for car racing. Hindi sa kanya nakapangalan ang account na ito. Dahil sa dami ng napanalunan niya'y napakalaki na rin ng laman na pera ng account na 'yon, kahit pa ginagamit naman niya itong pampusta.

Tinanguan lang ito ni Davina.

May mga taong lumapit sa kanya upang i-congratulate siya na binibigyan niya lamang din ng simpleng tango. Nilingon ni Davina ang mga taong nagsipustahan at nagkakasayahan pa rin. Ililibot pa sana niya ang tingin niya nang mapako sa isang tao ang mga mata niya. Nakatayo ito, ilang metro mula sa mga kumpulan.

Naaalala niya ito. Ito ang nakasabay niya kanina sa elevator, at ang nakakita rin sa kanya sa parking lot. Nakatitig lamang ito sa kanya. Napa-tiim-bagang si Davina dahil sa pangalawang pagkakataon ay hindi na naman niya agad napansin ang presensiya ng lalaking ito.

Nakipagtitigan din siya rito na para bang nanghahamon. Nanatili namang seryoso ang tinging ibinibigay ng lalaki sa kanya.

Saglit lamang na lumingon si Davina sa babaeng pilit na hinahawakan ang kamay niya upang batiin siya. Nang lingunin niya ulit ang kinatatayuan ng lalaki kanina'y wala na ito roon.

Sinusundan ba 'ko nito?

~

Mabilis niyang ibinagsak ang katawan sa kama. Bigla siyang napasapo sa mukha nang maalala ang nangyari kanina kay Dindo Manin. It's either someone's been eyeing Dindo Manin, someone's been following her, or both. Kung sino man ito, ayaw niyang malaman ni Davina ang nais na sabihin ni Dindo Manin.

Z Organization. She needs to dig deeper into it.

Matagal na tinitigan ni Davina ang cellphone bago ito sinagot.

Hindi pa sumisikat ang araw, may tawag na kaagad!

"Hello, good evening Miss Reneo--"

"What do you need Calvin?"

"Miss Davina, napaaway raw ho kayo kanina? Do you want me to track down those boys?" Her eyes automatically rolled.

"Why the hell do you fucking care, Calvin?" Inis na itinapon nito ang cellphone sa dulo ng higaan. Sinabihan niya na itong huwag tumawag kung hindi importante ngunit may pagka-makulit din ang lalaki. Isa pa, wala namang halaga sa kanya ang mga lalaki sa parking lot kanina. Kung bakit ba naman ba kasi sa tuwing may katarantaduhan siyang ginagawa, mabilis na nakararating ito kay Calvin. He always knows her actions.

It's past one, and she badly wants to sleep but she can't stop thinking about what happened earlier. She knows that they're planning for something, and she needs to know everything about it.

Pumunta ito sa terrace ng kwarto. Dahil palagi itong mag-isa, nasanay na siyang mag-isang kumain, matulog at mabingi sa ingay ng katahimikan.

Hindi niya alam kung bakit sa bahay na ito siya tumuloy, at hindi pa sa condo unit niya. Hindi niya maintindihan kung bakit kahit na nalulunod siya sa sakit at lungkot tuwing nandirito siya'y 'di niya pa rin matiis na bisitahin ito... Kahit na alam niyang wala naman siyang madaratnan kun'di mga inabandona nilang gamit at ang mga memoryang kalakip nito.

Napangiti siya sa mga bituwin na mistulang kumikislap, at hinanap kung nasaan ang buwan.

"He's right. The night sky looks bright."

"If you're feeling lonely, just look at the moon."

"Why would I?"

"Because somewhere... Somehow, someone is looking at it too."

"But I don't need to look at the moon, Daddy." Napatingin ang kanyang ama sa sinabi niya.

"I'll never be alone because you'll always be there for me. Right, Daddy?" Malawak at inosente ang ngiti ng bata. Napansin nito ang pagbabago sa ekspresyon ng ama kaya bigla itong napasimangot.

"Of course, my princess." He hugged his daughter tightly, which made her smile again, "But not all the time."

Tumingala si Davina sa langit upang pigilan ang mga luha niyang nagbabadyang tumulo. Sa isip-isip niya'y tama nga ang ama niya: Hindi sa lahat ng pagkakataon ay nandiyan ang ama niya para sa kanya. Lahat ng bagay ay nagwawakas.

~

Ihinagis ni Davina ang alarm clock nang magising siya nito. Nang hindi pa ito tumigil sa pagtunog ay padabog niyang kinuha ang señorita na nasa drawer ng bedside table niya. Inis niya itong ikinasa bago binaril ang nag-iingay na alarm clock.

"E di tumigil ka rin," naiimbyernang bulong nito. Nagkalat ang mga piyesa ng alarm clock sa kwarto, habang nag-iwan naman ng maliit na butas sa pader ang bala.

Ilang saglit pa lang siyang nakakahiga nang marinig niya na naman ang ingay ng cellphone. Sa isip niya, mag-isa nga siya ngunit napaka-ingay naman ng mga gamit niya. Pinulot niya pa ito mula sa lapag, at sa sobrang tamad ay sinagot ito nang hindi tinitignan kung sino ang tumatawag.

"Who the fucking hell---"

"Davina, can we talk?" She rolled her eyes as soon as she recognized the voice. It's annoying the hell out of her.

"We're talking! At pwede ba, ayokong sinisira ng saging ang araw ko."

"Let's meet," mataray na sabi ng nasa kabilang linya. Sa tono pa lang ng pananalita'y alam na ni Davina na umiikot ang mga mata nito.

Papatayin na sana nito ang tawag ng magsalita ulit ang nasa kabilang linya, "This is about him. Grey." Biglang napakunot ang noo ni Davina sa narinig na pangalan. Greyson? Again?

"As always. Where?"

Ilang segundo pa ang lumipas ngunit 'di pa rin ito nagsasalita, "Oh, c'mon banana, you're wasting my time."

"Dolce Pana Cotta. Nine o'clock sharp," the other girl said, before hanging up the phone. She shook her head, iniisip kung bakit sa dinami-dami ng lugar sa mundo'y doon pa nito naisipang makipagkita. Kung hindi siya nang-aasar ay sadyang nananadya nga ito.

Nawala ang antok ni Davina nang maalalang hindi pa siya nakakaligo. She runs straight to the master bathroom, which has a whirlpool tub at pinaandar ito para punuin ng tubig. Habang naghihintay ay dumiretso siya sa shower stall para kunin ang shampoo at iba pang mga gamit pangligo. It takes twenty to thirty minutes for the tub to fill up. Katulad ng ibang parte ng bahay, the bathroom is also constructed in mediterranean style, although it was remodeled when they moved from Italy.

Ayaw ni Davina na ginagalaw ang disenyo ng bahay na kinalakihan niya. The interior of the house has many ornamental elements. Malalaki ang mga bintana at pintuan nito. Mabibigat ang mga materyales na ginamit sa pagpapatayo. Kahit medyo nabago na ang ibang gamit nito at nadagdagan na ng mga modern furnitures, the primordial beauty of the house can still be seen. For as long as possible, she wants to keep the historic charm of the mansion.

Bumalik si Davina sa whirlpool tub nang mapuno ang tubig. Hindi na siya nag-abala pang painitin ito. It's usually takes another time to heat up the water. Mainitin talaga siya kapag ganitong gusto na niyang matulog at magpahinga agad. Nasanay itong si Calvin o ang dating mga katulong ang nag-iinit ng tub kapag maliligo siya.

Habang nagpapahinga, biglang pumasok sa isip ni Davina ang lalaking dalawang beses niyang nakita sa mall, na siya ring sumulpot sa car racing. The guy looks dangerous. Iba ang dating ng lalaking iyon sa kanya. Alam niya rin na hindi ito ordinaryo. Hindi man niya agad maramdaman ang presensya nito, pakiramdam niya'y napakalakas ng lalaki.

"Whoever he is, kailangan ko siyang lubos pang makilala."

I need to know more about him if he will keep on showing up. He's quite something. And maybe more.