Chereads / My Wife is My Father's Mistress / Chapter 7 - Chapter 6

Chapter 7 - Chapter 6

Babaeng Nakamaskara

Sabado, alas onse ng gabi. Nasa private room ako sa club. Suot pa rin ang itim na maskara para itago ang aking mukha. Kaharap ko ngayon ang isang Limampung anyos na matanda. Kahit matanda na ay makisig pa rin ito at masasabing guwapo. Kaya nagkakandarapa ang ilang bayarang babae para magpapansin dito. Masuwerte ako at ako ang natipuhan niya.

Suwerte nga ba?

Nakangisi ito habang sinisipat ang buo kong katawan. Suot ko pa rin ang props ko sa pagsayaw. Laced bikini at bra. Napatungan ng itim na roba pero aninag pa rin ang maalindog kong katawan. Para siyang asong ulol kung makatitig at naglalaway sa aking katawan. Napatawa na lang ako ng lihim at napaismid.

Hindi ako nakikipagteybol o nakikipaglandian sa mga customer. Pagkatapos ng sayaw, dapat ay aalis na ako. Ayaw kong makipag-usap kahit pa marami ang nagrerequest at magbayad ng malaki. Kaya lang ay iba ang matandang ito. Bukod sa malaki ang bayad niya sa oras ko may nag-udyok din sa akin para pumayag na harapin ito. Siyempre sa nakatago kong mukha at pangalan.

"Halika rito sa tabi ko hija." Malambing na tawag ng matanda sa akin. Nanindig ang balahibo ko sa paraan ng pagsasalita nito. Mahalay ang tinig nito na tila ba nang-aakit. Nakakasuka! Titig pa lang mukhang pinagsawaan na niya ako. Siguradong nalamutak na niya ang buo kong katawan sa kanyang imahinasyon. Nakakadiri siya!

"Okay lang ako rito sa kinauupuan ko Mr. Villota," diretsang tanggi ko rito. Nginitian ko ito ng pagkatamis-tamis.

"Napaka-aloof mo naman. Binayaran ko na ang oras mo..."

"Binayaran n'yo ang oras ko, oo. Pero hindi ang tumabi sa inyo at lumandi. Pumayag ako dahil usap lang ang sinabi mo kay Mamang," walang gatol na saad niya. Inismiran ko ang matanda nang mawala ang ngiti nito sa labi.

"Iba ka nga talaga, kaya mas lalong maraming nauulol sa iyo," sambit nitong humitit ng sigarilyo. Pagkatapos ay ibinuga iyon sa harap ko. Hindi naman ako nagpatinag at humalukipkip ako habang pinapanood lang siya sa paninigarilyo.

"Paano tayo mag-uusap kung ang layo-layo mo?" Kapagkuwa'y muli itong nagsalita. Pinatay ang sigarilyo sa ashtray at uminom sa basong may lamang alak.

Humalakhak ako. Nakakadiri talaga ang matandang ito. Mahilig talaga kahit matanda na. Pero hinding-hindi niya ako makukuha ng ganoon na lamang. Pahihirapan ko siyang maghabol sa akin. He will spend his money to me hanggang sa mamulubi na siya.

Hindi ako bibigay. Kailangan niya munang maghirap. Gusto ko ay gumapang siya sa sahig at lumuhod sa akin. At alam ko kung paano ko magagawang paluhurin siya sa harapan ko. Muli akong napangisi ng lihim.

"Well, hindi ka naman bingi para hindi ako marinig hindi ba?" Sarkastiko kong saad. Isang oras lang ang ibinigay ko para sa kagustuhan nitong makausap at makita ako. Tumatakbo ang oras para aksayahin niya lamang sa pakikipagtalo sa akin. Well, wala naman kaming mapag-usapan kaya bakit hindi na lang ako mag-enjoy sa pakikipag-argumento niya sa akin.

Ngumisi siya sa akin. Nakakaloko ang ngiti niyang pinakita. Tinaasan ko siya ng kilay kahit hindi niya kita dahil sa maskara. Umayos ako ng upo.

"Kaya gusto kita dahil kakaiba ka sa mga babaeng narito. Interesting and challenging."

Humalakhak ako sa kanyang sinabi. Really huh? Sige maglalaro tayo hanggang sa sumuko ka.

"Time's up!" deklarasyon ko pagkatapos kong sinipat ang relo sa dingding. Tumayo na ako sa kinauupuan at nag-umpisang maglakad paalis nang pigilan niya ako ng kanyang salita.

"I want you every Saturday here at this time!"

Hindi na ako nagulat doon. Bumaling ako sa kanya na nakapagkit ang ngiti sa labi.

"Well, Mr Villota. Let the game begin!"sabi ko bago tuluyang umalis. Nang makalabas ako ay malaki na ang ngiti ko sa labi na tila ba nanalo ako ng ilang milyon sa lotto.

Well matagal kong inasam-asam na mapansin ako ng matandang iyon. Ngayon na ito na ang lumalapit sa akin, maisasakatuparan ko na ang plano ko.

Titiyakin kong magiging pulubi ang matandang iyon. Wala ni sentimo ang matitira rito. Pagbabayaran niya ng malaki ang kinuha niya sa akin. Maging buhay man niya ang kapalit. Nakuyom ko ang aking kamao.

Taas noo akong naglakad sa isang daan na ako lang ang nakakaalam patungo sa isang silid na ako rin lang ang nakakagamit. Nang makarating sa silid ay agad akong nagtanggal ng maskara at nagpalit. Nang biglang pumasok si Mamang.

"Kailangan mo ba talagang gawin iyon?" May pag-aalala na tanong niya habang ako naman ay nagsusuot na ng jacket. Hindi ko siya pinansin dahil abala na ako sa pagsisintas ng aking sapatos.

"Hindi mo kailangang ipahamak iyang sarili mo, baka kung mapano ka..."

Nilingon ko siya na may blankong ekspresyon sa mukha.

"Hindi ko ikakapahamak ito Mamang. Tantiyado at planado ko na ang lahat."

Nang matapos akong magsapatos ay kinuha ko na rin ang malaking bag na lagayan ng aking props. Lagi kong dala in case na kailanganin ko.

Naramdaman ko ang paglapit ni Mamang sa akin. Hinarap ko siya na may determinadong mukha. Ayaw kong magpatinag sa mukha niyang nag-aalala talaga.

"Ayaw kong may ibang mapahamak na naman. Tama na ang isa sa mga alaga ko ang nawala..."

"Mamang, please manalig ka sa akin. Hindi ako papasok sa isang gulo kung hindi ko alam lusutan. Huwag ka ng mag-alala pa." hinawakan ko siya sa kamay. Parang pangalawang ina na sa akin si Mamang. Kahit sabihin isa siyang bugaw. Isang babaeng kumikita dahil sa katawan ng mga babaeng nagtatrabaho sa kanya. Isa pa rin siyang ina. At nararamdaman kong concern siya sa aming lahat.

Nanggaling rin siya sa putikan. Naging babae rin siyang bayaran na umahon gamit ang katawan.

"Alam mo ang hangarin ko Mamang. After this, titigil na ako," saad kong mapait na ngumiti.

Tumango ito sa akin.

"Ano pa bang magagawa ko kundi suportahan kita at protektahan sa lahat ng makakaya ko."

Alam ko iyon. Proprotektahan niya ako hanggang kaya niya. Siya lamang ang nakakaalam ng tunay kong pagkatao. Kung sino ako sa likod ng maskarang suot ko sa pagsasayaw. At kung bakit ko napasok ang trabahong ito. Siya lamang ang taong kaya kong pagkatiwalaan maging ng buhay ko. Umaasa akong kahit itong sikreto ng pagkatao ko na lamang ang tanging ingatan niya. Ayaw ko na siyang idamay pa sa ibang plano ko.

Kung ikakapahamak ko iyon, ako lang dapat at wala ng ibang tao.

"Aalis na ako." paalam ko at humalik sa kanyang pisngi. Dumaan muli ako sa sikretong daan na kami lang ni Mamang ang nakakaalam. Maingat akong lumabas sa isang madilim na eskinita. Walang ibang tao o nakaparadang sasakyan kaya malaya akong naglakad.

Ang malamig na hangin ng gabi ang bumabalot sa aking katawan kahit pa nga may suot na akong jacket. Ang nakalugay kong buhok ay nililipad habang marahan akong naglalakad patungong sakayan ng tricycle.

Tumingala ako sa langit at nakita na naman ang isang bituin na sobrang liwanag sa kalangitan.

"Diyan ka lang, tanglawan mo lamang ako at panoorin mo kung paano ko sila pababagsakin!"

Napahid ko ang aking pisngi dahil sa luhang biglang kumawala sa mga mata ko.

"Nag-uumpisa pa lamang ako!"