---
Nasa biyahe si Kaeden at binabagtas niya ang lower session road papuntang Bonifacio nang marinig niyang magring ang kaniyang cellphone. Inilagay niya ang Bluetooth speaker sa plug nito at inilagay sa loudspeaker ang tawag ni Phillip.
"Sir Phillip, kumusta? Sudden call po."
"Well kid, parang tama ang hinuha mo tungkol doon sa Andrea Mildred Alegre Rape-Slay Case. I think there is a connection between this and the current murders."
"In what way, sir?"
"We found a lot of development on the case. About your late theory, we found out na may epithelial at DNA nang isa pang tao sa crime scene na hindi ang boyfriend. The boyfriend's epithelial found on the crime scene doon sa nasunog na katawan ay mas maliit ang percentage kaysa sa isa pang tao. Big possibility na ang namatay at nasunog na iyon ay hindi ang boyfriend."
May ideyang naglaro sa isipan ni Kaeden nang marinig ang nasabi ni Phillip. It seems that his first theory is wrong, but his current theory is correct.
"Sir, I think I can answer a few of the questions probably running in your mind right now…" sagot niya, dahil alam niyang siguradong may at least 20 questions ngayon ang Senior Inspector sa bago nilang nalamang lead.
"Shoot it, kailangan ko yan," excited na sunod ni Phillip.
"Sir, please run a sample on the victims of the current serial murders. Compare a sample na mayroon kayo sa biktima. I think if the victim can't talk, the left evidence will."
"Most of the reports were stolen. Pero at the time, hindi nila alam ang importansya ng nakuha ng mga forensics. If the technology back then says zero, the technology now says something else."
"Sir, think about it. If the boyfriend is alive and did not report the case, ano ang dahilan bakit nasa nasunog na biktima ang DNA ng boyfriend? How come, some people are dying now and then all of a sudden, we're here investigating an old case, with the only connection being one of the murdered victims was a politician back then when the rape slay case happened?"
"Ang ibig mong sabihin, ang mga murdered victims ay ang mga criminal sa rape-slay case?"
"Running samples will clear it, sir. I know your department can," sagot ni Kaeden, at ipinarada ang kaniyang sasakyan sa parking space ng isang kilalang bangko sa Bonifacio St.
---
Sa isang tagong mansion ay muling nagkita ang tatlong crime planners. Nasa dining table sina Janus at ang kanilang boss na hinihintay ang nilulutong breakfast dishes ni Sam. Isa sa mga non-planning skills ni Sam ay ang kaniyang mataas na culinary knowledge. Ayon kay Sam, natutunan niya ito sa isang French National na may Pastry based restaurant at cooking school, tsaka sa pamamagitan ng panonood sa isang kilalang personality pagdating sa pagluluto.
"Balita ko ay babalik ang isa sa mga hawak mong baraha, Janus?" tanong ng kanilang boss, na nakasuot ng puting amerikana at slacks. Halatang mahilig ito sa mga putting damit, na nababagay din sa kaniyang itim na neck tie.
"I think masayang bumalik siya ngayon, boss. He's pestering me kasi na kung pupwede daw ay isunod na namin ang next phase. Kaunti nalang at matatapos na niya ang kaniyang pinaplanong paghihiganti."
Tahimik lang na nakinig ang kausap habang iniisip ang mga posibleng mangyayari sa kaso, lalo na't magiging matunog na muli ang gagawin ng taong may hawak ng kanilang crime plan.
"I just hope your card did not do something crazy or left something that our antithesis will discover," sabat ni Sam, na dala ang buong breakfast course nilang tatlo. Inisa-isa niyang nilapag sa lamesa ang bawat pagkain at maging ang kaniyang ipinrepare na Okra Tea.
"Nice. I like light dishes today," sagot ni Janus at tumingin kay Sam.
"If you mean Kaeden, I am sure that my card will do something. If he fails, that is not on us. Ang pagkakamali ng baraha ko ay dahil din sa kaniya, hindi sa atin. Our crime plans are perfect, if it fails, hindi natin kasalanan yun," patuloy ni Janus.
"He's right, Sam. The only thing we are concerned of, is that the darkness in their hearts were opened. Our crime plans are the instigating factor para mabuhay ang murderous intent nila sa kanilang puso. After all, that is what we're all about," sunod ng boss.
Ito ang core function nila bilang organisasyon. Nang ginawa ni Master Murderer from Hell ang kanilang grupo, iisa ang kanilang pinagkasunduang bagay. Ang buhayin ang murderous intent sa puso ng mga taong pinagsamantalahan ng sitwasyon at panahon. Sumunod si Sam sa kagustuhan ng kanilang boss dahil para sa kaniya, hindi lang isang magandang kondisyon ng laro sa buhay ang lahat, kundi dahil naniniwala si Sam sa mga paniniwala ng kanilang boss. Hindi alam ni Sam kung ano ang rason kung bakit sumama sa kanila si Janus, pero katulad niya, siguradong dahil may nakita sila kay Master Murderer from Hell.
---
Pinakiusapan ni Phillip ang mga forensics na maging tahimik sa pagru-run ng sample sa mga naiwang ebidensya sa katawan ng biktima noon. Kahit nanakaw ang mga samples noon na nakuha sa crime scene, mayroon silang result papers ng kanilang testing. Kaya di nila mahanap ang may-ari ng semen na iyon ay dahil kulang pa ang teknolohiya noon at sa halos libong maaaring maging suspect, naging malamig ang kaso.
Sa laboratory, kasama niya ang kanilang MD na si Dr. Yousef Duarte. Siya ang nagrun ng sample ng mga current victims at sa mismong nasa biktima.
"Convenient technology," ngiting wika ni Phillip habang tinitignan ang kasamang nilalagay sa test tube at sa centrifuge ang bawat sample. Hinihintay nilang iprocess ng machine ang result at ang comparison test.
"We're actually late, Senior Inspector. Our government can't afford these babies for a very long time. Ginagamit na ito ng Japan at US almost two decades ago pero ngayon lang tayo nagkakaroon ng ganito," sagot ni Yousef.
"Don't tell me that you'll give me a political reason for this?" natatawang tanong ni Phillip kay Yousef, at tinignan ang makina na nagsimulang mag-spin na centrifuge.
"I will, sir. Corrupt and stupid officials who never gave any thinking on making our crime investigation better. Si Senator Andrew lang naman at ang current President ang nagiisip ng paraan para mapaganda ang ating crime investigation methods, hindi ba?"
Nailing na lamang na nakinig si Phillip kay Yousef na nagsabi ng kaniyang mga political ideas sa kaniya at ang kaniyang frustration na sana ay marami na silang na-solve na krimen kung nabili ng gobyerno ang mga kinakailangan nilang gamit para sa forensics.
"Yousef, I know you're a pro-President, but please, let's get back to work. Makikinig ako sa iyo after this case. I promise you that," wika niya dito.
"Asahan ko 'yan sir. Well, seems our work also here is done. The results are ready for us to see," sagot ni Yousef at ipinakita kay Phillip ang result sa machine frame. Ipinindot ni Yousef ang "R" key sa machine at nagsimulang magkaroon ng comparing scan ang machine. Ilang segundo lang ay lumabas ang "MATCH" sa screen.
"Bingo. It means the DNA found on the victim's body, are the same with the DNA of the current victims. Ang mga namatay na ito ay ang mga rapist ni Andrea Mildred!"
"I think the rapists think na semen lang ang maaaring magdiin sa kanila."
"What do you mean, Yousef?"
"Sir, the whole information of body is stored in a single cell. Even if the semen samples were stolen, epithelial from sweat, stria or saliva can store DNA."
Parang nabuhusan ng malamig na tubig si Phillip. They have been idiots for a very long time. Papaanong hindi nila ito naisip noon, na sana, kung nag-isip silang mabuti noon ng kaniyang mga kasama, mas nagkaroon ng liwanag ang kaso. Para kasi silang bulag at one sided na ang iniisip nila ay hanapin ang mga criminal sa nakikita lang nilang lead o naiisip nilang magpapakita sa kanila ng lead. The physical evidences, in short.
"Of course, Yousef, of course. The rapists probably licked Andrea's body parts. Maaari rin na ilan sa kanila ay – "
"Now, don't get my imagination starting, Sir. I know what you're thinking and I think that's what happened. Fortunately, my retired senior na si Dr. Demitri studied this case further. Walang technology noon para i-run ang sample sa saliva o DNA, pero kumuha parin siya ng sample. Hindi na ito naisip ng nagnakaw bilang isang importanteng bagay kaya natira ito sa laboratory.
---
Gumawa ng isang relationship chart si Kaeden sa mga murdered victims, si Andrea, ang kaniyang boyfriend, ang unknown burned body at ang Mansion Dama De Noche.
He needs to find what is the relationship of all these with the serial murders. Ano ang isang factor at bakit pinapatay lang ngayon ang mga rapists. If the boyfriend is alive now, why wait for a very long time to act the murders? Why not as early as a year after the rape-slay case?
If the boyfriend is alive, then, who is he now? Kung ito ang pumapatay at nakita siya ng mga rapist noong buhay pa sila, they could have alarmed each other para matimbrehan silang pataying muli ang boyfriend.
Ito ang mga katanungang naglalaro sa isipan ni Kaeden habang nakaharap sa kaniyang white board kung saan naroon ang relationship chart.