Maagang bumiyahe si Stephen mula Pasay papuntang Imus, dahil doon naka-base ang kanilang bagong opisina. Matagal na siyang may kontrata sa Red Sun A1 Racing Group. Sila ang gumagastos sa bawat racing match ni Stephen at pati na rin ang kaniyang mga promotion at commercials. Kung tutuusin, kayang gastusan ni Stephen mag-isa ang kaniyang mga laban, ganun din ang kaniyang mga kailangan dahil may kaya naman ang kaniyang pamilya, pero inisip ni Stephen na ipunin nalang ang kaniyang mga allowance na binibigay ng kaniyang ina para sa mas malalaking mga bagay.
"Wow, AE86 Sprinter Trueno!" puri ng isang binata na nasa kanang linya ng jeep, habang nakatingin kay Stephen na minamaneho ang kaniyang sasakyan. Nagsimula na naman ang traffic papuntang Bacoor at ito ang dahilan kaya nakita ng marami ang sasakyan na gamit niya.
"Kuya, si Stephen Curtis yan! Yung nanalo sa WRC last week!" sagot ng katabing babae ng lalake sa jeep, na sa tantya ni Stephen ay nasa 18 anyos. Nginitian lamang sila ni Stephen at itinuloy ang pagmamaneho nang makitang nag-green na ang traffic light.
Maraming brand ng sasakyan ang mayroong gamit si Stephen, kabilang na ang Porsche, Audi, Honda, Mercedes Benz at Toyota. Pinakapaborito niya ang AE86 dahil ito ang sasakyang nagpanalo sa kaniya sa kaniyang pinakaunang Philippine Racing Tournament Journey Competition. Naalala niya na nabili niya ang AE86 na ito kasagsagan na sumikat ang isang anime na ang kaniyang signature car ay isang AE86 Toyota Sprinter Trueno. Dahil sa kasikatan ng anime na iyon, mas naging mahal ang purchase niya ng original car dahil sa tinatawag na Takumi Tax, isang terminong nagmula sa pangalan ng main character ng anime na si Takumi.
Lumagpas na siyang Bacoor nang makita niya ang daan papunta sa paborito niyang ramen restaurant. Naalala niya na nakausap niya doon ang may-ari ng restaurant na isang Hapon. Mabait sa kaniya ang Hapon na iyon at naalala niya ang mga kwento niya patungkol sa kanilang bansa.
"Gosh, I miss the place. Kaya lang siguradong gigisahin na naman ako ni Boss Mac kapag hindi ako nakarating agad doon. Maybe later."
Nang nagsisimula palang si Stephen sa karera, naging palipat lipat siya ng grupo, hanggang sa nakilala niya si Macario Sanchez, isang mekaniko sa Alfonso, Cavite, na mahilig sa mga karera. Siya ang nagpakita kay Stephen na may pag-asa ang mga Pilipino na makapasok sa World Racing Competition. Nang mga panahong iyon, hindi pa niya iniisip ang makatapak sa international competitions, kundi sa mga maliliit na karera lang, pero hindi nagtagal napasok niya na ang malalaking karera. Inipon ni Stephen ang kaniyang mga napanalunan at tinulungan si Macario na magpatayo nalang ng isang racing group na hahawak sa mga karera niya, at ng iba pang mga kareristang sasali sa grupo.
There is just one thing that he avoided. Mayaman ang kaniyang ina pero hindi parin nasasabi ng kaniyang ina ang buong pangyayari sa buhay nila. Ayon sa kaniyang inang si Gretchen, ang kaniyang ama ay walang iba kundi si Senator Andrew Soliman, ang kontrobersyal na pulitiko dahil sa kaniyang mga malalaking programa kontra droga. His mother is the senator's mistress. Pero tinatago nila ang kanilang relasyon dahil hindi kayang hiwalayan ng senador ang kaniyang asawa. Kilala ang asawa ng kaniyang ama na isang tuso at hindi maganda ang ugali sa mga taong hindi siya pinapanigan.
"Someday, your father would go back to us," wika ng kaniyang ina noong bata pa siya. Edad 30 na siya ngayon at ilang beses palang niyang nakakasama ang kaniyang ama. Kapag magkasama ang mga ito, napaguusapan nila ang mga bagay-bagay patungkol sa kanilang buhay. Naaalala niya isang beses na nagrereklamo ang kaniyang ama patungkol sa kaniyang asawa dahil mahilig daw itong gumastos at inuubos sa mahjong ang minsang nasa kaniyang credit card. Kapag tinatanong ni Stephen kung ano ang pangyayari patungkol sa kaniyang ina at ama, laging sinasagot ng kaniyang ama na hindi niya maiwan ang kaniyang asawa ngayon dahil ito ang pinangakuan niyang pakasalan. Nevertheless, his father's love is always for his mother Gretchen. Ang rason lang naman kaya niya pinakasalan ang asawang si Ingrid ay dahil nagkaroon sila ng anak because of an accident.
---
Nasa warehouse room si Senior Inspector Phillip at binuksan ang case box ng isang rape-slay case na nasabi ni Kaeden sa kaniya na maaaring may link sa serial murder cases na nangyari sa kaniyang jurisdiction. Habang binabasa ang initial report, pumasok sa loob ang kaniyang partner na si PO3 Enrico Salcedo na may hawak na folder at ipinakita ang laman nito sa kaniya.
"Look at this, sir. I think you will find this crazy," wika niya at ipinakita ang isang forensics report na may ilang mga litrato.
"Nakita ko na to ilang beses na. Anong ibig mong sabihing crazy?" sagot ni Phillip at binalikan niya ng tingin ang kaniyang kasama.
"Well, there was something we probably missed in this case. Noong nagrecover ang SOCO ng specimen sa crime scene, they recovered a few strands of nylon rope, lahat ng ginamit para patahimikin ang dalawang biktima, synthetic material, most probably from a cloth, the bullet and the shell. Ito ang ilan sa mga nawalang ebidensya right before we were able to process all of them."
"Yeah, some thief or some inside job."
"Sir, actually, may napansin lang ako sa picture ng forensics ng bala sa crime scene noon."
"Which is?"
"Sir, the striations on the bullet matches a gun model that were modified for sale that were sold only in two shops dito sa Cebu. It means that the person probably bought the gun there, used it and then that's where we're stuck."
Tinignang muli ni Phillip ang sinabing litrato ni Enrico. Indeed, kakaiba ang striation sa bala na nakita nila sa biktima sa mga kadalasang nakikita sa mga licensed guns at Police issue guns.
"Custom made. Ibig sabihin, if we can ask the owner of the shop na ibigay sa atin ang register ng mga bumili sa shop nila from the time of the crime, then we can eliminate any possible suspect…"
"Yes sir. But that's not the crazy part na sinasabi ko…"
"What? Eh ano?"
"The boyfriend of the victim."
"What about him?"
"Sir, I came across the forensic report noon. Luckily, advanced na ang teknolohiya natin ngayon kaya madali nating makikita and diperensya sa mga bagay-bagay. The forensics report back then shows that the person burned back then was the boyfriend, since the clothes and belongings belong to the boyfriend di ba?"
"Go on."
"I ran tests on some of the clothing taken by the forensics. The centrifuge and testing show a different result. Sure, I found the DNA of the boyfriend on the wrist watch. Masuwerte nga ako at hindi masyadong nasunog ang parte na iyon or else I could've missed everything. However, the body tells a different story."
Tinignan siya ni Phillip na may katanungan sa kaniyang mata, kaya minabuti ni Enrico na dalhin siya sa forensic laboratory para ipakita ang ibig niyang sabihin.
Unang tinignan ni Phillip ang ballistic founding gamit ang microscope. Nakita nito na ang grooves sa bala na natagpuan noon sa crime scene ay parehas sa grooving na nakita nila sa gun test. Isa ito sa mga hindi nawala sa kanila nang may hindi pa nahuhuling magnanakaw na kinuha ang mga ebidensya patungkol sa kaso. They think it could only be an inside job, dahil papaanong nawala ito sa kanila kung hindi rin isang pulis o forensic officer ang may gawa nito. Hanggang sa kasalukuyan ay wala parin silang napapatunayang kahit isa sa kanilang mga teorya. Marami sa mga naitago lamang nilang mga nakalap sa crime scene ang nasa kanila ngayon. Anything crucial that would show or tell who the criminals are, are stolen. Isa pa, hindi pa advanced ang technology nang mga panahong nangyari ang krimen. To be able to test run all people para malaman agad ang criminal ay isang imposibleng misyon noon.
Pangalawang tinignan ni Phillip ang DNA matching result ng natagpuan nila sa wristwatch sa DNA ng boyfriend ng biktima. May isa pa ngang DNA owner na wala silang record at ayon sa mga tested parts, mas maraming epithelial na pagmamay-ari ng pangalawang DNA owner kaysa sa boyfriend.
"Now this is indeed crazy. Ang ibig mo bang sabihin, Enrico, eh malaki ang posibilidad na ang nasunog na boyfriend ay ibang tao?"
"100%, Sir."
"But if this is not the boyfriend, then where is the real boyfriend?"
Nagkibit balikat lang si Enrico at tumingin sa superior niya, with a clueless stare on the question.
"We have more questions to answer after this. Where is the boyfriend? Bakit hindi nagreport? If he survived and saw the murder of his girlfriend, he for sure saw the faces of the criminals. Who are the people behind the rape slay case?"
"The fog thickens, sir."
Kinuha ni Phillip ang kaniyang cellphone sa kaniyang kanang bulsa at idinial ang numero ni Kaeden. If there is one person who can at least give his opinion about this case, it's the son of the late great detective. Sa una palang, siya naman ang nagbigay ng ilaw patungkol sa kaso.