Chereads / When a heart skips a beat / Chapter 40 - Chapter 39

Chapter 40 - Chapter 39

Two months later.

Only the sound of the ventilator machine can be heard in thea's hospital room

Yes, hospital.

Thea's been hospitalized for three days now.

Tatlong araw na ang lumipas simula nung mangyari ang aksidenteng yun.

Ang aksidenteng naging dahilan ng pagkaratay ni thea sa kama.

"Anak, di ka pa ba uuwi?" tanong sakin ni tita tanya

Alam na ng parents ni thea yung tungkol sa relasyon namin.

One time kasi pumunta ako sa bahay nila thea and guess what happened...

*flashback* (this was a week after their date in EK)

"Babylove andito na ko" sabi ko sa kanya over the phone

Tawagan ko daw siya pag nakarating na ako dito sa kanila eh.

"Really? Wait suot lang ako damit" sabi naman niya sa kabilang linya

"Nakahubad ka lang ba?" Bakit naman wala siyang suot na damit? Ah baka kakatapos lang maligo

"Nagyoga kasi ako nung wala ka pa" sagot niya na ikinataka ko naman

"At kailan kapa nagyoyoga?" di nagyoyoga to eh. Kahit nga walking exercise lang di magawa yoga pa kaya? Opo ganun po siya katamad. Pinapagalitan ko nga minsan.

"Ngayon lang" agad niyang sagot "wait pababa na ako! tsup! tsup!" then she ended the call

Napairap na lang ako sa phone ko. Hinintay ko lang siya na pagbuksan ako ng pinto.

I can already hear footsteps. Malamang siya na yan.

Pagbukas pa lang ng pinto ay agad niya akong sinalubong ng mala megaphone niyang boses. Ang ingay talaga ng babaeng to kahit kailan

"Good morning my love!" Masaya niyang bati sakin.

Napalaki naman yung ngiti ko "ang ingay mo talaga. Mamaya may makarinig sayo diyan eh" suway ko habang natatawa

"Well, Good morning din thea my babylove" sarkastikong sabi niya. Napairap na lang ako ng mata sa kanya

"Anak, sino yan?" yung mommy ni thea. Napatingin ako sa likod niya at mula dito sa kinatatayuan ko ay makikita mo yung mommy niya na naghahanda ng lulutuin kasama si nanay elma sa kusina.

Napalingon naman si thea sa mommy niya "si krystal ma, you know?" humarap na si thea sa akin at kinuha yung kamay ko saka ako inalalayan na pumasok ng bahay.

Wow, gentlewoman haha

Sinubukan kong hatakin yung kamay ko. Kasi naman bakit siya nakahawak dun eh di pa nga alam ng parents niya tungkol samin eh.

She only squeezed my hand saka binulungan ako hindi sa tenga kundi sa bandang labi ko. At ang lapit pa ha? Mamaya makita kami dito ng mommy niya ano pa isipin.

"Relax ka lang. Just trust me" bulong niya

Inilayo ko yung mukha niya sa akin gamit ang palad ko. Tumawa lang siya.

"Relax mo mukha mo. Bitawan mo nga kamay ko" pabulong na utos ko sa kanya

"No!" sagot niya saka ako hinila papunta sa kusina kung nasaan yung mommy niya

"Mom!" Tawag niya sa mommy niya.

Umangat naman siya ng kanyang ulo saka ako nginitian "siya yung sinasabi ko sayo na girlfriend ko"

Kunot noong napatingin ako kay krystal. Diniin ko ng bahagya yung kuko ko sa balat niya sa kamay "anong sinasabi mo diyan?" Bulong ko sa kanya "ah tita good morning po, nanay elma" bati ko sa mommy niya at kay nanay elma

Ngumiti sila pareho sakin "Good morning din iha. Ngayon lang tayo nagkita ulit" sabi pa ng mommy niya

"Ah oo nga po eh" sagot ko naman

"Kamusta na?" tanong niya

I can feel thea slightly squeezing my hand "Okay lang po tita. Kayo po?"

"Okay lang din" nakangiti pa rin siya "so tell me...kamusta naman tong anak ko?" She asked me "di ka ba binibigyan ng sakit sa ulo?"

Kahit di ko gets kung saan nanggagaling yung mga tanong ni tita tanya ay sinagot ko na lang siya "thankfully di naman po although matigas ang ulo pero keri naman po"

"Naku matigas talaga ulo niyan"

"Mooom!" thea whined

I chuckled

"Anyway, mom punta lang kami sa taas" paalam ni thea sa mommy niya

"Sige. Papatawag ko na lang kayo mamaya kay nanay elma mo" tumango lang si thea at akmang aalis na sana kami ng magsalita ulit yung mommy niya

"Thea?" Tawag niya kay thea. Nilingon naman siya ng isa "in case you forgot, di soundproof yung walls natin" sabi niya kay thea then nilipat yung tingin sakin sabay wink?

Eh?

"mom, what are you talking about?" napatingin ako kay thea na ngayon ay namumula na.

Bakit siya namumula? Di naman mainit ah at tsaka ano yung sinasabi ni tita na hindi soundproof yung walls?

I'm giving thea a look that says 'wtf is your mom saying'

Narinig ko naman na bahagyang tumawa si nanay elma.

Thea just shrugged her shoulders saka ako hinila papuntang room niya.

Wala naman kami masyadong ginawa ng baby ko sa kwarto niya bukod sa cuddling at kissing haha.

Di pa kami napunta sa next level eh lol pero mangyayari din yun soon haha

Lunch time.

Nandito kami ngayon sa dining area. Kasama namin ngayon si tito emil. Nasa office room kasi siya ng bahay nila nung dumating ako dito kaya si tita tanya lang nakita ko kanina.

"So iha, kamusta naman ang panliligaw ng anak ko sayo?" bigla biglang tanong ni tito emil dahilan para mabulunan ako.

"Love are you okay?" tanong sakin ni krystal habang pinapat yung likod ko. Bakit niya ako tinatawag na love? Nakalimutan niya ba na di pa kami out sa parents niya.

Iniabot niya sakin yung water ko saka ko yun ininom. Nang mahimasmasan ay napatingin ako kay tito emil

"W-what do you m-mean po?" nauutal kong tanong. I feel stupid tuloy

Napatawa naman sila ni tita tanya "krystal, relax ka lang" tito emil said

Siguro 'relax ka lang' yung quote of the day. Kasi kanina pa ako sinasabihan ni thea niyan eh. Tapus ngayon si tito emil naman. Baka sunod nito si tita tanya na.

"Your tito emil is right. Just relax" sabi na nga ba eh. Imbes na pamilya mondia dapat pala pamilya relax haha

Naramdaman ko naman ang mainit na kamay ni thea na ngayon ay nakahawak sa kamay ko "they know about us" thea casually said

I gasped "oh" the only word na lumabas sa bibig ko

Thea smiled at me "since almost everyone at school knows our relationship, I was thinking of telling my parents about us also" she reasoned out "so yeah...I don't wanna hide anymore krystal especially with them" she squeezed my hand

"Wow" honestly di ko alam anong sasabihin ko. Kaya pala ganun na lang mga tinatanong kanina ni tita tanya "kaya pala"

"Kaya pala ano?" takang tanong ni thea

"Kaya pala ganun yung mga tanong ng mommy mo kanina" tita tanya chuckled

Someone cleared its throat. It was thea's dad

"So balik tayo dun sa tanong ko no...how's her panliligaw, huh?"

"Dad, seriously?"

"What? I wanna know"

They started to laugh after.

I just shook my head at them while smiling.

"So...ibig po bang sabihin nito tanggap niyo po kami?" I asked them

"Di pa ba obvious? Of course iha" tita tanya answered "we love our daughter. Kung sino yung mahal ng baby namin mahal na din namin no matter what the gender is" she gave me her sweetest smile. Aww

"That's right! Kaya nga tinatanong kita iha kung kamusta yung panliligaw ng anak ko sayo" natatawang sabi ni tito emil

Medyo natawa na din ako.

"Thank you po, for accepting us" I sincerely said to them "wag po kayo mag-alala, mamahalin ko po yung anak niyo at di ko po siya pababayaan"

"We know, sweetie" tita tanya said "basta pag may ginawa sayo tong baby namin...magsumbong ka lang okay"

I just nodded my head then smiled at her

"Okay but mom can you please stop calling me baby? Di na ako baby" si thea

Napatingin ako sa gawi niya "but your my baby"

I heard thea groaned as she rolled her eyes.

Natawa naman sina tita at tito.

"I'm still waiting for your answer" baba taas yung kilay na sambit ni tito emil.

Kaya naman kinuwento ko sa kanya kung pano nanligaw si thea

*end of flashback*

"Ayoko pong umuwi" sabi ko kay tita tanya "dito lang po muna ako"

She put her hands over my shoulder.

Nakaupo kasi ako dito sa chair malapit sa hospital bed ni thea.

I'm holding thea's left hand. Nilalaro ko yung mga daliri niya.

I heard tita tanya sighed

"Don't worry she'll be okay" gusto kong maniwala na magiging okay siya. May tiwala ako sa Diyos. Alam kong di niya pababayaan si thea.

The doctor said na masyado ng mahina yung puso niya ng dahil sa arrhythmia niya. Di na rin masyadong kinakaya ng pacemaker. Di na daw yun nakakatulong sa heartbeat niya. All that she needs to survive is a heart transplant.

Naikwento din sakin ni tita tanya na matagal na sila naghihintay ng heart donor for thea. Nasa waiting list lang siya and hanggang ngayon wala pa ring donor.

I sadly smile.

Sana nga maging okay kana. Sana magkaroon ka na ng donor. Sana gumising kana kasi sobra na kitang namimiss mahal ko.