"Love, bilisan mo naman" nilingon niya ako mula sa direksyon niya
Napatingin ako kay thea na kasalukuyang nauuna sa aking maglakad
Ngayon kasi ang araw na aakyat kami ng Mt. Pulag. Ayoko sana nung una dahil ayokong mapagod si thea. Pero nagpupumilit siya na magtrekking daw kami. Pinagpaalam ko na lang siya sa parents niya kahit sila tutol din sana kaso wala mapilit talaga si thea.
Napangiti ako sa kanya "pwede ba dahan dahan ka lang diyan mamaya mapagod ka pa ng tudo eh"
She clicks her tongue "dami mong sinasabi love"
Nakatayo lang siya habang papalapit ako sa kanya.
Iniabot naman niya yung kamay niya sakin at kinuha ko naman yun saka siya nag-umpisa ulit na maglakad habang hawak hawak ang kamay ko.
Meron kaming tour guide na kasama at may mga ilang tao din na nakasabayan namin.
"Babylove, di ka ba napapagod?" tanong ko kay thea after ilang minutong paglalakad
"Ikaw?" Di niya ako sinagot instead tinanong niya din ako pabalik "pagod ka naba?"
Natawa ako ng bahagya sa kanya "oh anong nakakatawa?"
"Bilib talaga ako sayo baby ko" sabi ko sa kanya
Ngayon siya naman yung natawa "no wonder nainlab ka sakin" sabay wink
I scoffed "yabang ah"
"Yabang talaga lalo pa't akin ka na" banat niya
Sabay kaming natawa dun sa sinabi niya "oh. Oh. Wag kang masyadong kiligin" babala pa niya
Siraulo talaga "ang corny mo baby ha"
Ilang oras pa ang lumipas ng magpasya ang tour guide na magpahinga muna kami saglit at kumain muna since ilang oras pa ang lalakarin.
Umupo si thea sa lupa saka kinuha yung water bottle niya sa bag. Nagsquat naman ako sa harapan niya habang kumakain ng sandwich na inihanda ko at ng mommy niya para samin.
Di niya mabuksan yung cap ng water bottle niya kaya pinabukas niya sakin yun. Iniabot ko sa kanya yung sandwich na hawak ko saka siya kumagat dun "ano na lang kaya ako pag wala ka?" bigla bigla niyang tanong habang ngumunguya ng sandwich
Ngumiti ako sa kanya "isa ka na sigurong potato" natatawang sabi ko
"Your pretty, cute, sweetpotato" she said in her baby voice
She leaned over towards me while pouting her lips and instead ikiss ko siya ay yung baba ng water bottle niya yung pumasok sa bibig niya "uminom ka muna ng tubig" sinamaan lang niya ako ng tingin habang ako natatawa sa kanya
"Ang sweet niyo naman" narinig kong sabi ng isa naming kasamahan
Napalingon kami ni thea dun "ate san po yung sweet dun sa ginawa niya?" Tanong ni thea dun sa babae na ngayon ay natatawa kasama yung iba niyang kasama
"Kayo. Ang sweet niyo. Nilalanggam na kami dito" sabat naman nung isa
"Sorry naman po mga ate, kuya. Eto kasi...dun ka nga. Nilalanggam sila oh" kunwari tinataboy niya ako tss
"Mag-jowa kayo?"
"Mukha ho ba kaming magkapatid?" pilosopong tanong naman ni thea
"So mag-jowa nga?" tanong pa nung isa
"Di po ba obvious?" Hinampas ko si thea sa legs niya
"Wag ka ngang pilosopo diyan" suway ko sa kanya "mga ate, kuya pagpasensyahan niyo na to" sabi ko dun sa mga kasama namin "kulang lang po siya sa aruga"
"Sobra sobra nga yung pag-aruga mo sakin eh" sabat naman ni thea na ikinatuwa nila.
"ano nga pala pangalan niyo?"
"Ako po si thea. Siya naman po si krystal ang mahal kong jowa" pagpapakilala ni thea
Nagpakilala din yung mga kasama namin sa amin. Mga ate at kuya nga namin sila since 29 and above na yung mga edad nila. Kami daw ni thea yung baby sa grupo. Nakakatuwa lang kasi nakagaanan namin sila agad ng loob.
Nagkukwentuhan lang kami habang naglalakad. Ilang oras pa ang lumipas hanggang sa makarating kami sa destinasyon namin.
Overnight kami dito. Aabangan namin yung sunrise bukas eh. Sa ngayon sunset muna. Di pa naman palubog yung araw kaya habang maliwanag pa ay inihanda muna namin yung tent namin ni thea.
"Girls, kailangan niyo ng tulong?" Si kuya edmund. Isa siya sa mga kasama namin kanina
"Kuya edmund, pwede bang tulongan mo kami dito sa tent?" pakiusap ni thea sa kanya
"Sure, ako na diyan"
Nang matapos si kuya edmund sa tent ay bumalik na siya dun sa mga kasama niya. Nagpasalamat naman kami sa kanya at sabi pa niya na pag may kailangan daw kami wag kaming mahiyang lumapit sa kanila.
Diba, ang bait nila.
"Love, picturan mo ko"
Kinuha ko yung phone ko saka siya pinicturan
"Patingin nga" inagaw niya sakin yung phone ko saka sumandal ulit sa harapan ko.
I'm backhugging her right now while sitting on the grass, watching the sunset.
"Ang ganda ko talaga" dinig kong sabi niya. Ang vain talaga ng babaitang to hahaha. Hinigpitan ko yung pagkakayakap sa kanya
She turn on the camera of my phone saka yun itinapat samin. We did several sweet poses pero ang pinakagusto ko ay yung hinalikan ko siya between her neck and shoulder while she's smiling sweetly on the camera.
After namin manood ng sunset ay pumunta kami dun sa mga kasama namin kanina. Sumabay kami sa kanilang kumain. The more, the merrier kasi haha
Pagkatapus nun ay nagpahinga na kami.
"Good night po" sweet na sabi sakin ni thea.
I smiled at her "Good night din po" ginaya ko din siya
I kissed her on her head
She's hugging me while she's resting her head above my chest. My arms draped around her.
She lifted her head then gave me a peck on my lips. She then tap my cheeks using her index finger.
"I love you" I smiled at her "I love you"
She crashed her lips on my lips. We kissed for a moment and the next thing I knew is that she's now on top of me. She put the blanket over us.
"We're not gonna do it in here, right?"
Nagpretend naman siya na parang pinag-iisipan niya "hmm..." she then attacked me with kisses. Natawa naman ako dun kasi naman nakikiliti ako.
"Shhh...love wag ka maingay"
"Nakikiliti kasi ako" di ko na alam pano kami natulog kagabi basta ang alam ko lang pagkagising ko umaga na
Binuksan ko yung zipper ng tent namin and namangha ako sa nakita. Ang ganda. Tama lang yung gising namin. I woke thea up.
"Hmm?" She groggily respond
"Mahal kong baby, wake up. Andyan na si mahal na araw" I told her
Dahan dahan naman siyang bumangon na nakapikit pa sabay hikab. Cute
Wala po palang nangyari samin kagabi. Pano ba naman kasi yung lola niyo habang kinikiss ako biglang natulog. Sobrang pagod siguro kaya ganun.
At kahit naman di siya nakatulog di rin naman ako papayag na may mangyari samin like hello? May ibang tao kaming kasama mamaya marinig pa nila yung ingay namin eh. Kakahiya kaya yun.
"Babylove labas ka na diyan" utos ko sa kanya nung makalabas na ako ng tent
Lumabas naman siya agad habang sinusuot yung jacket niya.
"Wow" she said the moment she step out of the tent "ang ganda love"
Napatingin ako sa kanya "Sobra"
Nagpakuha kami ng picture sa mga kasama namin tapus nag-group picture din kami kasama sila pang remembrance lang.
After namin magbreakfast ay nagligpit na kami ng aming gamit dahil bababa na kami ng bundok.
Ilang oras ulit kami naglakad. Kasalukuyan akong nakikipag-usap sa isa naming kasama habang si thea naman nasa likod ko lang kasama yung iba.
Palingon-lingon ako sa kanya. Chinicheck kung okay lang ba siya.
Nakikita ko naman na okay siya. Nahuli pa niya ako na lumingon sa kanya kaya naman binigyan niya ako ng isang malaking ngiti. Nginitian ko lang din siya.
Malapit na kaming makarating sa station na pinagmulan namin kahapon.
"Hey" tawag pansin ko kay thea na kanina pa tahimik
"Hi" she weakly smile at me
Napakunot naman ang noo ko "okay lang ba ang mahal kong baby?" malambing kong tanong sa kanya pero tumango lang siya
Bigla naman ako nag-alala sa kanya.
"Don't worry malapit na tayo, okay" I told her and for the second time tumango lang siya ulit
Napansin ko naman na sinusubukan niyang iopen yung water bottle niya pero gaya ng dati di niya mabuksan kaya kinuha ko yun at binuksan saka inabot sa kanya. Agad naman niyang ininom yung laman nun.
"Love, tired" she mumbled pero narinig ko yun.
"Tara magpahinga muna tayo" sabi ko sa kanya na agad naman niya tinanggihan.
Inilipat ko yung bag ko sa harapan saka ako lumuhod
"C'mon, piggyback kita"
"No" tanggi naman niya
"Anong no? Napapagod ka diba? Ayaw mo naman magpahinga muna kaya dali na" utos ko sa kanya
"Mapapagod ka"
"Baby, I don't care. Wag mo akong isipin. Dali na kasi"
Wala na siyang nagawa at sumakay nalang siya sa likod ko
Grabe ang bigat niya.
"Krystal, okay lang ba kayo? Anong nangyari kay thea?" Tanong ni kuya edmund at nung iba
"Napagod po siya at di po siya pwedeng mapagod"
"Gusto mo ako na magbuhat sa kanya?"
"Okay lang po ako na. Kaya ko naman po eh" sabi ko "pakitanggal na lang po ng bag niya sa likod"
Pinatanggal ko kay kuya edmund yung dalang bag ni thea at kinuha niya din yung sakin.
Nakikita ko na yung station
"We're almost there baby" I mumbled to thea
I can hear her heavy breathing.
Konting lakad pa makakarating na kami.
"I...I love...y-you" she whisper to my ears
It tickles me "I know"
"Love?" tawag niya sakin sa nanghihinang boses
"Hmm?"
"I...I c-can't b-bre..."
"Baby? Babylove? Love? Thea?" Tawag ko sa kanya habang niyuyugyog yung balikat ko kung saan nakapatong yung ulo niya pero di talaga siya nagalaw kaya naman humingi na ako ng tulong
"Help! Help! Help!"
"Krystal, wake up!"
"Krystal, gising!"
Napabalikwas ako ng bangon. Hingal na hingal at puno ng luha ang mukha.
Napanaginipan ko yung nangyari.
I look around me and nagtataka yung mga mukha nila na nakatingin sakin. Napadpad naman yung tingin ko sa babaeng nakahiga.
"Thea..." I said in a breathless voice. At dun na ako napahagulhol ng iyak.
Kasalanan ko to! Kasalanan ko kung bakit nandito ngayon sa ospital si thea.
It's all my fault!