Chereads / When a heart skips a beat / Chapter 34 - Chapter 33

Chapter 34 - Chapter 33

Maraming students ngayon ang nakatambay sa bleachers dito sa field.

Meron din nagpapraktis ng cheering at may mga naglalaro din ng basketball saka football

Nandito ako ngayon sa field dahil may usapan kami, I mean si babylove at krystal na magkita.

Yes magpapakilala na si babylove. Aaminin ko na din sa kanya yung feelings ko. Grabe yung nerbyos ko ngayon.

Di ko lang alam kung magagawa ko ba ang kelangan kong gawin mamaya. Basta bahala na.

"Thea" kahit di ako lumingon sa kanya kilala ko kung sino siya. Oh my God! Andito na siya.

"Hey!" Bati ko sa kanya

"What are you doing here?" tanong niya "di ka pa ba uuwi?" then she sat right next to me

"Ahmm...nag...nagpapahangin lang" right thea! Way to sabotage your own plan. "Ikaw? Ano ginagawa mo dito?"

I mentally slapped myself for asking that.

Seriously thea? What are you doing? Akala ko ba aamin ka na tapus ano duduwag duwag ka na naman ngayon?

Malamang kung andito si ally kanina pa ako kinutusan nun.

"Remember babylove?" How can I forget babylove eh ako yun "he wants to reveal himself kaya ako nandito ngayon"

Parang sigurado siya na he si babylove ah.

She keeps on checking her wrist watch.

"He's supposed to be here by now"

Oh God "I have to go" Ugh! I hate myself "bye!" I said quickly. Di ko na siya hinintay na magsalita pa at umalis na

As I walked away, I can't stop mumbling words to myself like how stupid I am to walked away from her. Ako na talaga pinakastupid sa balat ng lupa. Ugh!

Di pa man ako nakakalayo ay narinig ko naman na may tinawag si krystal na nagpatigil sa akin.

"babylove!"

Napatingin ako sa unahan kung may tao ba pero wala. Napalingon ako sa likod ko wala din. Ngayon nakaharap na ako sa kanya.

"Ano iiwan mo ko dito?"

Wait, panong...I don't understand

"B-babylove?" I stuttered while saying that

"Don't try to deny it. I know"

She knows? But how?

Oh boy

Krystal's POV

"Any update?"

I'm with ally right now. Nandito kami ngayon sa clinic. We decided to eat our lunch here. We have to talk about thea and di kami makakapag-usap kung dun kami sa cafeteria kakain lalo na pag kasama namin yung pag-uusapan namin.

"No update" sagot ko

She exhaled "alam niyo ang babagal niyong dalawa. Mas mabagal pa kayo sa internet" sabi niya sabay kamot sa kanyang ulo

"Di ako mabagal no. Actually, I almost confessed to her" pag-amin ko

Napaayos naman siya ng upo "almost? What do you mean?"

"I went out kasi last saturday kasama mga kapatid ko and I found thea dun sa fastfood na kinainan namin" kwento ko

"Oh tapus?"

"Sumama siya sa amin sa park after since gusto rin ng mga kapatid ko na makasama pa siya"

"Wow! So di ka na pala mahihirapan if ever girl. Gusto na pala ng mga kapatid mo si thea eh" napahagikhik siya ng tawa

I rolled my eyes on her "talagang gusto lalo na si benjamin"

Nagtatakang tiningnan ako ni ally "crush kasi niya si thea" sumbong ko "nagpabigay pa nga ng chocolates kay thea eh"

"Oi, di mo pa nga naaamin yung feelings mo kay thea mukhang may kaagaw kana sa kanya ah. Kapatid mo pa!" Tawa na naman siya

"Pwede ba? Di ko kaagaw yung kapatid ko sa kanya bata pa yun" depensa ko "tsaka isa pa...may mahal na si thea" naalala ko na naman yung ikinwento niya last saturday habang kumakain kami about sa crush niya na love niya na ngayon.

"Talaga? May mahal na si thea?" I just nod my head at her "sino naman yun?" I shrugged my shoulders

"I don't know. Di naman niya sinabi eh"

"Eh asan na yung almost confession na sinasabi mo?" tanong ni ally

"Yun na nga. Noong nasa park kami naiwan kaming dalawa since bumili yung tatlo ng ice cream. Aamin na sana ako kaso dumating si sam kaya di natuloy" kwento ko

"Epal naman yang kapatid mo" pabirong sabi ni ally

"Epal talaga" na sinang-ayonan ko naman

Nakakainis kasi. Kung di lang sana siya dumating di sana naamin ko na diba?

'Ang arte mo din kasi eh. Sasabihin mo na nga lang andami mo pang eche bureche' yan na naman si oself. Hayss kahit kailan talaga.

"Since di natuloy yung confession mo sana, kelan mo itutuloy?" Tanong ni ally

Balak kong sabihin mamaya sa kanya after ng class namin. Magkaklase kami sa last period kaya sa tingin ko tamang tiyempo yun para ituloy yung naudlot kong pag-amin.

And last period ko na nga. Kanina ko pa siya di nakikita simula nung lunch break.

I admit, namiss kong makita yung pagmumukha ng babaeng yun hehe

I'm on my way na sa classroom namin. For sure andun na yun dun.

Papasok na sana ako sa room namin ng mapansin ko si thea na may nilagay sa desk ko.

Nagtago ako sa gilid para di niya ako makita saka sinilip siya sa loob. Nang makaalis na siya sa desk ko saka nagtungo sa desk niya para umupo ay nagpasya akong pumasok na din sa loob.

Kunwari kakarating ko lang at di ko nakita yung ginawa niya.

Agad akong nagtungo sa desk ko. I can feel her staring at me through my peripheral vision but I just ignore her instead nakatingin ako dun sa sticky notes na nasa desk ko.

Dahan-dahan akong napaupo habang kinukuha ang sticky notes na yun.

Can we meet after your class? I want to reveal myself. I'll wait for you. Field. Last bleacher.

- babylove

Does this mean that thea is the one sending me this notes for almost a month? Thea is babylove?

Wait? I thought may mahal na siya? So why sending me cheesy notes?

Wala sa sarili akong napatingin sa direksyon niya

"Babylove..." I mumbled to myself.

——

"You saw me?" I nodded my head as a yes

Kinwento ko kasi sa kanya kung pano ko nalaman na siya si babylove.

"So it's really you?" I asked her just to confirm that she's really babylove, the one who keeps on putting sticky notes on my desk.

She sighed "I'm sorry"

What? Why she's sorry? "For what?"

"I don't know" she looked at me "I'm just sorry" then looked at the ground

Bumaba ako sa bleacher para lapitan siya

"So ganun na lang yun? Iiwan mo ko dito?"

She's about to say something pero naunahan ko na siya "pano na lang pala kung di ko alam na ikaw si babylove? Eh di naghintay ako dito sa wala"

Medyo nainis ako sa kanya. Balak ba niya talaga na umalis at iwan ako? Pano na lang talaga kung di ko alam na siya si babylove. Edi nagmukha sana akong tanga dito kakahintay.

Mabuti na lang talaga nahuli ko siya kanina at nalaman ko na siya si babylove.

"I'm sorry" ulit niya. Bakit ba siya nagsosorry?

"Sorry for what?" Tanong ko sa kanya ulit. I need to know kung bakit siya nagsosorry.

"I'm sorry for having feelings towards you" she reasoned out while nakayuko "I would understand if you don't want to be friends with me anymore"

Is she serious?

"Who told you I want to be friends with you after kong malaman na may feelings ka sakin" okay lang ba siya? Di ba niya alam na gusto ko siyang maging akin? Duh!

'Obviously, di niya alam'

Right.

"Please, don't apologise just because you have feelings for me" I told her

She looked at the ground again "I know"

"Thea—-"

"No, it's okay. I understand" she gave me a weak smile "I...I have to go"

What? No! She can't leave me.

She's about to walk already when I blurted out those three words

"I like you" okay not the three words that you're expecting but still it's three words

She stopped.

"I don't want to be friends with you anymore cause I want more than that" Medyo gumaan ang pakiramdam ko nung sinabi ko yun.

I slowly walked towards her saka hinawakan ang braso niya. I want her to face me kaya pinaikot ko siya while still holding her right arm.

Di ko alam kung ano iniisip niya but I can tell na naguguluhan siya.

"You heard me...I like you thea" sabi ko ulit "actually, I think I'm inlove" I said that while looking right through her beautiful chocolate brown eyes. "Does this mean I have to say sorry too?" Nakatingin lang ako sa mga mata niya at ganun din siya "I'm sorry thea, I can't help myself from falling in love with you"

She didn't say anything. She just looked at me

"Please say something" hawak ko ngayon ang mga kamay niya

She looked down on our hands "I don't know what to say" she looked up to me after

I smiled at her "I know may mahal ka ng iba...but can you atleast give me a chance?" I can't believe what I'm asking to her. A chance? Wow. Never have I ever imagined that I'm going to ask for a chance to someone.

This is clearly not me

"No need to ask for that" sabi niya na ikinaba ng dibdib ko.

Ang bilis ng tibok. Ano naman ibig niyang sabihin dun.

"Before anything else, I just want you to know na I don't accept rejection" I reminded her

Ayokong ireject niya ako pero pano kung ireject nga niya ako? What should I do? I don't think I can handle that.

"Who told you I'm going to reject you?" She mocked me by asking me in the same way I asked her earlier

"Look, what I'm saying is....

...I like you too krystal"