Araw ng Sabado. Maagang naggayak si Arianne para magpunta sa palengke at mamili ng mga kakailanganin niya sa apartment. Tumawag ang kaibigan niyang si Nicole na dadaanan nalang siya nito dito at ihahatid nalang sa pupuntahan niya. Mabuti nalang at napakabait ng kaibigan niyang iyo kahit na minsan ay tumapakin, pero alam na kasi nito ang ugali niya.
"I will be there in a few minutes". Narinig niyang turan ng kaibigan ng magring ang kanyang cellphone.
"Okay!". yun nalang ang tanging nasambit ng dalaga at ibinaba agad.
Maya maya pa ay narinig na niya ang bosena ng sasakyan. Agad na siyang nagtungo sa elevator patungo sa ground floor. Nasa ikalawang palapag lang naman siya umuupa kaya hindi naman masyadong mahirap sa kanya ang bumaba lagi. Pagkadating sa labas ay agad niyang nakita si Nicole na naka formal attire ito. Baka may dadaluhan na naman conference.
"Tara na!". mabilis na sabi nito sa kanya at pumunta sa kabilang pintuan.
"Kumusta naman ang trabaho mo Rian?2 Tanong ng kaibigan pagkatapos ay binalingan ang side niya pero agad ding tinutok ang panginin sa pagmamaneho.
"Okay lang Nicks, kaya lang medyo may hindi magandang nangyari kahapon." Paliwanag niya sa kaibigan. Nakita niya agad ang pag-aalala sa mukha nito.
"Bakit? Anong nangyari? May nanakit ba sayo?" Sunod sunod na tanong nito sa kanya.
"Relax ka lang, hindi naman grabe at walang nanakit sakin. Ako lang naman ang nanakit sa sarili ko dahil sa katangahan ko kahapon." Turan niya dito.
At kinuwento na niya kung ano ang nangyari kahapon para narin hindi ito mag alala sa kanya. Kahit alam niya na okay lang siya, hindi parin maiwasan na hindi ito mag alala sa kanya. Parang kapatid na nga ang turing niya dito. Minsan pa nga sinasabihan siya nito na lumipat nalang sa bahay niya dahil siya lang naman ang mag isa doon pero tumanggi siya. At ipinaliwanag naman niya ang rason niya at saka lang ito huminto sa pangungulit sa kanya.
Pagkahatid ay nagtungo agad si Arianne sa meat section. bumili siya ng isang kilong manok, isang kilong baboy, mga gulay. Katapos ay nagtungo naman siya sa mga gulayan, then ang last ay sa mga canned section. Minsan kailanagan din niya ang mga dilata kapag nagagahol na siya sa oras para kumain at ang ginagawang ulam nalang ay ang mga dilata. Minsan naman nag nonoodles nalang din siya kapag pagaod na galing trabaho.
Kumuha siya ng mga kakailanganin niya doon. At ng matapos ay tatalikod na sana siya papunta sa counter ng mabangga siya sa isang matigas na bagay. Pag angat niya ng mukha ay nagulat siya dahil nakatayo na pala doon ang kanilang bagong boss.
"Good day S..i..r!" medyo nagulat na bati niya sa kanyang boss.
"Why did you not go home early?" Imbis na sagutin ang tanong niya ay tanong mismo ang isinagot sa kanya.
Tela naman nag apuhap pa ng sasabihin si Arianne.
"Ahh.hmmm...kaya ko naman po Sir!". pagsisinungaling niya pero talagang nahirapan siya sa pagtatrabhao kahapon. pilit lang ang ginagawa niya dahil ayaw niyang magkaroon ng maling record sa kompanya.
"Okay". yun lang ang sinabi nito at agad kong narinig ang boses babae na tumawag sa kanya.
"See you around". Maya maya ay turan ng binata at agad na tinalikuran para puntahan ang babae.
Napaka seksi nit sa suot na tube blous e and mini skirt. Nakita pa niya ang paghalik ng babae sa kanyang amo at lumingkis pa ang mga kamay nito sa mga braso ng binata. May something na kirot na kumudlit sa kanyang kaiburutan habang tinitingnan ang dalawang pigurang papalayo.
Binayaran na niya lahat ang kanyang pinamili at mabilis na umalis sa lugar na iyon. Habang lulan ng taxi na napapaisip siya sa dalawa. Mag asawa na kaya sila? Or engage na ba sila? Yan ang mga katanungang lumalabas sa utak ng dalaga. Hindi niya mawari pero nakaramdam siya ng panghihinayang sa isiping iyon. Ang swerte naman ng babae siguro sa kanyang amo. I think mahal na mahal siya nito. Napailing nalang si Arianne sa ideyang iyon.
*******
"Rian! Nabasa mo naba ang memo na nakapaskil doon sa bulletin?" Bungad na tanong agad ni bakla sa kanya pagpasok kina lunesan.
"Ano daw ang nalagay doon?" Nagtatakang turan niya sa kasamahang si John/Jane.
"Girl! magkakaroon lang naman po tayo ng company outing sa makalawa! And take note 3 days tayong mag stay doon sa resort na pag aari yata ng kaibigan ng boss natin!". Malanding saad pa ng kaibigang si Olive.
"Ah ganonba?".tanging nasagot nalang niya dito.
"Yes dai!". sigunda ng baklitang si John.
"Pwede ba kayang hindi sumama? Alam niyo nman kasi na hindi ako sumasama sa mga ganito diba? Tsaka marami kasing akong paggagastusan eh!". Suhestiyon niya sa mga kasamahan na excited sa gaganapin company outing.
"Hala ka gurl! Wala daw pwede mag absent dahil yun ang utos ni big boss. Kung may umabsent daw ay walang matatangggap na extra annual salary. Yun daw ang kabilin bilinan ng big boss natin!". Mahabang paliwanag ng baklita parin,
"Tama!" Sang ayon pa ng dalawa.
"Tsaka Rian ang balita ko ay wala daw tayong poproblemahin sa gasto dahil lahat libre. Ika nga ang dadalhin lang talaga natin is of course yung mga personal na gamit natin ano?" Excited pang turan ng baklang si John.
"Ang dinig ko pa nga dyan sa labas kanina, eh sa kaibigan ni boss daw ang resort na pag stay han natin for 3 days. Isang tawag nga lang daw ni boss doon eh settled na agad. Balita niyo ganoon kalakas si boss, oh diba?" ani Anne sa kanila.
"Kaya wag ka ng mag alala pa Rian, mas maganda nga din para kahit minsan eh maglibang ka naman hindi yung puro trabaho ang inaatupag mo. Kaya hindi ka nagkakaboyfriend eh!" Si Olive na matanda sa kanila.
"Alam niyo Guys! dinig ko din dyan sa labas na kasama daw sa outing ang fiance ni boss. So kung ganon ay makikita natin siya doon!". Si Anne na nakaupo sa kanyang upuan...habang kumakain ng biscuit.
"Arranged marriage lang din daw yan balita ko, alam niyo na para sa negosyo!". Si Olive ulit.
Hindi nalang nagkomento si Arianne sa mga narinig. So totoo pala na enagage na ang boss sa magandang babaeng yun. Bigla siyang nawalan nanghinayang sa nalaman. Tumalikod na siya at nagpunta sa kaniyang pwesto. Hindi parin mawaglit sa kanyang isip ang nalaman tungkol sa bagong boss. Ewan niya sa sarili niya pero naghahangad siya na sana siya nalang ang babaeng yon. Pero alam niya na imposibling mapansin siya ng kanyang bagong boss at isipin pa niya na ikakasal na ito sa iba.
Alam ni Arianne sa sarili niya na hindi ang katulad niya ang mamahalin ng kanyang boss. Kundi ang mas bagay nito ay yong mga nasa alta sosyidad o mga ka level niya. Sa puso ni Arianne ay may namumuo na siyang pagmamahal para sa binatang boss. Pero kailangan niyang pigilan ito dahil masasaktan lang siya sa huli. Tama na ang araw araw niya itong nakikita at nasusulyapan ng palihim sapat na sa kanya iyon. Mahirap mang pigilin para sa kanya ang umuusbong na pagmamahal para sa binatang amo ay kakailanganin niyang pigilan ito.
________________________________________________