Chereads / I Hate to Admit "But I Love You" / Chapter 4 - Chapter 4

Chapter 4 - Chapter 4

Sunrise Beach Resort....

Pagkababa sa sinasakyang company bus ay dali daling nagsibabaan na ang mga kasamahan sa trabaho. Nakakamangha ang resort na ito. 

Ang Sunrise Beach resort ay nakaharap sa Tagaytay. Andito na lahat ang kailangan mo kapag pumunta ka dito-elegant rooms and suites, first-class dining and facilities for business, relaxation and recreation. May  tour desk, convenience store, kids' club, and seven pools — including child and adult spaces. Ang Sallah Hotspring ay half an hour drive from here. 

Ang award-winning spa nila creates relaxing, immersive experiences with luminous results. Their body rituals include a mineral stone therapy massage, Fijian massages, and detox treatments. You can choose to relax in private in one of their seven treatment rooms, or experience a massage, manicure, or facial at their unique poolside pavilion.

Nalulula sila sa private beach resort na ito. Imagine mo  nalang kung gaano kayaman ang may ari nito na nakapagpatayo ng ganito ka eleganteng Beach Resort sa Pilipinas. Agad agad silang nagtungo sa kani-kanilang mga rooms. Sa bawat room ay 2 silang magkasama sa. Si Anne naman ang kasama ni Arianne sa room samantala si John/Jane ay nakipag usap na sila nalang ni Olive ang magkasama sa room at wala namang problema kasi baklita naman yun.Agad niyang inayos ang kanyang mga gamit ng makarating sa kanilang kwarto.

"Tara na ate Rian! nagtaext na sila John at ate Olive na andoon na daw sila cafe!". Saad ni Anne maya maya.

"Oh sige saglit at papalitan ko lang ng shorts ang pantalon ko". Pumasok agad siya sa banyo at nagpalit ng kulay cream na bulaklakin na summer dress. Hanggang taas ng tuhod lang ang haba nito. Kahit medyo maiksi para sa kanya ay hindi naman masagwang tingnan.

Mas lalong naging litaw ang kaputian at liit ng bewang ni Arianne sa simpleng damit na suot niya. Hindi siya sanay na nakikita halos lahat na ng kanyang katawan. Pagkalabas sa kanilang room ay marami ang napapatingin sa kanya kahit yung mga staff doon. Agad agad naman silang nakarating ni Anne sa cafe na sinasabi, pakapasok agad nila sa bukana ng cafe ay mapapansing mong lahat nalang yata ay mapapagawi sa kanila.

"Rian! Anne! dito tayo!"...Si John sabay kaway sa kanyang kanay.

"Tara order na tayo!". Si Olive habang inooffer ang dalawang bakanteng upuan sa dalawa.

Naupo agad sila sa bakanteng upuan na inuukopa nila Olive at John. Agad nag order ng pagkain si John at Olive para sa kanila. Maya maya pa ay dumating narin ang mga inorder nila. Masaya silang nagkwentuhan habang kumakain. 

Hindi nauubusan ng mga jokes si John kapag mga ganitong nagkakasayahan. Kahit na sabihing bakla ito ay aware parin naman ito sa mga sasabihin ng mga tao. Siya lang yata ang bakla na hindi nagdadamit ng pambabae. Kung ano ang damit ng mga lalaki ay ganon din naman siya. Kung naging lalaki lang talaga ito as in na lalaking lalaki talaga ay hindi malabong magkagusto siya dito. Kaso ang gusto din kasi nito ay lalaki din eh. Kaya hindi talaga sila talo. Kung tutuusin gwapo at matangkad si John kaya nga marami ang nanghinayang dito dahil naging bakla. Kung naging straight lang talaga ito ay marami ang luluwa ang mga mata din dito. Kaya lang haayyy!!!

Isang oras din ang tinagal nila doon sa cafe na yon bago nagpasyang maglakad lakad sa dalampasigan. Habang naglalakad ay hindi maiwasan ng tatlo na ma engganyong lumangoy. Okay lang naman dahil hindi naman gaanong matao sa gawi nila. Si Arianne ay hindi sumama sa kanila dahil hindi siya marunong lumangoy. Nagkasya nalang siya sa panunuod sa mga itong nagtatampisaw sa dagat.  Habang nakaupo at nagsusulat si Arianne sa buhangin ay napadako ang tingin niya sa dalawang tao na naglalakad sa kabilang banda. Ang boss niya at ito na siguro ang babaeng mapapangasawa niya soon.

*******

Kinagabihan ay nagkaroon  sila ng pool party.  Lahat ng nandoon ay masaya at nakasuot sila ng kani-kanilang mga seksing two piece swimsuit. Si Arianne ay nakasuot ng kulay blue na bulaklakin na two piece. Si Olive ay kulay orange sa kanya, samantalang si Anne ay naka kulay dilaw na swimsuit. Si John naman ay naka bulaklakin na summer short shorts na tenernohan niya ng puting sando with matching sarong. 

Sabay sabay silang nagpunta kung saan nagkakasayahan sa napakalaking pool na iyon. Lahat sila ay siguradong balak maligo, of course maliban lang siguro sa kanya. Gustuhin man niya ay hindi siya pwede kasi sa lahat nagsisi siya kung bakit ni hindi manlang siya marunong lumangoy. 

"Tara na Rian! langoy na tayo! ". Aya sa kanya nina Olive, Anne at John.

"Sige kayo nalang, manunuod nalang ako dito sa inyo. Hindi kasi ako marunong lumangoy eh." Nahihiyang turan sa mga ito.

" Walang problema, dito ka lang naman sa gilid ng pool para may makapitan ka kung sakali!". Hindi parin paaawat na aya sa kanya ni John.

"Sige lang mamaya nalang!". Sagot ulit ni Arianne sa mga ito.

"Halika na Anne, Olive...talon na tayo nakaka inggit na yung iba oh!!!" Nagpout pang sabi ni John.

"Ikaw talagang bakla ka, saglit nga lang ano kaba! Excited lang masyado teng?" Banat ni Anne kay John.

"Alam mo naman na matagal na yan hindi nakakakita ng men's body kaya hayaan mo na Anne!". Si Olive.

"So paano Rian! langoy muna kami huh? Sigurado kaba na okay kalang dito?" Tanong ulit ni Olive sa kanya.

"Oo ayos lang ako, papanuorin ko nalang kayo dito. Sige na puntahan mo na yung dalawang yon. Alam kong atat na yun sila lumangoy.!" Pagbibigay assurance ni Rian kay Olive.

Matagal din niyang pinapanuod ang mga tao na nag eenjoy sa paroo't parito sa paglangoy. Nang medyo na boring siya ay naglakad lakad lang muna siya doon sa mya hardin na malapit sa pool. Medyo tago iyon kasi maraming mga halaman. Saglit siyang nag stay doon. Maya maya ay nakaramdam si Arianne ng lamig. Wala pa naman siyang dalang sarong. Niyakap niya ang sarili gamit ang kanyang mga kamay, at naupo sa bakanteng upuan doon.

"Why are you here alone?" Anang baritonong boses. Nang lingonin niya ay ang kanilang big boss pala.

"Ah eh...nagpapahangin lang po Sir!" Agad niyang sagot. Nagpasalamat siya ta hindi siya masyadong nauutal sa pagsagot dito. Pagkatapos ay nagpakawala siya ng isang buntong hininga.

"And what's with the sigh?". Tanong nito na nakita pala ang pagbuntong hininga niya.

"Ahhmmm....nakakainggit lang po kasi ang mga kasamahan kong masasayang nagsissipaglangoy na doon sa pool!" Sambit niya sa among hindi manlang niya tiningnan. 

"And why did you envied them? You go and have fun as well!" Sagot nito sa kanya at naramdaman nalang niya na nakalapit na pala ito sa kanya.

"Ah eh hindi po ako marunong lumangoy Sir kaya diti nalang po ako nagpunta kasi mas lalo lang akong maiinggit kapag andoon sila nagkakasayahan samantalang ako di man lang marunong lumangoy. Okay narin naman hong dito nalang....sariwa ang hangin sarap sa pakiaramdam." Paliwanag niya dito.

Hindi ito kumibo habang nanatiling nakatayo malapit sa kanya. Matagal silang nasa katahimikan ng makarinig sila ng mga yabag na papalapit. 

"There you are! I have been looking for you all over, hindi kita makita. Andito ka lang pala!" Sabi ng babae. Ito yung nakita niya dati sa market na kasama din ng binata. Malamang ito ang pakakasalan niya.

"Don't stay too long!" You need to get back to your friends! Otherwise they will be looking for you!" Yun lang at agad na umalis ito kasama ang babae. Nakakapit ang mga kamay ng babae sa braso ng binata.

Hinatid pa niya ng tingin ang mga papalayong pigura ng dalawa. Isang oras pa siyang nag stay doon bago pinasyang bumalik sa pool kung saan nandoon ang mga kasamahan niya na masayang lumalangoy. Maya maya pa ay nagsipag ahunan na ang mga ito dahil kukuha ng mga makakain and drinks.

"Halika na Rian! kuhana tayo doon ng drinks!" Aya sa kanya ni Anne...sumunod sila Joh n at Olive.

Dumeritso agad ang tatlo sa area kung nasaan ang mga pagkain. Sumunod nalang siya sa mga ito ilang saglit lang. Pagkakuha ng mga pagkain at drinks ay kanya kanyang pwesto ang mga ito. Drinks lang muna ang kinuha ni Arianne dahil hindi pa naman siya gutom. Mamaya nalang siya kukuha kapag nakaramdam siya ng gutom.

Pagkakuha niya ng drinks ay dederetso na siya kung saan nakapwesto ang kanyang mga kaibigan. Dumaan siya sa gilid ng pool dahil madaming tao ang nasa daraanan niya. Dahan dahan siyang naglakad habang hawak hawak ang drinks na nasa kanang kamay niya.  Sa hindi inaasahang pagkakataon habang nasa kalagitnaan na siya sa gilid ng pool ay may nakasagi sa kanya dahilan para mawalan siya ng balanse. At dahil sa gulat niya ay hindi niya napaghandaan yun. 

"Oh my God!!!!!!" Sabay sabay na singhat ng mga tao ng tumilapon ang kanyang drinks sa pool mismo kasama ng kanyang katawan. 

Naramdaman nalang niya Arianne ang unti unting paglubog ng kanyang katawan sa tubig. At dahil sa may kalaliman ang tubig at hindi nga siya marunong lumangoy ay derederestong lumubog ang katawan niya. Nakainom agad siya ng maraming tubig. Dahil doon ay unti unting nanlabo na ang kanyang mga mata. Pero bago paman pumikit ang kanyang mga mata  at tuluyang lumubog ay may isang bagay ang biglang lumusong sa tubig. Hanggang sa tuluyan ng nagdilim ang kanyang oaningin.

Samantala, ay wsala ni isa man sa mga tao na nadoon ang agad nakakilos dahil sa pagkabigla. Tanging mga singhap lang ang maririnig mo sa kanila malibang sa isang taong lumusong sa tubig pagkarinig niya sa mga nagkakagulo sa gilid ng pool.

___________________________________________