Excited na gumising si Bliss dahil ito yong unang araw ng trabaho nila ni Jam sa Del Monte Corporation. Isa sa mga malalaking kompanya ang Del Monte Corporation hindi lang sa bansa pati na sa ibat-ibang lugar ng Asia. Hindi nya dapat sasayangin ang pagkakataon na yon dahil malaking tulong na ito sa kanila.
Pakanta-kanta pa sya ng kanta ni Moira ng paubaya habang naliligo. Hindi naman sya heart broken pero feel nya ang kumanta.Walang pagsisidlan ng kagalakan ang kanyang sarili.
She was wearing the white tops and black coat paired with a black skirt above the knee. Sinipat nya ang sarili nya muna ang sarili sa salamin.
"ang ganda ko na." papuri nya sa sarili saka pangiti-ngiti pa. Lumabas sya sa silid nya at natagpuan nya yong ina sa kusina na naghahain ng kanilang breakfAst
"Good morning, mother dear." magiliw nyang bati sa ina
"Good morning, anak. kain ka na. saka pinaghanda na rin kita ng baon oh.Huwag magpalipas ng kain ha." paalala naman ng ina sa kanya
"Ma, hindi mo na kailangan ihanda yan. Ako na sana bahala dyan. Huwag ka magpapagod eeeh." sabi nya sa ina. Kahit may kaedaran na ang ina ngunit makita pa rin ang kagandahan nito. maputi, matangos ang ilong, bilugan ang kulay na abong mata, medyo kulot ang nakalungay nitong buhok.Di mo mababakas na nasa early 40's na ito.
"Don't worry anak. Malakas pa naman ako eeeh." sagot ng ina
"Mama naman eeeh. Basta huwag din kalimutan uminom ng gamot." paalala nya rin sa ina
"Oo na. kain na baka ma late ka pa."
Simpleng agahan lang nakahanda sa lamesa. Fried rice and saka hotdog. Kuntento sya sa buhay kasama ang ina. Masaya naman kahit wala na syang kinagisnan na ama.
"Good morning, tita. Hoy, Amarie Bliss, bilisan mo dyan." bungad ni Jam sa kanya.
"Good morning din Jam."
"Oo na.Ikaw high blood ka na naman Jam. " komento nya sa kaibigan but Jam rolled her eyes to her na ikinatawa nya na lang.
"Ma alis na kami. Yong gamit mo ha." paalam nya
"Tita alis na kami."
"Sige, ingat kaya."
Sumakay sila ng Jeep patungo Del Monte Corporation. Isa ito sa mga sikat na food Company not just here in the Philippines but also sa ibang bansa.
"Good morning, manong Guard. Start your day with a smile.Huwag tumulad sa katabi ko kay aga nakasimangot." bati nya sa Security Guard sa entrance ng Building and she smiles genuinely that can touch one's heart.
"Good morning, manong." bati rin ni Jam
"Good morning, din sa inyo. " the security guard replied.
Pumasok ang dalawang dalaga sa loob ng building. Sa Finance Department dumiretso si Jam habang sya ng ay sa office ng secretary. Mag resign na kasi yong Secretary ni Light dahil maninirahan na ito sa ibang bansa.
Pag pasok niya sa loob ng office nandoon na si Mrs. Manahan. E orient muna sya nito kung ano dapat gawin.
"Good morning, Maam," she said enthusiastically.
"Good morning, Ms. Salvador. I'll stay here for 3 days only to orient and guide what you are going to do." Mrs.Manahan replied
"Okay, po."
"Let's start. Arrange this folder Chronologically from old to present. Make sure that it will not interchange. As the secretary of CEO, you need to be alert and fast." paala ni Mrs. Manahan sa kanya
"Yes, po. I will. Thank you."
"Good. I know you are efficient."
First day of work palang nabugbog na sya sa trabaho. She realized that it is not easy but life must go on. Wala namang madali na trabaho. Everything is difficult but it is up to you how you deal with it. In her case, she learns to love it for herself and her mother.