Papara na sana ng taxi si Bliss ng may biglang humablot sa kanya at pinasakay sa Van. sobranf Lakas ang kaba nya. Hindi nya kilala ang mga ito.
"Sino kayo?Anong kailangan nyo?" tanong nya. Dalawa lang naman ang tAo sa loob ng van. Yong lalaking Pula ang buhok at Blue na buhok. Di nya kilala ang mga ito at di nya mamukhaan kasi naka shades ang mga ito.
"Ano ba ang kailangan nyo? Kung kinidnap nyo for ransom wala kayong mapapala sa akin." patuloy nya pero di pa rin nakinig ang mga ito. Nabubwiset na sya.
"Pagbebentahin nyo ba ako ng drugs? Kahit kailangan ko ng pera ngayon di ko gagawin yan. Magagalit, Mama ko. Kahit nasa hospital yon pag magising yon pagagalitan ako non. Kaya ihinto nyo na to. Kailangan ako ng Mama ko. Maawa kaayo." sabi nya at unti-unting tumulo ang kanyang luha.
"Don't worry, Ms. Beautiful, we will not do anything on you." sabi ng lalaki na blue ang buhok. What the? Bakit napaka manly ng boses nya? And sosyal ang English ha, British accent pa.
"Eh, bakit nyo ako sinakay dito?" tanong nya
"Someone wants to talk with you." sabi ni pula ang buhok. Aba, di rin pahuhuli ang boses nito. Halata namang mga gwapo. Di kasi naman nakita ang mga mukha nito masyado kanina.
"At sino naman yan? Kailangan talaga kidnapin? Sasama naman ako. Duh." sabi nya. "Wala akong panahon makipaglaro ngayon kasi kailangan ako ng Mama ko. Kung wala kayong pake. ako meron kaya ibalik nyo ako. " putak nya sa mga ito. Hindi na nagsasalita ang dalawang lalaki pa.
Pumasok sila sa isang subdivision na halos ang lalaki ng mga bahay at nag elegante pa. Nasisigurado nyang hindi lang ito basta basta na subdivision. Pumasok sila sa napakalaking gate at namangha sya sa laki ng bahay kahit sa labas lang . Sobrang ganda nito kahit sa labas pa ng bakuran. Di nya mapigilan mapamangha.
Lumabas ang dalawang lalaki sa van at pinagbuksan sya sa naka pulang buhok.Napanganga sya dahil sobrang gwapo ng binata.
" I know I am handsome. Huwag ka ngumanga." sabi nito
"Hangin mo. Di ka gwapo no.Mas gwapo pa yong boss ko sayo." sabi nya sabay irap." Saan ba tayo? At bakit nyo ako dinala dito ha? Gagawin ba akong katulong? " sabi nya
"Just follow us." sabi ng lalaking naka blue ang buhok
"Follow us ka dyan. Sapakin kaya kita." sabi nya but wala na syang magagawa kundi sumunod.
Kung gaano man kaganda sa labas mas maganda pa rin ang loob ng bahay. Mamahaling gamit at eleganteng gamit ang naka display. May naglalakihang painting ding nakasabit sa wall na nabagay din sa interior ng bahay. Umakyat sila patungong 3rd floor.
Pinihit ng isang binata ang isa sa mga pintoan doon.
"Hey, bro.She's here." sabi ng dalawa sa nakatalikod na lalaki. Lumingon ito at laking gulat nya ng makita ang mukha sa lalaking kaharap
"Ikaw?
" Yes, it's me. "sagot ng binata na walang iba kundi si Night Taner
" Bwiset kang lalaki ka. Akala ko sino nagpakidnap sa akin. "bulyaw nya dito at binato nya ito ng tsinelas nya. Mabuting nakailag ito kundi sapul ito sa kanya
" Owwww." di makapaniwala ang dalawang binata
"Interesting." sabi ni Blue ng buhok
"Woman, why are you hitting me?" nagtitimping galit sabi ni Night sa dalaga pero di nagpapatinag ito
"Woman ka dyan. I have my name. Nagtanong ka pa? " Bulyaw nya.
Sumenyas si Night sa dalawang binata na parang enjoy pa sa nasasaksihan na eksena. Ayaw sana umalis ng mga ito ngunit pinukol nya ng masamang tingin ang mga ito kaya no choice ang dalawa kaya lisanin ang opisina.
"Ano ba kailangan mo?" bulyaw ni Bliss
"Can you tone down your voice? It's irritating." sabi ng binata
"Wala akong pake."
"You need to care." sabi nito sa emotionless na mukha
"I don't care. "
"You need me." sabi ng binata
"Anong you need me ka dyan?"
"You need money for the operation of your , Mother." he said nonchalantly. She was shocked.
"H-how did you know?" she asked
"Let's just say , I have my ways." he said. Tumayo ang binata sa pagkakaupo nito. He walks towards her.
Isang dangkal na lang ang layo nila
"And I have a proposal. I'll help you but in one condition." he said and she can smell mint on his breath
"W-what is it?"
"Be my daughter's mom." he said
Napanganga sya sa sinabi nito. Is he serious?
"Are you kidding?" sabi nya sa nabibiglang boses.
"I am not. "
"Kung nakipaglaro ka man Mr. Monteverde hindi ako interesado."
"Think of it Amarie. I'll give you one day to decide.Think of your mom." he said and iisang dangkal ang layoo nito. Tinulak nya ito.
"Bahala ka sa buhay mo." sabi nya.
Bumaba na sya sa bahay at ng nasa ground floor na sya.
Nandoon si Serenity at nakita sya nito
"Mooooommmmmmy." sigaw nito palapit sa kanya.Yumakap ito sa kanya
"I thought you gonna leave me , mommy.Don't leave me again,okay?" Serenity said. Naantig sya sa bata. Ramdam nya ang pangungulila nito sa isang ina.