Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Snow White and Her Guns

Ai_enma
--
chs / week
--
NOT RATINGS
5.8k
Views

Table of contents

Latest Update2
One4 years ago
VIEW MORE

Chapter 1 - Prologue

"ROBYN!!"

Sigaw ng kung sino man . Napalingon ako sa pagtawag pero hindi ko inihinto ang pagtakbo. Nakita ko ang grupo ng mga lalaking humahabol sa akin kaya binilisan ko pa ang bawat hakbang.

Kailangan kong umalis dito ! Kinuha ko ang hand gun ko nang may makita akong bantay na palapit na sa akin at sa isang iglap lang, bumagsak ang walang malay niyang katawan.

Kailangan kong makaalis dito ! Kailangan kong makalabas !

Nakarinig na ako ng mga motorsiklo na palapit sa akin kaya naman lalo ko pang binilisan ang pagtakbo . Sa itaas naman ay nakita na rin ng helicopter kung nasaan ako dahil sinusundan na ako ng ilaw nito, lihim akong napamura .

Kaunti na lang kaya mo yan ! 'Yun lang sinasabi ko sa sarili ko pero alam ng isang bahagi ng utak ko na hindi na ako aabot .

Natanaw ko na ang isang barikada ng mga tauhan ng demonyong iyon . Dahan-dahan akong napahinto sa 'di kalayuan mula sa kanila . Sa gitnang unahan ng mga lalaki ay nakatayo ang isang babaeng nakangiti sa akin . Mukha siyang anghel. Yeah she looks like an angel but I know better than to believe in her angelic features.

"Kung inaakala mo na kaya mong tumakas dito ng buhay Robyn, nagkakamali ka! Kung uulitin mo pa itong muli, diyan mismo sa kinatatayuan mo ikaw mamamatay!" sigaw niya . Tinitigan ko siya ng masama . Vayne Cruoso, ang tapat na tagapangasiwa ng Institusyon . Sa hindi ko malaman na dahilan, isa ang babaeng ito sa mga taong tapat sa matandang iyon . Isa rin siya sa mga taong kinamumuhian ko sa lugar na ito .

Sinenyasan niya ang mga tauhan nila na lapitan na ako pero mukhang takot sila lumapit sa akin dahil nagtinginan pa sila . Ngumisi ako sa kanila. Isang babae lang ang nakatakas pero halos nasa trenta na ang mga naka-abang sa akin dito sa gate. Wag nang isama ang mga humahabol sa akin kanina, na ngayon ay nasa di kalayuan sa likuran ko .

Mukhang nainip si Vayne kaya naman tinitigan niya ng masama ang mga alaga niya, "Ano?! Tatayo na lang ba kayo riyan?!" Sikmat niya sa mga kalalakihan .

Bahagya akong natawa sa ikinilos niya at isang masamang tingin ang itinapon niya sa akin, "May nakakatawa ba?"

Umiling ako, "Alam mo Vayne, hindi mo naman sila masisisi kung ayaw nila ako lapitan. At least they know me much better than you do!" sabi ko sa kanya .

"'Wag kang masyadong mayabang. Hindi porque ikaw ang paborito ni Ama, habang buhay ka ng may proteksyon. Babagsak ka rin isang araw, Robyn. Iyan ang itatak mo sa kokote mo!" Sigaw pa niya .

Nagsimula nang lumapit sa akin ang mga lalaki samantalang 'yung ibang naiwan ay tinutukan ako ng baril . Hinigit ng dalawang lalaki ang mga braso ko saka ako kinaladkad papasok ng isang sasakyan .

Nang makarating na kami sa main door ng Institusyon ay halos itulak ako palabas ng sasakyan bago ako kaladkarin muli papasok sa loob ng gusali. Nagpumiglas ako sa pagkakahawak ng mga bantay pero wala akong magawa sa higpit ng hawak nila sa braso ko .

"Bitiwan niyo ko !!" sigaw ko .

Sinipa ko ang isa sa binti at sinuntok naman isa, kaya nabitawan nila ako parehas . Mabilis akong tumakbo palayo sa kanila . Ayoko na rito! Ayoko sa impyernong ito!

Isang putok ang narinig ko at kasunod na nito ay ang paghapdi ng binti ko . Napa-upo ako sa sahig at nakita ko'ng may daplis ng bala .

Napatingin ako sa gawi ni Vayne na ngayon ay nakangiti sa akin, hawak ang isang baril na umuusok pa ang nguso habang nakatutok sa akin. Sumenyas siya at agad na tumakbo papalapit sa akin ang dalawang bantay at binuhat ako papasok sa opisina ni Josephus Daemon.

Iniitsa nila ako sa harapan ng isang makintab na lamesang gawa sa mamahaling kahoy . Sa likod nito ay nakaupo ang isang matandang lalaki sa isang swivel chair at sumisimsim ng alak . Nakangiti siya sa akin pero bakas sa kulubot niyang mukha ang disgusto.

Well, the feeling is mutual dahil ayoko rin sa kanya. Gusto kong burahin ang mga pangit niyang ngiti .

Wait! No, scratch that rubbish! Gusto kong buhay niya ang mismong buburahin ko sa mundong ito!

"Mabuti naman at bumalik ka kaagad sa amin Robyn. Bakit ba kasi atat kang umalis?!" Halata sa boses niya ang galit at panggigigil . Tumingin lang ako sa kanya.

Ang taong nakaupo sa harapan ko ngayon ay si Josephus Daemon, ang punu't dulo ng lahat ng kasamaan dito sa loob ng Institusyon. Hindi ito paaralan o kung ano mang nag-bibigay ng kaalaman sa mga bata para sa kanilang paghahanda sa kinabuka. Isa itong nakakasukang lugar kung saan tinuturuan kami kung paano ang pumatay.

"Alam mo namang pasaway ako Tanda! Bakit hindi mo na lang kasi ako pakawalan para mabawasan naman iyang sakit ng ulo mo?" sabi ko sa kanya .

Umiling naman siya, "Wala ka talagang galang! Ama! Iyon dapat ang itawag mo sa akin Robyn. 'Wag mo na ring hangarin ang iyong kalayaan mula sa iyong Ama dahil kahit kailan ay hindi iyon mangyayari!!"

Ama?

I smirked at his audacity. I fucking hate it when he insists on calling him that. Hindi ko naman siya Ama o kadugo, pero iyon ang gusto niyang itawag ko sa kanya .

I don't know who my parents are. Hindi ko alam kung may kamag-anak pa akong natitira . And I'm quite sure that ROBYN is not my real name .

But I'm stuck here just like those stupid, weak and sick kids . Some kids here enjoys what the Institution offers to them -teaching them how to use, diassemble a gun, how to poison a target, inflitrating, in short, they teach us how to be a freaking lethal weapon.

They have to learn or they will die. Matira matibay sa lugar na ito . Kung mahina ka -body and mind, kung awa ang paiiralin mo para sa kalaban mo, maghukay ka na ng libingan mo .

Some kids struggle with the life inside here, pero iba ako sa kanila, I'm too strong for a girl, too smart for an average teen, I'm too much of everything .

Hindi ko nga alam kung normal pa ako eh. I can sense danger. Tipong iniisip mo pa lang ay nakikita ko na ang kalalabasan. Susugod ka pa lang sa akin , nakapag-isip na ako ng sampung paraan para mapatay ka. Iyan ang dahilan kung bakit ilag ang mga tao rito sa akin .

He looked at me with disgust, dahilan na din sa ngiting nakuha niya mula sa akin. Inaasahan ko na ang susunod na mangyayari . Lumapit siya sa akin at tinitigan ako saka niya ako sinampal ng malakas .

Tumilapon ang katawan ko sa sahig at tumama ang ulo ko sa matigas na semento . Napahawak ako sa ulo ko ng nakaramdam ako ng hilo at ng umaagos na mainit na likido sa ulo ko .

Shit!

"Tandaan mo ito Robyn . Kahit saan ka pumunta hindi ka makakakita ng katulad ko dahil ako lang ang may kakayahang mag-aruga at mag-alaga sa inyong lahat ! Ako lang ang magmamahal sa inyo na parang isang tunay na Ama! Itinapon na kayo ng lipunan kaya kayo narito . Ngayon kung uulitin mo pa ang paglalayas , papaulanan na kita ng bala !" sigaw niya . Dahan-dahan akong tumayo at tumingin sa kanya .

"Mahal? Alam mo ba kung ano sinasabi mo? You don't even qualify as a father for pete's sake !! Sinong matinong tao ang magtatayo ng ganitong lugar? Tuturuan kami kung paano pumatay? Tapos mahal mo kami ? Kung ito lang ding impyernong ito ang resulta ng pagmamahal mo, pwes sa'yo ng lahat ng sinasabing mong pagmamahal!"

Tumayo ako ng diretso kahit pa nakakaramdam na ako ng hilo . "Pagbibigyan kita sa gusto mo ngayon, Tanda.  But it's either you kill me now hanggang abot mo pa ako or I'll kill you, because mark my words , kapag ako nakalabas dito .... I'll be the one to plant bullets between your eyes "

With that, umalis na ako sa opisina niya . Hindi na rin ako pinigilan ng mga bantay . I hate this place ! It's an Institution run by some sick pigs to raise future assasins . Mga mamamaslang na kaya nilang tapalan ng pera para gamitin .

Nakakasuka sila ! They made me sick but I guess in time, I'll be one too. And when that day comes, ako mismo ang magpapabagsak sa kanilang lahat . At ihuhuli ko ang matandang iyon !

Bumalik ako sa quarters at humiga sa kama ko . Napahawak ako sa sugat ko . Bwisit talaga ang hapdi !

"Ilang beses ko ba kasing sasabihin sa'yong wag ka na magtangkang tumakas ? 'Ayan napapala mo,"  napairap na lang ako sa hangin .

Bakit gising pa ito? Naramdaman kong umupo siya sa kama tapos ay may idinampi sa sugat ko . Mahapdi ang nilagay kaya naman mas pinili ko na lang pumikit para hindi niya makita ang reaksyon ko .

"Ayoko na rito, Harold kaya bakit pa ako mananatili rito?" sabi ko sa kanya .

His name is Harold . Lagi siyang nakabuntot sa akin magmula ng mapadpad ako rito . Mas nauna siya sa akin pero hindi tulad ko, ayaw niyang tumakas . Hindi ko alam kung bakit.

"Bakit? Ayaw mo na ba sa akin?" napataas ang kilay ko sa tanong niya . I can imagine him pouting while asking it . Dumilat ako at nakitang seryoso siya habang pinupunasan ang sugat ko .

"Oo . Ang ingay mo kasi ! Ang lakas mo pa humilik . Nasa kabilang kwarto ka na nga pero pakiramdam ko katabi lang kita sa kama!"

He smiled at me . Hayun na naman ang ngiti niya . It always do what it does to me, calm me down . Isang ngiti niya lang kahit galit ako , napapakalma niya ako . That's why we are always together . Sabay pa kaming napabuntong hininga.

"'Wag mo na itong ulitin . Baka mas malala pa ang gawin nila sayo sa susunod ."

"You know me, Harold . Matigas ang ulo ko. I don't listen to anyone," sabi ko pa . Tumigil siya sa paglilinis ng sugat sa binti ko at pinunasan naman ang ulo ko .

"Alam ko . Kaya lang kasi .."

"Ano?" tanong ko sa kanya ng hindi niya itinuloy ang sasabihin niya .

Umiling siya saka ngumiti, "Wala ! Sa susunod na tatakas ka, pwede bang sabihan mo ako? Sasama ako para naman pag nahuli ka may tagapagtanggol ka !"

Ngumisi ako, "Not gonna happen! Ano ako tanga? Knights in shining armors doesn't exist in my world , Harold . Magiging pabigat ka lang !"

I'm lying . Hindi siya magiging pabigat . Isa siya sa mga tao n kinakatakutan dito sa loob dahil sa galing niya sa pakikipaglaba. Pero hindi ako ganoon kasama para idamay siya kung saka-sakaling patayin na nga ako ni Josephus .

Ngumuso na naman siya . "Alam mo hindi ka makakapag-asawa niyan .  Grabe kasi iyang topak mo eh . Hindi ka ngumingiti . Hindi ka tumatawa . Ni matakot nga hindi ko pa nakikita sa mukha mo eh . Yung totoo? Tao ka ba talaga?"

"Ano tingin mo sa akin alien? And I don't care about marriage . Who wants to spend her entire life devoted to some spineless guy out there?"

"Haaay nako . 'Di bale, kapag wala ka pang asawa , hanapin mo na lang ako . Papakasalan kita kahit pa ugaling alien ka !"

Bumalik ako sa pagkakapikit and faced the other side of the bed, "Matulog ka na . May test pa tayo bukas, " sabi ko .

"Oh siya ! Goodnight, my future wife." sabi niya . Narinig kong bumukas at sumara ang pinto ng kwarto ko tanda ng pag alis niya .

Napamulat ako ng mata . How can he think about something like that in this kind of rotten situation?

"Future wife .. "

As those two words left my mouth, hundreds of question clouded my mind . But one stands out .

Do we even have a future? If so, what will it be?

Agad akong sumimangot . Damn bakit ba ako nakangiti?